^UHUHUHU sis sana talaga nabasa ko yang post mo..October 2014 namin sya kinuha eh, niriresearch namin sya sa net and forums, walang lumalabas. Kahit yang link na sinend mo, hindi basta nag aappear kahit isearch pa dito.
October 2014 nasa abroad pa ako, dun namin sila binook kasi Fernbrook accredited sila, akala namin kabisado na nila dun and magiging less hassle for us. December 2014 ako umuwi for good, pero tuwing magfollow-up ako, ang sagot nya, "Relax!! Sobrang sisiw lang nyan!" Palaging may excuse pero busy din kami so sabi namin palipasin namin ang holidays. MARCH 2015 na malaman ko wala parin pala siyang nagagawa..MAY 2015 ang wedding namin.
Nag-file na kami ng complaint sa Fernbrook pero hindi parin sila nagrereply. Nung kumuha ako ng bagong coordinator na taga Fernbrook din (Shayne Ganalon), sabi nya "Mam, naku hindi po kayo ang first na sinalo ko galing sa kanila, ang dami na. Lahat ng ibang suppliers ng Fernbrook kaaway nila dahil very unprofessional and mapanira." Tapos napamura sya sa mga pinagsisingil samin ni Dhon kasi 10K pataas ang patong.
HE CANNOT GET LOWER PRICES FOR YOU! Honestly he doesn't care about your wedding, parang may isang style lang sya na susundin forever.
-Team Barbara Bennett lang ang HMUA nya na ipipilit sayo, kasi yan ang kapit nila sa Fernwood at Fernbrook. Nung nabalitaan ng photographer namin, hinarang agad and nagwarn sa husband ko "PRE Nako WAG, DUGYOT NUN (magmake-up)" Kasi nakatrabaho nya na before, may attitude din daw. NO-NO talaga. Yung photog namin, sobrang trusted namin yun at magaling talaga kaya nakinig kami (Bobby Delos Santos).
-Prenup styling for P30K magccosplay kayo kay Team Bennett..gift nya daw yun (pero bayad ka P30K). Ayoko nalang mag comment sa itsura nung mga costumes kasi may mga nauto sya kumuha nun.
-Puno na yung viber gallery ko ng pics ni Sam YG and ibang couples na clients nya, wala naman kaming business dun. He never initiates contact and if magreply, super irrelevant ng sagot.
-If hindi naman irrelevant ang sagot, BASTOS. Hirap hagilapin palagi nalang "I'm driving", "I'm having dinner", "I'm in a meeting"..sabi ko nga, daig ko pa ang Facebook status sa updates nya. Madalas di ka na nya babalikan. Nung sabi ko na hanapan nya kami ng ibang HMUA for ento na nasa las pinas area, ang sagot "Hindi ko kasi area yan eh" LORD!
-Hindi sya nagttake note ng instructions, nakakalimutan nya palagi yung details na binigay mo. As a result, mali yung invitations namin, late sya naprint and napamahal kami kakarush. Muntik na kami hindi tanggapin ng ibang suppliers kasi hindi nya binook or finollow-up.
Notorious na sila sa Fernbrook sa ganyan kaso may backer kaya hindi maalis alis. Madalas victims nila OFW kaya "happy clients" kasi walang alam sa pinaggagawa nila. Kaya coordinator si Dhon kasi kubg stylist/florist wife nya, sya din ang mag check ng gawa..so lusot lahat kung tipirin ka sa flowers kasi syempre kakampihan nya yun and yung mga ibang suppliers nya na may cut sya.
Mga sis, mali talaga yung ginawa samin ng WeddingsNMotif...may P33K pa nga sila na di binabalik samin. Would you know saan pwede magcomplain bago umabot sa lawsuit? Fernbrook kasi bagal kumilos.
Please help!!!-_-