Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 161032 times)

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #380 on: October 14, 2014, 12:21:35 pm »
Nagalit - di pa naman umabot sa ganyang level, thank you God. I guess nakatulong na we don't live near our families, we live independently so walang pakialamanan. We only see them once or twice a month (max na yung 3x, pag nataon me mga occasions).

Nainis at napikon - yup. Di naman yata maiiwasan to. Me mga times na me nasasabi at nagagawa sila na mapapa-"duh" and *roll eyes* ka na lang talaga. Pero short-lived lang naman tong feeling na ganito for me. So far, wala pa namang lingering distaste. Hehe..

arowen

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #381 on: October 14, 2014, 04:58:29 pm »
Meron pa ko isa na napakapetty pero napikon talaga ako. As in napaiyak ako sa galit. My mil kasi can be very tactless sometimes. Mahilig mag comment, and mag joke pero good natured manner naman. E one time, parang 1 month na kami nagdidiet ni then-bf, now hubby. Tapos pagpunta ko sa kanila,hiritan ba naman kami na "Kailangan niyo na mag diet, ang taba taba niyo na o. Ikaw, (pertaining to me) parang siopao na Yung mukhang mo o!" Sabay tawa. okay lang sana kung kami lang, eh may ibang guests dun. Nagtawanan na lang. Nakitawa na lang ako, then I left the room and Naiyak talaga ko sa inis. What's worse is hindi naman ako mataba. I just got a little heavier than nung first time ko sila na meet. hay... Minsan, naiinis pa rin ako sa kanya because of that hehe

outandaboutph

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #382 on: October 17, 2014, 10:52:50 am »
Yes, ang pinakarecent ito lang kapapanganak ko lang. After I gave birth, kung saan saan gusto pumunta ng MIL and SIL ko, attend ng ganito, enroll sa ganyan to think na may bata silang inaalagaan. So ang siste, sa amin naiiwan alaga nila. Feeling ko nanadya sila. Kinuha ko nga mom ko para may mag alaga sa baby ko kapag nasa work ako, tapos ang nangyayari, iiwan pa nila sa mom ko pati iyong alaga nila. Paanong hindi ko iisipin na hindi nila sinasadya lahat samantalang ang dami nilang time noon, ang dami dami nila kasama na pwede nila pag iwanan ng alaga nila, bakit kung kailan sobrang busy kami ni hubby kasi may baby na kami, saka naman makikisabay. Actually, am not expecting them to help us, pero sana huwag namang maging pabigat pa.

Isa pang kinainis ko lately, sa amin na natutulog cousin ni hubby. Sobrang hindi comfortable and kumusta naman ang gamit ng kuryente.

mama7

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #383 on: October 17, 2014, 11:17:14 pm »
dahil tumutulong si ate ni hubby na magbayad ng kotse namin, karapatan niya pala sabhin na di ako pwede gumamit ng kotse ng asawa ko..alam ko di pa kami kasal,gusto man namin hanggang ngayon nag ipon pa kami dahil magastos..kailangan pa ba lahat ng bagay may kasulatan o legality para mangyari?sobrang sama naman yata ng ugali kung ganon..sa 8 taon namin ng kapatid niya ganon pa pala ang gusto..ang sasama ng ugali nakaka suka..ganon na lang mkapag yabang parang hindi galing sa hirap ah..

outandaboutph

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #384 on: October 20, 2014, 03:21:38 pm »
nakapag post na ata ako dito dati...

mga sis, di lang pikon or nainis, NAMUHI pa ako sa mga in laws ko, ibang klase sila

ganyan din ang naramdaman ko sis, and kahit pinipilit ko lumimot, hindi ko maitanggi na until now, same parin ang nararamdaman ko.

Kahit sa pamilya ko pinalabas nyang ako mali at sinungaling, katawa sya.. as if naman maniniwala pamilya ko sa kanya.

Ginawi din sa akin ng MIL ko ito. She told my mom na masama ang ugali and pinagsisihan nila na pinakasal nila ang anak nila sa akin. Hindi naman pinatulan ng mom ko pero after 3 months na maobserve ng mom ko how my husband and the rest of his family behave, she currently lives with us, sabi ng mom ko, umuwi na lang ako sa amin. Siya mismo hindi makapaniwala.

lovelyjmbc

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #385 on: October 21, 2014, 08:40:56 am »
Hi! Im new here. Hindi lang pala ako may ganyan na experience. Nakakapikon nga yan. Brother ng husband ko since he got married up to now asa pa rin. Nawalan ng work di na naghanap ulit. Nanganak ang asawa humingi sa mga kapatid ng pera.Nagka anak ginawa pang paing ang anak. Bday at xmas sasabihin nya regalo sa anak. Kami 5-10k ang binibigay namin every occasion wala pa dyan yung vacation dito sa manila. Pati anak tinuturuan humingi. Ang mag asawa kasi panay hingi. Maganda naman trabaho ng asawa. Actually mayaman daw kaya inasawa. Yung oldest brother naman tinulungan namin nun magkasakit. Nakakapikon kasi sila na nga tinutulungan sisiraan ka pa, may limitations naman kasi di ba. May needs din kami, they are always our priority yun ang nakakasama ng loob kasi di nila ma feel yun. Husband ko masyado mabait kaya inaabuso lang ng mga kapatid. Lahat na yata ng bad experience ng in-laws nasa akin na...

outandaboutph

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #386 on: October 22, 2014, 04:05:00 pm »
Just last night, pagod sa biyahe at work, habang nakaupo sa shop ni hubby dumating si MIL galit. Sinermunan at sinumbatan niya si hubby sa harap ko. Gusto ko sumagot pero huwag na lang mas lalaki lang ang problema. Pero bad trip ako sa mga sinabi ni MIL. She's always like that, mahilig manumbat, magpasaring, magmagaling. So pagod at inis na pag uwi, late at night, nagring ang door bell akala mo may galit ang pumindot. Hindi ako nag abalang bumaba kasi madalas pinaglalaruan ang door bell namin and lahat ng nakatira sa amin may sariling susi. Then nadinig ko bumukas ang gate. Maya-maya nag doorbell na naman ng madiin. Nagising si baby. Nakakadisappoint lang na magpapahinga na sana ako pero kailangan pa ulit patulugin si baby. Bumaba ako para pagbuksan kung sino man iyong may galit sa doorbell. Cousin ni hubby na nagkusa ng doon matulog sa amin few weeks ago. Pag open ko sabi ko sana tumawag na lang siya para hindi nagulat baby sa doorbell.. and before ko pa matapos ang sinasabi ko, with sarcastic voice told me "BAKIT HINDI BA AKO PWEDENG MAKISUYO!" and walang sabi sabi at ni hindi man lang nag thank you dumiretso sa loob at sa taas. WOW. I had enough last night.

megansmomma

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #387 on: October 22, 2014, 10:00:10 pm »
Luckily, I have no reasons to be mad with any of them.

I will single out why:

1. We are not living near with them (they are mostly from fairview)
2. His mom & 2nd dad is in the province together with his other siblings
3. He is the youngest among breed of five
4. They are nice, especially my 2 Ate's. :) not the typical bro/sis in-law "na pakilamera/mero"
5. They support each other and you can see it, it manifest on how they treat each other.

Parang sya dapat ang mag GT kase sya ang madaming mapo post about me & my family hahaha :D

crzysxycl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #388 on: October 27, 2014, 10:02:08 pm »
hi sis outandabout, same reaction ng parents natin. parents ko rin nagulat, dati panay sabi sila na pagpasensyahan pagpasensyahan. aba, dumating sa point na sa sobrang pagtitimpi at sobrang galit ko, nahirapan akong huminga kaya dinala pa ako sa ospital. that time meron akong friend na kamamatay lang, natakot tuloy ako, akala ko susunod na ako. pag naiisip ko si MIL, bumibilis ang tibok ng puso ko at hinahabol ko ang hininga ko. sobra na talaga, ngayon lang ako nagalit ng ganito sa buong buhay ko.  that was the time na sinabi ko kay hubby na hindi na ako uuwi sa kanila, hindi ko na talaga kaya. baka mabastos ko na ang nanay nya, lalo pa uminit dugo sa akin ng mga kapatid nya. nakakainis dahil palaging dapat ako ang mag adjust sa mga kabastusan nila. sensitive lang daw ako masyado at "ganun" lang daw talaga sila. hello! sensitive ba ako o talagang taklesa at bungangera sila? gusto nila tanggapin lang ng mga tao sa paligid ang ugali nila. ang tataas ng tingin sa mga sarili, mga wala namang binatbat. sinabihan pa ako na baka pag may nangyari sa nanay nila eh sisihin pa nila ako. eh kung ako kaya matuluyan? kung hindi pa ako umalis sa puder nila, eh baka mauna pa ako mamatay kay MIL.
« Last Edit: October 27, 2014, 10:08:06 pm by crzysxycl »

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #389 on: December 11, 2014, 07:58:28 pm »
Recently, my husband's 4 year old niece is becoming intolerable. She shouts all the time, she's so spoiled, she has horrible manners, at konting kibot lang, iiyak at magsusumbong na sa nanay nya. I just find her so irritating. One time I refused to kiss and hug her kasi may sipon at ubo sya. Umiyak at nagsumbong sa nanay. Yung nanay alam na ngang may sakit anak nya pilit pa ring pinakiss sakin. Grrrrr.  How do I deal with an annoying 4 year old? I just refuse to show my face to her whenever I visit my in laws.

icee_star

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #390 on: December 20, 2014, 06:33:46 am »
hindi ako biniyayaan ng kasundong in-laws, pero ok na rin yun dedma na lang. at least di ako dependent sa husband ko kaya may K ako na dedmahin sila.

wifey_mommy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #391 on: December 20, 2014, 05:02:42 pm »
di ko rin masyadong feel ang mga inlaws ko specially si MIL pero 5yrs na kaming married ni hubby so me and my inlaws have come to terms na with it. medyo asar pa din ako sa kanila pero whenever na naaasar ako sa kanila iniisip ko lahat ng mga nagagawa nila for us. like yung pag accept nila sa anak ko (single mom ako when me and hubby got married, now i have two kids na and they treat them equally, tinuring na nilang apo talaga yung 1st babyko.) maybe they didnt like me pero pinakita ko sa kanila na di pwede na di kami magkakasundo dahil we both love the same people (hubby and kids) so ayun, ok na kami ngayon. firm ako when it comes to my kids at fortunately, nirerespeto naman nila mga rules ko. in return, i respect their ideas din.

crzysxycl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #392 on: December 22, 2014, 01:42:04 pm »
Si MIL nung huling punta ko sa kanila, kulang nalang hindi ako tignan kahit kaharap na nya ako. Imbes na harapin kami, lumabas pa ng bahay. Epal! Kakaimbyerna, tumanda sya ng ganun. Masama pa rin loob nya dahil umalis kami sa puder nya, hello.. walang lalayas sa bahay na yun kung maayos ang ugali nya. Walang makakatiis sa byenang ubod ng bungangera at plastik! Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanya. Basta ang alam ko, materialistic sila ng mga kapatid ni hubby. Kapag may binibigay sa kanila, gustong gusto nila yun pero when the time comes na wala ka ng maibigay, ikaw pa ang madamot. At tama bang hanapin nya ako bigla nung last na dumalaw mag isa dun si hubby? Anong meron? Bakit pa ako babalik kung pakiramdam ko naman ayaw sa akin? Excuse me, hindi ko ipipilit sarili ko sa kanila. Ang sarap ng buhay ko ngayon na hindi ko sila everyday nakikita no, haha!

wifey_mommy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #393 on: December 22, 2014, 04:48:08 pm »
Si MIL nung huling punta ko sa kanila, kulang nalang hindi ako tignan kahit kaharap na nya ako. Imbes na harapin kami, lumabas pa ng bahay. Epal! Kakaimbyerna, tumanda sya ng ganun. Masama pa rin loob nya dahil umalis kami sa puder nya, hello.. walang lalayas sa bahay na yun kung maayos ang ugali nya. Walang makakatiis sa byenang ubod ng bungangera at plastik! Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanya. Basta ang alam ko, materialistic sila ng mga kapatid ni hubby. Kapag may binibigay sa kanila, gustong gusto nila yun pero when the time comes na wala ka ng maibigay, ikaw pa ang madamot. At tama bang hanapin nya ako bigla nung last na dumalaw mag isa dun si hubby? Anong meron? Bakit pa ako babalik kung pakiramdam ko naman ayaw sa akin? Excuse me, hindi ko ipipilit sarili ko sa kanila. Ang sarap ng buhay ko ngayon na hindi ko sila everyday nakikita no, haha!

i feel you sis. ganyan din naramdaman ko sa inlaws ko before. specially kay MIL na bipolar ata LOL. pero as i said, right now we're in good terms, di kasi ako nagpapatalo pag nag-aargue kami, so narealize nya siguro walang mangyayari kung mag aaway kame, lalayo lang ang loob sknya ng anak nya at pati mga apo nya..kaya ayun, maayos na ang treatment nya sakin ngayon. Wag ka magpaka stress sa byenan mo, pabayaan mo sya at mga comment nya, mas ok na ipakita mo na masayang masaya ka hehe habang sya, napapraning :D

crzysxycl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #394 on: December 22, 2014, 06:34:56 pm »
^natawa ako sa bipolar sis.  ;D haha, oo nga tama ka dun sa hayaan ko syang mapraning. ang mahirap lang sa situation ko, tatlo ang kapatid ni hubby, lahat yun may pagka epal lalo yung isang ate nya na kanang kamay ni MIL at kaugaling kaugali nya. kasama nya yun sa paninira sa akin, kukwento sa mga kamag anak kung ano ano, pati sa mga kakilala, jusme grabe talaga inabot ko sa mga yun. sabi ko nga sa previous post ko dito sa gt, sinalo ata nila lahat ng kasamaan ng ugali. plus yung mga kamag anak pa nila sa compound na iisa lang ang alam na side of the story dahil nga siniraan na ako ni MIL.. anong laban ko sa dami nila. pero ok lang dahil wala naman na ako dun, mahirap lang gaya ngayon na sunod sunod ang holidays at kailangan makipag plastikan sa kanila, sobrang hirap! haha! buti ka pa sis, marunong mag give way MIL mo at narealize nya na pwedeng lumayo loob ng asawa at mga anak mo sa kanya. kami kasi wala pang baby, kaya dedma lang si MIL. akala mo kung sino, pweh! ;D

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #395 on: December 22, 2014, 09:33:53 pm »
Paano kayo kapag Pasko? How do you get along with in laws during holidays? Thankfully nasa probinsya yung in laws ko haha so we'll spend Christmas eve and Christmas day with my own family.

wifey_mommy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #396 on: December 22, 2014, 10:40:43 pm »
^^korek hirap makipag plastikan ngayong holiday season hahah! Dont worry sis, pag nagka baby na kayo, no choice sya kundi magpakabait sayo or else pwede mong ilayo ang loob sknya ng magiging baby mo. Ok lang yan kahit medyo helpless ang peg mo sa dami ng ng kamaganak nya, basta happy ka, ikaw pa rin ang winner :P

p.s. >>mag baby ka na hehe :p (pakelamera lungs!)

crzysxycl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #397 on: December 23, 2014, 10:09:47 am »
^^haha, swerte mo naman sis nasa province in-laws mo. first time namin mag pasko ng wala sa puder ni MIL kaya pupunta lang kami dun. buti may work ako sa 31 kaya may alibi akong hindi pumunta dun at makipag plastikan, nyahaha. sana lang di namin pag awayan ni hubby, baka pilitin nanaman akong pumunta. naku, pag makita mo magkakamag anak na yun pag new year, ang paplastik! sila sila nagsisiraan tapos kung maka beso beso..  ::)

^sana nga sis next year may baby na kami. ttc kasi kami, at kada may okasyon isa pa yung issue. insensitive kasi mga tao sa kanila, daming sinasabi.. tipong akala ata may mga dipirensya kami o kung ano kaya wala pang baby. eh sila kasi kung kelan gustuhin, makakabuo pano wala naman sila ginawa buong araw kundi tumambay. hindi nila alam stressed lang ako sa kanila haha. ngayon na nakabukod na kami, baka sakali maka jackpot na. :) salamat sis!

Cat Meaw

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #398 on: March 05, 2015, 07:12:56 pm »
Oo, ang laki ng hinanakit ko sa mga relatives ni hubby, lalo na iyong mga natulungan niya before, noong na aksidente si hubby ni isang kamag-anak walang nag effort dumalaw sa ospital. Kung nagkataong sobrang lala at na dead siya noon, hinding-hindi ko sila talaga papasukin sa burol. Mabait naman sila kapag kaharap mo, kapag naka talikod ka, kanya-kanyang siraan sa kapatid nilang nasa abroad. Mas pinili ko na lang na huwag makipag plastikan sa mga family outing kuno nila. Pinag awayan namin ito ni hubby nag walk-out na naman at umuwi sa bahay nila, kesehoda hindi pa rin ako sumama sa kanila.

astarte

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #399 on: March 05, 2015, 11:43:06 pm »
^ I feel you sis. Si hubby din ang bait sa family nya. Hindi sila nagdadalawang salita pag humingi ng tulong, pero pag dumadating sa panahon na siya may kailangan walang tumutulong. Hindi ako jumo join sa mga family events nila kasi yung family nya hindi rin naman ako bet talaga pero deadma naman ako dun, basta yung family ko maayos makisama sa hubby ko okay na yun sakin. Nakakainis lang kasi overseas kami usually then pag Christmas, New Year at ibang occasions hindi nila (hubby's side) ma message ang anak/kapatid nila unless may hihingin. Naaawa din ako minsan kay hubby kasi buti pa daw parents ko lage siya kinakamusta at binabati pag may occasion.

Bwisit din ako dyan sa MIL ko na yan nung wedding namin, pinagalitan ba naman kami ng hair & makeup artist na nag aayos sakin na ano daw bang klaseng pag aayos ang ginagawa at ang mga amiga nya naghihintay na. 3pm daw kasi nakalagay sa invitation at 4pm na. Sarap sagutin na magbasa po kayo ng maayos 3pm registration starts followed by photobooth. 4pm pa nakalagay na ceremony start naka outline na nga sa invitation pati program flow. Kairita lang. Haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close