Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 161101 times)

imnuttz

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #180 on: September 09, 2011, 10:54:52 am »
^^gusto ko yan MUHI. hehe! oo nagalit nainis napikon na ako sa family nya pero i chose to forgive them and move on and smile.

pringles18

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #181 on: September 14, 2011, 02:39:12 pm »
hay mga sis, saken naman mas naiinis ako ngayon sa tita ni hubby. Feeling ko kaagaw ko siya sa oras ni hubby kc naman palage siya umaalis eh alam naman niya na meron siyang responsibility para bantayan yong shop nila kc sa kanya naman yon binilin at sumesweldo siya pero ayon kapag umaalis siya si hubby hindi pwede umalis para magbantay. Nong mag bf/gf pa kmi, kay MIL ako naiinis kc lahat ng naiipon ni hubby para sa wedding nmen wala nangyayari kundi ibayad sa utang. kc naman ang hilig niya tumulong sa mga relatives nila kahit siya ang mangutang at magsanla ng house nila, tapos [textspeak!] hubby ko pinagbabayad lahat. pag tinanong naman kung san niya ginamit [textspeak!] pera inutang wala siya masabi. basta na [textspeak!] magwowalk out at iiyak. kung sana 5k to 10k lang eh kaso mahigit 200k.

FayeP

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #182 on: September 14, 2011, 05:03:25 pm »
grabe naman un sis pringles, pati ipon nyo nagagamit...

di bale sana kun pera nya un ipapantulong nya di ba???

pringles18

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #183 on: September 16, 2011, 04:06:24 pm »
hi sis FayeP, kaya nga eh..ngayon back to scratch na naman kami ni hubby. balik siya sa taiwan para ipon ulit and matuloy na church wedding namen next year (december) hopefully makaalis na daw siya ngayon september. nagpa civil wedding lang kami last august and magkakababy na rin kami.

FayeP

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #184 on: September 16, 2011, 04:12:38 pm »
para sana sa baby un pera noh kun di inutang...hay ang hirap ng ganyan situation...parang tali un kamay mo, kasi pag di ka pumayag na magbigay, ikaw ang masama...

ishi90210

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #185 on: October 08, 2011, 06:35:35 am »
sis, di ba pwede na magtago kayo ng pera? di naman yata nila alam kung magkano talaga sweldo ni hub mo eh. that way, kahit manghiram sila, you can limit the amount na ipapahiram nyo. kasi mahirap nga yan lalo na pag MIL. or si hub mo na ang mismong tumanggi. sabihin nya na wala na syang perang kayang ipahiram kasi nakalaan na sa baby nyo.

kasi parang ganyan din si MIL eh. di naman sa pera, pero more on sa pakikitira. sila na lang nakikitira dati sa bahay namin, ako pa masama. haha! ganun lang yata talaga mga MILs eh. medyo papansin.

malapit lang ba kayo sa kanila?

pmartini

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #186 on: October 08, 2011, 12:01:16 pm »
yes , nung dinalhan kami ng inlaws ko ng pusa.. haay naku..nightmare!

ishko

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #187 on: October 09, 2011, 07:06:55 pm »
sobrang bruha ng MIL.. gusto ko na makipaghiwalay kay hubby dahil sa bruha

sistah_mom

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #188 on: October 11, 2011, 07:57:06 am »
oo naman lalo na kapag sobrang insensitive nila!

techgirl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #189 on: October 12, 2011, 09:51:03 am »
Hay naku! madalas!!! hidni ko alam kung nananadya sila o ano... alam naman nilang nagkaproblema ang asawa ko sa trabaho, hindi kami sumweldo for 3 months, sakto pa na kaka-resign ko lang nun sa trabaho. so, wala kaming fixed income. buti na lang nakakuha ako agad ng raket sa odesk so may pumapasok na pera kahit pambili lang ng pagkain at pambayad ng bills like kuryente at internet.

nag-text ang kapatid niya. humihingi ng pang-load 100 pesos at ma-e-expire na raw ang sim nya. kelangan talaga may presyo?! kami nga nagtitipid sa load! hindi sinagot ng asawa ko. almost every hour kung mag-text yung brother niya to remind him of the load. pag hindi sumagot, ibig sabihin, wala diba?! kailangan ba talagang mangulit?!

pasensya na, just ranting. :)

cecile**

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #190 on: October 12, 2011, 11:56:16 am »
oo ako lately lang nung ang matapobreng sister ng hubby ko ay nagsalita na opportunist daw ang parents ko. galit na galit ako kasi hindi naman nya kilala ang magulang ko at sinabihan nya ng ganun. grabe kung tutuusin sa kanya nababagay ang salitang iyon dahil hindi naman sya magkakapera kung di sya nangarap mag-asawa ng foreigner. nagalit ako pero di ko sya pinatulan, hinayaan ko lang ang asawa ko na pagsabihan sya.

martiella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #191 on: October 12, 2011, 04:12:55 pm »
kahapon lang nabadtrip ako dun sa pinsan ng asawa ko. sinabi ba naman sa kin na ako daw ang dahilan kung bakit hindi na tinutulungan ng kuya nya ang papa nya kase nag asawa na daw kami. nakakainis talaga. kasalanan ko ba naman yun na mag asawa na kami. hindi nama forever eh aasa lang sila sa hubby ko.

chedz.03

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #192 on: October 14, 2011, 05:07:04 am »
ako nakaka badtrip na naman SIL ko...never na yata kami magiging close... hindi ako malas sa MIL or [textspeak!] pero sa kanya sobrang malas ko...epal kc! gggrrrr....

xiansmom

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #193 on: October 14, 2011, 07:38:34 am »
hmmmm...dati kay MIL nagkasagutan kami
pero naayos naman na di na naulit..wag na sana hahaha...
ako yung una pumansin para kay hubby narin,
para kahit pano magkaayos mama parin ni hubby yun e.
ang maganda lang dun walang sinabi si hubby kahit ano
hinayaan nya lang ako sumagot sa mama nya..haha
saka hinayaan nya rin ako kung pano ayusin ;D
BIL madalas naiinis ako lagi kapag di naghuhugas ng pinagkainan
at kapag nag iiwan ng kalat sa kusina ako taga sunod
di ko matiis yung kalat e...grrrrr >:(

irissng

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #194 on: October 17, 2011, 06:56:13 pm »
Yes, amazingly intrigera, tsismosa and insensitive

metalwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #195 on: October 17, 2011, 10:56:08 pm »
oo kaya, what i hate most is bglang pupunta d man lang, mg text or call to prepare noh.... lage na lang sulpot na lang hello... kaps ng mukha noh... grrrrrr......... >:( ::)

metalwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #196 on: October 17, 2011, 10:57:53 pm »
hirap kaya mgpa sleep mg bbby... bgla nalang gisingin natin,,, npaka inconsiderte talaga..... ???

carmichael18

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #197 on: October 18, 2011, 04:42:35 am »
ako super badtrip ako kay MIL at sa mga relatives ni hubby nung kasal... as in muntik na akong maiyak sa galit..

kasi naman nag-effort akong gumawa ng seat plan para oraganized ang pagpasok ng guests sa wedding at para fair na makaupo lahat sa magandang pwesto.. eto na ngayon si MIL kasamang dumating ang mga relatives sabi sa friend ko sa registration "wag niyo ng sundin yan, ako na bahala sa upuan namin magkakamag-anak naman kami eh..." at umupo silang lahat sa mga mesa sa unahan..

the day before the wedding I texted my relatives ng mga table numbers nila, para kung sakaling hindi sila dumaan ng registration lalo na ang mga tanders, eh alam nila kung san sila uupo.. eh pano sila uupo kung may nakaupo na?! kaya ayun ang ending yung pamilya ko nagkagulo sa paghanap ng upuan, at karamihan sa kanila nasa likod!!! tapos yung mga nasa unahan ko yung mga hindi ko kilalang kamag-anak nila...

sobrang bad trip ko kasi ang laki ng tulong ng mga tito at tita ko sa wedding preps, sila inutusan kong magluto ng food sa hotel, mag-asikaso ng mga damit at mga abay na bata at kung ano-ano pang errands, samantalang sa kampo nila hubby wala man lang nag-effort na tumulong tapos gusto pa nila sila yung special treatment sa kasal namin.. yung mga tita ko raw hindi na naintindihan yung program kasi nga nagkakagulo sila sa likod..

tapos nung picture taking niya per table, yung table 7 na puro kamag-anak ni hubby nagmamadali at unahin na daw sila, sinabi pa talaga sa emcee.. yung emcee ko nagbiro na lang para sabihin sa kanila na maghintay lang saglit...

grrrr talaga!!! my wedding was almost perfect, pero dahil dun sa isang bagay na yun, hindi nila ako pinatahimik sa araw ng kasal ko...

HeartHeart

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #198 on: October 18, 2011, 05:37:48 am »
na-share ko na ito sa ibang thread pero share ko ulit dito kasi inis pa rin ako sa mil ko.

sabi ni mil sa amin ng friend ko na hindi nya gusto si baby kasi girl, mas mabuti kung boy daw sana.  first apo nila si baby kaya di ko akalain na hindi nila magugustuhan si baby.  na-speechless ako nung time na yun kasi parang napahiya ako sa friend ko.  pati yung friend ko, na-speechless din.  sana andun si hubby nung time na yun katabi namin para naipagtanggol kami ni baby kay mil.

nung sinabi ko kay hubby yung sinabi ng mama nya, wag ko na lang daw pansinin.  naging tactless lang daw mama nya.  pero dinamdam ko yun sobra, na-hurt talaga ako.  parang ayaw ko na bumisita sa house ng in laws ko.

dahil exclusive breastfeeding kami ni baby, sabi nya magformula na lang daw si baby kasi mauubusan rin daw ako ng milk pero kakasabi ko lang sa kanya na madami akong milk. 

sundan ko na daw kaagad si baby, may balak naman kami sundan si baby kaya lang ipon muna kami ni hubby kaya sabi ko kay mil baka si baby na lang muna.  ang sabi ba naman ni mil, baka raw ma-insane ako kapag namatay si baby kasi isa lang daw anak namin.  ano ba yun?  bakit inisip nya na mamamatay si baby? 

tapos kapag umiiyak si baby, iniisip nya na kaagad na may sakit si baby.  hindi nya man lang inisip na baka umiiyak dahil sa diaper or feeding time na, talagang may sakit inisip nya.  kaya ayoko na bumisita sa house nila.  negative lagi si mil.

ishko

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #199 on: October 20, 2011, 02:31:12 pm »
hirap kaya mgpa sleep mg bbby... bgla nalang gisingin natin,,, npaka inconsiderte talaga..... ???


ako sis, sinasabi ko hindi pwedeng gisingin si baby dahil iiyak ng iiyak.. hindi pwede ang gusto nila noh!!! ako ang masusunod para sa baby ko.. (taray).. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close