watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102813 times)

kiz_me1109

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #280 on: December 03, 2011, 05:29:14 am »
Ang taklesa naman ng Tita mo sis. Don't mind her. Sana naman kung ayaw niya sa anak mo or hindi siya nacu-cutan e huwag na niya sabihin sayo. Paano kung sa anak niya ginawa yun? Hay... may mga tao talagang ganun. Huwag mo nalang pansinin. May karma din para sa kanila.

hunny_ally

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #281 on: December 03, 2011, 10:03:03 am »
i learned a long time ago to brush off other people's pintas/comments. pamimintas is the Filipinos national pastime. my daughter has a noticeable gap between her two front teeth and that has been what people usually criticize about her. cute sana kaso may awang ang ngipin (hay lalo na those people in the province ah). but i dont let those get to me cause: 1) my daughter is only 4yo and what she has are only baby teeth, 2) it may have a gap but she has straight, sparkly nice teeth, 3) if that doesnt correct by the time she has permanent teeth, then go for braces, and lastly, I know for a fact that my daughter is a thousand times cuter and prettier than their own kids. may tvcs and ads ba anak nila? 'nuff said.


you can never control what other people say.
you can control though how you react to that situation.
if you let yourself get affected by what other people say, you're letting them control your life.
worse, you're setting example to your kid on how to handle other people's insult.
that they should get affected with what other people say.
that they should let other people control their own life.
how to handle these things? IGNORE!
you know in your heart whats true, so why get affected?!?
« Last Edit: December 03, 2011, 10:23:19 am by hunny_ally »

zheane0127

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #282 on: December 03, 2011, 05:56:48 pm »
pwede a join mga sis..

kasi simula ng pinanganak ang anak ko ang dami ko ng narinig na pamimintas mula pa mismo sa kapatid ko at family niya.. na negrita ang baby ko, tarsier, pangit.. lahat yun tiniis ko at ni isang masamang salita na nagmula sa akin wala silang narinig..

here is her picture nung newborn pa lang siya.. http://www.facebook.com/photo.php?fbid=216392931704174&set=a.213568165319984.60204.100000004073371&type=3&theater

now that she's 8 months still hearing bad comments coming from my brother na parang hindi niya tanggap ang anak ko.  kasi mga mapuputi ang mga anak niya..

here is her picture at 8 months... http://www.facebook.com/photo.php?fbid=317036198306513&set=a.317035978306535.88055.100000004073371&type=3&theater

hindi man kaputian ang anak ko pero para sa amin ng hubby ko siya ang pinakamagandang baby sa balat ng lupa.. at pag laki niya matatalbugan niya ang mga pinsan niya na mapuputi...

rome01

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #283 on: December 04, 2011, 10:49:19 am »
^ sis cute niya kaya! Wag mo nga pansinin brother mo.
Madami ako kilala na maganda at cute nung bata pero paglaki di na maganda.
Hindi ako magaling maghandle ng pintas. Palapatol ako and if may maglakas loob mamintas if ever sa baby ko pag lumabas siya malamang hindi niya ako kilala kasi if personally kilala ko mg tao di maglalakas loob sabihin harapan sa akin yun dahil alam nila na away talaga.
Malamang either they will make pintas patalikod
Or kung maglakas loob nila, eh makakarinig sila ng di maganda sa akin

rome01

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #284 on: December 04, 2011, 11:16:57 am »
0o sis ob ko mismo nagsabi kailong ko daw lalake pa naman,,. yung papa niya matangos ilong hndi pa sa kanya nagmana :( possible kaya sis na pwede pa mabago yun huhuhu.. pero buti nalang healthy siya


Sis, pango ako nung bata pero ngayon sobra tangos ilong ko may buto pa.
Wag mo pinagpapapansin pintas. Hindi ko maintindiham ang gagaling mamintas eh akala mo mga kagwapuhan at kagandahan. Kung kagandahan nga eh di sila na!

tiggerlily

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #285 on: December 04, 2011, 02:14:56 pm »
haynaku, mga haters club talaga. meron talaga ganyan. namimintas kasi inggit OR wala lang masabi. buti sana kung namimintas kasi they mean well.

here's my baby:
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.285249021496128.69482.162270910460607&type=1
(to GT mods, tapos na po ang contest sana di na ko ma-memo)

ayan, meron dyan haters na ang comment e napaka-ordinaryo lang daw ng costume ng anak ko. dapat daw deserving ang manalo. di ko naman inaasahan na makakadami ako ng votes e. kasalanan ko ba na fb likes at hindi judge ang magdedetermine ng mananalo? e di sana sumali sila sa hindi libre para may pambayad ng judge yung establishment.

ang tita ko ay same din ng comment tungkol sa costume. napakasimple daw. may apo kasi yun na halos sing-edad ng anak ko. pagkatapos mamintas e nagtanong kung saan ko daw nalaman yun free costume party na yun. kasi yung pinuntahan nila nagbayad pa sila. nun nalamang sa internet lang, pinagalitan ang anak nya kasi palagi daw naka-online e bat daw di nabalitaan yun. mahirap kasi minsan magsabi sa kanila e, para kang may pinagpapaalamanan. tapos madami pa sasabihin. e hindi ko naman responsibilidad sa knila yun.

sa totoo lang wala akong paki kung manalo o hindi nun sumali kami. kasi alam kong simple lang ang costume ng anak ko. pero dahil nga fb likes may chance. atsaka yung costume e pinili ng anak ko. kahit anong ganda ng costume kapag hindi nila gusto hindi nila isusuot. pero ayun, tanggap ko na. kahit naman may judge pa yan, may maririnig pa rin akong pintas e. anyways, we got the 3rd prize naman luckily.

tiggerlily

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #286 on: December 04, 2011, 02:38:59 pm »
mama ko ang nagkwento sa kin nun sinabi ng tita ko. pero before nya kinuwento yun, sinita nya muna ako kung bakit ang simple ng costume. pero nun sinabi kong, sige magsama sama kayo sa haters club at kinuwento yung mga namimintas. e bigla syang bumaligtad. LOL

ang problem ko naman sa mama ko palagi nya sinasabi na payatot anak ko. i know she means well naman kaya lang tumatak na sa utak ng anak ko yun na nung tinanong ko kung sinong payat, sabi nya sya daw. at nun tinanong ko kung sino nagsabi, lola nya daw. kahit naman payat anak ko, hindi sya sakitin. we're still breastfeeding kasi. gusto nila yung mataba talaga na namimintog. naku, kung sakitin naman e wag na lang. payatot ako lumaki at kahit anong pagbabrand nila sa akin na payatot ako, hindi ako tumataba. kahit 4 meals a day pa ang gawin ko payat pa rin ako. ang sakit sakit na ng panga ko sa kakakain. hindi naman ako sakitin, pero gusto nila ako patabain - yun ang torture ko noon na ayaw ko maramdaman ng anak ko.

sensya na at palagi akong parang napapahiya paminsan kapag nasasabihan ako ng medyo mas heavy sa akin na parang ang arte ko kapag nagkwento ako na natutuwa ako at tumaba na ako. underweight kasi ako before. ngayon lang tumama ang weight ko. hindi nila alam na kung gaano kahirap magpapayat sa kanila e ganun din kahirap magpataba sa akin. na kailangan ko din ng special na diet para tumaba - lately ko lang na-research na meron palang ganun. hindi lang lamon ang solution sa pagpapataba. so syempre ayaw kong maramdaman ng anak ko yung ganung feeling. tapos bina-brand pa sya ng mga taong nakapaligid sa kanya na payatot. hayz...

icee_star

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #287 on: December 05, 2011, 12:08:31 am »
Narinig ko lang na pintas sa anak ko is yung nose niya. Hindi siya pango but medyo wide ang opening hehe. Ako rin na an mismo pansin yun. mana sa ama hehe.

I don't like comparing kids also. I don't care if walang magsabing cute or pretty siya, keber ba! Basta para sa isang magulang, anak niya lang ang pinakamagandang bata sa balat ng lupa!!!

I hate it when people compare my kid to others which is ako mismo I don't do. Malamang insecure Lang ang gagawa nun

DaintyMe

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #288 on: December 05, 2011, 06:13:02 pm »
Ang narinig kong pintas sa anak ko eh maitim daw hindi nagmana sakin. Aysus kung makapintas akala mo naman ang pupuputi. Well, di ko na lang sila pinansin. Basta guwapo ang anak ko!

a_y_e_n

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #289 on: December 07, 2011, 09:23:24 pm »
sa baby ko naman, lagi nacocompare yung built ng katawan nya dati. di naman kase kame mataba ng asawa ko kaya expected namin na di rin magiging chubby si baby like ng mga ibang babies. nagtataka lang ako kase sabi nga ng pedia nya, overweight pa nga daw anak ko eh. ngayon, lumakas na sya kumain kaya wala na namimintas sa anak ko.

actually, saken nalang ang pintas kase ang puti ni baby tapos morena ako. eh may lahi naman kameng maputi ah.

chofontanilla

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #290 on: December 14, 2011, 03:48:34 am »
Pasali lang. Haay nakakalungkot pala talaga kapag pinipintasan si baby mo saka di pinapansin no? Sa side kasi ni hubby di siya ganun kapansin kasi may pinsan siya ahead ng 3 months sa kanya tapos mataba at babae lahat ng relatives nacucutan dun panu sobrang taba overweight nga eh, yung isa naman boy 3y.o tatay nun amerikano kaya lahat din dun nakatutok yung atensyon pagdating kay baby sinasabi maitim daw, maliit, payat yun nga lang matangkad daw si baby paglaki 1 month palang naman si baby ko eh saka healty naman siya kasi EBF kami. Halata naman may paborito lola niya kasi lagi pansin yung girl na baby kaya naiinis ako kapag pinapakialamanan ako tungkol kay baby eh hayaan nalang sana nila kami kung makapagsalita pa kala mo di ako maalaga sa baby ko. Buti sa side ko pansin si baby at sobrang alaga siya dun di ko lang talaga masabi kay hubby nararamdaman ko. Haay nakakalungkot talaga pala sinasabayan pa ng post partum depression.

izabelle

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #291 on: December 29, 2011, 09:24:43 am »
may mga taong sadyang insensitive.. ipaparinig pa talaga sa parents ng bata yung pintas nila.. parang hindi sila magulang na masasaktan din kapag anak nila pinintasan. or kung wala naman silang anak, isipin nila kapag sila ba nag kaanak gusto nila pintasan anak nila sa harapan nila. pero pansin ko yung mga ganyan sila yung sobrang insecure sa buhay nila at hindi masaya kaya sa iba nila tinutuon.

i'm giving birth next month and kahit ako kapag nakarinig ng pintas sa anak ko from other people lalo na kamag anak baka hindi din ako makapag pigil. :D pala patol din kasi ako LOL sometimes you need to give this people what they deserve. :P

honey_iya

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #292 on: December 29, 2011, 09:36:25 am »
^Yung asawa ko dati may muntik ng patulan na bata din naman kasi yung nag comment, mga 1 year old palang anak namin nun sinabihan ng anak ng amiga ng MIL ko na panget daw anak namin, muntik na sagutin ng asawa ko ng "eh at least totoong anak siya unlike ikaw na ampon lang", eh bata pa yun kaya ginawa ng asawa ko umalis nalang pero muntik na daw niya sabihin ;D sobrang ganda kasi nung batang ampon na yun, as in maputi at pretty face talaga yun nga lang ang sama talaga ng ugali until now LOL.

tiggerlily

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #293 on: December 30, 2011, 08:54:21 pm »
^ naku mahirap yan. na-spoil yata ng mabuti. beauty comes from within. kahit anong ganda mo, kapag pangit ang ugali mo, pangit ka pa rin.

izabelle

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #294 on: December 30, 2011, 10:58:29 pm »
^Yung asawa ko dati may muntik ng patulan na bata din naman kasi yung nag comment, mga 1 year old palang anak namin nun sinabihan ng anak ng amiga ng MIL ko na panget daw anak namin, muntik na sagutin ng asawa ko ng "eh at least totoong anak siya unlike ikaw na ampon lang", eh bata pa yun kaya ginawa ng asawa ko umalis nalang pero muntik na daw niya sabihin ;D sobrang ganda kasi nung batang ampon na yun, as in maputi at pretty face talaga yun nga lang ang sama talaga ng ugali until now LOL.

so hindi na sya nagbago? :D pambihira, ampon na nga lang hindi pa mabuti ugali.. kung saken siguro yan sis pinatulan ko na. harhar

stormy

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #295 on: December 31, 2011, 11:18:13 am »
Yung anak ko first time napintasan 2 nights ago at pinsan pa nya na almost 4yrs ahead of her ang nagsabi na mataba raw anak ko. Yung pagkakasabi yun nakaka-offend tapos dahil d sanay  anak ko na makarinig kahit sa amin ng mga pintas at mga nega na bagay d nya napansin, tawa lang sya. Buti d ako pala-patol :) pero muntik ko na pinacancel binili ko na sofa for them :) may gana pa kasi mamintas d muna tingnan sarili nila.

mimigarcia

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #296 on: January 04, 2012, 02:33:54 am »
ang itim ng baby ko..
maputi naman kami ng papa niya..
i dont know bakit ganon..
sobrang nakakasad lang..

swt_fem

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #297 on: January 04, 2012, 03:29:09 am »
I'm not sure kung pintas ba yun sa baby ko mismo or what.. Yung 17-month old son ko kasi, pinagupitan kong mohawk style. Sabi ba naman nung tindera samin, "Bakit mo pinagupitan ng ganyan? Nakakainis tignan!"

Parang gusto kong sabihin parang ang gwapo ng anak mo ah!

FayeP

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #298 on: January 04, 2012, 06:08:33 pm »
hmm nakakainis nga un sis swt_fem, ano naman paki nya kun ganun ang haircut ng anak mo

un 3 month old baby ko, kasi di ako maputi at si husband, mejo dark skinned talaga cya so syempre si baby halos sing kulay ko lang (pero di naman negro ha)

un kapitbahay namin, na di ko naman talaga kakibuan, one time na nilabas ni mother para paarawan si baby, sabi ba naman "uy ang tangos ng ilong nyan ha, un nga lang nognog! mana sa ama"...as in rinig na rinig ko kasi nasa may pinto ako at nasa makalabas lang ng gate si nanay at baby...GRRRR....akala mo kun sino syang makinis at maputi!!! duh!!!!


tiggerlily

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #299 on: January 04, 2012, 06:26:46 pm »
^^ ginugupitan ko din ng mohawk ang anak ko. kasi naaaliw ako kapag ganun ang hair nya. sana sinagot mo ng pabiro: nakikitingin ka na nga lang e nagrereklamo ka pa!

nagreklamo ang mama ko nung una. pero madami ang nagandahan sa hair nya. pinagagalitan ako kasi ako ang naggugupit. yun lang kasi ang alam ko gawin atsaka skinhead. kaya nung sumunod skinhead ginawa ko. nagreklamo ang mama ko at bakit ko daw kinalbo. mas maganda daw yung mohawk - all because madaming nagkagusto. at madami pati ang nagkakamali na sya si baby james kaya siguro nagustuhan ng mama ko. hahaha! nakakatawa talaga paminsan ang mga matatanda. pabago bago ng isip.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close