watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102942 times)

kim_trasher07

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #220 on: June 30, 2010, 09:27:50 pm »
sa anak ko, sinasabihan nilang pango. though nung bata ako pango din ako tapos nagbago na lang nung lumaki na ko.

julia_hart

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #221 on: June 30, 2010, 10:41:00 pm »
si baby madalas masabihan ng matangos pa daw ang pisnge kesa sa ilong!! *lol* , pano ang taba ng pisnge, natatakpan na tuloy at na-i-stretch yung maliit na ilong.. hehe.. sana tumubo pa!! :-)

abby_08

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #222 on: July 18, 2010, 10:02:02 am »
pango daw which is true naman halos wala ngang bridge yung nose niya pero hoping na sana pag lumaki laki pa siya eh tumubo naman kasi matatangos naman ang ilong namin ni hubby....and now na 11 months na siya napapansin yung gap teeth niya....sabi nila nasanay daw kasi sa paci.

Bash

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #223 on: July 20, 2010, 06:26:00 am »
i don't know if I'm going to consider it as pintas... sabi nila bakit daw maputi si baby, e hindi naman daw kami kaputian mag-asawa. (parang sa amin ni hubby ito pintas hindi for baby)
 ;D

blanchejbv12

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #224 on: July 22, 2010, 03:35:11 pm »
my baby naman daw lahat malaki... malaki tengga, malaki bibig hehe bagay at cute naman ^_^

thansher01

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #225 on: July 22, 2010, 11:05:56 pm »
funny lang yung nareceived na comment ng son ko.. tenant/friend churva yata ng ILs ko.. "ay hindi bibo".. kasi naman tinanong nya kung sino daw gwapo.. my son didn't answer.. he just stared at the lady. tapos sabay comment "ay hindi alam kung sino gwapo, hindi bibo".. haller naman.. pano sasagot, eh english first language ng son ko. pano sya maiintindihan.. hindi na ako nagcomment pa. at baka kung ano pang sabihin ng MIL ko hilaw.. ::)

finally

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #226 on: July 23, 2010, 02:17:16 am »
^ waahahaah sabog sana sya kung sumagot ka, kung wala si MIL mo, sya lalabas na hindi "bibo".

My brother came from vacation then nakita nya baby ko for the first time eto laht ng sinabi nya.
" ay ate bat ganyna ang pangit naman ng baby mo, ang itim and laki ng ilong etc etc etc" less than a month pa lang anak ko nun.
super pigil ko na hampasin sya at baka mbinat ako. i kept quiet [textspeak!] talga. all of a sudden he forgot na a week agp [textspeak!] may super kumsta p sya sa amin ni baby, yun pla need nya [textspeak!] pmasahe pauwi pag naalala ko yun naiinis ako muntik ko na syang singilin sa lahat ng ginastos ko sa knya sa pagkuha ng nursing.
that was the worst talaga.

thea_girl

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #227 on: July 23, 2010, 11:08:33 am »
habang lumalaki raw gumaganda kase nung baby daw maitim. (ngek!)
kamukha daw ng lola (MIL) i considered that pintas.  ;D

liyapot

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #228 on: July 23, 2010, 12:29:17 pm »
sabi nila... ang cute naman ng baby boy nyo...
thanks but no thanks... girl po ang baby namin!!!

thansher01

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #229 on: July 23, 2010, 02:27:18 pm »
^^@sis finally, dapat nga babarahin ko yung lady.. i should've asked my son "Tyler's she's asking you who's handsome?".. sayang!! plangak sana sya.. ayoko lang kasing makarinig pa ng kung anong comment sa aking monster-in-law (MIL) ;D and hindi rin kasi nila alam na bilingual yung son ko..

angeljolie

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #230 on: July 23, 2010, 08:44:55 pm »
Palaging pintas sa anak ko eh maliliit daw ang ngipin. Totoo naman so hindi naman ako na-hurt. But I'm thankful malalaki na yung  mga bagong tubong ngipin nya.

Pansin ko lang, majority talaga ng mga Pinoy eh ilong ang number one concern sa physical attributes ng mga bata. Wala lang observation lang.

pixiedusk

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #231 on: August 07, 2010, 10:36:29 am »
mind you.. di ugly you kid mo hehe... ako lang yun ugly..  :)

Gladz31842

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #232 on: August 07, 2010, 11:11:27 am »
sis feeling ko may inggit ang tita sayo, kase nagka-baby ka, siya hindi...dinadaan niya ngayon sa pang iinis by making pintas your baby kase alam niya mararamdaman mo...looking at the pictures, alam naman nati parehong hindi totoo sinsabi niya, ang cute kaya ng baby mo! kaya sobrang halata yong intention niya na mang iinis lang. may bitterness ang tita sis ha...kaya gantihan mo, pakita mong di ka apektado, titigil din yan kase wa-epek..ako natatakot sa karma na aabutin niya sa ginagawa niya...

vipher

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #233 on: August 07, 2010, 11:25:56 am »
Grabeh naman tita mo! Hindi ba sya naging magulang? Di ba nya alam ang pakiramdam ng isang ina kapag anak na ang pinag-uusapan?

Ipa basa mo sa tita mo lahat ng mga comments dito baka sakaling matauhan  >:(. Pag hinde . . . padapain natin at paluin ng bongang bonga sa puwet.  :P


health.gal

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #234 on: August 07, 2010, 10:18:44 pm »
hay naku, just keep distance from your shallow-headed relatives!

happyfemme

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #235 on: August 09, 2010, 11:56:03 pm »
Super cute ng baby mo sis!

My baby is moreno din, kulot, tsinito and may dimples. Pero i dont mind na maitim si baby.

Sis, kung naghahanap ka ng mapaghuhugutan ng lakas ng loob just look at your baby. From the way he smiles, parang walang pakialam sa sasabihin ng mundo as long as mahal siya ni mommy and ni daddy.

Sis, gusto mong gumanti sa tita mo? PRINT THIS THREAD AND GIVE IT TO HER! Baka mag hanap siya ng lungga na pagtataguan sa kahihiyan na inabot niya sa thread na ito.

Pag nagalit siya sa mga comments ng mga sisses natin, tell her "masakit ang pintasan diba?"

If you print this, sana mabasa niya yung post ko "OY TITA! CHAKA KA!"


tennisgirl

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #236 on: August 10, 2010, 11:36:23 am »
hindi panget ang baby mo sis! yes, maitim siya pero puputi din sya pag laki...i can say na di ugly ang babay mo kasi meron akong nakitang baby na ......basta, the child is not presentable talaga...maybe bcoz her mom is pintasera LOL  ;D

delisyus

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #237 on: August 10, 2010, 12:12:21 pm »
pareho kaming moreno ni hubs so we knew we wouldn't give birth to a fair child... and kami na din ekshuli ang unang nagko-comment minsan na maitim anak namin (with tawa, pero with loving tones din)...

i guess iba-iba kasi boy sya so mas walang expectation na maging makinis at maputi... and I braced myself na compared to fairer kids, baka wala kaming ma-receive na compliments sa kanya...

weirdly enough tho, kami pang parents ngayon ang nagugulat kasi andami nagko-comment na cute sya :D

==========
tamad ako basahin yung thread but this much I will say... no person, whether my relative or friend or a stranger or whoever, will belittle, criticize, shame, etc my child... lalo na if my child is with us.  So if your Tita is very vocal about her distaste for your child coz of his skin color, I say put your foot down na and confront the Tita... as in simpleng, "pwede ko bang itanong if you can keep your opinions to yourself or habang buhay mong magiging issue yan at ngayon pa lang eh maghiwalay na lang tayo ng landas? kasi baka mamaya laitin mo anak ko sa harap nya, makakalimutan kong Tita kita" :D

bathilda

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #238 on: August 10, 2010, 10:13:58 pm »
Dapat ignore her na lang. Your baby is cute at mukhang jolly. Kung maintim man, so what? In any case nagbabago naman daw ang features ng baby until about 3 years old. Ang baby ko ang itim itim nung newborn until mga 4 months. kasi ang daddy sobraaaang itim! pero now nag lighten na ang skin although maputi pa din ako sa baby ko. Ang importante ay healthy at malinis, maganda ngipin etc na halatang alaga talaga.

aien

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #239 on: August 26, 2010, 10:27:35 am »
thanks mga sis!!! mas naniniwala ako sa inyo kasi tayo may mga baby siya kasi wala.. ;D

at may bago na naman siya pinipintas kay BABY..dokleng daw si baby!!tapos bakit daw si baby pag madilim na or gabi na, madilim na din daw ang kulay!! ang rude diba!!! tapos sasabihin niya buti pa tong baby ko( reffering to the baby of my cousin) ang bait bait.pogi pa! tama ba yun!! imbes maasar ako sa kanya, tinatawanan ko siya..

well as long as mahal namin ni hubby si baby keber ko sa sasabihin nila...
 ;D

eto na pala si baby ngayon...

http://www.facebook.com/photo.php?pid=163336&l=f952d8b1b4&id=100000577972824

eto naman si tita with his favorite baby of my pinsan...
http://www.facebook.com/photo.php?pid=163500&l=5fe44851b6&id=100000577972824


natawa ako sa pangalawang picture ha...bulag ata tita mo...

bulag sa itsura niya...tomboy ba yan?
buti di mo siya sinasagot..kung sa akin yan supalpal yan hehe...

curious lang ako, tita mo ba siya o tita ng asawa mo?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close