watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102818 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #260 on: March 16, 2011, 08:24:34 pm »
^ aww, thanks sis :)

maui_chie

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #261 on: March 17, 2011, 11:14:17 am »
si baby ko, pango daw..(mana sa daddy nya) lols! ok lang naman sa kin, pango naman talaga yung daddy nya.. ;D.. and they always pansin na kalbo pa din yung baby ko..(feeling ko naman may buhok na siya sa ngayon!) ok lang, both hubby and I are kalbo when we are a baby, kaya walang pagmamanahan ng makapal na buhok ang anak ko! haha ;D

babiebrat26

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #262 on: March 21, 2011, 01:48:58 pm »
naku sis... ang baby ko nung bagong panganak ako as ang itim maybe kasi nag stay siya ng 10 days sa incubator. sabi baka daw napalitan, parati nila sinasabi ang itim itim itim kulang nalang mag dabog na ako sa sobrang inis ko. basta sabi pa para daw palaka kasi ang liit tapos ang itim... sakit noh? pero he is only 1 to 3 months old then nung nag 4 na aun nag iba na itsura ng baby ko. :) haay halos wala na masyadong napintas... un lang parati na siya nababati pag nag mall kami kaya minsan tinatago ko siya kasi diba sabi nila pag ganon nauusog daw baby... hehe... its like magic nga eh.

bluez

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #263 on: March 21, 2011, 02:59:31 pm »
Ilang beses din nilalait ng mga tito (bros ko) nya ang baby girl ko, kesyo negneg daw, mukhang baby boy, malaki ilong.

natatawa na lang ako. kasi kamukhang-kamukha ng tatay nya.

http://i124.photobucket.com/albums/p28/kalai303/IMG_0028.jpg

Pero for me she's the cutest, prettiest and brightest baby girl. :)

Keri mo yan mommy! kapag nagpaapekto ka sa iba, mararamdaman yun ni baby at baka maging shy pa sya.
kaya kiber!


sis ang ganda ng anak mo :-)

hi_landprincess

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #264 on: March 21, 2011, 10:52:27 pm »
^ agree! cute ng baby mo sis. :)

mimigarcia

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #265 on: November 30, 2011, 11:29:54 am »
hndi pa ako nanganganak pero sobrang napepressure na ako bout my baby.
nakita kasi sa ultrasound na pango siya kaya kinakabahan talaga ako huhu

simplykristine08

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #266 on: November 30, 2011, 12:30:03 pm »
^ sinabi ng doctor yan? Ok lang yan sis, as long as normal lahat nakita sa ultrasound, yan na ang last na kelangan iworry :D

Cherry143

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #267 on: November 30, 2011, 12:59:26 pm »
meron ngang pressure factor, kasi bilang nanay, gusto natin protect si baby... i'm so thankful na healthy si baby.
kung may pintas man kay baby, deadma ko nalang. they don't matter.  what's important is she is healthy.

mimigarcia

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #268 on: November 30, 2011, 01:27:25 pm »
0o sis ob ko mismo nagsabi kailong ko daw lalake pa naman,,. yung papa niya matangos ilong hndi pa sa kanya nagmana :( possible kaya sis na pwede pa mabago yun huhuhu.. pero buti nalang healthy siya

symmetry

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #269 on: November 30, 2011, 02:24:54 pm »
Hi girls! I'm a new mommy and I've had my share of hearing pintas regarding my baby girl. Pero tama advice ng mga sisses dito, dead ma na lang and smile.

I just cannot imagine why people feel the need to "criticize" babies kahit pa pabiro lang.  ???

minicake

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #270 on: November 30, 2011, 02:41:18 pm »
Naku mga sis I feel the same way ng newborn ba si baby ang itim nya ng first 2 months nya tpos nagkaron pa ng mga rashes sa mukha kaya pagnakikita siya mga relatives namin bakit daw pangit anak ko sabi ko na lang magintay kayo after a month yan ang papalit sa trono ko,LOL! Apple of the eye kasi ako when I was a kid ayun ngayon 1 yo na si baby totoo nga siya ang bagong apple of the eye ng mga pinsan at tito and tita ko.. Mukha syang Koreana and uber pa sa bibo duper charming talaga sya. So proud of my baby.. Kaya keri lang kung di kagandahan ng baby nagbabago naman yan.. Sabi nga ng pedia nya dati when she saw my baby na di ko kamukha ng newborn pa sya ang bata daw di mo makikita totoong itsura until mag 12 yo siya.. Kaya di ako nadedepress nun kapag sinasabing pangit si baby ko biro na lang ako na mahahawa din yan sa pagkadyosa ni mommy!lol
« Last Edit: November 30, 2011, 02:45:47 pm by minicake »

SnowBall

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #271 on: November 30, 2011, 02:59:51 pm »
Hi mga sis, naku, pag mga pintasera, inggit lang yan sa totoo lang. Dina down ka nila, kasi para sila ma feel good nila mga sarili nila.

Wala pa naman lumalait kay baby, thank God, palagi lang comment, bakit daw maitim, kasi kami ni hubby, parehong maputi.

Eh anong magagawa, eh nagmana sa tatay ng husband ko na maitim LOL.

Pero yung sabihan na PANGIT ang baby ko, mag try sila, makakatikim sa akin ang magsasabi noon.

Ang sasabihin ko lang naman sa magsasabi nun:

"AH PANGIT BA ANG BABY KO? EH BABY PA YAN, MAGBABAGO PA YAN, EH IKAW, MATANDA KA NA, ANG PANGIT MO PA DIN" :p



janelle0826

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #272 on: November 30, 2011, 11:58:53 pm »
ako naman yung baby ko lagi nilang sinasabihan na parang idinikit lang daw yung ilong. pango kasi nagmana saakin. eh yung asawa ko matangos ang ilong so palagi nila sinasabi na sayang daw hindi nakuha ilong nya babae pa naman. minsan nakakasawa ng marinig pero kelangan deadmahin kundi lalaki lang ang issue.  :'(

bachoi

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #273 on: December 01, 2011, 06:21:49 am »
yung baby ko pango pero deadma lang pag may nagsasabi sa akin kasi ganun din naman nose ko. keber! hehe.

jp_jameop

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #274 on: December 01, 2011, 12:52:23 pm »
hi girls.. first time mom here and sa feb pa ang due ko..

natatawa ako sa mga kwento nyo.. heheh ako kasi pango din so pinagdarasal ko na sa ama nya magmana ang ilong. LOL pressure pa ako kasi magaganda at pogi mga pamangkin ko. heheh kaya sinasabhan ako na "REMEMBER, BAWALA PANGIT SA PAMILYA NATIN!" LOL sagot ko naman sa knila, "DONT WORRY, MAY VICKY BELO NAMAN EH! " hahahahhah

pinagdarasal ko tlaga normal and healthy si baby. :)

God bless sisses. :)

inkslinger

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #275 on: December 01, 2011, 01:57:29 pm »
i can't really fathom why there are people who find pleasure in finding physical faults in people. kulang ba ang mga ito sa yakap nung maliit pa? what happened during their formative years that make them behave in such a rude way? kasi ayokong lumaki ang anak ko ng kagaya nila.

i noticed that these pintaseros are seemingly oblivious of their own looks. mamimintas ng bakit pandak yung bata, eh samantalang siya ay maliit din. meron naman pipintasan yung nanay bakit mapayat tapos hihirit na okay lang na mataba sya kasi ibig sabihin sagana sya sa pagkain. huh?

kaya mga mommies, deadma nalang. siguro kulang lang yon sa happy thoughts. mga depressed and would like to rub onto us their unhappiness. so smile na lang ang sagot, then layasan sila while they are in mid-sentence. sabihin nang rude but it serves them right. anyway, you still smiled so it is not outright rude :)

beatrize zuri

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #276 on: December 02, 2011, 04:09:46 am »
hay naku lagi nilang napapansin na curly yung hair ng dau ko, eh parehong straight ang buhok namin ni hubby, sagot na lang ako ng "parebond na lang paglaki niya!"
 
pero pag may narinig akong nagsabi na pangit ang anak ko eto ang isasagot ko sa kanya "buti na lang naging pangit ka kasi wala ka ng igaganda kahit mag pa belo ka pa!"

gripfast

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #277 on: December 02, 2011, 09:02:17 am »
I named my son, Lucio coz of my boyfriend's parents names. It's Lucilla and Oscar = LuciO.

So, bakit daw pangmatandang name and ang pangit pangit daw sabi nung nagtitindi dito sa amin. Argh! nainis talaga ako. Sabi ko na lang, "ok lang po yun, kaysa naman po apaka ganda ng pangalan eh wala naman kinabukasan." I was so mean kasi I was pertaining to her daughter na di nag aaral and nakatambay lang.

May isa naman sabi ko, "ay, wag mo itabi anak mo sa baby ko pag laki. baka kasi mabakla yan! sige ka!"

argh! i hate people talaga na kino-compare ang mga anak nila sa anak ko. i mean, come on! ako na lang tarayan nila wag na baby ko.

gripfast

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #278 on: December 02, 2011, 09:17:32 am »
@EvyLora - Sis! mahirap nga yan kasi ako naiinis talaga ako pag may ganyan. When I gave birth to Lucio, sinasabi ko talaga na mukhang daga si Luc. hehe of course that was a joke kasi alam ko naman magbabago pa ang face nya. I would often tell yung mga namimintas na..."oh well, let's wait and see." hehe Pero I swear mukhang bubuwit talaga si Luc nung lumabas sya. hehe cute na bubuwit.

ito sya nung baby sya...cute pa sya!

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150148315811175&set=a.10150148315511175.288587.551411174&type=3&theater


Pero now, everytime may nagsasabi na cute si Luc. ang sinasabi ko...ehem! ehem! gwapo ang anak ko. hehe

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150374040121175&set=a.10150374039616175.352381.551411174&type=3&theater

Nakakainis talaga yan mga taong ganun. Binabara ko na lang sila pag may pumipintas kay Luc. Parang, Sige nga! pagtabihin mo anak mo at anak ko, baka mahiya kayo sa ka-gwapuhan ng baby ko. hehe!

@evylora sana sinabi mo sa tita mo..."eh kaya naman pala favorite mo yang baby na yan kasi kamukha mo hehe joke!
« Last Edit: December 02, 2011, 09:19:05 am by gripfast »

khriseeee

  • Guest
Re: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« Reply #279 on: December 02, 2011, 05:14:00 pm »
I have to admit I was an ugly baby. I did not look like a baby girl, everyone thought I was a boy! Dunno how my mom felt about it, growing up rin there was a family friend who actually told my mom I wasn't pretty - ganun din, I had darker skin almost non-existent nose bridge, etc. I guess at some point in time my mom took it to heart because she always made sure I was well groomed, well dressed, good manners etc. My parents never told my sister and I that we were beautiful, they didn't want our egos to become big plus they didn't want us to think rin that looks are all that matters.


 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close