Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160636 times)

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #560 on: June 03, 2019, 04:25:26 pm »
My husband told me last night that my sister-in-law is asking for the name of our subdivision. Kukuha din daw siya ng bahay doon. Nagreact ako na ayoko ng kapitbahay na relative. I emphasized the need for privacy, space and independence. Ako pa lumalabas na kontrabida sa husband ko kasi gusto niya either katabi namin ng bahay yung sister niya or same village. I feel so annoyed right now. Hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan magkalapit yung mga bahay namin. Ganun ba dapat pag magkapatid? Hindi dapat maghiwalay until tumanda? His sister is 31 years old and still single. 2 lang silang magkapatid eh.

tomatostellar

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #561 on: June 03, 2019, 05:27:05 pm »
^ sobrang relate tayo sis!


thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #562 on: June 03, 2019, 11:27:57 pm »
^i feel stressed, sis. sabi ng husband ko bakit daw dati we looked at a foreclosed house and lot here in our village (where my whole family lives). sabi ko that was years ago but i decided to purchase a house in another town kasi nastress ako sa lola ko. kakaiba kasi ugali. long story na yun. basta i decided na it's not a good idea to be near relatives.i thought all along na clear sa kanya that i don't want his sister to buy a house in the same village. may pagka-needy kasi yung sister niya sa kanya. ayoko dumating sa point na magkaconflict kami ng sister niya since we're okay or kami na mismo ng husband ko kasi feeling ko if hindi pa niya binigyan ng boundaries yung sister niya, mag-aaway na talaga kami. i can't imagine living a few blocks away or even in the same street with his sister. i am the eldest too in the family and i have 2 brothers who i am close too pero wala kaming usapan na titira kami in the same village or street. accepted namin that we have our own lives and we'll go our separate ways. in fact, my younger brother will go to singapore for work. what happened to 'leave and cleave' di ba if ganyan gusto ng sister ni hubby?

exquisitegem

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #563 on: June 04, 2019, 06:06:32 pm »
^If may hindi ka gusto na trait ng SIL mo, better nga to not live near each other para iwas conflict. Ako din, though we are totally okay ng inlaws ko, I still prefer leaving and cleaving for my peace of mind. ;)

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #564 on: June 05, 2019, 03:28:52 pm »
^ My sis-in-law and I are okay because we don't live in one house or near each other. I want to keep it that way. Yun nga na they're 2 towns away, nagkakaissue kami ng husband ko because of them. Hindi kasi kami in good terms with my father-in-law (another issue that I posted in one thread here before). What more if same village or worse, next door! Kaya nga bubukod kami sa family ko so we can finally do what we want. Tapos ganun pala setup na gusto nila. Haay. Mahirap.

exquisitegem

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #565 on: June 05, 2019, 04:15:25 pm »
^Ang hirap nga nyan, sis. Pero kung sasabihin niyo naman sa SIL mo that you don't want her to live near you, ang hirap din because she might get offended.

o9kristin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #566 on: June 06, 2019, 09:50:05 am »
Minsan nakaka-offend yung in-laws na pag nakikita kami laging sinasabi na ang payat ng anak ko at yung asawa ko daw pumapayat. Baka daw dinedeprive sa pagkain! My goodness. Sino ba namang nanay at asawa ang gugutimin ang pamilya? We chose to eat healthy since last year due to health reasons. We dont eat pork, beef, fried food, junk food and processed food na kasi. So pag nagpupunta kami sa kanila kung ano anong junk food pinapakain sa anak ko. Syempre yung anak ko naman tuwang tuwa dahil masarap nga naman ang unhealthy food. Kaya pag sinasabi nila na baka dinedeprive sa pagkain anak ko, sinasabi ko na lang na mas malakas pa kumain yung 4 yr old son ko kaysa sakin which is true naman. Kumpleto sya sa bfast, lunch, meryenda and dinner. Yung dami ng rice nya minsan mas madami pa sa rice ko. Sarap sabihin na wala naman sa built ng katawan ang lakas sa pagkain. May mga payat na ang lakas kumain pero hindi tumataba. Yung husband ko naman, conscious na din sa kinakain since mataas cholesterol nya at overweight. So goal nya talaga na pumayat. Sarap ding sabihin na - mas payat pa nga po anak nyo nung jan sya nakatira sa inyo. Which is true naman. Tumaba lang husband ko nung married na kami. Naging dad bod na. Haha! pero syempre I wont say that to them out of respect. Sana lang wag na sila magcomment about our food choices kasi we just want to be healthy and live longer for our kids. Although lately naiintindihan na rin nila why we choose to eat healthy dahil sila din ang dami nang sakit sakit at sinabihan na rin ng doctor na umiwas sa unhealthy food. Tigilan na rin sana nila pagpapakain ng junk food sa anak ko. Haay!

But other than that wala na ko masabi sa in-laws ko kasi supportive and mabait sila in general. I can say pa rin sa blessed ako with my in-laws and I love them!
« Last Edit: June 06, 2019, 09:52:09 am by o9kristin »

baby_yummy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #567 on: June 07, 2019, 01:43:36 am »
not sure if im on right room to post on this issue..

OKs ba makialam kami ni hubby sa relationship ng Brother In-Law ko at Gf niya? recently nalaman namin na nagkaalitan sila because of money daw sabi ni MIL. We plan to talk to both side for the sake of their daughter (1yr old) to talk things out rather than breaking up.

Medyo pasaway kasi yung Brother In-Law ko  like pang 3 panganay na yun kung di sila magkakaayos. Mabait pa naman yung GF nya and  tanggap ang past niya.  :-\

exquisitegem

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #568 on: June 07, 2019, 04:08:44 pm »
^I guess it depends on how is your relationship with them. Are you close with each other? Will they take it positively? If they are the type na open sa mga advice, tipong minsan humihingi sila ng payo sa inyo, then I guess okay lang na kausapin niyo sila.
Sometimes kasi, even if your heart is in the right place, baka maoffend pa rin sila if hindi sila ganung tipo ng tao. Baka they consider it pangingialam and baka magkalamat yung relationship niyo.
I hope open sila sa advice kasi your intention is for their own good naman.

baby_yummy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #569 on: June 10, 2019, 01:47:51 am »
^I guess it depends on how is your relationship with them. Are you close with each other? Will they take it positively? If they are the type na open sa mga advice, tipong minsan humihingi sila ng payo sa inyo, then I guess okay lang na kausapin niyo sila.
Sometimes kasi, even if your heart is in the right place, baka maoffend pa rin sila if hindi sila ganung tipo ng tao. Baka they consider it pangingialam and baka magkalamat yung relationship niyo.
I hope open sila sa advice kasi your intention is for their own good naman.

thanks sis exquisitegem, initially akala namin ayaw ni GF mag share pero she did. I want kasi marinig ni hubby yung side nya. This is not the 1st time na nagkaissue yung kapatid niya regarding 2 girls na nabuntisan na tinakasan and back then hubby supported his brother i didn't (for me he doesn't respect women). Hubby was indeed shock on what we heard with the GF. Daming issues from taking care of their 1 yrs old baby, nagastos na emergency money ng baby nila  (walang trabaho si Brother-In-Law), di nagsusustento, murahan, muntik ng magsakitan at sumbatan. Ang nakakalungot lang is naiipit sa gulo nila yung bata.

May point pa na wala daw utang na loob yung GF kasi at iluwa ang mga pinakain ng mga magulang niya. Imagine that di niya ata naiintindihan na wala kming utang na loob sa parents nila. In fact sila ang may utang na loob kasi yang GF at anak nya eh pinapasalo nya sa parents nya. Kakagigil girl!


barbramae

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #570 on: July 23, 2019, 01:59:46 pm »
Deadma. Civil lang. Even in-laws.

I'm at the point of my life na wala na akong pake sa sasabihin ng ibang tao. Limited lang ang energy ko and wala ako oras atupagin sila. I prefer to give my energy sa baby at asawa ko at sa pagpapayaman  ;D

FayeP

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #571 on: August 02, 2019, 04:14:37 am »
napost ko na ata to dati, pero di lang nainis or napikon kundi namuhi hehhee ganun ka-strong yung feelings....but since we live so far away from them, eh ok na din, deadma lang. If meron times na pumupunta si hubby sa kanila eh deadma lang din ako, di ako nakikibalita, di ako nakikipag usap, di ko nga sila inadd sa FB (sabagay di din kami friends ng hubby ko sa FB)...

mas ok na to kesa naman maging close ko sila (cringe)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #572 on: August 02, 2019, 12:31:14 pm »
not sure if im on right room to post on this issue..

OKs ba makialam kami ni hubby sa relationship ng Brother In-Law ko at Gf niya? recently nalaman namin na nagkaalitan sila because of money daw sabi ni MIL. We plan to talk to both side for the sake of their daughter (1yr old) to talk things out rather than breaking up.

Medyo pasaway kasi yung Brother In-Law ko  like pang 3 panganay na yun kung di sila magkakaayos. Mabait pa naman yung GF nya and  tanggap ang past niya.  :-\


If I were in your situation, hinde kame makekealam unless they come to us for advice. One of my husband's brothers is sort of the same with your BIL. Hiwalay sa asawa (they have 2 kids) tapos nagka anak ng 2 sa ibang babae pero iniwan din nya. Walang permanent work (kase tamad at ayaw nang napapagsabihan sa trabaho), pag pinapagsabihan ng daddy and eldest brother nila, sya pa galit and feeling victim. Sanay kase to sa easy money and yung gusto nyang work is buy and sell ng cars para may pangyabang sya on the side. At the same time, gusto nya yung palageng happy time lang, gimik, barkada, ganyan, eh wala naman pera. Among hubby's siblings, dito ko pinak imbierna and walang amor. Even my husband, hinde na din nake kealam kase mukang ganyan na lang naman talaga gusto nya sa buhay nya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #573 on: October 07, 2019, 02:46:26 pm »
^Yung Grade 8 na bagets kapatid ni hubby? Baka sis nakokonsensya si mother na di pag-aralin sa magandang school si bagets lalo na kung yung mga nakakatandang kapatid galing sa magandang school. Ang foul lang yung kukuha ng bagong bahay na bayarin lalo na kung kulang ang income. Maganda sana yun since investment naman siya pero kung mahihirapan pala sana di muna kinuha kasabay ng pagpapaaral sa mamahaling school. Kung di matiis ni hubby na di tumulong talaga baka pwede na magset nalang monthly allowance or kunwari sasagutin ni hubby utility bills pero hanggang dun lang. Yung lalampas dun bahala na mom niya. Ang yung sa dialysis di ba pwede sa govt hospital? Mukhang ok naman ang mga govt hospitals nowadays. Saka kung senior citizen may discount ata sa ganyang procedure e. Pero yung lola ko alam ko walang binabayaran sa dialysis e 3x a week pa siya.

TomHansen

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #574 on: October 07, 2019, 05:13:20 pm »
^ meron ba sa inyo ni hub at bil mo nagsabi ng mga hinanakit niyo sa kanila at kung oo ano naman sagot nila? Magegets ko pa kung maliit na halaga lang ang damage nila sa inyo pero malalaki e, tuition pa nga lang magkano na iba pa yung ibang gastusin sa school..

Ewan ko lang pero "magulang" yung parents ni hub mo, the fact na hindi sila nagpaalam ibig sabihin alam nila hindi kayo papayag sa stupidity nila.. Kung susumahin more than enough na binibigay niyo sa kanila to live comfortably sobra sobra pa.. :(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #575 on: October 07, 2019, 05:46:27 pm »
Responsibility din ng asawa mo at kapatid nya na mag draw ng line. Yung hubby ko mejo similar except walang sakit parents and marunong sila tumanggi. Nung magca-college yung isang sister nya, gusto ng mommy nila sa Miriam pag aralin pero silang magkakapatid magbabayad. My husband said no. So dapat sa kanila mismo manggaling kase baka iniisip din ng parents na okay lang since wala naman complaints silang naririnig. Mahirap kase yan sis yung mag downgrade ng lifestyle, may iba nga na nasa twilight years na ng buhay nila hinde pa din tanggap na iba na ang pamumuhay nila.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #576 on: October 08, 2019, 06:47:59 am »
Laki palai ng monthly expenses nila. Sabagay educ expenses pa lang and monthly amortization malaking budget na agad ang mapupunta dun. Siguro need na umaksyon ng BIL and hubby mo, i-assess nila ang budget ng parents mo and kausapin sila sa kung hanggang saan at magkano lang kaya itulong sa kanila. Kasi hanggat hindi nila naiintindihan na may boundary ang pagtulong sa kanila hindi yan titigil sa paggastos lalo na kung ang purpose nila makipagsabayan sa iba.

J.warner

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #577 on: October 08, 2019, 08:31:34 am »
Mahirap talaga makipag sabayan. Sis ko sa ateneo anak nya kahit dami nila utang. Nakakaloka

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #578 on: October 08, 2019, 09:17:59 am »
^Hinde kase sis fina factor in ng ibang tao yung other expenses sa exclusive schools. Tuition lang basta magawan ng paraan feeling nila okay na. Eh ang daming ibang iisipin like  books, supplies, uniforms, allowance/food, school bus, projects/activities fees at kung ano ano pa. For example, my daughter goes to Assumption and her school bus every month is 3800. Nag join ng theatre, may fee na 10k. She does gymnastics, training fee is 3500 every 10 sessions tapos the uniform for this year is 4k. On top of the regular expenses pa yan and it's one of the things na hinde alam ng ibang parents so basta maipilit lang kahit nagkakanda baon baon sa utang. Ang ending, yung bata nagsa suffer.

J.warner

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #579 on: October 08, 2019, 10:23:28 am »
^ kaya nga sis. Tapos yung bata nakikita classmates nya may ganito, ganyan.. sya wala.
Lumalaki pa sya nakikita lagi nag aaway parents nya dahil sa pera.
Buti na lang mabait yung nephew ko even at young age of 12 mukang naiintidihan naman nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close