Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160954 times)

Cat Meaw

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #400 on: March 06, 2015, 01:13:15 am »
^ sis, sinabi ko ke hubby yan. Asar na asar talaga ako. Si MIL ayos andoon naman sa hospital wala ako ma say sa parents. Pero ang dalawang SIL, nunca dumalaw ni text na kamusta wala. Buwisit na buwisit ako, kasi kaya nilang mag leave para sumama sa auntie nila mag lakwatsa sa MOA pero kahit half day na dalaw sa Ospital hindi ginawa. Sabi ni mister wala naman daw siya ine expect sa mga kamag-anak niya. Dah, ano un kung kelan patay saka sila pupunta at mag iiyak-iyak?

Kaya mula noon, nawalan na ako ng amor sa mga kapatid niya, unfriend ko na nga iyong isang kapatid niya eh. Lahat iniasa sa akin, samantalang full force sa pag bisita sa ospital ang mga kapatid at mother ko.

Nurse pa man din iyong isa, wala kapatid ko ang kasama ko ka reliebo sa pag babantay. Kaya pati bigay ng mga Auntie from abroad, noong inaabot sa akin tinatangihan ko talaga eh, bahala na mag mukha akong bastos.

Namayapa si lola ni hubby nitong Feb lang, andoon naman ako. Actually ako nga ang kumikilos sa kusina, paano ang mga anak panay iyak, ayaw kumilos kesyo bawal daw. Katamaran lang nila pinapairal nila eh.

After noong libing nag bonding sila, hindi ako talaga sumama, nag request ang auntie niya dinner daw kami before sila umalis at nako absent rin ako kasi nag away kami niyan.

Hindi ko naman sila kailangan sa buhay ko eh.

bwiset12

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #401 on: March 06, 2015, 06:55:16 am »
i'm currently pikon sa family ni partner. pano ba naman,yung brother nya nung nanghiram ng money di naman sila nag dalawang salita. may date pang pinangako and since di pa naman namin need ang money nun, di muna namin siningil. and ngayon na kailangan na namin minamaya maya kami. tapos nangako na naman ng date, ayun katapus tapusan ibinigay na daw kay MIL at nagastos na pambayad ng bills. kapikon to the highest level  >:( >:( >:(. samantalang si BIL eh nag advance summer vacation na out of town..sinabi na ngang need na namin yun money. mahirap kausap. mga akala mo di nakakaintindi.

oreo08

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #402 on: March 06, 2015, 07:03:38 am »
kami siguro a case of famliarity breeds contempt. magkalapit kasi bahay namin. too close for comfort ::)

may susi sila ng bahay kasi they look after our daughter a few days a week when I'm at work. Alam nila days na wala akong trabaho meaning nasa bahay ako. Aba, basta basta na lang bubuksan pinto!!! Akala mo pagaari nila!!

May bisita kami, kakatok sila, pagpasok ang lakas lakas ng bunganga akala mo sila talaga mayari ng bahay, sisitahin bakit ang dumi dumi ng bahay. Eh madaming tao hello!!

Palagi sinasabi, turuan nyo magtagalog anak nyo. Kelangan marunong sya magtagalog. Pero jusko ang MIL ingles ng ingles pag kinakausap anak ko! Kamusta naman!! Fluent ka magtagalog, wala kang karapatan inglesin anak ko at magimpose sakin after ok?? Ok lang yun iba na talagang di marunong magtagalog so english kausap sa anak namin. Pero sya, magtagalog ka huy!! Di ka naman inglisera!

::)

Cat Meaw

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #403 on: March 06, 2015, 08:11:59 pm »
i'm currently pikon sa family ni partner. pano ba naman,yung brother nya nung nanghiram ng money di naman sila nag dalawang salita.

Naku sis, huwag mo na asahan iyan, promise. Makuha mo man ang perang nahiram sa inyo sobrang stress naman ang naidulot niyan. Same lang halos nangyari sa atin samin MIL ang nanghiram, last year pa, nasalanta ng bagyo ang palayan kaya sige. Ngayong anihan nag remind ako na baka pwedeng singilin, sagot sa akin ni hubby, namatayan daw (iyon nga si lola nitong Feb lang) hayaan na muna. Duh eh need rin naman na namin pang dagdag budget. Haay naku bahala sila. Mas priority pa rin lagi iyong kabila kesa ako na asawa.

cutemama

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #404 on: March 07, 2015, 06:46:08 am »
Naku maswerte pa pala ko sa mga inlaws ko.. buti wala ko nagiging problema sakin.. sila pa nga nag aadjust sakin eh.. mabait sila sakin even nung mag bf gf pa kami..

nakakatawa nga kasi yung brother ni hubby may gf din that time, kinocompare talaga kami hahah sabi nila wag ka papatalo dun ha, syempre ikaw favorite namin.. hahah

Pero napapansin ko may mga sinasabi rin silang negative sa mga inlaws nila, kaya iniisip ko pag hindi kaya nila ko kaharap may mga sinasabi rin silang negative about sakin.. sabi naman ni hubby wala naman daw, kasi favorite daw ako ng mga yun..
Good thing hindi kami nakatira sa isang bubong kaya wala masyadong issue.

Si hubby din wala din siya problema sa parents ko. Gusto siya ng mga parents ko and relatives.. Thank God.

imeego

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #405 on: March 08, 2015, 12:21:26 pm »
No, never ko pa naexperience to coz my inlaws are really mabait...plus, they love their apo so much.. Even my brothers in law mababait din..nageeffort pa brother in law ko to drive for my son para sunduin kung di available ang driver.. Thankful ako talaga for having good inlaws..

smile22

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #406 on: March 09, 2015, 06:13:37 pm »
kung pwede lang pumili ng in-laws.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #407 on: March 09, 2015, 06:25:20 pm »
^which reminds me of a friend, biro nya, kung mag-aasawa daw sya sisiguraduhin daw nyang "ulila" na para daw wala syang pakikisaman na in-laws haha

chinkywinky

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #408 on: March 12, 2015, 03:52:35 am »
^that makes sense  ;D

Pero buti na lang ako, mababait in-laws ko and I'm thankful. Yung MIL ko passed away na so yung [textspeak!] ko na lang and BIL pinapakisamahan ko, pero mababait sila sa akin so wala talaga akong problema :)

Naiiinis lang siguro ako sa ibang relatives ni hubby, I don't want to elaborate further. I think it's not worthy to even think about them, they are not my immediate in-laws anyway.

gwyne21

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #409 on: March 12, 2015, 03:16:48 pm »
Nagalit - hindi pa naman
Napikon at nainis - maraming beses na
Pero kapag nangyayari yun tahimik lang ako, ayoko kasi na makasamaan sila ng loob kasi generally, okay naman sila.

phurple0515

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #410 on: March 12, 2015, 03:40:08 pm »
so far mabait naman mga inlaws ko and I am thankful for that.  2 years in a row, si MIL at yong pamangkin pumupunta dito sa MY to visit us.  kelangan kasi na me kasama kaya sinasama yong pamangkin.  ok naman kasi mababait sila, problema lang shoulder namin ang gastos nila kasama pamasahe.  last year, birthday nong pamangkin so sabay sila pumunta ulit dito then me 2 side trips pa sila (1 SG tapos yong isa sa isang island dito) all expenses paid.  ambigat sa bulsa, until now binabayaran pa namin.  ang medyo nakakainis lang e, kasi nasanay ata na every year pinapapunta namin.  so this year, (thankfully) walang kasama si MIL pabalik ng Pinas if ever sasabay siya sa akin.  so nong kausap ni hubby, sabi niya sa december na lang. napa-OMG ako kasi nga if ngayon mahal na, mas mahal pa ang pamasahe pag December.  tapos last yr me 1 rin kami bisita on his side during Xmas at magastos.   sana naman maisip nila na di ganon bumili ng plane tiket kung kelan nila gusto pumunta tapos kami magbabayad.  kasi kami rin naman gumagastos para sa kanila during the duration ng stay nila dito.  yon lang naman kinakainisan ko.  sabi ko nga sana naman ngayon maintindihan nila kasi nga we want to clear off any debts muna this year.  sabi ko nga mas magastos pa pag andito sila. 

ngayon pa nga lang, sinasabihan ko na si hubby na magastos pag kasama pa si MIL pag tinreat namin pamangkin niya for her graduation overseas kasi pinangako namin yon.  alangan naman iwan namin sa bahay.  nakakaiyak lang na nakakainis pag naaalala ko.

mebpa

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #411 on: March 14, 2015, 10:35:39 am »
nainis and napikon calling me fat then (but true naman den kase), but no need to state the obvious.  hindi ko na sinagot/pinatulan coz pointless, maiipit lang si hubby. but sinabi ko kay hubby yun, hayaan ko nalang daw.

cutemama

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #412 on: March 14, 2015, 10:45:01 am »
Me, nainis ako bigla sa BIL ko or BILAS ba tawag dun (husband of my hubby's sister)
Nakita ko sa fb biglang hindi na niya kami friends.. kami ni hubby pati lahat ng kapatid ni hubby.. ano kaya problema nun.. gusto ko nga i block eh eheh pero deadmahin ko na lang..
Ano kaya problema nun, malakas din talaga topak nun eh,. Ang tanda na parang bata kung umasta.

jidhel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #413 on: March 16, 2015, 04:49:39 pm »
Nagalit ako pero di naman sa relatives ni hubby kundi dun sa asawa ng kapatid nya, bilas diba yun. Ang dami sinasabi, bawat kilos namin may sinasabi sya sa mga kapitbahay. Magkakatabi kasi kami ng house pero matagal na ako doon, akala niya hindi makakarating sa akin porke nagwowork ako. E di na ako nagwowork ngayon kaya minsan nakakabatian ko yung ibang neighbors. Nakarating sa akin. Well tahimik kasi ako dahil ayoko nga ng mga tsismis na yan, pero kahit pala ano gawin natin basta may naiinggit, may magchichismis pa rin. Minsan nagkasakit ako to the point na hindi na ako makatayo, sinasabi ba naman na nagiinarte lang daw ako, wow, ano naman mapapala ko doon, kelangan ko kumilos kasi may mga anak ako at ayoko umasa sa iba, dumating lang talaga na I have to rest in bed. Hay naku, buti na lang mabait si MIL, sinabi ko yun, nasabi na lang niya, ewan daw ba niya, siya na nga malakas katawan, ako pa kinaiinggitan. Thanks medyo I felt relieved. Hehe

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #414 on: March 17, 2015, 12:32:10 am »
Medyo inis lately kasi everytime they text us eh para humingi ng money. Hindi naman malaki yung amount but medyo off for me ang timing. I just gave birth, CS pa so malaki nailabas naming money.

Like as i have mentioned na rin before, may padala naman kami sa kanila every 15 and 30. Pambayad utang actually iyon. May healthcard pa ang parents ni hubby c/o of hubby. Kala ko nga once i gave birth they will be more mindful sa paghingi but unfortunately hindi.


cutemama

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #415 on: March 17, 2015, 02:19:33 pm »
Hindi naman sa nilalahat ko ha.. observation ko lang naman... (sorry kung may maooffend) halos lahat ata ng INLAWS na nghihingi lagi ng pera is yung mga laking sa manila talaga..parang iooblige nila mga anak nila na buhayin sila.and dapat bigyan sila ng pera every payday nila..kahit alam naman nilang may family na anak nila eh..
Pero yung mga parents naman in province hindi naman sila.ka demanding and halos lahat ng kakilala ko is hindi nghihingi.pasalamat na lang sila kung may iaabot yung anak nila, kung wala ok lang.

prettyness

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #416 on: April 13, 2015, 01:12:59 pm »
madalas lalo sa side ni fatherinlaw
« Last Edit: April 13, 2015, 01:47:58 pm by prettyness »

abbeydasassy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #417 on: April 13, 2015, 01:36:30 pm »
just last night, i went to grocery i didnt bring the car coz i was too tamad to drive. when i got home i have 4 bags of goods all heavy nakita naman ni sis in law that i was at the door di man lag tumayo to open the door at katok ako ng katok parang hindi ako nakikita sa laki kong to PI talaga kelangan ko pang sumigaw at makisuyo magpabukas ng pinto! hay bwisit!!!


FYI, YOU ARE AT MY HOUSE!!!!!

ri-anne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #418 on: April 14, 2015, 02:56:53 pm »
Haaayyysss knowing my in-laws have plans of visiting us here stresses me out already....
Ayoko talaga, just thinking about it nas-stress na ako!!!!!!! Aaarrrggghhhhh

Pano dinadala nila yung ugali nila dito. Sa pinas nasanay may katulong at mga tamad sa gawaing bahay... Hello dito wala kaming katulong at hindi ako katulong ha, so since madami sila sana tumulong sila sa pagluto at paghain, ligpit, hugas ng pinggan....nakaupo lang lagi naghihintay paghainan, at mag-iinarte pa sa food. Andaming ititirang food tapos magrereklamo kung kakainin yung leftover.. Ano gusto nila kada-kain, bagong ulam, tapos pag may sobra itatapon yun? Di naman nila pera yung pinangbibili nun!! Haaayyy...
Sabi nga ni hubby huwag ko na daw istress sarili ko, hayaan ko sila magluto ng food...kung pwede nga sana, please lang mag-rent na lang sila ng hotel/hostel para may peace of mind ako at hindi ko na sila problemahin!

Evolet027

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #419 on: April 14, 2015, 04:01:49 pm »
may time, kasi yung BIL at SIL ko, mejo dependent sa asawa ko na panganay. Konting kibot, kuya..kuya..kuya.. Nagalit na talaga ko ng nagpadala ng pera ang asawa ko ng hindi sinasabi saken at worst, nakita ko lang yung resibo sa Cebuana, saka lang inamin. Naiinis ako dahil, alam naman nila na ako ang humahawak ng pera naming mag asawa, bakti hindi saken sila magsabi, natuto pa magtago saken asawa ko dahil sa kanila. ngayon, madalas ko tuloy paghinalaan asawa ko na secrely nagtutustos sa BIl at SIL. may sarili na silang pamilya, sa kuya pa nila aasa. kakabwisit lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close