watch now

Author Topic: Commuters Guide Thread III  (Read 330121 times)

juni

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #480 on: August 19, 2014, 09:49:18 pm »
That's hard to say.  Ang alam ko is operational na siya, at least yun ang sabi sa news.  May officials na nag-assure na safe sumakay sa MRT, but I take that with a grain of salt.

j.adore

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #481 on: August 19, 2014, 09:55:04 pm »
Unless upgraded na yung maintenance, which takes some time, it's not safe.
Swertihan lang talaga na OK yung trip.

monamie02

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #482 on: August 20, 2014, 01:59:17 pm »
thanks mga sis.. nagUV Express na langako to be safe kasi importante ang dinilever kong document sa tandang sora. Mahirap magtake ng risk sa MRT ngayon.

j.adore

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #483 on: August 20, 2014, 03:59:57 pm »
Sayang talaga ano? Ang convenient pa naman ng MRT! Pero kasi mahal din ang maintenance costs at di ba sabi eh luging lugi na daw sila.

monamie02

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #484 on: August 20, 2014, 04:22:04 pm »
oo sis syang talaga ang MRT.. kung iimaginin mo sa dami ng pasahero nila araw araw pano sila nalulugi kaya noh..pahirapan na nyan sa EDSA..

summer888

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #485 on: August 20, 2014, 04:35:10 pm »
@madness anong time yun FX na Ortigas /Megamall sa may North EDSA MRT Station? During rush hour lang ba? Tsaka how much ang fare and saang part ng Ortigas and ng Megamall sila usually nag stop? Meron din bang FX na Makati naman ang biyahe dun? Thanks.

juni

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #486 on: August 20, 2014, 07:17:27 pm »
Sabi nila isang reason daw bakit madalas nasisira yung MRT is because overloaded daw siya.  Ang maximum lang daw na dapat siniserve na passengers e 300,000+ daily, pero ang sumasakay daw sa MRT is 500,000+ daw araw-araw.

In the first place e dapat mas malaki and heavy duty trains na yung kinuha nila for the MRT, hindi yung ganyang ang liit-liit and madaling masira.  Obvious naman kahit hindi pa ginagawa yung MRT na maraming sasakay diyan every day.  Common sense would tell you na a railway line from north to south EDSA with stations sa main roads and business districts e talagang dudumugin ng mga tao.  Mga pasahero pa nga lang bound for Makati and Ortigas center e nag-uumapaw na, idagdag mo pa diyan yung mga papuntang Taft and iba pang stations.

Pero imbis na ayusin nila yung pagtayo ng MRT e kurakot ang inatupag nila.  Yung maliit na trains yung kinuha nila, kulang yung space sa stations, maliliit and madaling masira yung mga elevators and escalators na linagay nila.  Example sa elevators and escalators pa lang, yung nakalagay na allotment sa budget for each unit e enough na to buy spacious and heavy duty models, pero yung binili e yung mga mumurahin and madaling masira.  Kinurakot lang nila yung pera.  Tapos ngayon, maraming napeperwisyong commuters.  Yung mga kumupit ng kickback e nagpapakasaya habang yung mga simpleng citizens e nahihirapan.

mixxy16

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #487 on: August 24, 2014, 12:40:31 am »
What's the fastest way to go to quiapo (raon) from greenhills?

imyourangel

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #488 on: August 24, 2014, 09:00:05 pm »
@madness anong time yun FX na Ortigas /Megamall sa may North EDSA MRT Station? During rush hour lang ba? Tsaka how much ang fare and saang part ng Ortigas and ng Megamall sila usually nag stop? Meron din bang FX na Makati naman ang biyahe dun? Thanks.

Hi sis alam ko whole day naman yung mga fx dun, but as with other terminals nagcclose din ata by around 9-10pm. 40php ang fare. Hanggang sa likod ng Galleria lang kasi ako so I don't know kung hanggang saan ang abot niya..

Madness

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #489 on: August 25, 2014, 01:06:42 am »
Sis, hanggang 11 pm sila. Last trip iyon. Tapos 5am pinaka maaga. Bale, baba ka sa may terminal sa likod ng megamall. Yun yung end point. Doon ulit sila kukuha ng pasahero pabalik ng north. Pero pag umaga or patay na oras, walang fx sa may megamall going north. Pero yung sa north papunta megamall, meron lagi sa terminal, sa baba ng mrt. Wala sila Fx papunta Makati. Ang meron lang dun ay megamall tapos novaliches naman. Sila lang dalawa nagshe-share sa terminal na yun.

summer888

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #490 on: August 26, 2014, 01:51:13 pm »
I see. @madness and @imyourangel what time do you usually ride the fx to ortigas/megamall? mahaba rin ba ang pila dun during rush hours? baka kase kasing haba rin ng mrt eh. :) thanks.

imyourangel

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #491 on: August 26, 2014, 09:21:03 pm »
^Nung sumakay kasi ako dun sis, holiday. Ninoy Aquino day. 7am. Kaya konti lang tao, walang pila though mabilis din napuno yung fx.. :) Alam ko hindi naman siya kasing haba ng mrt, though oo kelangan pa maghintay din.. before kasi nagmrt din ako papuntang work, nakikita ko yung pila dun. But it's faster naman kumpara sa mrt. Lesser hassle pa..

monamie02

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #492 on: August 27, 2014, 04:55:22 pm »
Share ko lang mga sis experience ko kanina ..Grabe ang mrt kanina, ortigas ang bababaan ko pero pagdating sa shaw station sabi unloading lang daw yung sinasakyan ko..kaming mga pasahero sa loob mukang ewan na nagtataka kung para kanina ba ang message na un, sa amin ba na nasa loob o yung mga nasa labas na gustong sumakay.. Mga 5 mintues ata na paulit ulit lang ganun ang sinasabi walang clarification tapos nung magdedecide na ko na labas na alng ako ng tren na un dun palang kinlaro na dapat na nga talaga kaming bumaba kasi hundi na tutuloy hanggang north edsa yung train pinalipat kami dunsa tren na nasa gitna kasi ang byahe nalang nila ay shaw to north at north to shaw.. Wala ng byahe pabalik ng edsa taft eh dun pa man din ako bababa pag pauwi na ko galing ortigas.. Hassle tuloy kelangan magbus.. Pero okey naman ang andar ng tren kanina hindi naman mabagal . . Pero pray pa din kao kanina nung piinapaandar n ang tren

Madness

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #493 on: August 27, 2014, 08:51:41 pm »
@summer888 I work at night kase so usually sumasakay ako ng 6pm-ish, ang bilis mapuno nung FX. Basta mabilis pag gabi. Noong pang morning ako, like 10 am yung work ko, super haba ng pila ng fx. yung snake-snake na sa sobrang haba. pero naman mabilis kase siya. overwhelming lang tignan yung pila, pero konting tiis, mas convenient pa rin siya sa MRT na sardinas-like talaga. Na-try ko din ng hapon, between 1 pm to 5 pm, yun, patay na oras. Ang hirap punuin yung fx naman. So usually, pag male-late na ako, mrt din bagsak ko.

imyourangel

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #494 on: August 28, 2014, 05:59:27 pm »
^^Grabe na talaga ang MRT ngayon! Araw araw na lang may trouble. :/

shessels

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #495 on: September 22, 2014, 02:27:47 pm »
mga sis, may alam ba kayong fx from ayala/buendia makati to somewhere north like - proj 6, sm north, novaliches o kahit monumento?

super struggle kasi mag MRT. oh well, ganun din ang bus.


ysa.belle

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #496 on: September 22, 2014, 03:45:53 pm »
hi there! can anyone help me po on how to get to this address:

1779 D Dian Street Corner Casino Street, Brgy. Palanan Makati City Metro Manila


thanks!

daveigh

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #497 on: September 22, 2014, 03:53:23 pm »
^ Malapit yan sis if you ride LRT 1, baba ka Buendia Station, ride the bus bound to Ayala. Baba ka sa Dian, tawid sa left side. 4 corners > Emilia, then Dayap, then Calatagan then Casino.

If MRT3, alight ka sa Buendia Station din pero sakyan mo naman pa-LRT Buendia na bus.
Nasa right side ka na, so hindi ka na tatawid. Same 4 corners.

ysa.belle

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #498 on: September 22, 2014, 04:29:21 pm »
^thanks po. tarlac po ako manggaling eh. hindi ko po alam what provincial bus ang sasakyan ko. ayala po ba or pasay?

daveigh

  • Guest
Re: Commuters Guide Thread III
« Reply #499 on: September 22, 2014, 04:33:50 pm »
^ depends. Saang banda sa Ayala at Pasay ang baba ng bus mo?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close