watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102845 times)

nochaser21

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #320 on: May 07, 2013, 05:43:12 am »
OT: yung MIL ko at hindi si baby pinipintasan... ako! not directly though - laging sinasabi na mukhang babae daw ang baby ko at sa side daw ng [textspeak!] ko ang kamukha, yung anak daw nila ang kamukha etc etc... tawa lang ako, pero when you ask my hubby's nephews kung kamukha ng tito nila si baby ang sagot NO! si tita! actually MIL ko lang nag sasabing kamukha ng anak nila si baby!  ;D

caprice

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #321 on: May 07, 2013, 12:30:07 pm »
ito pa narindi tenga ko, parang sabi nun father nun isang baby boy na "alphamale" daw yun baby niya.. meaning mas magaling ba baby niya sa baby ko?

hehe, natawa ako dito. sana magkita pa kayo ulit pag malalalaki na mga anak nyo nang malaman kung Alpha nga talaga anak nya. :)

Cayennepepper2014

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #322 on: June 10, 2014, 04:05:08 pm »
Malaki daw mata ng anak ko. Na lalong lumalaki pag nagpofocus sya sa object.

Dedma ako kasi para sa akin, sya ang pinakapoging baby sa balat ng lupa haha. Pero in my mind sinapak at ipinako ko na mga dila nila sa baba nila hahaha. Kidding aside, Masakit syempre pero as long as healthy anak ko, pakialam ba nila kung malaki mata? At least nakakakita. Hehe.

gharz412

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #323 on: June 11, 2014, 07:55:42 pm »
sabi nila before maitim daw baby ko, taka lang nila habang lumalaki parang naggluta baby ko. As if maitim kame ni hubby para umitim siya pahiya ang neighbor kong inggitera ;D ;)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #324 on: December 02, 2014, 04:53:34 pm »
My cousin has a dark-skinned baby pero kebs lang naman boy naman eh.

lovely_carrot

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #325 on: December 03, 2014, 04:37:35 pm »
Yung baby girl ko mukha talaga syang lalaki nung maliit pa sya, pano naman kasi kalbo, bilog na bilog ang ulo at walang hikaw. Adventist kasi yung Papa nya so ayaw pumayag na lagyan ng hikaw. Sa tuwing luluwas ako, I remember lagi ako natatanong kung lalaki ba sya, although naka pink outfit. Eventually kakasumbong ko sa kanya na napagkamalan na naman na boy, pumayag na din na pahikawan.
She's 9 now, kamusta naman sya ngayon? ayun puro boys ang kalaro ;)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #326 on: December 03, 2014, 08:06:37 pm »
Lol anak nila Prince William (Prince George) hindi ko bet. Mas cute pa si Flynn Bloom.

chichigurl

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #327 on: December 04, 2014, 06:48:20 am »
maitim daw si baby nung bagong panganak pa lang. ok lang sakin kasi  totoo naman. Wala naman masama pag maitim at alam kong puputi rin siya. after a few months pumuti na si baby.  At yan ang napapansin na ngayon ng tao. hahaha

Queen Chokolah

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #328 on: January 12, 2015, 01:50:39 pm »
maputi si baby nung lumabas sobrang gwapo then after a week super umitim ng bongga. Sinabihan ng tita ko nung nakita nya VERY BLACK! di bale pa gluta na lang daw paglaki. ahaha okay lang kasi pabiro naman and alam ko naman na maputi talaga ang baby ko (nagtitiwala ako kahit hindi maputi ang dadi) kasi maputi naman nung lumabas. Tapos after 2 mos umuwi ulit kami ang sabi naman ng tita ko wow pumuputi ka na ah, nag gluta ka na? Pero at that time moreno pa sya pero at least di na maitim. Then nung 6 months na sya ang sabi na sa kanya maputi na daw talaga. Wag lang nilang sabihing pangit dun ako ma ooffend.

pretty_n_primp

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #329 on: January 22, 2015, 10:31:17 am »
^napansin ko din sa baby ko yan. nag-iba ng kulay. nung baby, hindi naman maputi nung tumagal pumuti naman. tapos nung baby super light brown mata, nung lumaki, naging dark yung kulay ng mata. hahaha! wala pa naman ako naririnig na pintas sa baby ko pero if ever na may marinig ako, humanda sila dahil mataray talaga ko lalo na pagdating sa baby ko. hahaha!

Queen Chokolah

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #330 on: January 22, 2015, 04:53:51 pm »
^hahaha talaga sis sinabi mo pa. nag iiba talaga ugali natin pag baby na natin ang pinag uusapan (though likas na mataray ako, x10 pag sa baby ko :D). Oo sis nag iiba talaga sabi nila makikita mo lang naman daw ang kulay talaga around 5 months kasi me melanin adjust eklabu pa on the first few months. Some babies experience this, yun yung mga umiitim. Sa case ng baby ko over naman super negro haha. pero hindi negrong maiitim. Negrong mapula. Sobrang pula maiitim na tingnan. Atleast gwapo haha. Yung sa anak ng pinsan ko maputi paglabas pero ngayon 3 mos na hindi na gaano.

frankikay

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #331 on: January 22, 2015, 09:38:49 pm »
Sa baby ko sabi nila, bat ang morena considering half pinay sya. Duh deadma! Hindi naman lahat half pinay blood maputi diba? Tapos may nagsabi din na tomboy daw anak ko. Makikita daw talaga nya sa bawat galaw ng anak ko. Nakapakaactive kasi ng anak ko. Hindi siya yung tipo na malumanay kumilos.  Eh yung anak nya napakahinhin. Hindi naman pare-pareho mga bata diba?! Sige na sya na ang may alam! Hahaha

Beng01

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #332 on: January 27, 2015, 08:43:30 am »
-Yung baby girl ko (12mons.) mukhang lalaki raw haha, napagkakamalan pag dinadala namin sa church, wala pa kasing hikaw.

-Tapos nung exclusicely breastfeed pa siya, utot siya ng utot, kaya tinutukso ng tita niya na ututin daw.


Pinapalagpas ko lang kasi ang totoo maganda siya, matangos ilong like her dad :)

miiilovestravis

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #333 on: February 20, 2015, 01:38:57 am »
Eto sis si baby nung 1 month old sya at 4 months old.

http://tinypic.com/r/242u1py/8

Ngbabago talaga. Tska walang ginawa si God na "pangit".

Ugali ng tta mo sis ang pangit  >:(

mslcgrey

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #334 on: February 20, 2015, 11:52:04 am »
^cute ng baby mo sis.

Yes, nagbabago talaga looks ng baby.

So far, wala pa naman ako naririnig na pintas. Hahaha, subukan lang nila. I'm known for my pagiging masungit pa naman.




southward22

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #335 on: February 20, 2015, 03:02:32 pm »
This is a bit off-topic but I'm sharing this to empower us as brown-skinned Filipinos.

My 3rd baby who is a month and a half old is the least fair- skinned among my kids, taking a bit more of his dad's complexion and the least brown haired as well (these traits mentioned are of my side of the family as my great-grandpa is Danish-American).

But during the first time my mom's colleagues in the UK saw all my 3 kids, it was she who received the highest praises including from my mom's boss! To quote my mom's boss: "She's gorgeous! What a perfect little darling! I wish I can have her skin color--beautiful indeed--and the hair just the right tinge of color!"

In the UK specifically where the power of the sun is limited even on summers, the fair-skinned populace are actually envious of us. Trying to get "as much sun as they could".

So to those moms and dads who feel that their child/children need a lot of gluta or belo growing up, enjoy your angels for what they are. Basta perfect sila in our eyes--I think that is all that matters. ;D

cutemama

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #336 on: February 20, 2015, 08:35:50 pm »
Yung baby ko naman lagi nila sinasabi bakit ang itim daw! Well actually hindi naman talaga siya maitim, moreno lang.. maputi kasi kaming dalawa ni hubby, lalo na ni hubby maputi talaga, mestizo kaya napapagkamalan minsan na foreigner..

Naiinis ako minsan sa mga nagcocomment na ganun, bakit mapuputi lang ba ang cute? Lalo na sa pinsan  ko kaimbyerna minsan porket ang puti puti ng baby niya pero silang mag asawa parehong maitim.. sa loob loob ko mas cute naman yung baby ko kahit moreno noh..yung SIL ko sinasabi na lang na richard gomez kasi yan paglaki.. tall dark and handsome.. kasi ang tangkad ng baby ko 1 y/o pa.lang siya pero he looks like 3 y/o.

Pansin ko lang karamihan sa maiitim na parents ang puti ng baby bakit kaya??
Well anyway, I noticed din na habang lumalaki baby ko naglalight din skin tone niya.

miiilovestravis

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #337 on: February 20, 2015, 11:25:07 pm »
^cute ng baby mo sis.

Yes, nagbabago talaga looks ng baby.

So far, wala pa naman ako naririnig na pintas. Hahaha, subukan lang nila. I'm known for my pagiging masungit pa naman.




Thank you sis! True, subukan lang nila. Makikita nila hinahanap nila! Heehee

jidhel

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #338 on: March 19, 2015, 12:39:35 am »
Kaloka naman talaga mga tao. Mamintas pati sa babies. Siguro ganoon talaga, likas na may mga di makapagpigil o baka kasi may hidden galit o inggit. I don't tolerate this act, definitely not a good attitude.

cutemama

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #339 on: March 19, 2015, 12:48:38 pm »
^karamihan ng gumagawa nyan hindi pa nanay.. yung iba naman insecure lang lalo na pag may baby din sila sa bahay..ayaw masapawan baby nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close