watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102809 times)

swt_fem

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #300 on: January 04, 2012, 07:54:51 pm »
ang sabi ko nalang dun sa tindera, "ikaw lang ang nagsabi nyan, lahat kaya nagustuhan yung gupit nya!" yung pagkakasabi pa naman nya kala mo kung ano opinion nya eh yun na ang tama. ewan ko dun, ma-ere ata talaga masyado. insecure siguro kasi baka wala syang pambayad para pagupitan sa kids salon yung anak nya!


princessgladies

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #301 on: January 13, 2012, 03:43:33 pm »
nung infant pa yung baby ko, may mga nagsasabi na ang gwapo daw nya... pero girl po ang baby ko O.o pero i let go na lang kasi hindi naman sumama ang loob ko

chamykrikz

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #302 on: November 27, 2012, 05:26:34 pm »
Hi ELAPRTY

sorry for the late reply...
the host's email is erneyarcilla@yahoo.com po... :)

jambalayla

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #303 on: November 27, 2012, 11:38:02 pm »
Natatawa naman ako sa mga posts dito. Dami talagang mga bwisit sa buhay. Ako naman, nasabihan ako na bakit daw Stella yung name ng daughter ko. Parang pang gurang (exact words nya). Eh sa totoo lang, name ng mother-in-law ko yun. So doble insulto pa.

Parang gusto ko sabihin, eh teka nga muna, sa nagagandahan kami ng asawa ko sa Stella e. Kung kayo nagkaanak, eh di pangalanan nyo ng kahit anong gusto nyo.

DV

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #304 on: November 28, 2012, 09:38:48 am »
^I like the name Stella too since I'm partial to classic names. I just finished reading an article on Yahoo! about a child being named Hashtag.

nageinna

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #305 on: November 28, 2012, 10:16:49 am »
ako i love babies and kids. super malapit ako sa pamangkin ni hubby. kaya minsan pag may pumipintas sa kanila naiinis din ako. i remember kakapanganak lang nung pinsan ni hubby, they're not here in manila kasi so they sent us pictures nung newborn baby nila, eh medyo ma red pa si baby since new born nga, so parang maitim tignan sa pics. sabi ba naman nung isang pinsan niya, "ano ba yan ang itim, panget" isip ko naman heller baby pa yan mapula lang. tsaka maitim lang pangit na agad? to think na yung nagsabi nun buntis din. kung ayaw pala niya ng maitim eh pag pray niya na sakanya magmana baby niya wag sa asawa niya kasi hindi rin naman ganon kaputian asawa niya.

mamichula

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #306 on: November 29, 2012, 12:48:29 am »
ang itim ng baby ko..
maputi naman kami ng papa niya..
i dont know bakit ganon..
sobrang nakakasad lang..

Ganito din kame :( Grabe pa puti ng daddy nya.  When he was born nung pinaarawan because of jaundice sobrang nangitim nognog daw :( Pero its getting better na now. Nag ceclear na skin nya. NOt maputi though mapula. And parang magandang pagka moreno na :) Ilang months na ba your baby?bka mgiiba pa yan

Yung baby boy ko nung bagong panganak nagka jaundice so pinaarawan nasunog. Pati lips nya nangitim :( And what's worse kasi nga jaundiced sya maitim sya na madilaw as in matingkad na dilaw. Ayun he was called panget even by relatives, butligin kasi may rashes, and other things. Iyak ako ng iyak and I was cursing them talaga. Pag nilalabas namin people would ask bakit ang itim? Kasi nga we're both maputi. Even the doctor sa ICU when he was confined sabi bakit maitim eh maputi naman kameng magasawa.

Anyhoo after his 2nd month birthday unti unti nang nawala his jaundice binawasan na namin ang bilad sa araw and gumanda na ang kutis nya. Red na din ang lips nya and humaba na the eyelashes , lumabas dimples, nag clear ang eyes etc. Ngayon sabi ng inlaws ko mukang sto nino :)

Grabe pala talaga magbago ang itsura ng newborns ilang months lang ibang iba na ang itsura nya. Sana hanggang pag tanda muka pa din sto nino baka mamaya magbago nanaman kung ano ano nanaman sabihin ng ibang taong walang manners LOL BTW share ko lang sabi ng kid na kapitbahay namin before sa husband ko "kuya bakit maitim? ([textspeak!] baby)" sumingit ako sabi ko "eh bakit ikaw panget?" hahaha
« Last Edit: November 29, 2012, 01:06:31 am by mamichula »

crazycoolchic19

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #307 on: November 30, 2012, 05:24:22 pm »
Noon mga babies pa anak ko, ang lagi nilang pansin hinde nagmana sa ilong ko,haha...naiinis nga ako eh sabi ko na lang baby pa yan tutubo pa ilong nyan, alangan namang pag silang eh pointed agad :D hinde naman sa pangaano i have perfect pointed nose ...despite of petite lang ako :D and my only wish noon ay mamana nila nose ko, Ngayon  malalaki na babies ko,, yung panganay ko matangos naman pero hinde nya kuhang kuha nose ko :D  pero yung bunso ko maliit mana sa daddy, sya lagi napapansin hinde nagmana sa mommy ang nose wahh,  nakasanayan ko na rin, i dont mind at hinde ko naman pinapatulan., sabi ko sa bunso ok lang maliit nose pretty naman like mommy :)

mamichula

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #308 on: December 01, 2012, 12:45:21 am »
^ HI CIZ 5 DAYS NALANG 1 YEAR OLD NA BABY KO, IM SO HAPPY NUNG MAG 4MOS SIYA NAG CHANGE NA color nya hehe pumuti na siya baka yung baby mo gnun din, i think lahat ng baby gnun talaga color sa una mag iba din as day goes by.. :)

Oo nga daw ganun daw un.:) Although okay naman pag moreno kahit pag laki I think its astig. Naiinis lang ako sa ibang tao patanong tanong pa parang implying something na bakit maitim eh ang puti ng ama? Anung ibig sabihin nila?

crazycoolchic19

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #309 on: December 01, 2012, 11:17:38 am »
Dedmahin nyo na lang mga namimintas., baby pa naman yan ,mag bu-bloom yan, hinde naman kase pare pareho mga babies, meron takaw pansin talaga dahil sobrang chubby and cute, intayin nyo pag lumake kung cute parin hahahaha, tsaka for me lahat ng baby is cute nasa tumitingin na lang din yan...

 meron kase mga baby na pansinin talaga habang lumalaki maputi chubby cute talaga, naalala ko nung bata ako grade school ako  hinde ako pansinin as in hinde naman ako panget pero walang time mama ko na ayusan ako ng buhok or damit.,at yung kapatid ko laging pansinin noong mga bata kami lagi sya kinukuha pag may ikakasal, ako di man lang kunin na flower girl, may classmate ako nung grade 2  naman ,gandang ganda ako sa kanya, .pero nung nagdalaginding ako , nagbloom ako, kung sino maganda nung mga bata palang - hinde na pansinin or kagandahan later on , at kung sino hinde kagandahan,gumaganda ng sobra hehe.



ghichy

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #310 on: December 11, 2012, 02:25:26 pm »
Yun kawork ni hubby sabi sa kanya kamukha daw ni mahal yun baby ko pasalamat siya at hindi ko narinig!

snowflakes

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #311 on: December 13, 2012, 10:34:26 am »
Nakoh subukan lang may mamintas sa anak ko makakatikim sila sakin! Para sa kahit sinong magulang maganda at gwapo ang anak natin kaya wala sinuman may right mamintas. Aaminin ko pintasera ako pero wag di ko naman pinaparinig sa magulang na alam ko masasaktan.
May teenager dito na anak ng friend namin sinabihan anak ko na wheres your manners? My gosh 18 months lang anak ko noon at di nya pa alam yun. Kase pilit kinukuha ng baby ko yung ipad namin na ginagamit nya. Sabi ko talaga sa kanya ikaw wheres yours? Ginamit mo ipad ng anak ko ng di ka nagpapa alam!

CebuGem

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #312 on: December 13, 2012, 02:13:41 pm »
so far, wala pa naman namintas sa baby ko. if ever meron man, papatulan ko talaga ma bata or matanda  >:(

ana mimi

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #313 on: December 16, 2012, 05:18:49 pm »
naku, may mga manlalait pa daw ba ng mga babies? jusko ha, as if naman magagantihan sila. naku, laitin lang nila anak ko, lalaitin ko sila ng bonggang bongga. ako lang pwede lumait sa anak ko.

rara_avis

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #314 on: January 10, 2013, 10:43:28 pm »
Naiinis ako pag sinasabi ng kapatid ko na ka-ilong daw nya yung baby boy ko. As in, inis na parang gusto kong sapakin sister ko. Eh sobrang pango kaya nya, hindi naman pango ang anak ko. Pero maya maya natatawa na lang din ako sa reaksyon ko kasi talagang affected ako at iritang irita sa ilong ng kapatid ko. Hehe.

pinkpotato

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #315 on: January 18, 2013, 12:55:25 pm »
^ hahaha. natawa din ako sayo sis. :)

Romina

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #316 on: January 22, 2013, 04:22:18 am »
According to my mom, my aunties and cousins used to call me bakulaw when I was a baby. Kasi hair ko unruly, mataba and yung ilong parang sa piggy daw.  Lol. And look at me now! Lol!

gil12

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #317 on: March 25, 2013, 11:56:57 pm »
hindi naman pamimintas na-experience namin kanina pero more of kinompare baby ko sa ibang baby. kanina my baby boy had a check up. while we were waiting for our turn nakaharap baby boy ko sa isa oang baby boy na hawak ng daddy niya. so ayun na, usap usap, the father of the other baby boy asked me kung ilan months na raw baby ko, sabi ko mag 4 months this week and he said his baby is 6 months na. tapos he was telling his baby to talk to my baby, his baby was making grunting sounds, actually sa pagkakita ko umiire baby niya, not sure kung nagpoops. tapos the father asked me kung tumatayo na raw baby boy ko w/c my baby boy tries to do pero mabilis lang syempre what does he expect? technically 3months and 3weeks old palang baby boy ko.. aba sabi pa sakin his baby was standing na raw at 4months old.. asus.. ang hangin.. eh di syempre ako sa loob loob ko, ah okay, alam ko naman kasi na as a parent we're proud of our babies dba? ito pa narindi tenga ko, parang sabi nun father nun isang baby boy na "alphamale" daw yun baby niya.. meaning mas magaling ba baby niya sa baby ko? syempre sa loob loob ko naisip ko kapal naman nito pero NR talaga ako sa harap niya.. wala naman na reason for me to react sa harap niya. keber. eh di siya na. haha.  saka they are babies, wag ganun.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #318 on: April 26, 2013, 04:05:49 pm »
So far wala pa naman ako naririnig na pintas sa baby ko... subukan lang nila.. LOL :D

Pero honestly good feedbacks naman naririnig ko sa mga friends ko and relatives namin about my baby. Ayoko nung kino-compare sya sa iba kasi iba iba naman ang milestones ng bata. Pero my MIL compares my baby to my SIL's kid and quite glad when she said na advanced daw baby ko kasi yung pamangkin ko when she was my baby's age di pa nagkikilos wherein yung baby ko 3 months palang medyo nagkukulit na at gumagapang na. Hehe. 

gil12

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #319 on: April 30, 2013, 05:08:49 pm »
dati nasabihan si baby na mukhang maitim, he's 5 months now and ang lagi nila sinasabi ngayon amputi raw.. hindi nga namin alam bat naging ganun kaputi bigla.. napapaisip tuloy ako kung yun lang napapansin nila sa baby ko haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close