Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160891 times)

iristacey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #140 on: March 29, 2011, 02:24:02 pm »
sa awa ng Diyos hindi pa naman at sana hindi ever kame nagkaroon ng issue.

greengabby

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #141 on: March 29, 2011, 06:59:27 pm »
3 years ang age gap ng kuya ni hubby sa kanya. Dati kasama namin siya dito sa abroad, pero umuwi sa Pinas kasi nung matapos ang contract, di naghanap ng work. Gusto yata nya talaga umuwi na kasi pansin ko palaging homesick at miss ang family nya.Nung naman nahanapan ni hubby ng work dito, may visa at plane ticket na, bagsak naman daw sha sa medical sa pinas kasi mataas ang sugar, laki ng nagastos naming kakapamedical palagi daw bagsak, until ma-expire ang visa. Sayang ng opportunity talaga. Anways, ok naman siguro sa kanila, kasi since na umuwi sya, sustendado naman sila ng 20K mo. ni hubby eh. 2 ang anak nya, yung isa nasa abroad na sana, kaso nag asawa, yung asawa ng anak nya umuwi din ng pinas  doon manganganak..ayun na-bore si pamangkin kaya nagresign sa work atumuwi na rin ng pinas. Nakakadismaya kasi kung kelan sya nag asawa saka pa sha uuwi sa pinas, tapos lahat sila walang work so ibig sabihin dagdag sustento nalang ganon?! Kapikon di ba, kami ni hubby todo kayod dito ..minsan kahit masama pakiramdam gising pa rin ng morning para pumasok, tapos sila ang sasarap ng buhay sa pinas, tanghali magisiging, nood ng tv till late at night…parang mga penshonado. Lahat na ring ang advise at idea give namin ni hubby para may extra income since nasa bahay lang silang lahat, nandyan yung bakit hindi mag luto luto jan sa bahay at itinda sa labas ng house. Pwede rin naman yung tumanggap ng order like pansit or puto or leche flan para di sayang yung oras sa bahay na mga nakatunganga lang at sagap lahat ng palabas sa tv, kesho dami na raw ganon, matumal daw, walang bibili, di pa man nasisimulan dami nang dahilan, kontento na sa ganon. Ewan ko ba , di ko alam kung paano sila nakakatulog sa gabi ng mahimbing knowing na mga wala silang trabaho. Tapos ang drama pa sa asawa ko twing mag uusap sila ng kapatid nya, kesyo hiyang hiya na nga raw talaga sya sa amin, wala naman silang ginagawang hakbang na mabuhay sa sarili nila.Ilang beses na rin silang binigyan ng pagkakataon para magnegosyo, pati puhunan. Yung Fx nila na pilit pinabili kay hubby non, sabi gagamitin pang taxi ayun, hanggang sa maluma di naman ginamit pangtaxi, pang personal na gamit lang, feeling mayaman pa at may wheels di ba Tapos ilang beses na nasira yun si hubby pa ang nagpapadala ng pera para ipagawa,sabi ko nga wag na ipagawa at wala namang napapala don eh. BUSET nga! GRRRRR!  >:(

Msfi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #142 on: March 29, 2011, 08:28:15 pm »
sis greengabby, bakit kayo pumapayag sa ganyan?  At hanggang kailan nyo gagawin yan?  I would understand kung ang sinusustentuhan nyo eh ang yung parents ni hubby mo, pero mga matatanda na yan mga yan eh.  Baka naman pag nanganak na yung asawa ng pamangkin nyo eh kayo pa din ang magbayad.

greengabby

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #143 on: March 30, 2011, 12:25:26 pm »
Wala na kasi ang both parents nila at 2 lang silang magkapatid kaya ganon. Si hubby kasi super bait at kapag yung family na ng brother nya ang pinag-uusapan, dapat careful ka super sensitive nya. Naiintindihan ko naman na wala ng ibang tutulong sa kanya kundi kami at yung drama ni hubby na kasi yung time na buhay ng parents nya di nya afford tumulong, kaya ngayong pwede eh binubuhos nya sa kuya nya. Ang kaso naman sobrang na-spoiled ang family to the point na isa sila sa pinag hahanap buhay namin at hindi nila tinutulungan ang sarili nila. Ano ba ang pwede ko gawin yung tipong hind naman magiging issue sa amin ni hubby? Advise naman mga sisses? Pinkuha ko rin si hubby ng insurance at properties na hulugan para at least every month meron kaming obligations at hindi napupunta lang sa bank yung pera, kasi napansin ko kapag ganon lalong napapalaki yung naka-a lot sa pagtulong tulong na di naman dapat, kung may obligations na-miminimize yung pagbibigay ng malaking cash.

About naman sa asawa ni pamangkin na manganganak, sabi nila meron daw naka-alot don since nagresign si pamangkin may natanggap sa company. Eh kaso yung mga susunod pang mga gastusin di ba? Advise mga sisses!!!!  :-\

Msfi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #144 on: March 30, 2011, 01:08:05 pm »
Ang hirap naman nyan kung super sensititive si hubby mo tungkol sa kapatid nya.  Pero he needs to understand na kayo na din ang nagtuturo na maging tamad ang family ng kapatid nya.  Explain mo din kay hubby mo na di nyo pwedeng i-abuse ang health nyo kasi pag kayo ang nagkasakit eh paano naman kayo, sino ang tutulong sa inyo?

Tama ang ginagawa mo na humanap ng ways na pwedeng i-divert ang funds nyo sa investment, pwede din mag travel kayo para naman may reward kayo sa sarili nyo sa kaka work nyo.  Pero wag kayo dito sa Pinas pumunta kasi for sure malaking gastos aabutin nyo sa pagbili pa lang ng mga pasalubong.

Talk to your hubby in a way na di ka against sa pagbigay sa kapatid nya, pero sabihin mong napapansin mo na di na din tama yung pinapamilya nyo na sila at sila naman eh ayaw magsipag trabaho.  Pwedeng i compute mo sa kanya kung magkano yung naipapadala nyo at compare sa magkano income nyo.  Baka naman ang salary ng isa sa inyo eh dedicated na sa para dun sa pamilya ng kapatid nya eh ang sakit naman yata nun. Sabihin mo din sa kanya na di pagmamaramot ang hindi pagbigay ng tulong kung yun naman ang makakapagturo sa kanila na tumayo sa sarili nilang paa.

And if ever pumayag si hubby mo eh, ihanda mo ang sarili mo na magagalit yung pamilya ng BIL mo sa inyo at makakarinig kayo ng kung ano-ano.  Ganun kasi narasanan namin sa family ng mom ko.  Yung tulong mo eh naging obligation at nung putulin na eh sila pa ang galit.

greengabby

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #145 on: March 30, 2011, 02:44:43 pm »
Thanks Sis Msfi! Actually, naipaliwanag ko na rin sa kanya yun eh..from a very diplomatic way hanggang sa medyo nagkataasan na ng boses(dun ko narealized how sensitive he is when it comes to his bro).Right now kasi 20K/mo ang naka-a lot para sa kanila..ewan ko  ba..naalarm nanaman kasi ako dahil nga sa nalaman namin na nagresign pa yung anak na mag-kakaanak na rin.  Kaya talagang, nagalit, nainis at napikon na ako sa relatives ng asawa ko…Kelerky talaga no…Hayyyz!  >:(

Msfi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #146 on: March 30, 2011, 04:01:32 pm »
naku sis kailangan mo yata ng mahabang pasensya... did you ask him until when ang pagbigay ng monthly pension na yan? eh for sure naman di lang yan 20k na yan ang ibinibigy nyo.

iristacey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #147 on: March 30, 2011, 04:26:25 pm »
^hay naku sis. malaking amount na ang 20k noh. hindi na birong tulong yun. iba ang tulong sa ASA. sa kwento mo, looks like umaasa lang sila. hindi naman siguro fair 'yun para sa inyo di ba. sabe nga. "give man a fish and he will feed for a day. teach him how to fish and he will have food for the rest of his life". i guess, they should learn the concept of helping and not being burden to others.  >:(

cutesmile18

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #148 on: March 30, 2011, 05:43:49 pm »
try to talk to your hubby na sa bahay muna ng parents mo kayo magstay since [textspeak!] [textspeak!] sya ng weekday... every weekends nlng kayo stay sa house nila... hirap din kasi ng ganyang situation... ndi ka makakilos the way you want to...

staywithme

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #149 on: April 01, 2011, 02:28:41 pm »
oo, sa kapatid nya. ang kulit kasi! pilit ipinapakita sakin ang lumang photo album ng kuya nya. e di pa yata naaalis don ang ibang photos ng mga ex-gf. kaasar, manhid!!

mgeoffrey_88

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #150 on: April 03, 2011, 11:02:35 am »
yes..hindi naman siguro maiiwasan yun but i try to be calm and civil as possible.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #151 on: April 03, 2011, 11:33:08 am »
as of now, buti naman at di pa ako napipikon or nabubwiset sa mga kamag-anak ni hubby. siguro dahil na din halos nasa ibang bansa na yung karamihan sa kanila eh.

mbeeyap

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #152 on: April 25, 2011, 03:20:44 pm »
what i do is ignore ignore ignore. if this doesn't work for you, go buy a voodoo doll! ;D
« Last Edit: April 26, 2011, 02:36:39 pm by mbeeyap »

^kaye^

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #153 on: April 26, 2011, 11:15:46 am »
Oo, galit na galit ako sa kanila ngayon. Pero wala akong masabihan kasi in hubby's eyes, his relatives are perfect.

I am five months pregnant and I have a full time job. So bago pa man mag-holy week, sabi ko kay hubby na wag na kaming magbakasyon at magpahinga na lang kami sa bahay. Pumayag naman siya. Tapos days before, sasabihan niya ako na dadalaw sina Mother in law at iba pa niyang kamag-anak. Mga 20 silang lahat at gusto nilang mamasyal dito. Ako daw bahala sa itinerary at dalhin daw namin silang lahat sa splash island. Ang usapan darating silang lahat Friday morning.. aba! Monday pa lang andito na si MIL. Tuesday dumating si Father in law at isang pamangkin. Wednesday, dumating na silang lahat. So from Thursday to Saturday, walang araw na hindi namin sila ipinasyal at inilibot kung saan-saan. Yung ibang kamag-anak pa ni hubby nagbitbit ng mga anak nila na hindi man lang nila binabantayan. Yung isang bata dun, sinira yung Maynilad water pipe namin. Wala man lang ni apology from the parents.

Saturday night, Sister in law, her husband, their three kids and their yaya went home. Okay na, nabawasan yung ingay at kalat, pero maingay at marumi pa rin yung bahay.

Akala ko yung usapan, everyone would go home by Sunday night, pero hindi natuloy. Monday na lang daw sabi ni MIL para hindi siksikan sa terminal. I went to work on Monday thinking na makakauwi na ako sa isang tahimik at malinis na bahay at makakapagpahinga na ako.

Nagulat ako Monday night, nang sinundo ako ni hubby, sinabi niyang darating daw mga kapatid ni MIL at mga asawa nila, kaya hindi daw muna umuwi si MIL. Yung mga tito at tita naman daw ni hubby ang magbabakasyon dito. Nasa bahay pa rin sina father in law at brother in law kasi may inaasikaso sila dito para sa negosyo nila. Nagagalit ako kay MIL kasi ni hindi man lang ako tinanong kung okay lang na mag imbita pa siya ng mga kamag-anak niya. Dalawa kami ni hubby sa bahay, hindi naman siguro tama na si hubby lang yung sasabihan niya. Ewan ko kung normal na behavior ito, pero ako, personally, nabastusan ako.

Ito pa, lahat sila ilocano at alam nilang lahat na hindi ako nakakaintindi ng ilocano. Parang lalo akong nababastusan kasi ni hindi man lang sila nag eeffort na magtagalog o i-include ako sa conversation nila. Kung magkakasama kami, lahat sila nag uusap ng ilocano na ang saya saya tapos mukha kong t**** sa tabi kasi hindi ko naman sila naiintindihan. Maiintindihan ko kung andoon kami sa probinsya nila,pero hindi e, sa sariling bahay namin yun. Baka im overreacting because of the hormones, pero parang napakawalang modo nila.  :'(  :'(  :'(

j27

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #154 on: April 26, 2011, 11:53:24 am »
^haha sis kaye! natatawa ako sa post mo. feel na feel ko yung nararamdaman mo. pati ako nabuset! ginawang bahay bakasyunan ang bahay mo. im sure napakadami niyong nagastos, sa food, sa libot. naku pati kuryente at tubig mo niyan tataas sa dami ng nagpuntahan sa bahay mo.

kahit ako, ganyan din mararamdaman ko. wala man lang pasabi, tama ka, kayong dalawa ni hubby mo ang may ari ng house kaya dapat pareho kayong sinasabihan or inaadvice na mag iinvite sila. yung mil mo, feeling naman niya sa kanya yung house. siya ba nagpagawa niyan kaya malakas ang loob? :-)

sa case ko naman, tagalog din ako, at family ni hubby kapampangan. nung una hindi ko naiintindihan, pero minsan may point na ineexplain din nila at tinatagalog ang usapan para maintindihan ko. pero pag galit sakin inlaws ko, nagkakapampangan sila habang kinakausap si hubby. hindi ko man naiintindihan (before), gets ko naman yung sinasabi nila dahil natotonohan ko na parang minumura niya ko. haha! ngayon hindi na. kahit bumulong pa sila alam ko sinasabi nila.

kathon

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #155 on: April 27, 2011, 09:40:35 pm »
Minsan! Hahaha
Compound kasi tinitirhan namin and mga relatives nya lahat plus sa parents house nya pa kami nakatira dahil his two siblings eh nakabukod na.
Minsan naiinis lang ako kapag ginagawa na syang driver, tagahatod at sundo ng mga pinsan nya, etc. Mabait kasi siya eh and hindi mahilig tumanggi! Parang feeling ko lang naabuso sya. :)

Minsan iniisip ko kung bumukod na lang kami, kaya lang sanay na kasi sya sa ganitong set up and since sya yung bunso, sa kanya din ipapamana yung house. Kaya ako siguro trying to accept na ganun na talaga family nya. Pero mababait naman sila eh, yun nga lang parang yung small time na para sa amin na sana e mababawasan pa dahil sa mga utos ng iba.

cloudcean

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #156 on: April 29, 2011, 02:37:52 pm »
oo madalas mahilig kasi silang manghiram ng pera at hindi binabayaran ok lang nung my work pa ako pero ngayon na full time mom na lang ako madalas akong mabwiset. at ginamit nila ang credit card ni hubby to the point na naubos na ang credit limit at hindi na naman nila nabayaran si hubby din ang my problema kasi kinonsinte niya.

janecee25

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #157 on: April 29, 2011, 10:27:12 pm »
Minsan talaga mga sis kung sino pa [textspeak!] mga tao na hindi ngpakahirap sa atin, sila pa ngpapahirap sa atin!  :(

Ako super naiinis na ako sa isang tita (AIL)  ni hubby.  One year palang kami mg-asawa etong si AIL lumapit na sa amin hiram daw sya money kasi daw mg-aasikaso ng license ng anak nya, so ako naman naawa ngpahiram, tapos nung bayaran na ang ginawa ngpa-awa effect sa parents ni hubby so un sinabihan si hubby na wag na singilin since mejo maliit lang naman ang hiniram... Pumayag naman ako. Then, last year, si AIL ngtext sa akin hiram daw money pampuhunan sa business and ganitong amount daw... Dun pala nainis na ako kc hindi naman nya ako pamangkin para sa akin sya humingi ng puhunan, so out of awa pinahiram ko with the understanding na huhulogan nya everyday. Then, pgstart ng business nya sabi nya iponin nalang daw ang pambayad sa akin sabay sabay nalang daw bayad, so I said it's ok. Aba nakailang months na wala pa din bayad sabi pagdating ng asawa nya from abroad bayad pero dumating and umalis na wala pa din. Wala man lang pasabi kung may plano pa ba sya na bayaran ako... Ang pinaka nakakairita, sya pa may gana mgcomment sa kapatid ni hubby ko na masama ugali ko! The nerve!  >:(... Kung hindi lang ako pinalaki na maayos ng parents ko malamang pinagsabihan ko na sya...

chedz.03

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #158 on: April 30, 2011, 02:03:11 pm »
wow! i'm on the right thread! hahahaha i can relate hhhhmmmm....ako naging problem ko eh yung epal ko na hipag and some of her female cousins na sawsawera and her tita na imbes payuhan yung mga pamangkin eh nakikisawsaw pa huh!!! buti nalng may nanay ako na magaling magpayo sa anak and told me wag ko pansinin and wag paapekto...sabi nya "di na baleng ikaw ang may maipintas sa kanila, basta sila eh walang maipintas sayo" pakita ko daw na hindi ako katulad nila!

pinakahate ko during the time ng wedding preparation namin ng wedding, that time nasa abroad si hubby and i'm the one left pra ayusin lahat. grabe bigla nalang umepal si hipag and gusto yata ipaabay lahat ng pamangkin ng angkan nya to think sinabi na naming complete na ang entou ko....plus madaming ganito ganyan....pati [textspeak!] designer ng gown ko naimbyerna sa kanya kasi grabe nya kausapin yung designer ko parang utusan nya kung mag instuct ng gusto nya sa gown....pati mga cousin nya nakisawsaw at pinaparinggan ako sa fb... worst yung tita nya na feelingera nagpost pa na hindi ako welcome sa family nila dahil plastic ako! hello!!!sino ang plastic samin, pag ngmemessage sya sakin lagi sa inbox even bday greetings pra hindi mbsa ng mga pamangkin nya na froglets....what i did was, di ako nagreport na sa kanila ng development sa kasal, inayos ko mag-isa with the help of my mom.pinakita ko sa kanila na kya ko ayusin at pagandahin yung wedding without their help. wedding day comes, eh di ayun wala sila masabi kundi maganda! bleeehhhhh hahahahha....mabuti nalang kinuha ako ni hubby at magkasama na kami dito sa abroad, hindi ko na kailangan humarap sa mga epal lalo kung may occassion sa kanila tapos wala si hubby....

lesson learned... basta alam kong nasa tama ako, wala akong dapat katakutan lalo kung sila [textspeak!], di ko hahayaan na tapak tapakan lang nila ako...dapat nga sila matakot sakin dahil ako ang kumander ng nag iisa nilang bread winner kya maging mabait sila or else! hahahahah

chedz.03

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #159 on: April 30, 2011, 02:05:28 pm »
janecee25- hay mas grabe yata yung AIL ko...wala pa kami 1 month mag-asawa ni hubby eh tinext nako para manghiram ng money.... di ko nga pinahiram!hahahahaha.....  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close