watch now

Author Topic: The Coffee Farmhouse Tagaytay  (Read 138201 times)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #360 on: September 12, 2011, 10:03:22 am »
OMG!!! solo namin nitong weekend ang coffee farmhouse!!! as in kaming dalawa lang ni bf guest nila.

tito bert and tita bebet were so warm and welcoming. ang bait nila. we were treated like family.

maghapon lang kami naglalaro ng kung [textspeak!]-ano ni bf tapos hahanapin kami pag kakain na, parang mga bata! hehe. nagpamassage din kami.

enjoy talaga dito, sulit na sulit ang bayad. dapat lang talaga gumalaw galaw kasi parang di pa natutunawan sa meal, ayan nanaman may nakahain nanamang pagkain. hehe. only regret namin was di kami nagdala ng wine. sarap sana uminom nun dun sa tabi ng pool.

Maein

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #361 on: September 12, 2011, 11:02:26 am »
^
tito bert and tita bebet were so warm and welcoming. ang bait nila. we were treated like family.

enjoy talaga dito, sulit na sulit ang bayad. dapat lang talaga gumalaw galaw kasi parang di pa natutunawan sa meal, ayan nanaman may nakahain nanamang pagkain. hehe.

super agree sis. hehe.. haay nakakamiss bumalik. Nung kami, nakapag bonfire pa kami nung gabi .. todo assist din si tito bert.  ;D we even request San Mig sa kanila.

Lunaticus

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #362 on: September 12, 2011, 10:02:50 pm »
^
super agree sis. hehe.. haay nakakamiss bumalik. Nung kami, nakapag bonfire pa kami nung gabi .. todo assist din si tito bert.  ;D we even request San Mig sa kanila.

Namiss ko tuloy...! I agree tito & Tita Be are the warmest.. msot accomodating people...!
Yan yung place na masasabi mo talaga... "kakain na naman?"....  ;D

^ Sis may bunga ba yung mini guavas nila sa tabi ng pool ngayon? tsarap nun!

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #363 on: September 13, 2011, 12:03:30 pm »
maraming guavas and santol. nahiya lang kami humingi. hehe.

pagnakikita ko silang mag-asawa naisip ko sana ganun din kami ni bf pagtanda namin, sweet pa rin sa isa't isa.

socxymom

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #364 on: September 13, 2011, 06:27:24 pm »
Kung sa December pa ang punta need na ba magpa reserve ngayon pa lang at need na ba mag downpayment?

its up to you kung gusto mo na magpareserve para at least mabigyan na kayo ng magandang slot at mas okay na yung maaga..:) if gusto niyo na magpareserve need niyo na magdownpayment..kasi upon downpayment dun pa lang mareserve yung slot niyo..:)

Lunaticus

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #365 on: September 13, 2011, 09:33:12 pm »
maraming guavas and santol. nahiya lang kami humingi. hehe.

pagnakikita ko silang mag-asawa naisip ko sana ganun din kami ni bf pagtanda namin, sweet pa rin sa isa't isa.


  I super agree sis! It's THE love that last forever. Sarap pagmasdan.  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #366 on: September 20, 2011, 07:05:23 pm »
mga sis meron pa ba kayong na-try na mala- TCF ang setup? yun tipong maluwag yun lugar, masarap ang food, free use ng mga facilities at higit sa lahat mabait ang owners? hehe.

naghahanap kasi ako ng TB venue. e nakapag TB na kami sa TCF dati.  :)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #367 on: September 21, 2011, 09:03:51 am »
^sis if feel mo sa laguna, check mo doña jovita. parang TCF siya pero mas maraming pool. =) dun kami nagteam building last july. malawak yung lugar, tapos dun pa nagpapractice yung pusakals ba yun ng football. yun nga lang nagdala kami ng sarili naming raketa ng badminton. may pingpong table, tsaka billiards. 

Maein

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #368 on: September 21, 2011, 09:36:43 am »
i suggest Casa San Pablo, sa Laguna din sis.  ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #369 on: September 21, 2011, 12:26:19 pm »
thanks mga sis. parang mas mukhang same sa TCF yun casa san pablo nga.

^sis maein, pwede ba magdala ng "drinks" sa casa san pablo?  ;D

Maein

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #370 on: September 26, 2011, 05:08:23 pm »
^^sis lakwatsa, naku di ko alam sis kung pwede pero I remember nagdala lang kami bottled water, tago lang sa bag at mga junk foods. hehe. Pero sa pagkakatanda ko you can buy naman sa kanila. Nung gabi nga umorder lang kami ng San Mig at nasa lawn lang kami, umupo dun sa may banig at nagkwentuhan under the moon. hehe. Parang there's a separate thread for CSP sis, try to search nalang. Mas madami info dun.

lakwatsa

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #371 on: September 26, 2011, 05:42:52 pm »
^thank u sis :)

sa TCF kasi dati naalala ko nakapagdala din kami. super saya nga namin noon. :D

IronLady

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #372 on: October 07, 2011, 04:38:25 pm »
sis magkano magpamasahe? sabi dito nasa 300? nagtaas na ba?

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #373 on: October 07, 2011, 04:42:35 pm »
^yung amin dalawa kami, tg400. pag isa lang yata 500.

IronLady

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #374 on: October 07, 2011, 06:35:11 pm »
^thanks sis! day tour lang ba kayo?

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #375 on: October 08, 2011, 01:59:34 pm »
hindi po. talagang nagstay kami dun overnight =)

IronLady

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #376 on: October 18, 2011, 10:08:27 pm »
sis, di ba pagday tour papahiramin din ng room? kasi if magswim kami at least sa cr sa room kami pwede magshower? tska yung gamit dun din iiwan.. san pala minamasahe? sa rum din ba? balak pala namin na i-take out ang afternoon meryenda, pwede ba yun? haha! kasi magpapamasahe sana kami ng 2 tapos direcho tulog na sana kahit sa daan na lang kami kumaen kasi hanggang 5pm lang day tour nila di ba..

socxymom

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #377 on: October 19, 2011, 08:37:28 am »
^yes sis may allotted room din for you kahit na day tour lang..pwede din take out na lang yung pm snack..ganun din ginawa namin before,sa sobrang loaded pa ng mga tiyan namin hindi na namin nakain yung pm snack kaya we just told mommy beth na take out na lang namin...good thing at buko crumble pie yung na-order namin na pm snack..kasi baka kung mga ginatan yun or goto hirap kainin nun sa biyahe..hehe.. :D

IronLady

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #378 on: October 19, 2011, 08:32:11 pm »
waw sarap naman ng goto. haha! ang balak ko sis, either ipalipat ko sa am snack yung pm snack.. o kaya naman yun nga take out. sis, ok ba yung rooms nila? im not sure kung dun ba minamasahe or may ibang place pa e, pero masamang balak namen matulog after magpamasahe. haha! kaya wala ng time para mag-pm snack pa. sana comfy naman sa room. anyways, baka alam nyo yung casa san pablo. parang napipisil ko din yun e.. hmm.. alin ang mas ok amenities? lamang lang ng casa san pablo e ok yung pool nila, malamang hindi ganun kalamig. hehe.

princessrio

  • Guest
Re: The Coffee Farmhouse Tagaytay
« Reply #379 on: October 19, 2011, 09:44:10 pm »
^between casa san pablo and coffee farmhouse: In my opinion:

food: coffee farmhouse. homey kasi ang casa san pablo. actually homey din naman yung food sa coffee farmhouse pero mas masarap sha at mas may busog factor kasi maya't maya ka kakain. ikaw rin ang magbibigay sa kanila ng schedule kung anong oras mo gusto kumain eh. when we went there, we were like eating tacos at 10pm  ;D

rooms: mas gusto ko yung rooms ng casa san pablo kasi themed rooms sha. coffee farmhouse's rooms are very simple pero ok naman.

amenities: mas marami ka kasing pwedeng gawin sa coffee farmhouse. tahimik kasi sa casa san pablo. masarap to read a book or magreflect. (but i think you can request naman for videoke and TV). i remember one time na nagpunta ako sa casa san pablo eh sobrang nireklamo kami nung isang gues kasi sobrang naingayan sa amin. ;D

hope this helps!

by the way, you can also include balay indang sa choices mo.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close