watch now

Author Topic: Building Permit  (Read 118135 times)

prettygurl00001

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #20 on: May 18, 2010, 04:46:51 am »
At last nakuha na namin ang bldg permit after more than a month!
Yung pinag-plotting namin ng design ang pinag-asikaso namin na maglakad sa city hall para mapirmahan. Jusko, katakut-takot na paghihintay ang inabot nya, as in everyday eh whole day sya naghihintay para lang mapapirma ang bawat engineer. Eh goodluck naman, iba-ibang engineers yun kasi may structural, may electrical, etc. Masana pa pag tipong turn mo na tapos biglang sasabihin balik na lang bukas kasi paalis na yung engineer may pupuntahan.

Tapos grabe pala dun sa antipolo city hall, kurakot mga tao! Nung nagpapa-sign na yung taong inutusan namin, ang sabi ba naman hindi pa daw ma-sign kasi may kulang pang isang layout, which kakapiranggot lang naman. Tapos biglang sabi, kung gusto daw na mapabilis magbigay na lang daw ng 5k at makukuha na agad! Eh di sabi nung tao, wala syang dalang pera, P500 lang. Ayun kinuha ang P500 tapos napirmahan din. Sa isang engineer lang yon, imagine mo madami pa silang engineer, kanya-kanyang diskarte kung pa'no hihingi ng lagay!

lukrecia

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #21 on: May 19, 2010, 02:43:05 pm »
^ naku grabe naman pala sis jan sa antipolo, magbigay pa lang ako ng requirements sa city hall sana naman mabilis lang at wala ng manghingi ng lagay

msals2007

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #22 on: May 20, 2010, 11:23:01 am »
naku sis, palagay ko hindi lang sa antipolo. we had an experience din processing our building permit in cainta. hay grabe din talaga ang corruption. nung una hindi kami naglalagay inaaway away ko sila talaga. sinipagan ko lang follow up ko. nagtagal din ang processing talaga pero at least natapos din naman. sus, simula sa assesor hanggang dulo ng proseso may lagay.

unang nagpunta husband ko. sa assesor muna di ba. so compute compute sila ng fees how much based dun sa plano ng bahay. while waiting may tao sa labas ng assesors office which is taga dun din naman. pinapili sa husband, dalawang amount yun eh  forgot ko na pero parang a difference of 5k. yung isa pag legal yun ang babayarn niya, nakalagay yun sa resibo. example lang ha, using our blue print, ang fees dapat is P15k. Pero pwede nila babaan, example, P10k lang babayran namin. Pero ang ilalagay lang nila sa resibo 7k ata o 8k. ibig sabihin sa kanila mapupunta yung difference. basta ganun. eh si husband honest, mas pinili malaking fee basta legal, haha.

after nun ang dami pa. yung engineer nga ng munisipyo tinetext pa kami direcho, dropping hints na mas mapapadali pag naglagay. hanggang sa occupancy permit, yung architect dun, nag offer din ng ganun. dun naglagay na kami matapos lang, i think 2k or 3k ang difference ata na hindi nilagay sa resibo.

hay kakahiya talaga mga taong yun, sobra

lukrecia

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #23 on: May 20, 2010, 06:59:02 pm »
^ hay naku grabe nga sila. post ko rin dito experience ko sa caloocan city. how much nabayaran nyo sa occupancy permit?

tiggerlily

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #24 on: May 20, 2010, 11:50:34 pm »
^ ang amount ng occupancy permit depends on your floor area. kaya iba iba rin. sana madali lang sa amin. *crossing fingers*

lukrecia

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #25 on: May 21, 2010, 01:52:52 pm »
^ sis kayo rin ba nagasikaso ng building permit nyo? or contractor na?

msals2007

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #26 on: May 21, 2010, 02:05:49 pm »
forgot ko how much. parang 6k binayaran namin kasama na yung lagay. hindi nakareflect sa resibo yung buong binayaran namin. sabi nung architect pinababa daw niya fee. ewan ko lang.

kami nag asikaso ng mga permits. wala kaming contractor. basta Uncle ko yung foreman tapos sila na bahala sa construction kami sa paperworks

sweetscience

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #27 on: May 21, 2010, 02:17:49 pm »
ano-ano po ang requirements pag kukuha ng building permit?

lukrecia

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #28 on: May 23, 2010, 01:00:46 pm »
^ sis depende ata kung saang city ka kukuha.. saan ka ba?

Amphitrite

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #29 on: May 23, 2010, 08:57:31 pm »
Yung nagre-rent samin, nag-apply ng building permit last year para maipatayo na yung bahay nila, malapit lang dito sa bahay namin dito sa manila. Sabi sa kanya "San mo gusto dumaan sa baku-bako o sa skyway?"

baku-bako = usual process na hindi ka maglalagay
expressway = maglalagay ka para mabilis

Binayad niya P120k, ang nasa resibo wala pa 6k.

Civil engr siya by profession at sabi nya samin ganun daw talaga, kasi kung 6k lang binayad niya aabutin pa siya ng ilang buwan na pagbalik-balik kasi lagi daw papapalitan yung house plans. Hassle na, ganun din ang magagastos kasi may bayad bawat pagpalit ng house plan diba tapos babayad na naman pag-apply ng permit. Gagawin daw talaga ng mga tao dun sa city hall lahat para gumastos ka ng malaki.

Ang lupit noh?

tiggerlily

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #30 on: May 23, 2010, 09:18:14 pm »
@ lukrecia: yup. kami ang lumakad ng lahat from the start. scared na nga ako pagdating ng occupancy permit e.

^ ayus yun a. parang government project. kung "marunong" naman gumawa ng plano yung gagawa dapat nakaayos na rin yun. dapat wala na silang dahilan para papalitan yung plano. ang ibig kong sabihin e sunod naman sa mga building codes.

Amphitrite

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #31 on: May 23, 2010, 10:05:59 pm »
^ Two weeks lang hinintay niya lumabas na agad yung permit. May mga nakakasabay daw sya dun ilang buwan na pabalik-balik wala pa rin permit :(

Kalungkot nga sobra ang pagiging corrupt ang sarap i-video tapos bigay sa imbestigador.

Sana mabago na nga yan bago kami magpa-ayos ng bahay.

msals2007

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #32 on: May 24, 2010, 08:57:49 am »
Grabe naman diyan sis, what city yan. Akala ko pa naman eh grabe na sa cainta, mas may sasahol pa pala. pero korek nga si sistiggerlily. Dapat kasi yung house plan sunod na lahat sa kung ano pang kailangan ng engineer's office sa city hall. Like yung gumawa sa amin, hindi pa nga engineer yun, draftsman lang tapos pina approve lang sa engineer, nung sinabi naming cainta, alam na niya na pag cainta required dapat may ganitong allowance sa side, sa back, etc, etc. Kasi kung sunod naman sa guidelines ng engineer's office, kahit hindi ka maglagay siguro naman pag tinakot mo sila magsusumbong ka etc, hindi nila papaabutin ng taon. Kami sa simula hindi kami talaga naglagay to get the building permit. Sinipagan ko lang sa follow,up tapos nagsungit ako, nang away talaga ako. Sabi ko government employee din ako katulad nila, baka gusto nila makarating sa civil service yun and my husband is a lawyer, talagang sasampahan ko sila ng complaint pag di sila umayos. Though hindi naman nila binilisan, at least mga one month, narelease din. Hanggang sa mayor's office tumatawag ako para mag follow up. Kaya lang nung sa occupancy permit na, yung bago na namin lipatan ang bahay, ibang office na naman, hindi na engineer's office, hayy naglagay na din ako para matapos lang. Isa pa parangm ay kulang din ata kaming requirement nun sa para makalipat lang ng bahay naglagay na ko. Pero konti lang siguro mga 3k lang ata. Though siyempre bad pa din kasi nang tolerate ako ng corruption, pero kakapagod na kasi, gusto ko na lang talagang matapos

goodie

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #33 on: May 24, 2010, 03:59:42 pm »
^ Wow 120k para lang sa permit? Half na ito ng foundation ng house construction cost! Sang lugar ba yun, sis Amphitrite?

Sis msals2007, sa cainta din ako kukuha ng building permit. Malamang i will undergo the same set of headaches. Inom na ba ako ng madaming paracetamol? :)

forgot ko how much. parang 6k binayaran namin kasama na yung lagay. hindi nakareflect sa resibo yung buong binayaran namin. sabi nung architect pinababa daw niya fee. ewan ko lang.
Sis tama ba basa ko? 6k lang for the occupancy permit at kasama na lagay? tapos iba pa yung building permit na 10k? or baka nahihilo lang ako.  Kasi yung iba 50k, building permit pa lang.. :D
« Last Edit: May 24, 2010, 04:02:30 pm by goodie »

msals2007

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #34 on: May 24, 2010, 09:56:48 pm »
not sure if 6k. basta i think less than 10k lang

magkaiba yun sis, yung building permit kukunin mo before the construction. yung occupancy permit naman after construction and before ka lumipat ng bahay ninyo. ideally, iinspect muna nila yung bahay if nag comply sa mga requirements or sa house plan that you submitted nung kumuha ka ng building permit. but in reality, pirma na lang sila ng pirma lalo na if may lagay.

may ka-sis tayo dito yung husband working as an engineer sa cainta municipal hall. dun siya sa kabilang thread, sa house construction, browse mo sis baka matulungan ka niya

oo sis maghanda handa ka na, siguradong mahahigh blood ka pag ikaw nag asikaso nun. maghanda ka na din ng panglagay kung okay lang sa iyo na maglagay at may budget ka. pero kung hindi ka naman nagmamadali, pwede ng walang lagay basta dapat sundin lang requirements

ms.libra

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #35 on: May 24, 2010, 10:19:34 pm »
parang nawindang naman ako sa mga sama ng loob nyo sa pagkuha ng bldg permit eh papalipat pa lang namin yung title ng property sa name namin ng husband ko then saka pa lang bldg permit. parang sa title pa lang katakot takot na sakit ng ulo ang dapat kong danasin. we were hoping pa naman na one month-trasfer of title and another month eh-bldg permit para saktong tapos ng tagulan eh start na kami ng construction at sa pasko medyo livable na ang bahay namin.

mga sis how much kaya ang magastos sa permit kung 2 townhouse ang papagawa yung isa 3 floors at yung isa 2 floors? isang permit lang kaya yun o magkaiba pa?thanks

sweetscience

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #36 on: May 25, 2010, 09:57:35 am »
^ sis depende ata kung saang city ka kukuha.. saan ka ba?

sa makati sis..

lukrecia

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #37 on: May 28, 2010, 09:50:09 am »
^ sis sa caloocan city kame e.. ipost ko rin dito yung requirements dun pero di ko lang dala today yung list.

may question pala ko sa mga nakakuha na ng building permit.. diba requirement din yung barangay clearance? mga magkano ba binayaran nyo para sa bgy. clearance? nagpunta kasi kame kanina sa barangay e grabe 1,200 yung hinihingi samen tapos may nakita kame na paper dun sa table nila binasa namen ang nakalagay na pag 300,000 to 1M ang project cost, 300 pesos lang ang barangay clearance. tapos ginawa nilang 1,200 grabe sa kurakot naman.. panu kaya gagawin namen dun? kelangan ba talaga namen bayaran yung 1,200 na hinihingi nila?

maricar14

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #38 on: May 29, 2010, 09:42:05 pm »
^ kapal naman nyan sis. complain mo yan

tiggerlily

  • Guest
Re: Building Permit
« Reply #39 on: May 29, 2010, 10:16:08 pm »
^^ sis, 1 yr lang pala ang effectivity ng building permit.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close