Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 161085 times)

supertears

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #160 on: May 16, 2011, 04:10:10 pm »
@chedz, eto matindi, yung MIL ko, pagkatapos ng wedding namin, kinabukasan humihiram na! e kilala kong mahigpit yun sa pera, pinaliwanag ko naman ng mabuti sa asawa ko na mahirap magpahiram sa nanay niya dahil kung kelan lang gustong bayaran at kung magkano gustong bayaran, sabi ko pa sa kanya, ayokong dumating sa point na kaylangan pa natin syang singilin dahil nakakahiya yun, pero intindihin mo, hindi tayo mayaman,mangangailangan at mangangailangan tayo ng pera.medyo malaki laki pa hinihingi ng nanay mo. buti na lang itong asawa ko e naiintindihan dahil siya nga mismo nagkukwento sa akin ng mga hinanaing niya sa nanay niya mula pa ng binata sya at mag-bf kami. ewan ko lang ba at sobra siyang makasunod sa nanay niya non. ngayon hindi na. malaki na nabago sa kanya simula ng pagsabihan siya ng pari.
pero lulubus-lubusin ko na ang pinagdaramdam ko sa MIL ko, sobrang wala siyang kapaki-pakialam sa anak nya na sobra ang isinilbi sa kanya hanggang ngayon. mantakin nyo naman, nagkaron ng agoraphobia ang asawa ko for 13 years! nitong 2008 lang nawala. isang miracle na lang talaga yung nangyari. miracle kasi hindi siya pinagamot ng nanay nya. sa mga hindi nakakaalam ng kondisyon na agoraphobia, ay yung hindi maipaliwanag na pagkatakot sa isang bukas na lugar at maraming tao.karaniwang comfort zone nila ay ang bahay nila o sasakyan nila. sobrang lungkot ang dinanas ng asawa ko sa kalagayan niyang ito non. nawalan din siya ng self-confidence at mababa ang tingin niya sa kanyang sarili. sa panahon na nag-aaral siya sa UP pa mandin, actually, hindi sa pagyayabang matalino talaga asawa ko, kaya proud ako na kasama ko siya sa lahat ng lakaran at naihaharap ko siya sa mga malalaking tao,kahit na isa lang siyang simpleng empleyado. ilang years bago siya nakapagtapos alam nyo kung bakit? dahil yung kondisyon na, nakakapasok lang siya pag kasabay niya ang pinsan nya na doon din nag-aaral.ang masaklap, hindi sa lahat ng araw e pumapasok yung pinsan nya dahil bulakbol, pati siya, di na rin pumapasok. nung mapasok siya sa trabaho,( as in talagang paper works) mga unang buwan, habang nagmamaneho siya nag-uusap kami sa cp, kasi, isa problema din sa agoraphobia yung may pupuntahan kang lugar na wala kang kasama, mahirap tong intindihin para sa karamihan,pero ire-search nyo na lang para mas lalo nyong maintindihan.
hindi na rin siya pinag-aksayahang maihanap ng magandang trabaho. ginawa siyang driver ng  MIL ko. buong buhay niya, nakatali ang oras niya sa nanay nya. minsang inutusan siya sa isang malayong lugar e tumanggi asawa ko. sinabi nyang di niya kaya puntahin yon ng mag-isa. nagalit daw ba naman at ang sabi hanggang ngayon daw ba e meron pa sya non.(agora) e sagot ko sa asawa ko, nagtataka pa siya, natural? e hindi nyo nga kamo ko pinagamot e.
samantalang eto ang nanay nya, nakakabili ng 24k na hikaw, nakakabili ng mga set ng pampaganda,  hindi man lang matanong yung anak nya kung meron pa ba sya nitong agoraphobia. pinagamot naman siya, isang beses. nakapag therapy din sya ng isang beses pero ang hinihingi ng doktor na tumingin sa kanya non ay mga 6 sessions. at dahil itong asawa ko ay sobrang bait na anak, ayaw daw nyang maging pabigat sa kanyang magulang. kaya ang ending, ok lang sa nanay nya. tama ba yun? kung kayo ba magkakaanak at may ganitong kondisyon, pag ba sinabi sayo na wag na siya ipagamot dahil ayaw nyang maging pabigat samantalang alam nyong kaya nyo dahil may maganda at stable kayong trabaho, susundin nyo ba anak nyo? hindi diba? lalo na kung ngayon nyo lang narinig ang kondisyon na ito. kahit paano siguro, mag-iisip kayo kung ano ba mangyayari sa anak nyo kung hindi ito magagamot??
hindi ko kinukwestyon pagpapaganda nya o kung anuman bilihin nya  sa sarili nya. sana naman maisip lang niya na may anak siya. kung nagagawa nyang ipamper ang sarili niya sana ganun din sya sa anak nya, na sobra sobra ang serbisyo sa kanya. naniniwala ako na pag mahal ng nanay ang anak niya, mahal din niya [textspeak!] asawa ng anak nya.
sorry napahaba.

hyder0926

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #161 on: May 24, 2011, 02:26:26 pm »
my SIL is giving me the attitude after we told her na we were not joining the bday/ outing of her son.
the catch here is she was asking me before the event my budget so she can plan what to buy / her expenses? i was like WTF? i mean its their event why do i have to pay for joining a party?

i told my hubby that his sister was asking me for money for her son's bday & he was appalled / shocked to hear this. he told me "eh bakit sino ba nagsabi na out of town pa yun bday at maghanda ng bongga kung manghihinge pala sila ng pera? [textspeak!] yun para kumita pa sila?" sabi ko my thoughts exactly..

mali ba ako mga sisters for feeling turned off/ asar?

j27

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #162 on: May 24, 2011, 02:35:55 pm »
^magdonate ka daw sis.
naku kay mil uso yan. kaya inis na inis si hubby. magpaplano sila ng kung anoanong pagkakagastusan tapos pati kami idinadamay. pake ba namin sa mga gusto niya mangyari. ipagpaparty daw si ganito si ganyan tapos pipilitin kami magbigay? kapal ng muka. kung gusto niya maghanda edi gumastos siya mag isa, magbigay kung sino gustong magbigay, hindi yung namimilit siya. aba madami din kami gastos, alangan namang unahin pa namin yung pagpapabongga niya sa ibang tao. 2 anak namin, pareho magastos dahil nag aaral yung panganay, milk & diaper naman sa bunso. kaya simangot ever si mil kapag hindi kami nagbibigay (with matching umuulan na bad words for us). :-)

hyder0926

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #163 on: May 24, 2011, 03:33:25 pm »
^ eh bakit ako magdodonate? eh i have a baby pa nga that has needs. yun SIL ko na yun meron pang american aid.. hmm.. she gets allowance pa from a relative in the USA.. we dont have that. before her son's bday pa she went around shopping for a bag/ slippers/ make-up.. she even told me that i should buy sunscreen & swimming gears for my son for the outing daw. i just told her wala akong budget eh. i mean i have money but if its not impt i dont want to buy it.. im was thinking we we're not going swimming at the resort coz my son was teething..

funny ako yun meron work pero ako yun takot sa gastos unlike her.. meron pala talagang ganun. they dont work hard for the money so they dont care how they spend it..

jhenrheign

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #164 on: May 24, 2011, 04:30:02 pm »
naiinis kami ngaun ni hubby sa asawa ng ate nya na namatay... yes pati si hubby ko naiinis na din... kasi pinapag aral namin yung panganay nila as help na din and promise kasi yun ni hubby sa ate nya na di nya pababayaan mga kids ng ate nya... pero parang umaabuso na kasi, alam naman nya na mag schooling na din eldest namin, then mag give birth pa ko and may pinapagawa kami house... yes sagot na namin yung tuition ng anak nya, but then wala man lang sya gawen para sagutin nya yung ibang expenses, di man lang maghanap ng work, para ma provide naman nya needs ng 2 nyang anak.. pati books school supplies uniform at kung an0-ano pa eh gusto ata na sagutin namin lahat... si MIL kasi oo na lang ng oo, inaako lahat... nagalit na tuloy si hubby.. sya nagpapakahirap mag work sa barko tas yung ama ng mga pamangkin nya nakatunganga lang nagpapasarap, inom dito inom dito nag gf ng may anak din... hello, lumalaki na mga anak nya, as if naman iaasa nya na alng nya lahat sa amin yung responsibilidad nya bilang ama nung mga bata...

qpan

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #165 on: May 24, 2011, 07:13:38 pm »
oo, i hate my SILs guts.
i dont even bother faking it.  wala akong oras makipag-plastikan sa kanya.

~tiArA~

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #166 on: May 27, 2011, 09:42:19 am »
Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo? <<--- bonggang bonggang yes ang sagot! hahaha

bakit sila ganun noh...hindi nila pabayaan ang buhay magasawa ng anak nila, sisiraan ka pa at pagsasalitaan ng kung ano ano, nakakawala ng respeto eh, kung hindi lang kamaganak ng asawa ko naku eh talagang nawala na respeto ko. pero nung minsan sinabihan ako ng "ano bang meron ka at humaling na humaling sayo pamangkin ko, peste kang babae ka sinira mo plano namin", sumagot na tuloy ako ang sabi ko "tantanan niyo na ho kami, kaya nyo ho bang sipingan ang pamangkin nyo? tabihan sa pagtulog? kaya nyo ho ba bigyan ng anak? masaya na ho ang pamangkin niyo kaya tigilan niyo na", bastos na kung bastos ako pero nakakainis na kasi eh...

cuppie_cake

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #167 on: May 27, 2011, 10:24:29 am »
^ang taray sis!
---
I also had some not so good moments with my ILs though next time ko na lang ishare, long story kasi and don't have time to make kwento pa.

princessleia

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #168 on: May 27, 2011, 11:07:23 am »
Minsan, di naman ata mawawala yung ganyan situation lalo na pag may in laws ka na mapapel, feeling sobra talino  ::)

FridaGee

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #169 on: May 28, 2011, 03:46:49 am »
yes. lagi lalo na pag humihingi sila ng pera sa asawa ko. pero now na realize ko na dapat kong maintindihan sila kasi sa time ng may problema kami na mag asawa kakampi ko ang family ng asawa ko at mahal nila ako feeling ko

rics

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #170 on: May 28, 2011, 05:19:40 am »
minsan niiinis din ako sa aking one and only SIL.
there was this one thing na ginawa nya sa akin pero matagal na yon but to this day hindi ko yon makalimutan. we're ok naman, pero feeling ko medyo sipsip sa parents ko since only SIL  nga sya, and whatever they ask for they get.

another thing, the house my parents built,  na sila ang nakatira since we are all living abroad except for my brother and his family, ginagawang bakasyunan ng family nya from the province.

once we went home for a vacation sa pinas, then one day, sil asked me na kung pwede daw ba makitulog mga uncles nya in the house for 1 night. i felt slighted kasi, hindi naman palagi that we go home for vacation, then may patutulugin pa sya doon na hindi ko naman kilala. i said no actually, pero nakiusap. i said they should just stay in the sala downstairs and alis na sila first thing in the morning. siguro nakahalata rin, so hinid na tumuloy her relatives.

even her friends, labas pasok na sa bahay. eh hindi naman sa kanila this house, its our family's house, sila lang nakatira for now.

panay din pabilin nya to buy things for her in the US, then pamimigay nya rin sya kamag anak nya. i dunno lang why my mom and my 2 other sister like her. hindi kasi nila alam how she really is kasi hindi naman nila nakasama ng matagal.

in a year they will be migrating to the US, buti nga yon ng malaman nya how life is living abroad. 

carlijn

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #171 on: June 12, 2011, 12:42:16 pm »
Hay nako ang cousin na girl ng husband ko na sister ng superduper hate ko na guy cousin ni hubby kapal ng face mangutang sa amin para pambili ng gamit ng mga anak nya, eh excuse me baket kaya hindi sha humingi ng pera sa talipandas nyang kapatid eh madaming pera yon galing sa kabit nya.  Kapal din naman talaga ng mukha after nila kaibiganin yung bwiset na jejemon na nanggugulo sa buhay namin magasawa eh maglalakas loob pa mangutang sa amin.  The nerve naman talaga!

gorgeous_mommie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #172 on: July 06, 2011, 06:52:16 pm »
Yup.. several times.. pero i see to it na magalang parin.. after all were family narin.. though minsan talaga nakakaubos pasensya.. pero quite nalang..ok lang mangatwiran wag lang mambastos..

jhoanne11108

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #173 on: July 10, 2011, 07:34:44 pm »
i can relate to this topic, sa amin naman is having kids issue.  3yrs na kaming married ni hubby, every year napepreggy ako but lagi ako nagmimiscarry (nakunan), then every time na napepreggy ako syempre naggagain ako ng weight.  Pinakalatest na gathering is on hubby's relatives house that was last May after my D&C, pinansin ako ng mga oldies sabi ang "taba taba ko daw sabay tawa" ako naman no comment kasi ayaw kong maging rude sa kanila considering na oldies na nga sila.  Ang point ko is alam naman nila na 3 mos akong nasa bahay lang sana naman naintindihan nila kung bakit ako nag gain ng weight di ba.  Ang napagbalingan ko tuloy ng inis ko ay si hubby sabi ko bwisit yang mga kamag-anak mo parang di nila alam kung ano pinagdadaanan nating 2 at habang sinasabi ko yun sa kanya is umiiyak talaga ako, hindi naman sya nagalit sabi nya wag ko na lang daw pansinin.  Simula nun sinabi ko sa kanya na never na akong aattend ng mga occassions nila.  Ayaw ko na sila makita ever!!!

marssie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #174 on: July 11, 2011, 03:11:52 pm »
Ako naman sa isang tyahin lang ako ni hubby nabadtrip dati, me toyo kasi, pero later on naging okay din naman na kami and narealize ko na "special old lady" pala siya, kaya kailangang wag patulan ;D

^kaye^

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #175 on: August 30, 2011, 05:39:57 pm »
Naiinis ako sa MIL ko. I know she means well, pero nakakainis pa rin.

She arrived last night to visit my newborn daughter and her bunsong apo. At dahil we have been without a Yaya for three weeks, we took advantage of her visit to buy baby's stuff. She volunteered to watch over our sleeping baby. We were gone for two hours and thirty minutes - from 2PM to 4:30 PM. Pagdating ko sa bahay, nakaupo siya sa sofa, and baby was lying beside her. Pag-alis niya, nilapitan ko si baby at napansin kong nakatutok sa kanya ang sikat ng araw!!! At pawis na pawis na ang likod ni baby. Nainis ako kasi mahilig magmagaling si MIL (siyempre, may apat na anak at limang apo na siya). Hindi mo naman kailangang maging expert para malaman na hindi pwedeng matuyuan ng pawis ang newborn at lalong hindi pwedeng ibabad si baby sa sikat ng araw from 2PM to 4:30PM. Ang t****!!!!! Siyempre, as usual, my husband is kampi sa mother niya. Ang sabi niya lang, "hindi naman daw masa-sunburn si baby." Lintek. magsama silang mag-ina. Mga #$%^$%^.

ilovewhite

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #176 on: August 30, 2011, 11:23:28 pm »
Hay!!! Kontrabida talaga mga MILs!!! Si mil ko paborito si hubby, panganay na anak kasi at talaga namang malambing si hubby sakanya. Hindi ko alam Kung praning Lang ako pero paminsan kutob ko ay nakikipag competition siya sa sakin sa attention ng anak niya! At tuwing nagsasabi kami na aalis kami ng bahay, makikita mo talaga sa mukha niya na ayaw niya kaming umalis. Parang magtatanong pa siya, ha,aalis pa kayo? bak it? San kayo pupunta? HELLO! Ano bang pake mo! Para sakin,may asawa na anak mo, off limits kana!
Alam ko Medyo mababaw ako but the thing is, we live with them eh. So alam niyo yun, araw a raw ko silang nakikita!

pillowski

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #177 on: September 07, 2011, 11:19:21 pm »
Naiinis ako kasi sobrang asa sila financially ke Husband, parang wala na kaming karapatang magpamilya!

FayeP

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #178 on: September 08, 2011, 03:59:50 pm »
hay di lang galit at inis or pikon, muhi ito mga sis, pagkamuhi!! hehe

guilleanne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #179 on: September 08, 2011, 08:41:29 pm »
asar sa mga SILs , puro bruha. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close