sis tanong ko lang san nakakabili ng seeds ng bluegrass? meron din bang seeds ang carabao grass? and pano ginagawa ang alternate seeding.
sabi sakin ng hardinero, hindi daw muna lalagyan ng fertilizer yung bluegrass kasi baka daw masunog.tama ba yun?what kind of fertilizer and how ofter and the method of delivery?
pag mow ba ng bluegrass kelangan?kasi basta pantay ang tubo okay lang sakin kahit di imow.hehe.kakatamad kasi ang lawak ng lawn ko
onga pala how often do you water your bluegrass?
dami kong tanong sis baka may bayad na to 
hi bro...let me point out muna na wala akong blue grass sa garden namin haha...ako yung tipong design ng design pero di ko ginagawa ang sarili kong bahay LOL (the carpenter's door is always broken?)

1. di ko alam kung san nakakabili ng seeds ng bluegrass, better ask your landscape supplier..yung totoong blue grass na kailangan ng alternate seeding is yung mga tumutubo talaga sa cold climate kung saan yung totoong blue grass e parang "nagtthin out" pag dumadating na ang warm season kaya kailangan ng alternate seeding ng warm season na grass.
Regarding reseeding: Bago magreseed, pull out muna nag weeds and other debris manually, tas prep the soil kung masyadong compacted (aerate) para makapenetrate ang water ng mas maigi. Nilalagay to mostly sa mga dried out na parts, so dapat alisin mo yung mga dead grass. Scatter mo with hands pwede na. Yung mga seeds na nasa ibabaw lang ng lawn mo napunta, baka kainin lang ng birds yun. Pwede mo rin cover ng konting mulch yung nasa raked soil para di makain ng birds. then water once-twice daily, tas pag nag-germinate na yun ok na, mow mo na hehe

yung iba prep pa nila ng fertilizer yung soil bago mag reseed.
2. yep may tendency na masunog ang halaman pag sobra ang fertilizer. kung di naman kailangan, wag lagyan

kung gusto mo lagyan, alam ko pwede yung nitrogen rich na fertilizer. hanap ka na lang nito tas spray spray. may direction naman yun kung pano mo ihahalo. tas observe mo rin kung gano kailangan. maganda magfertilize kung magcchange ng season, kunwari bago bago magtaglamig para maprep na ang halaman mo sa change ng climate.
3. if gusto mo na maayos ang lawn mo, kailangan mo itrim yung grass para di sya tusok tusok sa kung saan saan. kung gusto mong mukhang manicured, gawin mong mga 2inches tall siguro pwede na. mahirap maging pantay tubo nun hehe, syempre may mga nauuna lumaki, may nahuhuli.
4. water mo siguro once a day kung sobrang init, or kung di naman kahit 3-4x a week..basta medyo moist ang lupa pero wag soggy baka masira din. wag ka magdilig ng tanghaling tapat hehe, (mga early morning or bago gumabi

(para rin ito sa ibang halaman mo)
whew ang haba nun ah! LOL