sa pagkakaalam ko, dapat i-intrega ni mister kay misis ang buong sweldo niya (parang sa pinoy movies diba), at bahala na si misis sa lahat ng gastusin sa bahay, pati ang pagbigay ng allowance kay mister. :-)
sahm ako at si hubby ang nagtatrabaho. sa abroad ang work niya, kaya ang nangyayari, monthly, pinapadalan niya ako ng allowance ko plus allowance ng mga bata, expenses, bills. okay na ako dun. tinatanong naman niya ako everytime kung hindi nagkukulang yung padala niya, buti naman at hindi kulang. :-) may times na medyo magastos kami ng mga bata, nauubos agad ang allowance. kaya pagtinanong niya ako, sasabihin ko naubos na namin (nahihiya pang magsabi). magpapadala naman siya ulit. :-)
ngayon, magkakasama na kami dito sa UAE. ganun pa din, bigay siya ng allowance ko, allowance ng eldest (dalaga na kasi). tapos expenses at bills siya na bahala. tapos kapag lumalabas kami, siya din gumagastos. kaya nakakaipon din ako.
alam ko naman kung magkano ang sweldo niya, at may mga allowances pa siya from company (car, food, accomodation, phone). pati bonus sinasabi niya sakin. hindi niya maitatago sakin yun kasi abot tenga ngiti kapag may bonus at increase. :-)
hindi ko na kailangan magdemand na dapat ipahawak niya sakin ng buo, kasi every sweldo, may nakabukod din para sa savings namin. wala na akong reklamo.
to TS naman. siguro maiintindihan ko pa kung ganito ang nangyari, okay lang kung gustuhin man ng asawa mo na nasa kapatid niya ang pera niya, fine! basta ihiwalay niya yung para sayo, ibigay agad sayo yung allowance mo bukod pa sa pinapahawak niya sa kapatid niya. okay na yan diba, atleast, hindi mo kailangan humingi sa kapatid niya na parang nanlilimos ka.