Author Topic: How did you overcome fear of driving?  (Read 139257 times)

rhumbafrapp

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #400 on: August 22, 2017, 09:30:35 am »
After driving school, have someone (pro license) to drive with you sa car na you intend to use. Thats what I did. I hired the company driver of my sister, gave him 800, for 4-6 hours of driving. Nakaupo lang sya and he let me drive and drive and park until maging comfy ako. I practiced for 3 Sundays :)

cl1995

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #401 on: August 22, 2017, 11:19:52 am »
2 months palang ako nagdridrive, my mom asked me to drive her in Manila (Sa province kami nakatira) so ako ginawa niyang driver (driver din siya). Ayun nakipagsabak ako sa EDSA at SLEX which is okay naman.

So ayun 4 years na akong nagdridrive and I can go to Manila by myself kung may utos sila sa akin. Puro SUV pa naman sasakyan namin

super bratinella

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #402 on: October 27, 2017, 04:38:46 am »
mukhang hindi talaga ako matuto ng manual, at least man lang sana kahit automatic matuto ako..

happie

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #403 on: November 28, 2017, 01:38:34 pm »
I took classes with socialite then my dad mentored me after that.  I drive slow because of him..lol

Harleyporky

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #404 on: November 30, 2017, 05:14:24 pm »
2 yrs ago bumili mama ko ng 2nd hand car ... no choice i drive ko yun car kase malayo sa amin un location ng vendor.
First time ko ulit mag drive nun after almost 1 yr na driving lesson lang so far nakasurvive kami ang kulit ng nanay ko kaka alalay sa akin habang nagdidrive  ;D ;D ;D

three8one

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #405 on: December 03, 2017, 03:21:23 pm »
pinag drive ko ermats ko. pinili ko madaling araw para konti lang sasakyan at tao but still naka sagi ako (side mirror) ng naka pedi cab (wala naman masama nangyari sa pedi cab rider). kahit naka sarado bintana dinig na dinig ko sigaw at mura nun tao. natakot ako sobra buong week kong iniisip yun. pero after nun nagging maingat na ko at mas lumakas na dibdib ko.

JayLan

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #406 on: December 04, 2017, 11:57:29 am »
Nerbyos sa umpisa then had bangga 3 times... now i'm proud to say that I am a prof driver :D 

krabby_patty

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #407 on: December 22, 2017, 06:15:56 pm »
Newbie driver here. Plan ko over the Christmas break is to keep practicing. By January I should be able to drive to and from work and park by myself. I went to driving school but zero experience prior to that.

Ang dami ko nang close calls but so far so good naman. Ang hirap matancha yung length ng sasakyan, esp since I can't see the hood. There are a lot of gracious people on the road pero madami rin grabe sa pagka impatient - they will overtake, honk and leer at you. Dedma! Ayoko maaksidente! I still have a long way to go :)


Jiyongah

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #408 on: December 22, 2017, 07:12:45 pm »
Hi,

I always wanted to learn how to drive and to face my fear but at the moment I don't know any good driving school. My dad has been pressuring me to learn.

Can you guys suggest me a good driving school within quezon city?

Thanks! :)

hushush

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #409 on: August 08, 2018, 07:11:29 pm »
Still in SP pero next week pwede na ako mag-apply ng NP pag may time kahit na hindi pa tapos ang driving course ko.. Nung 1st-2nd day ng driving lessson ko,  sobrang stiff ko at yun pagkakahawak ko sa manibela masyadong mahigpit. May instance na inaagaw ng instructor sakin ang manibela at ayaw ko bitawan na parang takot na takot maagawan ng food hehe.
Pero after few more exposure and practice sa daan , unti-unti naovercome ko na yun fear ko na baka mabangga, baka magasgasan ang car, baka makabangga, baka makasagasa.. 😊

Eto lang yung mga naging experience ko so far na nakatulong kung paano ko naovercome ang fear of city driving ko:
-nag-enroll sa driving school hanggang masteral course (advance course pa lang ngayon at medyo may confidence na ako)
-pumili ng instructor na komportable ako. Nagpalit ako agad once na sinungitan ako. Yun instructor ko ngayon never ako sinungitan. 👍
-practice at exposure using my own car pag walang driving lesson, nagpapasama sa kakilalang driver
-nakikinig lagi sa mga pinapayo ng instructor, hindi ako nahihiya magtanong
-nagdadrive madalas sa mga lugar na usual kong pinupuntahan using the training car or my own car
-laging nakabantay sa brake, pag apak sa gas, listo agad nakaabang sa brake kung may biglang susulpot na tao or motor lalo na kung liliko
-slow down or stop pag may nambully or nanggigitgit or naniningit. wag magchange lane basta-basta para umiwas.
-pag mataong lugar, wag magpabilis ng takbo, laging bantay sa brake.
-pag masikip ang daan or bottle neck at may kasalubong na malake, tumabi at paunahin
-pag blind spot at sharp corner, magbusina to signal yung car na nasa kabilang side na malapit ka na sa likuan para magslow down sya.
-pag uu-turn or iinsert, lingon-kaliwat kanan nang mabilis na parang tatawid lang sa kalsada (listo lagi)
-when it comes to parking, inulit ulit ko procedure at dinrowing ko pa para di ko malimutan

sofiameredith

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #410 on: August 09, 2018, 01:21:44 pm »
question pala mga sis, after niyo ma overcome yung fear of driving nyo, pano nyo naman hinahandle yung other problems like na flat tire kayo then mag isa lang kayo? isa 'to sa mga fears ko after driving yung mga issues naman na masiraan or mapara ng mga mmda due to swerving etc..

three8one

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #411 on: August 09, 2018, 02:35:37 pm »
^ guy ako mam pero mag share ako ng insight ko about sa queries mo.

doon sa pag sa na flatan ka, usually mga gulong ng sasakyan ngayon yung tinatawag na tubeless na, walang interior sa loob ng gulong. advantage nun pag na pako or any matulis na bagay na makabutas o tumusok sa gulong hindi sya basta basta ma deflate lalo na pag running yung sasakyan. except masabugan ka gulong ah. :D kaya most probably makakarating ka pa kung saan ka pupunta. ma deflate lang yan pag huminto ka na or mag park ng matagal. kung hindi ka pa marunong magpalit gulong I suggest dapat meron ka sa trunk ng portable tire inflator, kung Makita mo flat gulong mo at Makita mo napako or natusok ang rule wag na wag mo aalisin yung nakatusok. gamitin mo yung panghangin ng gulong then like what I said kanina makaka andar ka uli at madadala mo sasakyan atleast sa pinaka malapit ng vulcanizing shop.

kung parahin ka naman ng mmda make sure mmda talaga yun at dapat nasa lugar na madali pamansin ng iba. pag pinara ka na at hiningi lisensya mo una mo kailangan gawin kalma ka lang para makapag isip ka ng maayos. tanungin mo ano problema at kung sinabi may violation ka peram ng lisensya, tanungin mo muna kung ano ang violation mo. kung mapapaliwanag naman ng mmda mabuti at guilty ka naman talaga ng violation eto pwede mo gawin, bago mo bigay lisensya mo pwede ka maki usap, humingi ng pasensya etc. kung di pwede then tsaka mo bigay lisensya mo then paticket ka. make sure sa ticket andun yung tamang violation/s mo.

may isa pa mam na ginagamit pero just incase of emergency lang yun.. gamitin nyo yung charm nyo sa mmda baka sakaling pagbigyan kayo. hehe!

hushush

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #412 on: August 09, 2018, 03:19:12 pm »
^haha! Gusto ko yung last part.. Magpapa-byutipool eyes ako pag nahuli sabay lilis ng skirt para makita ang legs 😂😂😂

sofiameredith

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #413 on: August 09, 2018, 03:37:32 pm »
^mas ok mag lilis ng skirt pag may ichura yung mmda :)

[/quote]
may isa pa mam na ginagamit pero just incase of emergency lang yun.. gamitin nyo yung charm nyo sa mmda baka sakaling pagbigyan kayo. hehe!
[/quote]

haha...thank you sa tips bro!!! :)

« Last Edit: August 09, 2018, 03:39:43 pm by sofiameredith »

hushush

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #414 on: August 09, 2018, 03:47:25 pm »
^haha! Oo nga no yun mga tipong newly grad ng PMA. Mga gwapo eh hehe..pero kahit swangit basta wag matiketan basta wag ka lang mamanyakin hehe. 😂

three8one

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #415 on: August 09, 2018, 04:29:02 pm »
kaming mga lalake mga mamshie ay mga matalinaw din.... hindi nyo pa naiisip gawin yan nakauna na kami makatingin. haha! kung hindi sa cleavage, sa legs. kaya wag nyo ibaba ng full ang window nyo kung di pa naman kinakailangan dahil ayun ang mangyayari. haha!

hushush

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #416 on: August 09, 2018, 05:54:55 pm »
^haha! Grabeng rebelasyon.. Kahit heavily tinted? Pano kung naka-magic tint? Tindi naman kung makitaan pa hehe. 😂

Jiyongah

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #417 on: October 29, 2018, 04:20:07 pm »
Ano po pala ang mas okay i drive for beginners manual or automatic?

three8one

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #418 on: October 29, 2018, 06:14:59 pm »
As in zero knowledge sa driving? ano po ba ang I dadrive nyo na sasakyan kapag natuto na kayo? manual ba o matik? I suggest kung ano yung magiging sasakyan mo na gagamitin pang matagalan yun ang pag aralan mo as a beginner. kung for the sake of masabi lang natuto mag drive, pwede ka mag aral ng automatic. kahit ilang oras lang mapapaandar mo ang sasakyan.

simang

  • Guest
Re: How did you overcome fear of driving?
« Reply #419 on: October 29, 2018, 07:51:12 pm »
Ano po pala ang mas okay i drive for beginners manual or automatic?

true, depende sa kung anong sasakyan ang idadrive mo. either way kelangan mo magstart sa basic.

More than a year akong on off sa driving "lessons", no formal driving lesson, asawa ko lang nagtuturo sa akin. Pero sobrang bihira kasi wala rin namang time since palaging dala ni husband yung sasakyan to work, then yung sasakyan naman ng parents ko ayaw naman nila ipagamit for practice. Until nagdecide na ko magenroll sa driving school kasi kelangan ko na talaga magpractice mag drive.

Ito lang ang advice ko to overcome your fear of driving --- just do it! Seryoso, drive lang ng drive. The skill itself is easy lalo na kung matic, yung confidence behind the wheel ang mahirap imaster so the only way to do it is to practice.

Now, kelangan ba talaga mag driving lessons? I'd say no as long as may willing magturo sayo at magpagamit ng sasakyan habang nangangapa ka (if may kotse ka na then good). Pero helpful ang driving school lalo na kung mabait at kalmado yung instructor.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close