pa join..
sa amin ni hubby, kahit nung mag BF pa kami, parang natural lang yung flow ng money. hindi kami nag usap kung paano ba pag budget ng money namin. i mean is kung may need ako ipabili, i can text him to please buy / pay something for me (businessman kasi siya so mas accessible sa kanya to run errands, eh ako tied to office hours) and if he needs me to buy / pay something, i do it too. then hindi na namin sisingilin ang isa't isa. it's like kung ano pera ko, pera mo na rin. also, sensitive naman siya na mas malaki kita nya, so kung kakain kami sa labas siya ang nagbabayad. pero kapag nagka extra money ako, i speak up and tell him na ako naman mag treat.
also, madali lang ang usapan ng money sa amin. we can get cash from each other's wallet casually but we're open naman kung saan napunta yung pera and kung may sukli we return it naman. also, we can give each other's ATMs and ask to withdraw for each other.
when it comes to personal stuff, pinag iipunan namin yun with our own money. if i really really like a bag or shoes na medyo steep ang price, he will not give me money for it (he does not understand why girls drool over nice shoes and bags) but ako nag iipon on my own, and if I have enough cash to buy it na, hindi naman niya ako pipigilan. huwag lang ma sacrifice yung basic needs namin sa house di ba? this is one of the reasons na kahit pinapatigil niya ako mag work, hindi ako pumayag. I want my own income. I want to share and contribute sa lahat ng expenses.
ON THE OTHER HAND...
kabaligtaran naman kami ng brother ko. his wife voluntarily resigned from work and decided to just stay at home. siya na ang kumuha ng ATM brother ko, so tuwing sweldo ng brother ko, siya ang nauunang humawak ng pera. yung bro ko, never nya na nahawakan yung pera nya. nanghihingi na lang siya ng baon sa wife nya. I remember nung bumisita kami sa kanila, nanghihingi ng money sa akin kapatid ko, kahit 100 lang raw. I asked why? kasi yung wife raw niya, ang binigay lang raw na baon sa kanya papuntang work is 100 pesos. Ginawang high school student kapatid ko! tapos ng birthday ng dad namin, nanghihingi siya ng 300 pesos pambili man lang ng cake, sagot raw sa kanya is "ayoko nga!". hindi talaga siya binigyan. kaya sorry ng sorry sa akin dahil na promise nya sa amin na sagot nya ang cake for our dad's birthday party.
nakakaawa nga brother ko. siya ang nagpapakahirap mag work tapos siya nagbebeg na bigyan siya ng pera na pinagtrabahuhan nya. yung wife nya, basta makarinig ng SALE nagmamadali pumunta sa mall. tapos uuwi na gutom na gutom. kakainin lang nila pagdating sa house nila pansit canton. nagtitipid raw kasi sila. nagtitipid sila sa basic needs!!! hay, nakakaloka.
may karapatan ang wife sa pera ng husband, pero huwag naman po lahat ay kunin. let him enjoy a part of his earnings naman. kung need talaga magtipid, identify the best areas to scrimp on and be open to your husband kung bakit. hindi yung i tetext mo ng "wala akong pakielam how you will do it pero dapat pag uwi mo may dala ka ng pagkain. (eh 100 nga lang baon db?) manghiram ka muna dyan kung kailangan." hay nako, goodluck!!