Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160727 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #520 on: July 10, 2018, 08:15:20 am »
^^buti hindi mo inapproved ako rin hindi ako nag bibigay or nagpapasok sa work ko ng kakilala or relatives ayaw ko ng sakit ng ulo.

littlekinselle

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #521 on: July 10, 2018, 01:23:30 pm »
^^^ I would do the same haha.. kahirap ng may ka work ka-family mo and / family side ni husband,  unless sa inyo ang company.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #522 on: July 26, 2018, 02:53:47 am »
Omg, mejo nag-quota yata mga sisters in law ko lately. My other sis in law, who I love dearly naman to be fair, gave birth recently. 2nd child nila so obviously we had the impression na prepared silang mag asawa sa expenses.

Wrong. Walang cash nung nanganak. CS delivery kase may cord coil baby nya and nagka neonatal sepsis. Again, walang pera. Wala. 9mos to prepare pero waley. Katwiran, inaasahan nila yung sss maternity benefit kaso hnde pala daw makukuha agad since unemployed tapos mas malaki daw yung expenses kesa ineexpect nila. Tama ba yan? Ending, my husband had to pay for the expenses muna. Yung husband nyang walang backbone, hinde pa sya ang nakipag usap sa asawa ko. Si father in law pa nakipag usap. My husband tried na tiisin, ilan araw sya kinakausap but in the end syempre kapatid and pamangkin nya yon. I was upset pero sabe babayaran naman daw. Sabe ko linawin nya ng maayos ang terms of payment dahil hinde giveaway to. Nakakahiya naman samin na maayos ang finances diba?

Tama ba yan? Akala mo mga 16yo na first time parents. Again, walang cash. I'm sorry but it's very ridiculous and incredulous. Manganganak pero walang hawak na pera. Yung asawa kalalakeng tao hinde gumawa ng paraan at umasa pa sa family ng wife nya. Kadiri. Pero maya't maya lumalabas and naga out of town. Hinde ka ba naman mabwisit jan. Juice colored.

« Last Edit: July 26, 2018, 02:55:48 am by twelvth_goddess »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #523 on: July 26, 2018, 08:27:29 am »
Napipikon ako sa ganyan. 9mos nagbubuntis pero di nakapagtabi. Damig time to prepare e.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #524 on: July 26, 2018, 09:29:47 pm »
^Kaya nga ayaw pahiramin ng husband ko nung una. Buti sana kung mga 16yo na nadisgrasya, mejo maintindihan mo pa na walang sense of responsibility.

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #525 on: July 26, 2018, 10:23:27 pm »
That's a lame excuse, sis. Kahit OB gyne nagsasabi ng PF and expected expenses if NSD or CS yung patient months ahead. Similar yan dun sa news before na nagreklamong guy sa hospital kasi hindi tinanggap yung wife niya kasi wala daw silang pangdeposit. Manganganak na yung misis. IMO, hindi naman emergency ang childbirth. Hindi yan biglang nangyari lang in 1 day na tipong vehicular accident, nadulas at nabalian ng buto or even appendicitis. They had 9 months to save. Kesyo dapat daw pasok sa no deposit law kasi wala silang kahit piso na mababayad. Hindi ko magets yung ganyang katwiran. Choice nila yan mag-anak so harapin dapat ang responsibility.

Naalala ko tuloy cousin ng husband ko. Jobless siya ngayon tapos 3 kids. Umiiyak yung mom niya sa mother-in-law ko minsan kasi may financial problems. Retired na kasi aunt and uncle ng husband ko pero sa kanila pa nakatira the 2 kids and respective families nila. Aunt ng husband ko yung nag-aalaga sa 5 apo. At first naawa ako pero sa katagalan nainis na ako. Kasi mga anak nila hindi nag-iisip. Alam naman na hindi okay financially, todo anak. Sana maawa sila sa parents nila hindi yung ineexpect nila na yung ibang relatives maaawa at tutulong sa kanila lagi if may kailangan. Tapos magpopost sa social media na yung relatives nila sa father's side walang utang na loob and someday sila din aangat. Actions dapat hindi lang words. Baka nasawa na rin kasi yung iba na tumulong at umintindi sa kanila.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #526 on: July 26, 2018, 10:48:34 pm »
^True sis. Yun yung saken eh. Honestly, wala naman problem mag help saken basta nakikita ko na yung kelangan tulungan eh tinutulungan din sarili. Kameng magasawa, sobrang cautious sa pagplan ng 2nd child namin because we want our kids to have the same kind of comfortable life and future. Hinde yung basta nalang magprocreate like there's no tomorrow.

Sobrang unacceptable yung reason na sobra sa ine expect nila because in the first place, WALA SILANG PERA nung nasa hospital sila. Pero wag ka ah, maya't maya labas, out of town, kumuha ng townhouse, may car. Ay wow diba. Nakakahiya naman samin. Nakakbwisit pa asawa nya na hinde marunong makipag usap kahit nakaratay wife nya don. Kelangan pa talaga padaanin sa father in law ko. Ngayon pa sya nakaramdam ng hiya eh kasalanan naman nila yan.


kvandenhaak

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #527 on: July 27, 2018, 01:44:03 am »
^I might be tempted na mag-post ng mga patama pag mga ganyang mga klaseng tao...lol! Anyways, the reason why they are like that is because someone is enabling them. Cut the supplies and they will learn to fend for themselves.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #528 on: July 27, 2018, 01:55:07 am »
^Nako sis. Ganyan sila sa family nila. To be completely honest, I hit jackpot and got the one and only responsible member of the entire family. Very entitled and dependent  ::) Si hubby natuto na mag hold back pero syempre family pa din nya yon.

Girltalker2

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #529 on: July 27, 2018, 04:44:49 am »
Pero wag ka ah, maya't maya labas, out of town, kumuha ng townhouse, may car.

Puede nyo ba kunin yung car at ibenta. Or if mabayaran nila utang nila before you are able to sell the car, then tsaka  ibalik ang car sa kanila.

Another alternative is bigay nyo na money pero 5-10k lang, at sila na bahala sa balance.

I hope they chose a more economical hospital. Sa pgh ata puede manganak ng libre or a few thousands lang. Eh Kung st Luke?s siguro, mahina  ang 100k with the condition you described.

How can they be so irresponsible. Tsaka, worse case, at least 6 months into the pregnancy, if they know wala talagang money, nangutang nalang sila or sabihan mga puede nila utangan para hindi sila caught off guard. Nakakainis Yung you were put in the spot na Masama ka if di ka tumulong.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #530 on: July 27, 2018, 05:46:55 am »
^Nako sis, binayaran na ng husband ko. 57k yung total bill, sa ward lang sya nagpa admit kase wala ng available room, maging choosy pa ba sya. Kase hinde makalabas and lalong lumalaki bill. At first akala namin may money kase sabe 35k lang daw money nila. That was the day na na-CS sya so alam na ng husband ko na kukulangin talaga sila kaya badtrip sila ng kuya nya dun sa asawa ng sister nila dahil nga hinde pinaghandaan and pinagisipan. So naisip ko naman, baka yung excess lang kelangan. Lo and behold, yung 35k sa sss pa pala manggagaling. So hinde nila hawak. Ang hawak lang nilang pera yung pangbili ng nappies, milk, ganyan. Walang brains, seriously. Yung parents ng guy ang inaasahan nila but hinde sila binigyan kase yun ang nagbayad ng downpayment ng townhouse nila. Tiniis sila talaga. Nung Sunday pa nakikiusap sila sa husband ko. Hinde sinasagot ni husband hanggang kinausap ako nung Tuesday. Until now, I still cant believe how irresponsible and delusional they are. Manganganak na walang hawak na pera. Parang mga hinde nag aral. Parang mga walang trabaho. Akala mo laking squatter.

My husband is giving them until August 30 to pay us back. Hinde naman namin pinipitas ang pera namin sa puno. Plus, I made them aware that I know that this is a loan and that i?m expecting the money back. Hinde ako talaga nakikisali sa usapan nila sa family pagdating sa money basta hinde affected ang expenses and savings namin but this one is different. First time ko sila kinausap about money matters. Kakairita.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #531 on: July 27, 2018, 06:15:15 am »
Lo and behold, yung 35k sa sss pa pala manggagaling. So hinde nila hawak.
I agree. Ang brainless nila sa part na ito. Kaloka. Di pa nila hawak pero inasahan na nila.

Girltalker2

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #532 on: July 27, 2018, 08:20:27 pm »
At first akala namin may money kase sabe 35k lang daw money nila. That was the day na na-CS sya so alam na ng husband ko na kukulangin talaga sila kaya badtrip sila ng kuya nya dun sa asawa ng sister nila dahil nga hinde pinaghandaan and pinagisipan.

Wala ba silang credit card?



Yung parents ng guy ang inaasahan nila but hinde sila binigyan kase yun ang nagbayad ng downpayment ng townhouse nila. Tiniis sila talaga. Nung Sunday pa nakikiusap sila sa husband ko. Hinde sinasagot ni husband hanggang kinausap ako nung Tuesday. Until now, I still cant believe how irresponsible and delusional they are. Manganganak na walang hawak na pera. Parang mga hinde nag aral. Parang mga walang trabaho. Akala mo laking squatter.


Alam nila somehow may sasalo. If not the guy side, sa side nyo. Kaya sila kampante. Kasi kung hindi naman sila makalabas ng ospital, sila ang magmamadali makagawa ng paraan. But then mukhang nangyari nga ang plan nila, natulungan sila.

Isa pa, yung Sss, once makuha nila yun, panggastos ulit. So feeling ko, never kayo mababayaran.

My husband is giving them until August 30 to pay us back. Hinde naman namin pinipitas ang pera namin sa puno. Plus, I made them aware that I know that this is a loan and that i?m expecting the money back. Hinde ako talaga nakikisali sa usapan nila sa family pagdating sa money basta hinde affected ang expenses and savings namin but this one is different. First time ko sila kinausap about money matters. Kakairita.

Sis sa kwento mo, Tingin ko di iyan magbabayad. Isip nila ano naman puede nyong gawin if di sila magbayad?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #533 on: July 27, 2018, 08:47:12 pm »
Hinde naman sila ganon sis. Hinde naman sila ganon level ng kapal. Wala naman nangyari pa na hinde nakabayad samin kahit sino sa kanila. Nakaka inconvenience lang yung nanghihiram but they always pay up.

Girltalker2

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #534 on: July 28, 2018, 09:49:32 pm »
Sis if that?s the case, may pera naman pala sila. So odd na wala nailabas.
May credit card din Naman siguro sila?

Ang akin lang, di naman siguro ako kainis nyan if they pay back. Yun ngalang, Hindi sila prepared. Malamang napaaga ang panganganak?

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #535 on: October 27, 2018, 11:31:16 pm »
Can I vent out here? I work from home and I have my shifts until next Friday. Hindi ko alam anong arte (aka paglalambing) na naman nila sis-in-law and mother-in-law kasi biglang gusto ng husband ko umuwi sa province nila sa North on Nov 1. Gusto humiram ako ng laptop so I could work there daw. Honestly, wala naman kaming ginagawa dun whenever we go pag holidays. Tambay sa family home nila along with their titos, titas and cousins. Mahina ang connection and signal ng mobile. Kesyo 'hinahanap' daw siya ng tito niya. August last na uwi namin dun for 1 day. Yan kasi prob ko sa husband ko. Magmessage lang nanay niya na gusto umuwi sa province, pupush niya ako na dapat makauwi kami. Gusto ko lang sana magstay here kasi ayoko mapagod. Wala naman din kaming gagawin dun. Sabi ko buti kung years kami inaabot before umuwi (we live in the South). Plus I have work. Nakakaloka naman if sila nakapagrelax habang ako prob ko yung connection and nagwowork ako sa isang room. I might as well stay home.  Hindi daw kasi ako nagfile ng (unpaid) leave eh. Fault ko pa ngayon.

Then sinabi niya sa in-laws ko na we bought a house. Gusto ng sister niya bumili din. Kausapin daw namin yung real estate agent if available pa yung house katabi ng binili namin para sa kapatid niya.  >:( Sabi ko dapat katabi talaga? Ano daw masama dun. Single kasi sister niya. No bf. Ang ayoko kasi nagiging dependent yun sa kanya even at age 30. Saka I don't really feel like being neighbors with relatives. Hindi ba reason enough yung may sarili kaming family and mga buhay. Kailan pa ba naging requirement na dapat next-door neighbors sa mga kapatid? Di ba leave and cleave nga?! Nakakagigil. Hindi maintindihan. Ako pa kontrabida. Sana hindi siya nag-asawa kung gusto niya kasama niya kapatid niya habambuhay.
« Last Edit: October 27, 2018, 11:39:17 pm by thebratinella »

pinkarrow

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #536 on: December 12, 2018, 10:31:27 am »
hello sissies, would like to ask for your opinion on my situation. I have a problem with my husband talking too much with his mother. Talking too much na bawat kibot namin parang lagi nya kinikwento like months ago nagundergo kasi ko IVF  tapos kausap ni husband si MIL, aba knwento nya lahat pano egg retrieval at what's next na mangyayari. Tapos there were times na pag magoouting kami sinasabi din ni hubby na pupunta kami sa ganito as in kkwento nya din! Tapos pati pagsubmit namin ng application sa AU nung isasubmit na sinabi din kay MIL although kaya nya sinabi kasi nanghiram si hubby nag credit card pangbayad. Tapos sa new year since kina MIL and SIL kami magnew year sila na nagdecide na maghotel kami tapos to naman si hubby hindi man lang ako kinonsult kung gusto ko. Nabook na 2 rooms sama sama kami.

I feel weird lang with this kind of setup parang nakakaviolate ng privacy. parang kailangan ba talaga lahat ikwento nya kay MIL? i know super close kasi sila pero his married now but parang di nya magets nafifeel ko about dun. para sa kanya wala naman daw masama magkwento. pero every bit of what's happening to us kkwento? Can you please enlighten me sissies? Ako lang ba ganito? Ako ba mali? Ano ba dapat gawin? I already told my husband about it. Umoo naman sya pero feeling nya wala naman masama sa pagkwento nya at ginagawa pa din nya until now

Ching_Ching

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #537 on: January 06, 2019, 04:06:27 am »
Saken napakaprivate ng husband ko. Mas ako pa yata ang makwento. I learned to keep things to ourselves over the 15 years na magkasama kmi including yung bf/gf  pa lang kami kasi lagi kaming nalalagay sa alanganin eh.WE learned our lesson. Go tell your hubby how you feel. Nasa usapan nyo yan and communication is really the key.

megansmomma

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #538 on: February 08, 2019, 04:16:04 am »
Never :)

We happened to live far away from his older sisters so walang ganun, tapos bihira din kaming pumunta sa bahay ng mga ate nia..last is nung 2016 pa and may phone naman and fb so dun na lang kami nagcocommunicate, okay naman ang inlaws ko siguro kasi bunso si ex.. pero yung magiging inlaws ko in the future, i don't know. haha sana same situation din like this previous one.

cupcakejane

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #539 on: February 16, 2019, 05:15:44 pm »
Best to avoid, but sometimes hirap to adjust.  So iwas nalang ako sa kanila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close