Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 161204 times)

carlsant

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #220 on: November 21, 2011, 02:09:10 pm »
oo naman nagluto ako ng sinigang hidni daw masarap.Naglaba anko hindi namna daw malinis eh [textspeak!] pa bang gusto ng byanan ko???parang laht effort baliwala im trying my best to be a daughter in law pero wala wala wala...bahala na sya basta ill just do my part....

maletcute

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #221 on: November 25, 2011, 03:07:15 am »
oo always. kung pwede lang di na kami magkita kita ang saya saya siguro...

sieggy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #222 on: December 01, 2011, 10:46:16 pm »
Oo naman, pero kung di naman kami directly affected, keber! Ako kase, walang basagan ng trip. Wag lang kaming idadamay o pe perwisyuhin.  :)

Dacian

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #223 on: December 01, 2011, 11:26:12 pm »
yes, because they want to use our car whenever they want to.  buti naman if sila naggagastos ng gas, eh kami kaya!  ginagawa pang driver si hubby.

kaice

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #224 on: December 05, 2011, 07:31:57 am »
^ i feel for you sis dragonfly :( kami ni ex by (now hubby) eh almost 12 years together when we said that we are getting married... pero ang dami kong narinig from hubby's parents / relatives, etc... and take not i paid for the majority of the wedidngs, we live in my condo, etc. and MIL always says na biglaan ang wedding namin. even di pa kami married, pag may kailangan si hubby, sinsabi ng mom nya na "di ba may pera kayo?,  magpapakasal nga kayo!" kahit alam nilang ang conjugal money namin ni hubby eh mostly mine. they were not like that before we decided to get married, feeling ko talaga eh hinahapan ng ROI si hubby kasi nag-doctor siya.  >:(

sleeping_beauty

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #225 on: December 07, 2011, 04:00:03 pm »


update lang... nagtaray si SIL kanina kay hubby. may confrontation sila. ang drama ng lola, mas matanda daw sya kay hubby kaya dapat "respect" naman daw. aalis na daw si SIL sa bahay. yehey! sana totohanin nya. kasi nag drama na rin sya last time na aalis sya pero pinigilan sya ni hubby. ngayon, di na sya pipigilan. umalis lang sya!!!

sabi nga ni hubby, we need privacy. ang hirap yung lalabas kami ng bedroom tapos magugulat kami may ibang tao. yung magpupunta ako sa living room, kitchen, etc tapos may ibang tao... tuwing kakain kami, mauubos na yung food namin tapos bigla syang dadating, kailangan pa namin pigilin sarili namin kasi "rude" naman kung di namin sya ayain... hay...

sana umalis na sya. matanda na sya eh, almost 50yrs old at may car and stable job. di ako naaawa sa kanya. puro gimik naman sya lagi.

Cheesecak3

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #226 on: December 07, 2011, 04:07:02 pm »
^grabe naman yan ang kapal naman ng kapatid nya, bakit hindi na lang siya magrent o kaya bumili ng bahay nya at nakisiksik pa sya dyan sa inyo.

sleeping_beauty

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #227 on: December 08, 2011, 11:18:17 am »

^ my point exactly sis. madugas din kasi yung SIL. ayaw magbayad o gumatos. pero maluho sya sa sarili nya.

ang problem din siguro is yung Filipino culture natin. yung may asawa na kapatid mo, pero ok lang na magkasama pa rin kayo sa isang bahay. for some, MIL yun prob... eh ako buti yung MIL ko, super bait at may sariling bahay. ayaw naman dun makitira ng SIL ko kasi di sila magkasundo. obvious na si SIL talaga ang may prob eh.

akosicecile

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #228 on: December 09, 2011, 01:18:30 am »
oo sobrang inis na inis ako dahil ang kapal kapal ng pagmumukha. sabihin na natin wala siyang pera kaya naman sige ako ng bahala sa pagkain ng MIL pero. dahil nga wala siyang pera kung may kinita naman siya at nagkapera. itabi naman na niya para may mga pambayad sa bayarin. pero ano. inuubos niya sa sugal. tapos kung walang wala na. hihingi nanaman pambayad sa kuryente niya at tubig.

hindi na nahiya pati utang niya pababayaran pa niya sa amin. g**o siya. ito namang anak niya hindi maintindaha mga himutok ko. kesyo saan daw sila kukuha ng panggastos etc..
ang akin lang naman. wala na ngang pera ang halimaw na MIL.. eh may guts pang magsugal magdamagan araw araw..

makikipaghiwalay na talaga ako. dahil sa problemang ito. ang masakit pa dito ako na nga lang ang kumakayod para sa amin. ako na lahat may sagot sa gastusin. [textspeak!] MIL na walang kwenta wala man lang alam gawin sa buhay kundi magsugal ng magsugal magdamagan. kapal ng mukha

nagalit sa akin si partner kasi humihingi siya ng 4k para sa bday ni MIL na sugarol. ayaw kasi maghanda cash na lang daw. (syempre hindi ako ngbigay) ako ang nahihirapang magtrabaho. tapos magbibigay ako ng 4k uubusin na lang sa sugal???? ang swerte naman niya
« Last Edit: December 09, 2011, 01:24:34 am by akosicecile »

iamnumberone

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #229 on: December 14, 2011, 11:38:03 pm »
i feel for you akosicecile.. kala ko mahirap na yung situation ko sa partner ko about MIL. umabot pa sa diskuyunan na kinakalaban ko daw ba ang nanay nya? pag nagutom daw at may mangyari sa family at mga kapatid nya ano daw mararamdaman ko? kaya lang naman ako naghihigpit dahil concern ako sa mga pagod nya sa work at pinag iipunan namin kinabukasan ng anak namin. Kaso ang ending ako pa pala ang masama. Magiging katulong na lang daw mga kapatid nya pag di nya sinuportahan. ang point ko lang naman ay kumilos at magtulungan sila. magtrabaho nanay nya. pero kalaban na ang dating ko. suko na ako.

^kaye^

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #230 on: December 19, 2011, 03:46:16 pm »
Oo, napikon ako kay MIL noong Saturday.

Scheduled vaccination ni baby ng Saturday afternoon. Saturday morning she called hubby, pumunta daw siya sa Divisoria kasi kulang yung mga cake boxes at cookie canisters na binili niya. Sabi sa kanya ni hubby, Sunday niya aasikasuhin kasi nga may check up si baby. Sabi ni MIL, kailangan today (Saturday) asikasuhin at ipadala kasi gusto na niyang tapusin lahat ng kailangan niyang i-bake. Dahil marami iyong mga bibilhin, nagpasama si hubby sa Divisoria. We left the house at 7:00A.m. hoping that we can be back in time for lunch.

Pagdating sa Divi, nagpaikot ikot kami kasi nahirapan kaming hanapin ang plastic canisters na red ang cover. Hubby kept calling her, asking kung okay lang na Yellow and cover. Hindi daw, dapat red. When we finally found red, ayaw pang ipabili ni MIL kasi 20 pesos each. 19 lang daw bili niya. So nagpaikot-ikot ulit kami. Noong wala na talaga kaming makita, she relented, okay lang daw na 20 pesos each. We got stuck in traffic pa, and ending nakarating kami ng bahay ng 2PM. 2-4 lang yung clinic ng pedia, so kahit na we leave ahora mismo, hindi pa din kami aabot sa pedia kasi sobrang traffic.

Mga 3:30 umalis si hubby para ipadala yung mga pinabili ni MIL. Because of the traffic, nakarating siya sa terminal ng 6:30 PM. Ayaw tanggapin doon kasi wala nang space sa sasakyan. So he called up his mother. Ang sabi lang ng matanda: "Sige, okay na lang kahit hindi mo ipadala, gagawan ko na lang ng paraan dito." Napa-WTF ako. Kaya naman palang gawan ng paraan, e bakit binulabog pa kami ng umaga?! We missed baby's vaccination and spent hours in traffic, magagawan lang naman pala ng paraan doon.  >:(

rheagirl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #231 on: December 19, 2011, 08:13:13 pm »
hay naku maraming beses na halos di ko na mabilang and sa sobrang dami i cannot even enumerate it.

bewitchingbelle

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #232 on: December 19, 2011, 08:16:14 pm »
yes, super yabang kasi.

palamig

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #233 on: December 22, 2011, 11:11:00 am »
naku naman lagi,ay buhay...

Dacian

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #234 on: December 26, 2011, 04:09:43 am »
nainis ako ngayon sa aunt ni hubby!  grrr!  kasi shinake nya ng shinake baby ko.  bawal yung ganun di ba?  merong tinatawag na shaken baby syndrome.  tapos gusto pa paiyakin si baby kasi masama daw na smile ng smile lagi, dapat umiyak naman daw.  ang t**** nya sobra!  kasi wala namang hindi umiiyak na baby!  bwisit talaga!  kaya kinuha ko kaagad sa kanya baby ko.

grabe!  sising-sisi ako na pinabuhat ko pa sa kanya baby ko kasi gusto nya raw buhatin and it's christmas kaya pumayag ako.  yun pala ishe-shake nya baby ko tapos pipisil-pisilin!  bwisit talaga!

lisse

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #235 on: December 26, 2011, 06:45:26 am »
^ngek, ano ba yan sis, gawin daw bang manika baby mo?

Dacian

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #236 on: December 26, 2011, 07:09:25 am »
@lisse
ganon nga ginawa.  ginawang manika si baby.  kaya grabe, pigil na pigil lang ako kasi relative ni hubby pero sasabog na dibdib ko nung time na yun.  i thought okay sya sa baby because she has children on her own pero parang walang awa kay baby.  pinaglaruan talaga.  no care kay baby at all.

lisse

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #237 on: December 26, 2011, 07:23:23 am »
Naku sis Dacian, Baka nanggigil Lang kasi cute ang baby mo. Either that or may parka-engs talaga. Either way, sana may ISA man Lang sumita sa kanya sa ginawa niya other than you. Everyone knows naman Na frail pa ang mga bodies ng babies.

Dacian

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #238 on: December 26, 2011, 07:55:43 am »
@lisse
may ibang tao na cute na cute din kay baby kasi ang puti-puti daw and ang puffy ng cheeks pero hanggang tingin and picture/video lang sila.  nagwa-wacky face pa sila para magsmile and lumabas lang dimples ni baby.  ang saya kung ganon lang sana yung aunt ni hubby pero hindi.  gusto paiyakin kaya pinisil-pisil si baby tapos shake to the max na parang rattle.

ako talaga i told her na umiiyak naman talaga ang baby kapag nasa bad mood or diaper change or gutom na.  parang sita na rin in a way pero in a nice tone pa kasi respect sa kanya, she's old na kasi.  i'm expecting hubby that time na magsita sa aunt nya pero hindi nya ginawa.  alam mo yun, na nag-eye contact pa ako kay hubby that time para ma-gets nya that i'm not happy sa ginawa ng aunt nya pero hindi nya ko ma-read.  kainis yung ganun.

kaya nung kami na lang, naku talaga.  sumabog na ako.  lahat nilabas ko na kay hubby inis ko sa aunt nya.  pero pigil na pigil pa rin ako kasi bawal na sumigaw kasi may baby na kaming kasama kaya whisper lang nagawa ko pero with inis tone talaga.

kaice

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #239 on: December 27, 2011, 03:17:44 pm »
i thought i will be spared this holiday season... hubby called his parents that we will be spending noche buena in their house. he told them we will arrive before lunch time and we will have lunch there. i woke up 6 am to cook baked macaroni so we can bring something for noche buena and im 7 months on the family way... after 2 hours of travel, there was no one in the house >:( they were in the grocery and apparently ate out already. there was leftover adobo from last night's dinner and we ate at 2 pm. im holding my tears back because i was really pissed off with their behavior after all the effort of going to their place. come midnight mass, we took a nap and MIL and F-I-L didnt even bothered to wake us up, even we told them that we will be joining the mass as we won't have time to go to church the following day. we were cramming not to be late for the mass but the church was so full and they didnt even bothered to reserve seat for us. im standing almost the entire duration of mass and im already having cramps. :'( luckily, a good person gave up his seat towards communion. oh well.. at least we can have peace on new year. we will be celebrating it in our condo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close