watch now

Author Topic: All about Plus-sizes  (Read 86360 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #100 on: May 22, 2012, 08:30:53 am »
thanks sis antigone! I'll try to check later, bolero talaga ang target ko eh. everytime I would check the 2 stores kasi, wala akong natytype-an kaya di ko talaga sila naiisip when I'm shopping.

sis fourever..I was also thinner back in hs, but not really thin, parang 150lbs ang smallest ko. weird lang kasi di ako mukhang ganun kalaki noon, maliit ang face at di malaki tyan ko, arms, thighs and legs lang talaga malaki. Pero ngayon lahat na lumaki :( For belts, try terranova, mahahaba ang belts nila. For pants, debenhams, m&s, dorothy perkins, kahit sa sm dept. store madami ako nakikita, never nga lang ako bumili kasi I don't wear pants ever since, naiinitan ako at ang uncomfy ng feeling sa crotch area para akong lagi naiihi ;D

Ako naman, I always look for stylish but affordable pieces at di gaanon kainit ang fabric kasi I only work for our family business at home, sayang lang kung super pricey at napakaformal, once lang magagamit like if may formal event or seminar sa clients na once in a blue moon mangyare. unless magteacher-teacheran, opis-opisan kami ng mga pamangkin ko araw-araw hahaha!

FOURever

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #101 on: May 22, 2012, 08:37:16 am »
^thanks sis! Hanap ako dyan. Meron din daw pala belts na mahahaba sa dorothy perkins. Check ko din dun.. Oo nga eh, marami na ring affordable big size clothes sa mga department stores..

Sabi rin ng sister ko itry ko skirts kasi bagay daw sakin yun para di rin daw masyado malaki tignan hips ko. Ang ayoko lang kasi sa skirts, di ako makakilos ng maayos.. Naengganyo tuloy ako, baka time na para magpakahinhin ako. Haha!

Saka i want din pala yung mga pants na parang pang slacks yata tela na straight (same width sa thighs hanggang sa dulo).. Not sure lang baka mas magmukha akong malaki dun pero gusto ko talaga itago yung laki ng hips ko..

Antigone

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #102 on: May 22, 2012, 09:21:46 am »
Ako, mataba din ako na matangkad. Pero malaki sa akin upper body. Hips and legs, hindi masyado. O di ba, lalakeng lalake lang ang shape? hehe!

Nahihirapan ako sa top kasi malaki braso ko saka torso. Me friends ako sabi ok daw yung parang butterfly sleeves, me isa naman sabi dapat skimming top para di masyado ma highlight pagka top heavy ko.

Mahilig ako mag mini skirt. hehe! Kaso ngayon madami akong sugat dahil naisipan kong mag razor ng legs for the first time. Ayan, dugo dugo. :(

Wala akong masyadong favorite shop ngayon. Kung san lang me kasya.

FOURever

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #103 on: May 22, 2012, 09:34:29 am »
^kung pwede lang literal na tapyasin yung mga sobra sa katawan natin. Haha! Ok yung butterfly sleeves, sis, kung ako tatanungin. Pero depende rin sa design.. Kasi may iba na nagmumukhang broader shoulders.. Less design sa tops, more accessories siguro sa pants/skirts/lower body para madadivert dun yung attention nila :D

Wala rin ako favorite shop ngayon.. Basta mas madaming options, better para di pareparehas ng style nabibili :D

abuanddiego

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #104 on: May 22, 2012, 09:52:28 am »
antigone..ako nasa 5'3, overweight at malaking bulas na talaga kahit nung bata haha! Feel ko rin minsan magmini-skirt pakapalan na ng mukha haha! basta dapat oversized yung top. nakakahanap kasi nanay ko ng mga american size kaya may mini skirts ako na malalaki. Ang galing pa ng skirts nila kasi may built-in shorts kaya di na problema ang cycling.

yung butterfly sleeves pair mo sis sa pants or leggings. Pwede rin sa skirts or dresses since di ganun kalaki lower body mo.

fourever..ay oo usually pag international brands may belts sila for plus sizes. Sa sm dept. store din cute ang designs nila at masarap maghanap kasi walang gaano tao, one time inask ako ng friend ko na plus size din, san daw ako bumibili ng damit pag may night out kami. sabi ko marami sa dept. store sa plus section. eh ayaw daw nya dun maghanap kasi ayaw nya tanggapin na plus size sya haha!

try mo ang skirt sis kasi mas nakakapayat sya than pants. pag pants kasi out in the open yung hips, butt and thighs, pero pag skirt nacoconceal sila. hanap ka ng a-line, knee-length or lower basta di nageend sa thigh, at stretchy fabric for more slimming effect. ako super laki ng hita ko kaya skirts and dress talaga gusto ko, at jogging pants na hindi ganun kakapal ang tela. Di rin ako nagsusuot ng mga fit na fit kasi naasiwa ako haha! Naalala ko tuloy yung sabi ng bro in law ko, "Ang mga matatabang sosyal na babae, hindi nagsusuot ng fitted na damit" hahaha!

okay din yung mga slacks kasi comfy than denim pants, basta dark colors and with the right top matatago ang hips. problema ko rin hips ko kasi mapigue ako haha kaya mga tops ko ay mahahaba dapat. meron din ako mga cropped palazzo pants, akala nga nila palda kasi diba malapad yung baba nun haha! kahit mukhang malaki keber sa kanila, dun ako komportable e

FOURever

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #105 on: May 22, 2012, 10:01:47 am »
^ganyan yung gusto ko na pants! Sige sis. Bili na rin ako ng skirts para maiba naman style ko..

At ganyan din ako dati parang friend mo. Nahihiya ako magtanong ng bigger sizes kasi feel ko lalaitin ako pag nakatalikod. Haha! Pero ngayon, who cares na? Need ko ma-enjoy ang kabataan ko.. Teehee!

Antigone

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #106 on: May 22, 2012, 10:06:51 am »
Naku, yung friend ko, mataba siya pero fit mga damit, pero keri niya!

Madalas siya inaasar sa clinic ng mga nurses or co-doctors, sasabihin niya, "kung ayaw ninyo ng suot ko, wag kayo tumingin!"

Oo nga naman! :))

FOURever

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #107 on: May 22, 2012, 10:19:56 am »
^kahit di na ako super pumayat, mawala lang bilbil ko.. May matatabang walang bilbil :D pero paano mangyayari yun, di malaki yung size ng breast ko.. Kaya bago mawala bilbil, kelangan magpapayat talaga.. May friend ako, mataba din sya pero wala syang bilbil pag nakadress kami.. Di ko alam kung may sinusuot sya.. Pero ganda lang nya pumorma pag ganun :D

Antigone

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #108 on: May 22, 2012, 10:21:04 am »
Yung friend ko, madaming bilbil pero walang paki sa world! Ang cute niya talaga, kering keri.

yusugi

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #109 on: May 23, 2012, 11:59:28 pm »
nakakahanap kasi nanay ko ng mga american size kaya may mini skirts ako na malalaki. Ang galing pa ng skirts nila kasi may built-in shorts kaya di na problema ang

Sis, san ka nakabili ng mga skirt na yan?

abuanddiego

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #110 on: May 24, 2012, 01:56:50 am »
^sis, may suki siyang supplier ng ukay-ukay at halos lahat eh puro plus sizes kaya ang dami ko rin supply ng damit haha! lahat halos ng pambahay ko--tops, jogging pants, tank tops, skirts, galing dun kaya tipid din kasi mga pang-alis lang binibili ko

working mom

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #111 on: May 24, 2012, 12:47:32 pm »
^sis, may suki siyang supplier ng ukay-ukay at halos lahat eh puro plus sizes kaya ang dami ko rin supply ng damit haha! lahat halos ng pambahay ko--tops, jogging pants, tank tops, skirts, galing dun kaya tipid din kasi mga pang-alis lang binibili ko
hello sis!  saang location un ukay ukay na may plus sizes?

abuanddiego

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #112 on: May 24, 2012, 01:32:30 pm »
ay sis yung samin kasi friend ng mother ko yung supplier, dinadala sa bahay tapos pili kami. pag ukay stores kasi halo-halo na yung mga damit, treasure hunting talaga. yung samin swerte lang kasi halos lahat malalaki kaya ang dami kong nakukuha haha! ang nakukuha ko mostly ay old navy, gap, yung iba naman maternity clothes.

working mom

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #113 on: May 24, 2012, 07:58:10 pm »
ay sis yung samin kasi friend ng mother ko yung supplier, dinadala sa bahay tapos pili kami. pag ukay stores kasi halo-halo na yung mga damit, treasure hunting talaga. yung samin swerte lang kasi halos lahat malalaki kaya ang dami kong nakukuha haha! ang nakukuha ko mostly ay old navy, gap, yung iba naman maternity clothes.
jackpot ka nyan sis!

abuanddiego

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #114 on: May 24, 2012, 11:27:06 pm »
oo nga sis jackpot talaga. yung mga damit nga na binibigay samin from us natatawa kami kasi dito nakukuha namin ng 20-50pesos lang hihi

lornadahl

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #115 on: June 19, 2012, 05:23:31 pm »
I used to feel inadequate to wear swimsuits. I'm size 14. Now I believe that we, too, can strut our stuff in spite of our excess pounds. If you're not comfy with two-piece, go for one-piece or tankinis. :)

Post modified. Posting of links to personal blogs is not allowed on this thread.
« Last Edit: August 02, 2012, 03:34:35 pm by mama squeak! »

abuanddiego

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #116 on: June 20, 2012, 11:28:48 pm »
^you don't look like a size 14, I think kaya malaki yung size mo because you're gifted sa bust. I'm size 16-18 pero magmumukha kang medium size pag tinabi sakin ;D I've got lots of cellulites, big arms and big tummy so nakakahiyang magshorts, mini skirts and sleeveless kasi puro dimples and fats all over haha! I don't wear swimsuits but I'm fine with tank tops/tankini and shorts or skirt when I'm at the beach or at the pool.

By the way, dami kong nakikitang imported shorts sa divi for plus sizes, at super mura, 150 lang. Minsan talaga masaya din maging big girl kasi nagsasale ang mga damit natin ;D

beach

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #117 on: July 02, 2012, 11:51:37 am »
Just want to share... Izumix (stall lang sya) infront of Robinsons Supermarket... sale ang blouses na export overruns (Faded Glory, Aeropostale). selling for only PhP100.00 lahat big sizes... from Large to XXXL. :) I was able to buy 4 shirts!

beach

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #118 on: July 02, 2012, 11:52:57 am »
Sa Robinsons Pioneer pala sila. Yung stall nila infront of the supermarket is until Wednesday lang daw. Pero they have a "pwesto" sa upper floor na permanent spot nila.

lornadahl

  • Guest
Re: All about Plus-sizes
« Reply #119 on: July 09, 2012, 08:43:54 am »
abuanddiego, thanks for the visit! Haha! Nung nag-guest ako sa Us Girls for their plus size feature, Angel Aquino told me the same thing. Di raw ako plus size, yung boobs ko lang. Pero I have big arms, belly rolls, wings and all. Kaya I'm sure na plus size ako haha.

Yeah, may nakita rin akong plus size stalls sa Divi. Forgot lang the names. Basta one of them sounded like Bilbil eh. I wanna feature them on my blog.

Invite us naman pag may new offerings ang ukay ukay ng friend ng mum mo!  ;D

beach, sayang I didn't get to read your announcement. That's a steal!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close