Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 80931 times)

port80*

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #140 on: April 21, 2011, 01:00:36 pm »
^Hehe sis, not to dampen your enthusiasm, ganyan din ako dati pero ngayong kakapanganak ko lang, mukhang hindi mangyayari ang travel plans namin.  Iba na rin pala talaga pag may baby.  Ang hirap lumabas ng bahay, bago kami makaalis, 100 years para maiayos si baby, bukod pa sa hindi mo malaman ang gagawin pag umiyak na sa byahe :D  Plano ko sana umuwi ng Pilipinas before my baby's 1st birthday and before I go back to work at sana makapag-travel kami ni hubby, iiwan ko muna sa mom ko ang baby pero mukhang hindi mangyayari :D

mbeeyap

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #141 on: April 21, 2011, 03:31:15 pm »
better enjoy each other first and discover each other's traits now that you're living under the same roof. a lot of adjustments would be needed for both of you.

iba na talaga pag may baby. si baby na lagi ang priority. so iBaby nyo muna ang isa't isa tpos kung sawa na,eh di go to the next step! which is: babymaking! ;D

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #142 on: April 22, 2011, 02:19:11 pm »
mas ok yung sundin kung ano yung tingin mong tama :) and not just because Uso or lahat ng tao sa paligid ay may baby na... and hindi din dahil pressured ka.. mas masarap kasi yung nagkababy ka dahil yun ang gusto mo hindi dahil napressure lang sa mga tao sa paligid or trip lang makiuso kaya sige gagawa na din.

Baby is a blessing from God and sya lang din nakakaalam when ang right time. Mas ok din paghandaan kasi forever na responsibility yan eh, pangit din kasi yung may baby ka nga pero you can't give him/her a comfortable life or the kind of life the baby deserves diba.

Depende talaga yan sa couple. ;)

purplesassy

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #143 on: April 22, 2011, 07:52:53 pm »
Sis kung gusto naman talaga , there's always a way :) decided din kase kami magasawa na we'll make sure na hindi magiging hindrance ang baby sa social life namin that's why may yayas :)

ivyn

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #144 on: May 20, 2011, 03:49:18 pm »
hi mga sis, nakakarelate ako sa topic na ito, weve been married ni hubby for three years now and wala pa kaming baby. super nakakapraning na talaga ang mga ngtatanong kung bakit wala pa kaming baby, narinig ko na din yung mga sinasabi sa inyo mula sa kanila. hindi lang nila alam na sobrang affected ako sa mga ganun, to the point na iniiyakan ko talaga yun sa gabi.kaya nga si hubby sinabihan na ang parents nya na huwag ng tanong ng tanong, magkakaron din kami sa tamang panahon. kaya simula nun madalang na ang nagtatanong samin. sabi nga sa kin ni hubby, hindi naman daw nya ako pinakasalan dahil sa baby. ako daw ang pinakasalan nya kasi mahal nya ako. bonus syempre kung mgakakaron ng baby. pero kung wala, masaya na sya na kaming dalawa lang. sobrang nakakataba ng puso pag naririnig ko yun sa asawa ko. syempre were both praying na at the right time god will bless us with a healthy baby kahit isa lang. isang bundle of joy para sa amin. hindi kami nawawalan ng pagasa na my tamang panahon para magkababy kami.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #145 on: May 23, 2011, 11:48:51 am »
this weekend lang nangyari:

dalawa kong kababata na mga nanay na din, nag uusap sa kalye, pagdaan ko, nagtanong ulit kung bakit wala pa akong baby, eto ang sabi ko:

"bugok ang matris ko, kailangan ko ng kalahating milyon para magpagamot, at dun sa kalahating milyon hindi pa yun sigurado, kesa gumastos ako ng half a million at since wala naman effect sa health ko kung di ako magpagamot, ipapagawa ko na lang ng bahay (this time alam ng lahat ng neighbors ko na nagpapagawa na kami ng house)...

tatawa tawa ako habang naglalakad palayo kasi di sila nakaimik, kasi naman sila may anak nga pero nakikipisan naman sa magulang...

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #146 on: May 23, 2011, 06:26:13 pm »
^ LOL natawa ako sayo sis.

sa amin naman we are more than a year married pero wala pa din baby by choice. plan namin by 3rd year pa talaga kasi gusto namin mag travel, mag ipon at selfish pa kami ngayon talaga.

we also do not care kung hindi kami mabigyan forever ng anak dahil nagpakasal kami hindi lang para sa bata.. even before we got married never naging priority sa amin ang magkaroon ng baby. Hindi sa ayaw, it's just that masaya kami kahit kaming dalawa lang maniwala man sila or hindi :D

marami din nagtatanong pero lagi ko pinapamukha na may tinatawag na pagpaplano. at may CHOICE bawat couple na dapat respetuhin.

mas gusto ko ng ganito kesa naman katulad ng iba na may anak nga pero hindi mabigyan ng magandang buhay ang anak nila or bumabalik sa pagkabata at inuuna gimik at kung ano ano :P

at least kami ni hubby we have our own house na, now saving for our business naman, by the time baby comes, sobrang handa na kami for him/her.

if God's will ibibigay yun.. and God knows din naman na lahat ng ginagawa namin ngayon ay para din sa future family namin.

wala kami pakielam sa sasabihin ng iba. karamihan kasi sa nagsasalita sa amin halatang inggit lang kasi nabuntis ng wala sa panahon :P ngayon hirap na hirap ang buhay.

ika nga, kung pwede mong gawin MAS maayos ang buhay mo, bakit hindi. kanya kanya choice yan :)

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #147 on: May 24, 2011, 07:33:21 am »
^tama ka dyan sis, sa hirap ng buhay ngayon, mas nagpapasalamat pa ako na wala kaming anak ni hubby, although gusto ko rin maging ina syempre, tingin ko yun ang reason na wala pa kaming anak, dahil di pa panahon, ordinaryo lang naman kaming mag asawa, at maliit lang ang income namin, at talagang for sure mahihirapan kami kung may anak kami, hindi ko sigurado kung mapapag aral ko sila at mabibigyan ng maayos na buhay.

so far open ako na di na kami mag kaanak pa, okay lang sa akin yun...

at totoo yan sinabi mo na naiinggit lang yung mga tao na panay tanong at nang aasar sa atin tungkol sa pagiging childless naten, kasi tayo nagagawa natin ang maraming bagay na di nila magawa, yun ang makatulong sa pamilya natin at hindi maging pabigat tulad nila, in fact sila ang mga selfish at hindi tayo, makitid utak nila, dahil sa kanila nagtatalo talo ang simbahan at gobyerno sa RH bill, hehe!

mabuhay tayo mga sis!

freeswan

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #148 on: May 24, 2011, 07:47:08 am »
mabuhay!! i can totally relate sa inyo mga sis. in fact, napagusapan na namin ni hubby ang pag kaasar ko minsan sa mga tanong ng ibang tao. pinagalitan pa ako ni hubby kasi daw paaffected daw ako. eh kasi nakakaiinis na, d man lang marunong rumespeto. gusto ko isampal sa kanila ang RH Bill kasi it's a matter of choice. ang nakakapikon na comment is yung, d ka na bumabata, kumukonte na ang egg cells mo ang quality ek ek. WTH, 27 pa lang ako. yung iba nga diyan, 35, nabubuntis pa.  pero next year plan na namin ni hubby na mag attempt talaga. if ibibigay, ok lang. if hindi pa, ok lang din. d namin pipilitin, basta ibibigay ni Lord ang para sa amin sa tamang oras.

hisana

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #149 on: May 24, 2011, 08:36:51 am »

I guess there's nothing wrong with asking someone if may baby na, pero what irritates me e yung may follow-up questions pa, with matching pangaral na kesyo life is not complete without a child, mahirap manganak later in life, etc., etc.

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #150 on: May 24, 2011, 08:56:45 am »
^ korek.. ok lang mag tanong basta wala ng side comments or follow up question.. and wala na sanang mag iimpose pa ng paniniwala nila (as a couple) kasi iba iba ang tao.

sis runaway_bridesmaid - tama ka dyan sis.. makitid utak nila :D napaka insensitive pa ng iba.

sis freeswan - CHOICE is the term sis, agree ako sayo :) may free will tayo sa buhay natin, and besides it's OUR married life, we are entitled to decide and plan kung ano man ang tingin natin tama at best for us.

iristacey

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #151 on: May 24, 2011, 09:39:56 am »
^ako din i agree :) kame din 3 years na married and no baby yet. we just started trying since this month and ang daming nangungulit. minsan i admit, napepressure ako (lately kasi nga we started na) but before talagang i just shrug it off. the best thing about my hubby, hindi naman siya apektado and alam naman namin pareho kung bakit kame nagpakasal. mas importante yun. aside from that, may mga priorities tayo.
« Last Edit: May 24, 2011, 06:10:16 pm by iristacey »

j27

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #152 on: May 24, 2011, 02:45:24 pm »
parang common na tanong na yan e. halos lahat naman kasi pag may nameet na mag asawa, yan agad ang tanong, "may baby ka na?". parang wala nalang  maitanong na iba. nakakainis pero ignore nalang siguro. dahil wala naman sila magagawa kung wala pang baby or ayaw pa magbaby diba.

yung sil ko, 2years na din sila married pero wala pang baby. actually, sila naman, hirap magkababy atsaka ayaw nila ng responsibilidad kaya siguro hindi rin sila mabigyanbigyan. dahil sila mismo napakairesponsable.


silveronfire

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #153 on: May 24, 2011, 04:07:49 pm »
i can relate with this sisses... 2 and a half years na din kasi kaming married ni hubby and we've been trying since we got married... kaso wala pa talaga... im lucky kasi super in love naman kami ni hubby and he always reminds me na wag magpapressure kasi masaya naman kami.... minsan lang may mga tao talagang insensitive pagdating sa pagtatanong about these things. yun ang nakakainis.

poshgal24

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #154 on: May 24, 2011, 04:28:43 pm »
Honestly naiinis din ako pag tinatanong ng ganyan--kasi wala naman sila dapat pakialam di ba? Yung husband ko nga sinasabihan pa ng mga brothers nya ng kung ano anong pang-aasar dahil lang wala pa kaming baby which is BY CHOICE PO.

Recently nagvoice out hubby ko na napipikon na sha minsan pag inaasar sha ng older brothers nya at mama nya. Affected din ako kasi nakikita ko na affected sha talaga--

Bakit ba may mga taong ganyan, napaka walang consideration sa feelings ng iba. May kilala nga ako 38 na walang asawa tapos lagi ako tinatanong everytime nagkikita kami na "o may baby ka na? Bakit wala pa?"   Sa super inis ko sinabi ko minsan "wala pa ko baby, eh ikaw bakit di ka pa nag-aasawa?"

LOL natameme!  Nakakainis na kasi-  >:(

Honestly gusto ko na magkababy by next year pero sa super asar ko sa mga inlaws ko, ayoko pa tuloy! Baka isipin nila nagwork ang pagpressure nila!
« Last Edit: May 24, 2011, 04:30:54 pm by poshgal24 »

suikorayne

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #155 on: May 25, 2011, 02:06:29 pm »
still praying and waiting.... kung kelan ibigay ni Lord...

Katrinski

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #156 on: May 25, 2011, 03:16:11 pm »
Gusto ko ka din magka baby  :-\ mga sis baka may ma suggest kayo OK na OB GYN sa St Lukes Global City - pa PM naman po.  Thanks in advance.

~tiArA~

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #157 on: May 27, 2011, 09:23:48 am »
2yrs din bago kami nagka-baby...nakakairita yung mga nagtatanong noon na "bakit wala pa? hindi pa nakakabuo? ang tagal naman" kesyo hindi buo ang pagkababae kapag walang anak, ibig ba sabihin yung mga madre hindi buo ang pagkababae ng mga yun. hindi porke wala pang anak eh hindi na buo ang pagkababae mo o ang buo mong pagkatao. mag-aanak ka nga ng madami tapos ang mga anak mo nasa kalye namamalimos, o hindi mo sila mapag-aral lahat.

wag intindihin ang mga echoserang nagtatanong ng ganyan, basta mahal natin ang ating asawa at mahal tayo ng asawa natin, yun ang nagpapakumpleto ng ating pagkababae :-)

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #158 on: May 27, 2011, 10:04:16 am »
^ so true sis.

Happiness is subjective, What makes someone happy may not necessarily make another person feel the same.

and for me lang, hindi kailangan nasayo lahat para maging tunay na masaya, ang importante, kuntento ka at tanggap mo sarili mo kahit ano pa sabihin ng ibang tao :)

having a child is a GREAT and PRICELESS blessing from God but NOT having a child does not mean na hindi na tayo blessed or pinabayaan tayo ng Diyos, i always believe that HE got the BEST PLANS for us kaya pagkatiwalaan natin yun. Hindi man mablessed ang iba ng anak i'm very sure that they will be blessed in many other ways.

masyadong maikli ang buhay para magpastress sa mga echoserang palaka! LOL

:)

ivyn

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #159 on: May 27, 2011, 11:46:43 am »
super agree ako sayo sis izabelle. two thumbs up for you ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close