Author Topic: GT in Bahrain  (Read 42055 times)

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #200 on: September 17, 2015, 04:55:14 pm »
sis pinklilac nakakangarag nga grabe ako ang tense na tense sa unang byahe ni mader

sis three8one dito na tatakan sa bahrain stamp ok na yun na souvenir hahaha. ang ticket kaya na irereserve ko december na? ano kaya mas maganda mga sister. nagugulumihanan ako hahahaha

sis lovemeagain hinde pa ko naka-jolibee anh habaaaaaaa naman kasi ng pila, saka na kapag humupa na :D :D naka-jolibee ka na ba? musta lasa? lasang sa atin ba? aihihi

icegayle

  • Fabulous and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1201
  • ..G O D D E S S..
Re: GT in Bahrain
« Reply #201 on: September 17, 2015, 08:49:39 pm »
Hello mother ko nagvisit visa din dito last year ng manganak ako, 1st apo din he he he
Yun mga documents na prepare ko e Visa original, pina DHL ko yun sa akin kasi mahigpit Immigration sa atin and roundtrip ticket for 1month lang kasi yun visa na hawak nya e pang 1month lang yun. Dummy ticket lang yun ginawa sa return ng mother ko since magrerenew naman sya for another 2months, btw ang pagrerenew eh monthly, saka na ako bumili ng ticket pabalik ng pinas ng nandito na sya. Sa dummy ticket you can get it from the agency free or minsan BD10 ang charge sa case ko free kasi may agent kami sa office and also kelangan nyo din ng Affidavit of Support from the PHilippine embassy and dont forget to send your mother your passport copy, RP and CPR copy just in case kahit nga company contract ko dinala din ng mother ko. Yun passport copy ko noon hiningi ng Immigration sa atin yun sabi ng mother ko noon. Pagdating nya dito sa Bahrain Immigration wala naman na tanong pero need nya magbayad ng 5dinar If Im not mistaken at may resibo na ibibigay sa kanya wag nya iwawala yun, pwede din sya magbayad ng dollars.
« Last Edit: September 17, 2015, 08:55:44 pm by icegayle »
We can only move on  if we accept things we don't want to happen, learn things we don't want to know and let go of memories we cannot live without.. :D

icegayle

  • Fabulous and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1201
  • ..G O D D E S S..
Re: GT in Bahrain
« Reply #202 on: September 18, 2015, 12:54:14 am »
May chance ma offload ang mother dear mo kasi scanned copy lang pala ang ipapadala mo. Di yan tatangapin ng Immigration sa atin kasi kung scanned copy napakadali iedit ng mga details nyan. Even me kaya ko iedit nyan sa photoshop. Better send the original, its costly but better be safe than sorry.
We can only move on  if we accept things we don't want to happen, learn things we don't want to know and let go of memories we cannot live without.. :D

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #203 on: September 21, 2015, 03:29:50 pm »
hi sis icegayle, hinde na ba hinanap yung birth certificate mo? salamat ng marami

icegayle

  • Fabulous and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1201
  • ..G O D D E S S..
Re: GT in Bahrain
« Reply #204 on: September 21, 2015, 04:19:19 pm »
Hindi sis. Even yun Affidavit of Support hindi rin hinanap ng  Immigation. Sa totoo lang, its no use gusto lang talaga kumita ng Embassy ang mahal kasi ng charge sa Affidavit of Support BD10 ba or 20 something like that. Come to think of it, narelease na nga ang Visit Visa nya from Bahrain that means kaya mo sya isupport financially. Unnecessary talaga yang affidavit na yan.
We can only move on  if we accept things we don't want to happen, learn things we don't want to know and let go of memories we cannot live without.. :D

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #205 on: September 21, 2015, 08:02:32 pm »
oo nga sis e, kasi diba may gosi na ibig sabihin naabot ko yung requirements kaya na-issue ang visa. yung affidavit e 10.340bd. wala e kelangan kumita ng gobyerno natin haaaayyyy. pinapa-update pa sa akin yung sa poea daw yung sa oec yata 15bd daw. grabe nga pero sige ok nalang

icegayle

  • Fabulous and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1201
  • ..G O D D E S S..
Re: GT in Bahrain
« Reply #206 on: September 21, 2015, 08:10:12 pm »
^Whats that for? Di ka naman uuwi diba I really dont get that OEC thing. Mga ibang lahi naman walang OEC, they can go for vacation anytime they like. Philippine government should issue a NAtional ID instead, same like CPR, Iqama.
We can only move on  if we accept things we don't want to happen, learn things we don't want to know and let go of memories we cannot live without.. :D

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: GT in Bahrain
« Reply #207 on: September 22, 2015, 03:41:07 pm »
^^ at pumayag ka magpa update ng POEA para sa OEC?? Hmmm..  :o

Pinoy nga naman, alam na alam kung sino kayang kaya nilang maloko.

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #208 on: September 22, 2015, 05:25:26 pm »
Oo mga sis nirenew ko talaga yung oec ko sige pumayag nalang ako kasi sabi sa immigration minsan check nila sa computer kung updated ka sa oec membership mo. kaya ayun nagbayad nalang ako.

At eto pa mga sis, dahil kahapon ng hapon ko nakuha ang visa ngayon umaga ako nagpunta sa embassy para sa mga requirements nila.  at sabi sa sunday (sept. 27) ko pa daw makukuha yung affidavit, nakiusap ako sa consul kanina sabi bumalik daw ako ng mga 3 or 4pm tignan kung napirmahan na nya.

Ang mga tao sa embassy may nagsasabi na pwede na ang scanned copy ang iba ang sabi original copy ng visa at affidavit. ang gulo gulo kasi ang flight sana ni mama ay sep. 28. hinde aabot ang original copy na ipapadala sa dhl dahil 10 days daw yun bago dumating sa amin :'(

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: GT in Bahrain
« Reply #209 on: September 22, 2015, 05:57:49 pm »
^^Uuwi ka ba ng Pinas? Di ba Mama mo ang pupunta dito? Baka naman nalito sila na akala eh ikaw ang uuwi. Kasi hindi naman iche check ng immigration sa Pinas ang OEC mo kasi hindi naman ikaw ang aalis dun -- none at all! San kaya hinugot ng mga to ang logic na yun? Eh yung passport ko nga iba na ngayon compared nung unang alis ko satin. Namera lang ang mga yan! akala siguro eengot engot ka (sorry bro ah!). NUng tinanong ka kung updated ang POEA status, ang sagot mo dapat diyan eh, "OO updated na! mga buwaya!" :) Anyways, andiyan nayan binayaran mo na.. may cut off lahat ng couriers kung anong araw at oras nandun dapat ang document mo. nag inquire ka na ba? I used Aramex before, sa experience ko 4 working days sila kasi Manila lang naman ang recipient.

« Last Edit: September 22, 2015, 06:00:23 pm by lovemeagain30 »

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #210 on: September 22, 2015, 07:01:36 pm »
oo sis sinabi ko nga din na hinde naman ako uuwi e, pero sabi nila e minsan check daw ng immigration sa computer yung data ko kasi ako nga daw ang magsupport kay mama andami pang sinabi sabi kaya sabi ko sige na bayaran ko nalang. nagmamadali talaga sana ako sa mga papeles tapos iniipit ipit pa nila. sabi nga ng tita ko alam  mo ako nakuha ko ng mabilis kasi nagbigay ako ng 5Bd sabi ko pang merienda  ??? ???

ia-aramex ko nalang yung papeles para original nakakatakot kasi talaga ang immigration sa atin puro lolong

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: GT in Bahrain
« Reply #211 on: September 22, 2015, 07:34:02 pm »
during the time na andun ka did you ever mentioned to them na 'first time' pupunta ang nanay mo? Kasi kung OO baka dun kumuha ng idea ang mga buwayang eto para perahan ka! saan yung nagsabi sayo na magpa update ka ng OEC? Yung sa kwarto ba sa left side mula sa pagpasok mo ng entrance? Dun kasi yung processing ng mga affidavits eh -- Or yung sa right side sa likod ng guardiya? Babae or lalake ang kumausap sayo? Kaya ko natanong sayo kasi pabalik balik na kasi parents at anak ko dito yearly kaya most of the time kilala ko sila sa mukha lang.. last punta nila dito ay nung April lang.balak ko kunin ulit sila next year kaya gusto ko malaman kung anong b******t naman etong pinag gagawa ng gobyerno satin.

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #212 on: September 23, 2015, 02:46:46 pm »
ang sabi ko eto na po ang papers para sa affidavit para sa mama ko, ano na pong form ang f-fill-up-an?tapos tinignan ako tapos nasa likd ko kasi yung asawa ko e arabo kasi, ang unang itinanong sa akin ay "updated ka ba sa poea, kelan huling uwi mo?"  yung nakaupo dun sa may entrance sa right side yung parang reception nila. Yung lalake dun, yun ang nagtanong sa akin.  sabi updated daw ba ang oec ko yung sa poea daw dahil chinecheck daw yun sa immigration dahil ako daw nga ang sponsor. sabi ko e 2009 pa ako last umuwi sa pilipinas sabi aba e kelangan mo iupdate yun dahil baka magkaproblema ang mama mo sa immigration.

 kaya ayun talagang binayaran ko nalang kahit walang sense dahil oec e balik manggagawa nga at hinde naman ako babalik, pero dahil lang hinahabol ko ang pag-send ng papers before eid sige bayaran nalang

naki-usap nga pala ako kay vice dun sa affidavit kung pwede e makuha ng afternoon, ayun nakuha ko naman ng hapon kaya deretso ko na send sa aramex.

Sana talaga maging maayos ang lahay hayyyy



lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: GT in Bahrain
« Reply #213 on: September 23, 2015, 04:02:00 pm »
Oh so yung nakasout ng "light blue" na lalake na nakaupo dun sa area sa kanan kung saan kinukuha ang mga papers na pipirmahan? yung may mga folders sa lamesa niya? Medyo matanda na medyo kulot? Aysus security guard lang yun! sila ang pumupwesto dun. anong b******t pinagsasabi nun about checking sa immigration?! Anong alam nun? Eh matagal na nga yata hindi nakakauwi yun satin. susmio siguro dahil kasama mo yung asawa mong Arabo typikal Pinoy may mapagkakitaan lang.  Nabubwisit talaga ako sa ganyan mga tao na kapwa Pilipino niloloko ka pa.

Anyways sana umabot papers mo sa Mama before the magholiday satin. Haay matatapos din yan at  enjoyin mo nalang stay niya dito. sulit sulitin! :) pero next na visit niya, you know already what to do.  ;)

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #214 on: September 23, 2015, 04:52:02 pm »
oo sis yun nga, pero naka-brown siya kahapon hahaha ok na yun sis basta makarating dito si mama mawawala sama ng loob ko sa sobrang pahirap ng embassy. Kung hinde pa ako nakiusap kay vice e yung afidavit sa sunday pa daw makukuha grabe naman. kala ko bagong shiny shiny na paper na may magandang stamp yun, yun pala yun din sinulatan ko na papel pinirmahan at tinatakan lang 10.340 na agad un  :o :o

salamat sa mga sis na sobrang helpful :)

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: GT in Bahrain
« Reply #215 on: September 23, 2015, 08:18:55 pm »
True to that Kapatid! ganyan kamahal sa napaka simpleng trabaho. pede ko nga gayahin nalang yan kung di lang masamang gawain..hehe.
« Last Edit: September 23, 2015, 08:21:25 pm by lovemeagain30 »

bhmomma

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 35
Re: GT in Bahrain
« Reply #216 on: September 24, 2015, 03:30:45 am »
Kaloka yang oec ek ek na yan ng embassy natin. Kung ako sayo sis di ako kukuha, tama yung ibang mga sis natin bakit uuwi ka ba at kailangan mo kumuha nun. Naalala ko nung ni-visit visa ko ang mother ko last 2011 nanganak din ako nun 1st baby. Same procedure kay sis icegayle yung ginawa ko. At ni hindi nga daw tiningnan ang affidavit of support na yan. Anyway nandiyan na yan good luck sa pagdating ng mother dear mo. Charge it to experience na lang alam mo na ang gagawin next time 😀

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #217 on: September 28, 2015, 01:58:08 pm »
oo nga mga sis sayang yung 10bd na oec pero sige nalang ganun talaga e andaming fees.

mga sisters ang terminal fee etc ba ay 1620. as in yun lang ang babayaran o meron pang iba? may nakita kasi ako na nakalista sa travel tax rate full rate: 1620 standard reduced rate 810 ofw dependant 300 processing fee 200

lahat ba yan babayaran ni mama sa atin or yung 1620 lang?

hay Feelippines

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: GT in Bahrain
« Reply #218 on: September 29, 2015, 03:28:10 pm »
Hindi ako sure sa exact price ng travel tax kapatid kasi sina Mama ko na nagbabayad niyan pero meron nga yan! aalis na nga lang may pagkakaperahan pa ang mga ulopong na eto.  >:(

eman306

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: GT in Bahrain
« Reply #219 on: September 30, 2015, 02:30:32 pm »
basta nagpadala nalang ako ng 5k para sa mga ulupong sis. di bale sana kung maliit ang tax e kasi wow ang laki kala mo naman super hi tech ang airport natin  ???

 


Latest Stories

Load More Stories
Close