watch now

Author Topic: i can't deal with my sis-in-law anymore  (Read 31380 times)

twelve5

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #80 on: October 11, 2012, 01:51:52 pm »
FoxyPhoenix, impossible naman mahulog sa may muriatic. Chemicals like such are always kept in a closed container. I believe you dont have toxic substances laying around the house exposed, waiting for an accident to happen... Tell your brother to do something about it. Baka next time may magkasakit/masaktan/mamatay. Wag ng antayin mangyari.

FoxyPhoenix

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #81 on: October 11, 2012, 02:16:10 pm »
I know.. Grabe di ba? Sabi ng kuya ko, siya din daw naglasang muriatic so hindi lang daw samin. At impossible daw yun. "impossible at hindi magagawa ng asawa ko yan" -that's his exact words.

gusto niya na akong mawala sa bahay, siguro para solo na niya at di na nya pa ko kailangang pakisamahan. kasi alam niya lumalaban nako sa kanya, unlike before na all smile lang ako sa kanya. ang totoo aalis na rin ako bynext year, i will get married na at hihiwalay na kami ng anak ko. ang worry ko si mama, maiiwan si mama, altho yun ang gusto niya since property nila ng dad ko yun. if that happens, i need to check on her everyday, and dalaw every weekend. mahirap na, sobrang bait pa naman ng nanay ko.

TANYEN

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #82 on: October 11, 2012, 02:25:54 pm »
naku mga sis same with my SIL...hindi ko sya kilala in person kasi nga nagkakilala lang sila ng bro ko sa text and then nagpakasal so hindi namin sya personally nakikilala.she's from province of CEBu bundok na nga daw un.one time inaway nya nalang ako sa text kesyo hindi ko daw sya inaaccept sa fb abah malay ko ba baka hindi ko sya napansin.madaling araw nagtext sya at missedcalls nagalit saken nagising kami lahat nabwiset ako..pero pinalagpas ko lang un...umulit pa gamit ang fb ng brother ko ng PM saken ng hindi maganda..aun pinatulan ko na sya ng bongga.my mon said na wag na daw pansinin kasi marunong daw "mangkulam" ang family nun i dont know kung naniniwala kayo sa kulam..hay kaya pala malakas ang loob kasi may power pala :)sarap tadyakan ang muka INSECURE SUPER PANGET KASI!

whinx

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #83 on: October 11, 2012, 04:14:37 pm »

gusto niya na akong mawala sa bahay, siguro para solo na niya at di na nya pa ko kailangang pakisamahan. kasi alam niya lumalaban nako sa kanya, unlike before na all smile lang ako sa kanya. ang totoo aalis na rin ako bynext year

Grabe naman yan sis... between the two of you mas may karapatan ka sa bahay ng mom mo...

FoxyPhoenix

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #84 on: October 11, 2012, 05:24:52 pm »
alam ko whinx, ngayon ang importante nalang sakin mamuhay ng walang ganyang klaseng taong pinakikisamahan. nakakapagod ng pakiramdaman siya, parang kami pa nga ng nanay ko nakikisama sa kanya. bahala na panginoon, makakarma din siya. nagkamali siya na kinakalaban niya kami na natitirang kamag-anak ng asawa niya. wala na siyang mga magulang, bunso siya at lahat ng kapatid niya may sariling pamilya na. wag lang dumating ang panahon na kailanganin niya tulong namin.

whinx

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #85 on: October 11, 2012, 11:19:18 pm »
^true sis! Wish you all the best sis  :)

whitestarrr

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #86 on: November 09, 2012, 04:55:21 am »
Sis foxy im so worried about your mom pag umalis kana. Kasi anjan ka na nga sa house nio ganyan na sya. Edi lalo pa pag wala kana.

wahmproject

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #87 on: November 09, 2012, 01:50:50 pm »
@foxyphoenix, pede bang paalisin ang brother and SIL mo sa house? Nabanggit din kasi ang bad treatment nila sa mom mo.  Hindi na minor ang brother mo so I think your mom has more right to live in your house than your brother and his family. I'm not a lawyer so Im not sure of the technicalities here. Hindi ako naaawa kung walang matuluyan si brother and SIL kasi sila ang hindi marunong makisama sa mom mo and more importantly, you dont feel safe with SIL around. Ang problem din if mapapaalis nyo nga si bro and SIL. Your bro kasi will believe he has a right to live in that house and syempre kakampihan nya SIL mo kasi wife nya un eh. Ang hirap naman ng case mo. Pero kung safety ang issue and hindi nyo mapaalis si bro and SIL, baka kelangan isama mo mom pagalis nyo.

FoxyPhoenix

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #88 on: November 10, 2012, 10:15:33 am »
@ whinx, whitestarr and wahmproject, thanks sisses.

si kuya nag-mature na somehow, mas malaki na respeto nya sa mom namin compared dati na dadaan-daanan lang niya si mama at hindi kinakumusta. ngayon nakikipagkwentuhan na siya and nag-aabot siya ng extra cash kay mama. nung nagkagulo kami dati, nakita ko na hirap siya kung sino kakampihan niya kasi I KNOW alam niya kung ano ang tunay na ugali ng wife niya. siya na mismo nagsabi dati sakin na 'ugaling palengkera' napangasawa niya. dati rin nilapitan ako ni kuya na ako nalang umintindi sa wife niya. kaso since sobrang marami ng nangyari, i can't anymore.

they won't leave the house. tanggap ko na kanila na yun, [textspeak!] narin akong balak habulin dun, puro bad memories. lahat ng treasured memories ko of that house and my late dad nawala na, natabunan na. i will leave for sure, but the sad part is i cant bring my mom. she wont come with me din kasi ayaw niyang iwan yung house na yun. and kung sakali, hindi ko rin talaga siya maisasama kasi sakto lang saming 3 ng anak ko ang h2b ko yung lilipatan namin, and it may cause misunderstanding samin ni h2b kapag isinama ko si mama. thankful nalang ako na malapit lang samin yung lilipatan ko, and my workplace is also near my mom's house, so everyday pwede ko siyang madalaw.

wahmproject

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #89 on: November 12, 2012, 06:19:22 pm »
Mukhang ganun na nga talaga ang solution, alis kayo ng anak mo. hindi pedeng nasa isang bahay ang anak mo at SIL. If ever at least malapit lang workplace and possible new home mo sa bahay ng mama mo. Be careful na lang sis.

minaco_aino

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #90 on: November 22, 2012, 01:38:59 pm »
Hi mga sissies! Just want to share my inis sa SIL ko  :)

Batugan. 25 years old. College graduate. Hindi sya naghanap ng trabahao ever. Hindi daw kasi sya sa private nagcollege kaya ayaw nyang humanap. My goodness! Anong klaseng utak meron sya. Umasa sa maliit na business nila na ang nagpapakahirap ay ang kuya nya. Siya at ang nanay nya ay walang ginawa kundi magwaldas ng pera. Pag pinagsasabihan sila, sila pa ang galit. Kahit may sakit ang asawa ko siya pa din ang tumatao sa tindahan. Hindi man lang magkusa na sya ang tumao. Hindi naman sya hirap dun dahil may mga tauhan sila. Magbibilang lang sya ng benta. San ka pa.

Bastos. Nagkaroon cancer nanay nya. Ayaw syang paalisin sa gabi dahil wala siyang kasama. Sagutin ba naman na, "lahat ba ng oras babantayan ka? Gagaya mo pa ko sayo na nabuburo sa bahay?" May instance pa na aambahan nya ng sampal nanay nya kasi nagaaway sila. Anong klaseng anak sya. Kung murahin din nya ang kuya nya ganun na lang. Grabe.

Lansenggera. Hindi naman ako against sa mga babaeng umiinom. Pero naku naman. Gabi-gabi umiinom kasama ng kung sino-sino. Sya pa ang nag aaya at bumibili ng alak. Announce pa lagi sa FB. Proud na iinom ng alak? Nadisgrasya na nga sa motor ng 2 beses pero hindi pa din nadala. Tsk!

Feeling mayaman. Mula nung nagsolo na ang kuya nya at nagtrabaho ng sarili, sila na lang ng nanay nya ang nagaasikaso ng tindahan. Maya't maya utang dito utang dun kasi mali ang pagpapatakbo nila. Hindi na sila maakabawi sa laki ng utang. Ang laki pa ng utang samen mag-asawa na hindi na nga namin sinisingil. Kasi naaawa na yung asawa ko sa nanay nya kahit inapi-api sya noon dahil nagkasakit nga. Kung hindi ba naman makapal ang muka ng SIL ko, nagbalak pa na sumama sa Singapore kasama ng mga pinsan nya at Palawan kasama ng mga kaibigan nya. May ipon naman daw syang 5k. Hello!! Ano yung pupuntahan nyo Manila-Laguna lang? Tapos sa tricycle lang kayo sasakay?

Naku marami pang mga situation na kung kapatid ko lang sya makakatikim talaga sya saken.



windybells

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #91 on: January 15, 2016, 03:59:25 pm »

Sisters sobrang relate ako sa inyo.
Share ko din po ang problem ko sa sister in laws ko. Naiinis ako kasi masyado silang nakiki alam sa pamilya namin. Nakatira kami ni hubby sa family ko dahil nasa probinsya na destino, kami lang ng baby ko dito sa manila with my famiy. Nakaka asar kasi pati birthday ng anak ko nakiki alam sila sa plano, na sila magluluto, sila nag isip ng ihahanda at dun sa bahay namin matutulog at magpaparty. They even don't think na bahay ng parents ko yun at nakikitira lang kami, wala man lang pasintabi na mag tanong kung ok lang sa family ko, or mag antay ng desisyon naming mag asawa sa plano namin kasi anak namin yun.

Aside from that, pati financial issue kumakatok pa sila sa mister ko, me sarili ng pamilya kapatid nila pero parang di sila mahiya. For me, OK lang naman na tumulong pero nasa lugar, lagi nalang nila sinasabi na wala silang panggastos tulad nung december pero panay gala at barkada sila. Me trabaho sila pero di sila marunong mag budget, parang bahala na bukas, dahilan nila working kaming mag asawa, pero syempre iniisip namin kinabukasan ng pamilya namin.

Minsan naiiyak ako sa inis, naaawa na din ako sa mister ko kasi siya ang naiipit. Pinag sasabihan na sila pero parang di nila maintindihan, panay sila pasaring. Tahimik nalang ako pero sa loob ko inis na inis na ako at di ko alam kung hanggang kelan ko mapipigilan sarili ko.

chikit

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #92 on: January 15, 2016, 09:46:11 pm »
SIL din ako but I'm the type of SIL na I don't care if hindi kayo magkasundo ng parents ko pag okay tayo, okay yun hindi ako magpapa impluwensya.  Sabi nila swerte sa akin ang SIL ko kase nung hindi pa sila financially stable at wala pa ako anak bigay todo talaga ako sa pag tulong sa kanila.  Kanina lang I patiently explained to my SIL bakit hindi bumababa ang utang nya sa CC.  Medyo mahina sya sa mga bagay na yun kase sa bahay lang sya after college nabuntis na ayan nagpakasal na sila ng brother ko.  Ang mga anak nila parang sa akin lumabas as in mahal na mahal ko.

Sa dami ng magandang nagawa ko sa SIL ko ewan ko bakit malas ako.  Wala ako SIL, pero meron mga BIL hahaha.  Basta ang malas ko  ;D

snowkeis

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #93 on: January 15, 2016, 10:05:36 pm »
^ swerte naman ng mga pamangkin mo sis and your SIL swerte din for having you as her SIL. :)

Pero malas in a sense na ano? Sa mga BIL mo sis?

chikit

  • Guest
Re: i can't deal with my sis-in-law anymore
« Reply #94 on: January 15, 2016, 10:39:18 pm »
Sa mga BIL sis.  May anak na kame ni hubby ngayon dati I don't really care if wala kame relationship with them pero yung anak ko gusto ko sana di ba magkaron sila ng bonding as family.  Ako kase 3 lang kame panganay ako super close kame sa pamilya talaga.  Kaso pag nag start kame to open our lines of communication to them parang puro daing naririnig namin, utang na hindi rin binabayaran ganyan.  Pag mag text ka may itatanong ka di sasagot as in deadma na iniisip ko baka wala load pero pag mangutang aba sunod sunod ang text akala mo naka unli load  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close