watch now

Author Topic: Avida (Anything and Everything)  (Read 125462 times)

leynathan

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #300 on: August 19, 2015, 11:21:28 am »
update : :)
sa wakas nakapag turnover na bago mag start ang ghost month..well daming ka restrictions sa pagpapa renovate.. such a hassle pa rin ... anyway positive vibes na lang :)

sis, when they say turnover, allowed na mag move in?

angelholics

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #301 on: August 25, 2015, 06:55:05 am »
hi sis, yes pag turnover bigay na din nila sayo un key ng unit.
for the move-in kailangan may move-in pass pa hehe.. we have the copy anyway :)

we had a soft copy sent thru email days after - therefore, no way we can move in on the spot even if we have stuffs hahaha that was just an example ha :)

sweet angel

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #302 on: September 13, 2015, 11:15:47 pm »
Hi! any update dun sa mag may unit sa avida san lazaro? ok naman? magkano nyo nabili ang unit nyo?anong year? pinaparent nyo? magkano?  ano mga restriction para sa clubhouse at swimming pool? ...salamat.

happynlove

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #303 on: January 09, 2016, 09:50:11 pm »
Mga sis any feedback on Avida Settings at molino-paliparan cavite? Okay kaya to uwian to and from bgc where I work?
I initially thought of buying at avida nuvali kaya lang mas malalaki cuts sa cavite. YUn nga lang may shuttle na papunta nuvali from market market kaya mas convenient. How convenient is it to commute from this part of cavite to bgc?

happynlove

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #304 on: January 09, 2016, 10:01:17 pm »
Pahabol mga sis, may nakabili na ba from st. Alexandra estates antipolo? Nakita ko may shuttle sila..

crzysxycl

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #305 on: July 09, 2016, 06:09:46 pm »
Hi mga sis! Up ko lang tong thread. May kinuha rin akong unit under ayala pero sa amaia naman. They recently told me na instead of next year, mamove ng 2018 ang turnover ng unit. Nakakainis kasi 2017 ang nakalagay sa CTS tapos biglang nag iba. Another thing is approved na housing loan namin at mag start na kami ng monthly amortization by October. Nagagalit hubby ko kasi bakit daw ganon, pag magbebenta lang magagaling tong mga agents na to. Pwede pa kaya namin bawiin nalang yung mga naibayad namin? Wala kasing nakalagay sa CTS na specific sa ganitong scenario. Ang nandun lang is pag naturnover na ang unit, may 20% deduction plus other fees silang ibabawas sa total payments made. Ayaw na naming ituloy, di bale ng mabawasan yung pera kasi mula reservation, pag ff up ng CTS hanggang turnover sakit lang ng ulo inabot namin. Nakakaasar kasi kakilala pa ng tita ko yung agent at tiwala nga kami dahil under sila ng ayala. Ngayon ko lang kasi nakita tong thread. :( Sana po may makasagot. Thank you!

three8one

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #306 on: July 10, 2016, 01:06:11 pm »
^ ganyan din inabot namin sis sakit ng ulo nun kumuha kami sa avida. kami nga nag mamonthly amortization na sa banko wala pang nakikitang bahay. pero ang mashare ko lang sayo sis kung may plan kayo kumuha uli sa ibang developer ito na lag isipin mo, mag sisimula uli kayo mag process ng requirements tapos may mga aasikasuhin kayo uli sa banko dahil ipapalipat nyo. paano kung mas worst pa sa amaia ang makuha nyo? may tendency baka lilipat na naman kayo. sayang ang panahon. kami ang ginawa na lang namin, kami na nag adjust para hindi kami makonsumi. pero kinulit namin ng kinulit yung developer, yung agent and keep on reminding them na we were fully paid already sa kanila kaya siguro naman we deserve ma maipriority. ang problema ng developer jan sis eh yung mga sub con nila kaya natatagalan yung turn over nila. sa awa ng Diyos, yung usapan sa contract namin na 6 to 8 months upon payment of equity matiturnover na yung bahay eh inabot ng 1 yr and 6 months. ngayon pwede na lipatan. pero nasasayo pa din naman ang desisyon sis.

crzysxycl

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #307 on: July 10, 2016, 09:36:04 pm »
^Hi sis! Thanks sa reply. Tingin mo sis mababawi pa namin yung nahulog namin? Gusto ko kasi sana meron man lang kapalit yung kapalpakan nila like pahabain pa yung pagbabayad ng remaining DP. Nagmamadali kami mabayaran agad yun pala paasa lang sila. Nakakainis kasi isipin na clients pa mag aadjust sa faults nila. Plan ko sana sa susunod na bibili kami property, lote nalang tapos paunti unti nalang tayuan ng bahay. Atleast matatanggap ko pa kahit matagalan di gaya nitong sa Ayala, ang sakit talaga sa ulo.

angelholics

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #308 on: July 12, 2016, 09:10:23 am »
hi sis, i have a friend din na nag monthly amort na sa bank since last year and hangang ngaun hindi pa nakakapag move in sa amaia somewhere in QC...

Q: Can I Get a Refund from a Property Developer if I Want to Cancel the Transaction?
A: Say you purchased a pre-selling condominium property in the Philippines over two years ago, but now would want to cancel the installment payment because you can no longer continue paying for it. Is it possible to get a refund from the property developer?

Republic Act 6552 or the Realty Installment Buyer Act, more commonly known as the Maceda Law, provides protection to property buyers on installment payments, but only to a certain extent.

Under the Maceda Law, if the buyer has paid at least 24 months of installments, they can pay the outstanding installments without any interest within the total grace period earned, which, as the law defines, is one month for every one year of installment made. However, the law also states that the buyer may only use this right once every five years during the life of the contract.

On the other hand, if the contract is canceled by the seller, the law states that the seller should refund the cash surrender value of the payments made by the buyer on the property.

shinies

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #309 on: July 12, 2016, 12:45:11 pm »
Pwedeng hindi muna simulan yung bank loan kung wala naman sila maibibigay na property.

Kung naituloy na yung loan, puro follow-up at pangaaway na lang pwede niyo gawin. Magfile kayo ng formal complaint, maghanap ng officer ganun

crzysxycl

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #310 on: July 12, 2016, 04:54:40 pm »
angelholics - hi sis, thanks so much sa info.

shinies - oo nga sis eh, buti nalang hindi pa na take out yung loan.

Tuloy nalang namin, kasi naconfirm ko from head office na pwede iextend yung pagbabayad ng DP. Ang laki rin kasi ng makakaltas kung sakali bawiin yung binayad tapos napakaraming proseso pa. Hay, kung alam ko lang na ganito pala aabutin naming stress sana hindi na kami kumuha ng unit. kakilala pa yung agent at broker pero mga walang silbi at walang paki matapos makabenta.

three8one

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #311 on: July 12, 2016, 05:46:52 pm »
Quote
Tuloy nalang namin, kasi naconfirm ko from head office na pwede iextend yung pagbabayad ng DP. Ang laki rin kasi ng makakaltas kung sakali bawiin yung binayad tapos napakaraming proseso pa. Hay, kung alam ko lang na ganito pala aabutin naming stress sana hindi na kami kumuha ng unit. kakilala pa yung agent at broker pero mga walang silbi at walang paki matapos makabenta.

palagay ko kung not in a hurry naman kayo sis, tama yang gagawin nyong desisyon. mas madaming hassle talaga ang mangyayari pag binawi nyo eh. baka yung hassle sa pag aantay nyo matapos yung unit nyo eh same hassle lang din ng pag kuha nyo ng nabayad nyo na. alam naman natin na once nakuha na ng developer ang binayad mo hindi na nila bibitawan yan. ibalik mo lang sa kanila ang pressure para makabawi ka sa perwisyong dinulot nila.

angelholics

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #312 on: July 12, 2016, 10:01:53 pm »

Tuloy nalang namin, kasi naconfirm ko from head office na pwede iextend yung pagbabayad ng DP. Ang laki rin kasi ng makakaltas kung sakali bawiin yung binayad tapos napakaraming proseso pa. Hay, kung alam ko lang na ganito pala aabutin naming stress sana hindi na kami kumuha ng unit. kakilala pa yung agent at broker pero mga walang silbi at walang paki matapos makabenta.

hehe ganon din un samin kakilala un agent/broker and super walang silbi din.. kame na naglakad ng papers pati pagpapasa kung saan bank makapag loan.. pero think positive na lang sis :)

crzysxycl

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #313 on: July 12, 2016, 10:18:20 pm »
^^Thanks sis. Oo nga eh, nadala na rin kasi ako sa kanila dati, kung hindi ka magfollow up, hindi sila kikilos. Kaya kahit kakatawag ko lang kahapon, tumawag talaga ako uli kanina kasi ang sabi kokontakin daw ako nung naghahandle ng account, pero wala naman ako nareceive na update. Bahala silang makulitan sa akin. :) Hindi naman siguro aabutin ng isang buong araw pag verify ng account diba, hindi ko lang gets bakit pinapatagal pa.

^Exactly sis, ganyan na ganyan din nangyari sa amin. Kami rin naglakad ng loan. Sa una lang talaga magagaling mga agent at broker na yan, para makahikayat. Yes sis, hayaan ko nalang. Makakahanap din sila ng katapat nilang clients lol.

eischied_21

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #314 on: May 24, 2017, 12:35:11 am »
Pansin ko lang ang common problem ng Ayalaland is yun delayed turnover. Haven't finished reading the whole thread yet. Plan to buy a unit at Centera along Edsa. Any Centera future owners here? Gusto ko kasi yun location nya.

LilaFowler

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #315 on: May 24, 2017, 06:05:19 am »
^ parang maganda yung Centera. Kasi madaming call centre sa area na yan. Kailan ang expected turnover nya?

If anyone is looking for a good agent for Avida, I can recommend one. Mabait talaga and asikaso kahit na tapos na yung sale.

eischied_21

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #316 on: May 24, 2017, 02:53:48 pm »
RFO na sis yun Tower 1. Then this year na din RFO ng Tower 2. Kaso ang mahal, studio unit 22-23 sqm nasa P2.2-P2.6M. I compared the sqm and price sa DMCI (Lumiere and Sheridan) for that price 1BR na makukuha ko 28sqm. I just wonder yun remaining towers like Tower 3 & 4 which I think pre-selling pa lang is hindi nagkakalayo sa price ng mga RFO towers. Sis, I'm OFW so hindi ako masyado sure sa exact location, before or after ba sya ng Boni metro station?

Gusto ko kasing location along Edsa sana for leasing. Oh, I already had agent sis from Avida Corporate Sales.

LilaFowler

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #317 on: May 24, 2017, 03:40:26 pm »
Coming from Makati, after sya ng Boni station. Between sya ng Shaw Blvd and Boni Station.

We bought a few that are pre-selling. 2 in Avida Vita (Vertis North) and 1 in Avida Cloverleaf. All studio units pero yung Vita we got 2 side by side with a view of combining if we decide to live there.

A lot of people say nga na laging delayed ang Avida pero we decided to stick with them kasi:

1. location - best location wise talaga there is transport connected.

Vita is close to 2 MRT stations and along EDSA. Plus there is a mall, a future park.

Cloverleaf naman is near a transport hub. The exit ramp for the Skyway to Makati is nearby, NLEX, A Boni to Manila and there is also Balintawak MRT station.

2. Masterplanned community - we prefer buying in communities instead of stand alone resi development. Kasi where there are offices, hospitals, retail shops, mas madali to rent out and also more convenient for us.
 

 
« Last Edit: May 25, 2017, 03:04:01 pm by LilaFowler »

eischied_21

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #318 on: May 24, 2017, 05:30:03 pm »
Pinaparent mo na sis yun mga condos mo? Ok naman ba yun 22sqm hindi naman sobrang sikip? Hirap din magdecide, yoko muna magbayad ng reservation fee unless makita ko na din yun mga model units. Ayalaland is my number 1 choice then 2nd lang si DMCI in terms of location and condo maintenance. Pero gusto ko rin talaga 1BR kaso ang mahal kay Ayalaland. Hindi na carry ng budget.

LilaFowler

  • Guest
Re: Avida (Anything and Everything)
« Reply #319 on: May 24, 2017, 08:08:01 pm »
Pre-selling sis yung binili namin.

Avida Vita is March 2018 pa ata and Cloverleaf end of 2018.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close