watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 103025 times)

pinkypop_30

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #140 on: April 08, 2010, 01:24:23 pm »
Hi sis evylora :)
Yaan mo na tita mo sis sa mga pinagsasabi niya ... ang importante malusog, ndi sakitin at masigla si baby. Tsaka lagi mong tatandaan na wala sa panlabas na itsura o kulay ng balat ang huling husgahan ... kundi kung gaano kabusilak at kaganda ang kalooban ... at yan ang tamang itanim nating mga mommies sa ating babies :)

Lam mo sis inggit lang yang tita mo hehe ... Basta mahalin natin at alagaan ng mabuti si baby ... oks na oks na yun :) Tsaka remember babies are blessings from God kahit ano pang maging itsura at kulay nila and they are always beautiful in God's loving eyes :)

Cheer-up sis ... your baby is cute and fine. Deadmahin mo nalang si titang inggiterns hehe

lochness

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #141 on: April 08, 2010, 01:36:20 pm »
they're bad and rude!!!!!!
« Last Edit: July 21, 2010, 08:14:25 pm by lochness »

wkt

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #142 on: April 08, 2010, 06:16:28 pm »
wag mo na lang pansinin si tita mo.  i think its your cue to keep your kid away from her. hindi nyo kailangan ng mga ganung klase ng tao.

medyo nakaka-relate din ako, kasi sa father side ko, yung mga tita ko tsaka yung lola ko (mom ng papang ko) sobrang mapanglait.  as in, i grew up hearing them call me 'negra', 'taba' and 'pango'.  totoo naman na mataba ako and pango ang nose ko and hindi ako kasing puti ng cousins ko pero yung sabihan ka ng ganun, kahit pa sabihing nagbibiro lang, it still hurts.  it hurts when they say those things pero kako love naman ako ng mommy and papang ko altho admittedly, may naging bad effect din yung mga sinasabi nila lalo na when i was young. dati naiinsecure ako and naiinggit dun sa mga cousins ko just because mas maganda sila akin.  gusto mo bang maka-feel ng inggit and insecurity yung anak mo? i think not.

anyway nung medyo lumaki na ako (at naging 'palaban' haha), narealize ko na di ko naman kelangan maging affected dun sa mga sinasabi nila.  kako hindi ko naman ikayayaman kung sabihin nila na ang ganda ko or ang galing ko so i stopped giving a d@mn about what they say or think altogether. siyempre civil naman ako sa kanila but i never went out of my way to get their approval or attention. i guess it helped a lot kasi maayos ang palaki sa akin ng parents and yun nga, strong-willed din naman talaga kasi ako kaya i was able to ignore snide comments and became a better person despite their negativity.

anyway, nung nagka-baby ako i swore to myself i wont let them get anywhere near my daughter. knowing yung attitude nila, malamang may comment nanaman sila na kesyo  'pango' or 'kalbo' or whatever yung anak ko.  i know for a fact that my daughter is perfect and awesome in every way but knowing them meron at merong masasabi yung mga yun.  akala mo naman mga kagandahan ano?  maiinis lang ako so its not worth it!  my daughter is now 1 yr and 4mos old pero siguro mga 4-5x pa lang nila nakikita.  thankfully everytime na magkikita-kita naman kami eh wala silang negative comments na sinasabi about my baby in front of me.  im sure meron yun pero wag lang sila magkamali iparinig sa akin as i wont hesitate to put them in their places.  i swear, i wont let them plant any kind of seed of doubt sa heart ng anak ko.

anyway, i strongly suggest you stay away from your tita na lang.  ilayo mo yung baby mo sa kanya kasi hindi kailangan ng anak mong ma-feel na inadequate siya dahil his looks doesnt suit your tita or anybody's liking, kahit pa relative nyo.  kahit pa biro-biro lang yan or kahit pa ba you feel that he's still too young to understand eh believe me these babies are able to feel if they are wanted or not.  making a child feel unwanted, inadequate or unloved is one of the most cruel thing a person can do (kalinya yan ng child abuse para sa akin).  yung tita mo, hayaan mo na lang, makakarma din yan!  stay away from your tita na lang, iwas stress pa for you also.

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #143 on: April 08, 2010, 08:03:57 pm »
thanks po mga sis!!!

luvluv

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #144 on: April 08, 2010, 08:58:35 pm »
argh. i hate people like that. sobra makapintas, kala mo naman kung sinong anak ng diyos sa ganda!

sis evylora, take comfort. 1. hindi panget si baby. never NEVER mo dapat sabihin yan. sabihin man nilang panget, wag mo pansinin. hindi sya panget. not at all. so what if big lips sya? that was what was given by God, and everything he gives is beautiful. 2. hindi masama maging maitim. i was born negrita. maitim, ulikba, pwet ng kaldero, kirara. to the point na sabi ng doctor sa mom ko, "okay lang po yan, black is beautiful."  pero ngayon, without using any whitening products, naturally fairskinned ako. maputi. minsang tinawag na white lady sa school. iba talaga ang kutis pagkapanganak til after 2-5 years. wag silang mapanghusga na maitim si baby or what dahil ganyan talaga. lalo na kasi habang lumalaki si baby, yung outside factors/environment can affect the skin color. hindi basehan ng pagiging maganda/gwapo ang pagiging maputi. balang araw mag-iiba din yan. or even if hindi mag-iba, so what? tao yang baby mo. there's more to being maputi or maitim. kulay lang yan.

love your baby no less. dedma na sa lahat ng pintasera. hay.

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #145 on: April 10, 2010, 09:20:08 pm »
ngayon mga sis deadma na talaga ako sa sasabihin ng ibang tao :D


love my baby somuch...he gives me so much happiness everyday..

lenieliam

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #146 on: April 11, 2010, 05:29:06 am »
i'm maiitim as a child and up to now while my sister naman is tisay.  dalawa lang kami.  as a child, i never felt different from my sister.  our parents treated us the same way.  so lumaki ako na parang walang issue sa kulay ko.  looking back, ngayon ko lang na realize na people and even my relatives probably preferred my sister because all the childhood stories were about my sister.  even my parents, lahat ng stories nila about my sister din.  :)  but growing up, di ko talaga na feel na iba ako kasi iba ang kulay ko.  in fact, akala ko din nung bata ako maputi ako! hehe... siguro, the reason why di ko na feel na different ako is because my parents never treated me differently.  hindi nila sinasabi sa akin na maiitim ako.  i guess, sister, it's up to you how your child will feel about his color. 

btw, i have a 16 month old baby boy now who is also maiitim, parang ako. hehe... wala akong pakiaalam kahit maiitim sya. kung may issue yung relatives ko sa kulay ng baby ko, simple lang... di ko na sila consider na relative kasi kung kamag-anak ko sila alam nila na masasaktan ako kung itreat nila baby ko differently because of his color.  tatangalin ko sila sa listahan ko ng kamag-anak. :)

FickleMinded

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #147 on: May 12, 2010, 09:09:30 am »
naiiyak me. kasi  sabi ng tita ko nung una pa daw nakita niya si baby ko di na daw niya gusto kasi pangit daw ang baby ko at maitim. tama ba naman yun na reason? ngayon di ko alam kung ano mararamdaman ko. naawa ako sa baby ko. mas gusto ng tita ko yung babies ng mga pinsan ko. kasi daw mga cute tapos si baby daw maitim at malaki ang bibig. sobrang nasasaktan ako. parang wala nagmamahal sa baby ko kundi kami ng hubby ko. sana kung di nila gusto wag na nilang pintasan. please help...naiiyak talaga ako.. don't know where to post and wala me mahingahan ng sama ng loob..

God bless...
your tita is one insensitive b!tch!!!
sabihin mo sa tita mo, ok lang na physically panget sa tingin nya yung baby mo, eh say ugali nya saksakan ng panget!
Makakarma yang tita mo, kahit angel pinipintasan, sana huwag syang amgkaapo ng negrito  ::)
« Last Edit: May 12, 2010, 09:11:07 am by FickleMinded »

anneG

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #148 on: May 12, 2010, 11:02:23 am »
meron akong kakilala may pagka mayabang & pintasera yung mommy, infairness medyo tisayin kasi si mommy (maputi talaga)..ayun si baby niya, paglabas morena! nakuha kulay ng daddy..ewan ko lang ngayon kung makapintas/makapag mayabang pa siya ng tao.

oyster

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #149 on: May 12, 2010, 11:32:27 am »
super cute ng baby mo! nagulat ako pagkita ko sa pics, sino namang hunghang manlalait dun?

i hate your tita! she's stupid! ang kagandahan wala sa kulay. kelan ba kasi nagkaroon ng thinking na pag maputi, automatically eh maganda na? kakainis talaga.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #150 on: May 12, 2010, 11:35:00 am »
eto naman case ng friend ko: baby niya girl, maitim din pero cute naman pero di ko maintindihan kasi ayaw niyang tanggapin na maitim baby niya, lagi niyang sinasabi "brownish" di ko na lang siya kinokontra kasi nga baka ayaw niya talaga tanggapin na maitim. ito kasing friend ko eversince talagang insecure siya sa kulay niya na namana ng baby niya...lagi ko na lang sinasabi na cute ang baby niya without mentioning skin colors,  ;D

lea06

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #151 on: May 12, 2010, 11:39:34 am »
Naku sis! deadma sa tita mo adik yata yun eh hehe! Baby ko nga niloloka nila tisay pero sa totoo maitim siya hehe! sinasakyan ko lang at sinasabi ko sa panahon ngayon hindi na imposibleng pumuti hehe! oks lang yan may mga taong ganyan talaga, wag kang mastress  ;D ;D ;D

l4dybu6

  • Guest
Pintas na na-receive ni baby
« Reply #152 on: May 23, 2010, 10:31:51 am »
kung may magandang papuri, ano naman ang kapintasan na narereceive ng baby nyo. Di kasi maiwasan may mga taong pintasera talaga at ikukumpara pa ang anak nila sa anak mo.

sa anak ko, dati kasi matagal sya bago nakapagsalita ng maayos, bulol sya kasi. lagi kino compare sa cousin nya na madaldal.
tapos legs daw ng baby ko dami peklat, lagi kasi sya kinakagat ng insekto. nangingitim pa yung marks. pero makinis na sya now na 7 yrs old na sya. kaya pag may pupunta kamag anak lagi naka tingin sa legs. tinitignan yata kung dami pa peklat. hehe. lagi ko inuunahan, makinis na po yan.  :P

rons_little_bb

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #153 on: May 23, 2010, 02:20:59 pm »
sa 3month old kong baby boy, lagi tinatanong bakit daw flat ang ulo.

pixiedusk

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #154 on: May 23, 2010, 03:38:44 pm »
this is hurtful to the mother/parents noh?

my baby's dad is a brit.. they expect too much from him... its scary panu kung di niya maabut yun expectations ng mga tao dito...

*sigh*

twistedjodi

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #155 on: May 23, 2010, 08:39:57 pm »
Pango.  i don't mind kasi totoo naman. hahaha

Amphitrite

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #156 on: May 24, 2010, 02:03:54 am »
epal

;D

Sabi yan ng best friend ko, masyado kasi curious anak ko lahat na lang tinatanong minsan nakakarindi na.

My best friend and I are brutally honest to each other, ganyan talaga kami.

NyLyM_nAyR

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #157 on: May 24, 2010, 10:15:21 pm »
sa 3month old kong baby boy, lagi tinatanong bakit daw flat ang ulo.

gaun din sa baby ko :( di daw pantay :(

aquacharly

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #158 on: May 24, 2010, 10:19:13 pm »
Chuplada
Masyadong fat
Mataba legs

wengerts

  • Guest
Re: Pintas na na-receive ni baby
« Reply #159 on: May 25, 2010, 07:53:53 am »
maitim daw! pero maputi naman sya.
gusto ata nila kumikinang na puti e

 

Latest Stories

Load More Stories
Close