credit to KIT SHERWIN CRUZ
http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-sjc1/hs601.snc3/31686_391506087549_335402147549_4083467_4953072_n.jpg----
Dingdong, babantayan ang mga hakbang ni Noynoy
(ROSE GARCIA)
NAKAUSAP namin si Dingdong Dantes kinabukasan ng maaga after ng election day. Noong oras na kausap namin ito, bagama’t partial and unofficial pa ang resulta ng election, napakalayo na ng lamang ni Senator Noynoy Aquino sa pumapangalawa rito na si da ting Pangulong President Erap Estrada.
Ayon sa actor, wala pa raw silang tulog dahil kasama siya sa mga nagbabantay pa rin ng mga balota na napakabilis na ng result ngayon through automated machine.
Hinihingan namin si Dingdong ng kanyang statement or reaction na ang presidentiable na masugid niyang in-endorse at ipinapangampanya nga ang napagdesisyunan na ng Pinoy na maging next President ng bansa.
Ayon sa actor, ayaw na muna raw niyang magbigay ng statement at pangunahan ang mga pangyayari lalo pa’t hindi pa rin naman official ang result bagama’t malayo na ang lamang at halos masasabing sure win na.
Sabi nga lang ni Dingdong, kung sakali raw, kung naging masigasig ang AYOS NA sa pag-campaign noon, mas lalo pa ngayon sa pagbabantay at pagsuporta na magawa nga ni Senator Noynoy ang mga pagbabagong kaila ngan ng Pilipinas.
On the other hand, ngayong araw na ito ay tuloy na tuloy naman na ang pag-alis nina Dingdong at Marian Rivera papuntang Canada at US for the concert series of Ogie Alcasid and Regine Velasquez.
Bago umalis, nakapag-taping na rin sina Dingdong at Marian ng Endless Love ng ilang araw at nakapag-shoot ng trailer kasama si Dennis Trillo. Pagbalik ng dalawa, ang pagpo-promote at airing ng bago nilang primetime series ang kanilang aatupagin.
Balik heavy drama si Dingdong after ng Stairway to Heaven, so, paano niya maipapakita ang kaibahan with Endless Love?
“Well, sa totoo lang, sa Amerika ako maghahanda para rito,” nakangiti niyang sagot.
Masaya ngang aalis si Dingdong na hindi lamang nanalo ang manok niya sa pagka-Pangulo, aalis din siyang kasalukuyan pa ring tumatabo sa takilya ang movie nila ni Marian on sa second week nito, ang You To Me Are Everything.