Author Topic: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?  (Read 108366 times)

kawen

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #240 on: May 19, 2011, 10:45:15 pm »
^wow bongga sis mikmik.. sana nga mgtuloy tuloy na yan.. ako nga din, unexpected haaaay.. feeling dalaga talaga sabi nga ni sis cuteabby.. well we're EXes who fell inlove again.. nandun pa din ang kilig and the love is stronger the second time.. :)

Welcome sis chiqmom, craziestqueenever and cushyfem! Share your story or anything, kwentuhan tayo dito... :D Yes sis cushyfem, when I started this thread, I was really depressed and is longing for someone to be with, my relationship with the exDAD didn't work out, although we tried, wala na talaga hindi ko na siya mahal.. hindi na selfish ako and I know my son deserves to have a family pero kase hindi ko na kayang pagdaanan ulit lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa tatay niya, I've already forgiven him and moved on without him..

Ngayon happy na kase HE's there.. the guy who makes me smile, who makes me feel loved and important.. lost him once and I don't want to loose him again. :)

m i k m i k

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #241 on: May 20, 2011, 12:00:06 pm »
^ sis, naisip ko din minsan na ang selfish ko kasi i didn't wanna try it out again. pero naisip ko kasi magiging ganun din sa future. so better, maghiwalay na lang..

kawen

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #242 on: May 20, 2011, 07:54:12 pm »
^No not with the father of my son.. In the earlier parts of the thread I talked about the exDAD, the past really hurt me that much.. well I tried to make it work with him last year, pero na realize ko na hindi ko na talaga siya mahal and he has an attitude and I don't see myself with him..

I am with my EX from years ago, our paths crossed again and the time when we had the chance to meet we talked and fell in love again.. he's the one that got away. :) and now we're working on it, LDR kame, parang exciting and I know it's risky but we're doing what it takes to make the relationship work.

Hesterliness

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #243 on: May 20, 2011, 11:53:38 pm »
yes,of course.they will truly find him.Not every men is judgemental, coward, narrow minded and selfish.People who judges single mom because of their past mistakes or bad experience had a problem of accepting people of fault maybe because they find their lives flawless.
Maybe you can WAIT depending on your lifestyle..I mean pano kung bahay-ofis ka lang?How sociable are you?pwede siguro mag wait kung parati kang lumalabas at may chance na may nakikilalang ibang tao eh kung hindi naman chat online na lang wider your horizon.Nga lang getting to know each other online is the same as kausap mo in person..pwedeng totoo,pwedeng hindi hi-tech nga lang.

@pichness@

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #244 on: May 22, 2011, 11:26:38 pm »
Im 9 months pregnant and just awaiting for the arrival of a package from heaven. I'm a single mom kasi di na nagparamdam ang dad ng baby ko upon knowing that I was pregnant. Long story...

Ako, I had been to several failed relationships. Kaya medyo nega na ako pagdating sa finding true love. Yung mama ko umaasa pa na ikakasal ako balang araw pero ako now eh sabi ko kung mangyayari yun then be it. I just always pray to God na sana kung may lalaki man na aali-aligid sa akin eh wag na lang Nya papasukin sana sa buhay ko kung hindi naman maganda yung pakay nya. Ayoko na kasing masaktan pang muli lalo dalawa kami ng baby ko na dapat nyang ma-accept. If he'll come, then I know in God's perfect time, he'll come. Kung wala, ok lang din. It means I'm better off alone with my child. Check!

cuteyabby

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #245 on: May 23, 2011, 04:20:07 pm »
ako before akala ko ok na mag-isa with my 2 sons. pero ang galing kasi kusang dumating ang love of my life ngayon. nag-iba ang pananaw ko buhay. galing talaga ni God. and im so thankful to Him talaga for giving him to me. :)

slickchick

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #246 on: May 23, 2011, 05:18:26 pm »
^ naku sana sis lahat ng single moms would have a happy ending like you.  :) personally, i am also hoping that The One will come my way soon. nakakaawa na rin son ko (5-years old) everytime i hear him pray for a "good boy papa". oh well.. sana naman pakinggan na ni God prayers nya.

st_upid

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #247 on: May 24, 2011, 12:35:55 pm »
Ako, I'm a single mom of 3. I have this office mate na lagi kong kakulitan. Pero siyempre ilag ako sa kanya kasi nga i have 3 kids, eh binata siya. Lagi din daw siya pinag sasabihan ng ibang friends namin na baka ma-fall nga kami sa isa't isa eh may excess baggage na daw ako. Pero you know what, hidni din namin napigil eh. Sabi nga niya sa friends niya, hindi ko kasalanan kung may 3 anak na ako. Malas lang daw niya kasi nauna ko daw nakilala yung ex ko kesa sa kanya.  hehe. Ngayon happy naman kaming magkasama at love na love niya mga anak ko. Lagi ko nga sinasabi na may ginawa siguro akong mabuti nung nagdaang buhay ko at nabigay siya sa akin ng diyos. Have faith mga sis, darating din ang tamang lalaki para sa inyo.

cuteyabby

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #248 on: May 24, 2011, 01:21:29 pm »
hi sis slickchick, we're still on the process of adjustment. we're not yet living together but we're planning kasi ang hirap ng magkahiwalay ng house. but the feeling of security nandun which is i think sobrang importante sa isang relationship and TRUST. and we're so much in love right now kahit we had a son na & i have 2 sons with my late husband. sobrang thankful ako sa kanya kasi he accepted who i am. like sis st_upid, wala din syang pakialam kahit 2 na anak ko. basta importante mahal nya ako at mahal ko din sya. :)

kawen

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #249 on: May 24, 2011, 11:29:00 pm »
wow.. congrats sis st_upid and cuteyabby kilig naman yan.. :) soo happy for you both!

sis slickchick - oo naman, I do believe we will all have a happy ending.. basta wait lang tayo and in time darating yun..

sis pichiness, congrats lapit ka na manganak.. :) pag nakita mo baby mo hay sobrang sarap ng feeling lalo na paglumalaki while you take care of him.. I understand what you're going through, well I know someday you'll be ready to open your heart to someone.. hindi naman lahat ng lalake ganun, tama ka in God's perfect time, it will come. Ano baby mo? when's your due?   
 
Hay mga sis.. now that I am ok with my love life, another concern ko now is my career.. I've been thinking of applying abroad.. pero iniisip ko I have to sacrifice not seeing my son in 1-2 years if ever man.. iniisip ko sumunod sa kanya, and find work there, naghahanap na ako career opportunities pero hindi ko pa inaapplayan.. kanina lang tinawagan ako ng headhunter pero dito lang satin, iniisip ko kung lilipat ako ng company..

Here's my post in the other thread.. advice naman.. :)

Hi mga sis! I really want to work abroad, I'm an IT grad, multimedia specialist, 26, iniisip ko kung saang country in Asia ako pwede.. I am in a good company here (4yrs. na), pay ok lang (long term, I think hindi ok), good working environment naman, ok mga officemates kaya hindi ko maiwan, 2 times na nagtravel sa US and I am holding a 10yr. multiple US B1/B2 visa, expiring 2017.. natatakot naman ako magTnT.. Single mom pa ako, may son will be 2 na this year... Hesitatant ako kase I'm scared being away from my son.. Any advice? Thanks in advance. :)
« Last Edit: May 25, 2011, 12:26:05 am by kawen »

potatomato

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #250 on: May 26, 2011, 08:45:56 pm »
hi mga sisses...I never thought joining a forum could be heart-touching..I know how it feels..I know the fears..I feel the pain..but I want to share my story to you mga sis..
I'm 29 now..I got pregnant at 17, gave birth at 18..very young and very wrong. Then got pregnant again gave birth at 19..two kids at a very young age, tapos yung father nila(my ex) ay napakasamang tao.name it.lahat ng bisyo and not to mention bugbog ako..and we lasted for 5years..imagine, 5years ako nagtiis hoping he would change as he matures..so year 2005, i gave up, AYOKO NA AND I NEVER WANT TO GO BACK.keep reading mga sis..:)
at sobrang natakot ako, mawalan ng kung anong meron ako when i was with him(car, money, buong family)..i came from a broken family and ayoko SANA maging ganun din ang mga anak ko..pero I had to leave. True enough, nawala lahat sa amin (up to this point, NEVER nagsustento)..pero kailangan ko maging strong para sa mga anak ko..they witnessed everything, as in, kaya sila ang mas dapat kong proteksyonan..
more than a year passed, work ako ng work para mabuhay kame(thanks to mom and dad for the support din)..isip ako ng isip, pano pa ako magugusthan eh may sabit akong dalawa, it's either sa may asawa ako mapunta o sa foreigner :) yun ang mga tumatakbo sa isip ko..may mga nagpaparamadam, pero i know naman kung ano lang ang gusto nila..panandaliang lokohan..i mean , mafeefeel naman ng babae ang intensyon ng lalake eh.
I prayed to God, sabi ko Lord i know na You  have the best plan for me and my kids..sabi ko i am not hoping for somebody so great, pero sana Lord may magmahal sakin ng totoo at lalo na sa mga anak ko..kasi ako, ibibigay ko ang 100% ko.
Isang araw, nasa birthday party ako ng officemate ko..nakatulog ako sa sofa :) kasi wala pang tao, at narinig ko parang may bisita na, so dumilat na ang eyes ko..when I opened my eyes, corny man, pero true, parang nasabi ko "nasa langit na ba ako?...may anghel sa harap ko"
I never believed in love at first sight, sabi ko dati kalokohan..how can you love someone na isang at unang beses mo palang nakita..pero when i saw this person (i didnt even know him) parang nasabi ko "siya na"
Then we were introduced...at dun na nagsimula at bago kong buhay..
It wasnt easy, he's a single man, a year older than me, he's gwapo, he's an engineer sa ship..
Hindi ko pa kagad nasabi sa parents ko,kasi hindi ko rin alam kung ano ang meron para sa amin, baka mahurt lang ulit ang magulang ko, pag nag fail ulit ako this time..so naging kame..happy parang nagdadalaga ulit :)
pero I felt na I had to prove myself, na kailangan ko maging karapatdapat..
hindi ako tanggap ng pamilya nya..ayaw nila kasi daw kaya ko lang daw sha gusto para may bumuhay sa mga anak ko..
Pero hindi nya ako sinukuan..i got pregnant :) i asked him, ano ang plano mo?kasi kung iiwan mo lang ako, ngayon palang, sabihin mo na..
Sabi nya, you know na ayaw ng lahat sa relasyon natin, pero tuloy tuloy lang tayo.
He left, sumakay na sha and 9mos ang contract nya...so habang buntis ako, i had to work (nightshift) kasi natatakot ako baka bigla nalang sha mawala, pano na ako, madadagdagan pa ng isa ang anak ko..work work work, hindi sha masyado tumatawag, once a month lang..hindi ko alam kung ano na ang lagay namin or magiging lagay namin pagbalik nya..
I gave birth na wala sha, nahihiya ako manghingi ng money kasi I want to prove na hindi ako mukang pera. Pero he sent me money bago ako manganak..2mos after, bumalik na sha..kabado ako kasi hindi ko na alam kung meron pa o wala na.
Nagbago :( ramdam ko na hindi na nya ako mahal, or parang hindi nya ako talaga minahal dati.
Pinakilala ko sha sa mga kamaganak ko, kabado, takot ako mahusgahan..
At mas lalo ako natakot, kasi parang papunta na naman ako sa ISA pang failed relationship..
kinausap ko sha, bakit kako ganun,ano nangyari, sagot nya sakin na baka totoo yung sinasabi ng mga kapatid nya(na ayaw sakin) na hindi ako ang best for him.sinabi rin nya na pano pag may dumating na best para sa kanya , pano na daw ako..
GUMUHO ang mundo ko, kami parin, pero we dont live together, punta sha minsan, madalas wala..
i wished naa nasa barko nalang sha para hindi ako nasasaktan knowing he's here pero he's not with us..
Tuloy tuloy ako nagwowork, salamat sa mga naging kaibigan ko, isang mommy din 45yo sha, at isang pintor na never nagkagf 22yo...sila ang naging suporta ko..at im happy hindi ako napunta sa mga kaibigang dadalhin ako sa mas malungkot na buhay..steady lang ang buhay ko, umiiyak lagi pero nagpapakalakas para sa 3 anak ko..
mga sisi sori nman ang haba heheh..keep reading please..
2years na nakalipas, isang araw nalang bigla, pag gising ko, sabi ko, ayoko na ng umiiyak, baka nga tama sha, im not the best for himm(ouch) and he's not the best for me too!
nasa barko sha, hindi nga sha masyado nakikipagcommunicate, email lang ako pag may importante akong sasabihin about our daughter.habang wala sha, naging strong ako..kaya ko na, tanggap ko na na wala na..pero wag lang na makita ko sha, kasi mahal na mahal ko sha..
Umuwi sha dito, nagkita kame, pero , i know he noticed na nagiba na ako, malamig na ako at umiiwas na akong makipagkita sa kanya..hindi ko sinasagot text nya or tawag nya, unlike before, kulit ako ng  kulit at atatirat akong makita sha.
Btw, gusto sha ng parents ko, gustong gusto infact, kasi responsable sha, at masaya ang mga 3 anak ko sa kanya.Oo sisses, mahal nya na ang mga anak ko. sakit no?madidisappoint ko ang mga anak ko pati parents ko, kasi akala nila ok na, ang hindi nila alam, im bleeding..
He asked me kung may iba na, sabi ko wala.hindi ko masabi na i love you very much, but i am so much hurting kasi ang baba ng tingin nya sakin.hindi ko masabi na, i had to do this para sa kinabukasan ko at mga anak ko.hindi ko masabi na ayoko tumanda magisa.hindi ko masabi na gustong maramdaman ulit na mahalin naman ako.
Nanindigan ako, talagang tinapos ko na hanggat kaya ko pa lumayo..
Days passed, weeks passed, talagang deadma ako, pumupunta sha sa bahay ng mas madalas, nakakapagtaka, pero nagkukulong lang ako sa room.sila lang ng mga bata nasa sala naglalaro.
it felt better..oo mahal ko pa sha, pero mas hindi ako nasasaktan nung wala na kame..
hanggang napansin ko, nangayayat sha..as in pumayat sha (at lalong gwapo na sha)..at kinausap nya ako, magkita raw kame maay sasabihin sha
Pumayag ako, mixed emotions..gusto ko ayaw ko kinikilig ako natatakot ako
Nagkita kame sa araneta (malapit sa work ko) umiiyak sha, sabi nya akala nya hindi nya ako mahal, akala nya wala lang kung mawala ako, pero narealize daw nya na ako na ang buhay nya..
na hindi na buo ang buhay nya kung wala ako sa buhay nya..sanabi nya na mahal nya ang anak namin at ang mga anak ko.
nagiiyakan kame, hindi ako nagsasalita kasi hindi ko alam baka hindi totoo.i was holding back my real feelings..pero  umiiyak ako ng sobra.sabi nya hindi raw nya kayang isiping wala na ako.
kasi naman, wala naman akong pinakitang masama sa kanya at sa pamilya nya khit bad ang sinapit ko ko mga kapatid nya..minahal ko sha ng tapat at buo at walang humpay na pasasalamat ko kay Lord for giving him to us..
shempre, ako mahina, at nagmamahal , bumigay na..sabi ko mahal ko sha ng sobra at patuloy ko shang mamahalin..
Since then, mga sisses, nagsimula na ang mas masaya kong buhay.
Paguwi namin, nagpaalam sha sa parents ko, na magsasama na kame at ng mga bata..
Oo maraming adjustments kasi pareho kame hindi sanay pa..pero walang kapantay ang happiness..
ngayon 5years na kami..dalawa na anak namin (4 na sila lahat)mas malakas, mas masaya, mas mahal namin ang isatisa.

salamat sa pagttyaga nyo sa pagbasa ng story ng buhay ko..
gusto ko lang sabihin sa inyo na may Diyos na nakakakita at nakakaalam ng best para sa atin.
wag tayo matakot magmahal at masaktan at mahalin.

sadyang may mga swerteng babae na hindi kailangan mageffort o masakatan, na tipong kahit may anak, eh may lalaking humahabol pa at tanggap ng pamilya ng lalake yung babae..pero karamihan  hindi ganun ang kapalaran..
katulad ko, kinailangan pang dumaan sa ibat ibang obstacles , pero it was all worth it..

at ngayon, pauwi na ulit sha :) sobrang happy and excited kame magkita, everyday kame naguusap at everyday mahal namin ang isat-isa..sana mainspire ko kayo mga sis..may pagasa pa..hanggat may hininga at hanggat marunong kang magmahal..

greenpease05

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #251 on: May 27, 2011, 12:13:46 am »
Hello Hello! Absent for a long time sorry naman daw mga sis at naging abala ang sister nyo for a long time.


Anyway, I'm so happy to read that most of our sisters here already found the ONE ika nga natin. Very proud of you guys that you didn't gave up.  And tama ang lahat dito di ba? The right man will come and woo you away in Gods time. Di pwede ito pilitin kasi baka mahilaw eh masaktan ulet tayo. he he he!

kawen

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #252 on: May 27, 2011, 04:44:00 am »
WOW... sis potatomato :) wala ako masabi.. hehe.. naiiyak din ako.. :D Thank you for sharing your beautiful story, I'm sure it will inspire everyone here. (tyagaan lang nila magbasa).. Ano nga pala mga kids mo, girls/boys? hehe.. saya saya niyo naman, well we are entitled to our own happy ending and I'm sooo happy for you despite everything you've gone through.. it's all worth the pain and sacrifice..

(Hugs & Kisses) I admire you for being strong for your kids.
Grabeeeeeeeeee! I'm so teary eyed, LOL.. :) 

Hi sis greenpease05, welcome back!! Ano ang pinagkaabalahan mo? Me? So far so good.. hehe baka mahirapan ka magbackread niyan.. :) problema ko ngayon is career hehe..
« Last Edit: May 27, 2011, 04:50:06 am by kawen »

paulina19

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #253 on: May 27, 2011, 05:09:33 am »
Hi sis potatomato...am so happy for you.. ganun talaga sabi nga sa movie na sex and the city..True love comes to those who patiently waits"...am still praying talaga na may dumating pa pra sa kin coz pag lumaki na mga kids ko..masarap pa rein feeling na may kasama kong umiinom ng kape sa umaga hehe.

hi sis kawen...u mean willing ka rin mag work aborad? paano si baby?? ako nga everyday call ako sa mga kids. sobrang na bored na rin kasi ako jan sa pinas, sa bank ako. And now give up ko na muna carrer ko jan..di na ako happy. Nag try muna work here sa dubai sa isang bank din..plan ko namna, kunin mga kids ko dito kahit na 2 years lang and then lipat naman kami another country. malaki naman na sila 12 and 13. Importante kasama ko sila...wherever I am. Neighbor lang kasi namin ang ex husband ko..and andun lahat ng elative nya kaya asiwa ako lumabas..not compfortable.
  till next ulit balittaan mgaa sisses...

kawen

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #254 on: May 27, 2011, 05:25:58 am »
Yes sis willing to work abroad, habang bata pa si Kyle, mag 1 1/2 years old palang naman siya.. and given the time makakaya ko naman siguro munang magsacrifice kase I really want to be financially independent and stabled. Hindi kase enough and na-earn ko ngayon, actually my son is not with me now, he's in the province and I only get to see him once/twice a month so parang ganun din diba, yun lang have to sacrifice not seeing him a year/two if mag-abroad ako...

Really need your advice.

greenpease05

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #255 on: May 27, 2011, 07:16:33 am »
 Anong pinagkakaabalahan ko? Aahhh Nag retire na kami ni hubby ng tuluyan here sa pinas di ba so eto ngayon ang pinagkakaabalahan ko ang pamilya ko. So far going strong kami ni hubby walang hassle  at saka madali naman siya naka adjust here sa pinas kaya wala na akong problem.

Si daughter naman ayun naka adjust na rin na magkakasama na kami sa iisang house.=) Magkasundo ang mag ama ko kaya wala na akong mahihiling pagdating dun.

Like the others here I patiently waited din for hubby to come along. 3years of being a single mom and 6years before I said yes to his proposal. and We are now on our 6th year together.  Kaya eto fruit of my waiting. Maayos at maganda ang kinalabasan ng pag aantay ko. Sana tuloy tuloy na.

Kawen, Ay career naman ngayon? hmmmm.... sige GO if you must sister But don't forget to keep in touch kay baby madalas  bilang mas maganda talaga kung nakikita o kasama ka nya. =)

potatomato

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #256 on: May 27, 2011, 11:47:03 am »
salamat sa mga nagtiyagang magbasa :) kids ko 11-girl, 10-boy , 3 - girl , 2mos-boy
binasa ko nga rin now lang hehe naiiyak din ako. .shempre ang buhay nonstop naman ang battle diba..hindi rin kame perperkto, nagaaway din kame,at we both know na marami pa kaming away na gagawin hehe pero sabi nya wag kame susuko.wag ko daw sha susukuan at sha din daw magiging strong.
kasi di nyo na naitatanong mga sisses, sobrang bad ng family nya sakin..as in..i mean, tayo minsan may pagkamaldita, diba, pero hindi natin kaya na mangbastos na parang wala tayong breeding..
sorry naman, i know this is not right to say(sana hindi nya mabasa hehe) pero walang humpay na mura at insulto ang inaabot ko sa mga kapatid nya..at until now, hindi kame makapunta sa house nila, ni hindi nila gusto makita mga pamangkin nila/apo nila. nakakalungkot ..kasi diba yung iba pag pasko nagpupunta sa house ng asawa, may party, kame hindi invited.sabi nya sakin hindi naman daw nya kasalanan kaya wag daw sasama ang loob ko sa kanya..ayaw nalang din nya ipilit kasi mga sis, wild talaga mga kapatid nyang babae..literal na palengkera..sumusugod pa yun sa house namin, daig pa asawa, sabi ko nga ano ba yan parang kabit ako sinusugod ng asawa..
30++ na mga kapatid nya at may mga asawa na, nakikialam sila ng sobra.at ayaw nila ako tigilan.
infairness naman sa asawa ko, pinagtatanggol nya ako, kaya lang naawa din ako kasi nasa barko sha at nagtatrabaho, tapos ngangaragin pa ng mga kapatid nya..kaya iniintindi ko nalang.

yan isang patunay na hindi ganun kadali ang buhay pero wala naman kapantay ang kaligayahan, basta magkasama kaming ang buhay..sabi nga nya, hindi daw sha nawawalan ng hope na babait yungg mga kapatid nya..hehe goodluck

sa totoo lang wala akong masyadong care, wag lang nila idadamay ang mga bata..naawa lang ako sa asawa ko kasi naiipit sha..

m i k m i k

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #257 on: May 27, 2011, 11:53:53 pm »
^ sis nakakaiyak story mo! Very inspiring!

mjegsg

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #258 on: May 30, 2011, 03:18:01 pm »

pa join po!! im also a single mom 5 months pa lang kami pinalayas ng tatay ng baby ko sa haus na me. nainspire naman ako sa story mo sis.
« Last Edit: May 30, 2011, 03:34:25 pm by mjegsg »

cuteyabby

  • Guest
Re: Can a single mom ever find true love? What to do? WAIT / DATE?
« Reply #259 on: May 31, 2011, 12:04:27 pm »
gusto ko lang sabihin sa inyo na may Diyos na nakakakita at nakakaalam ng best para sa atin. wag tayo matakot magmahal at masaktan at mahalin.

sis, nakakaiyak yung story mo at the same time it is a happy ending! :) and i like this thought kasi yan din ang iniisip ko before i met my Mahal. and i know everything happens for a reason and we need to trust God. that will make us stronger and better! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close