We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
What do you guys do kapag yung sobrang inis kayo sa isang kamag anak ng husband nyo to the point na galit na ang nararamdaman nyo towards that person that even the mere hearing of that person's name makes your blood boil.Im newly married but my husband and I have been together for almost 6 years. And meron cousin na guy yung hubby ko na sobrang hate ko kasi walang kwenta talaga, feeling gwapo wala naman trabaho, presko, taklesa, buskador na wala sa lugar, may asawa na pero babaero pa din.. basta he really gets to my nerves. At the start of my relationship, alam ni bf na hindi ako comfortable sa guy na yon because he gives me a really bad vibe (have you ever felt that with a person and it turned out to be true?). Anyway this cousin of his is walang trabaho and yung wife nya ang nagwowork to support their family, even siblings nung guy nakatira sa house nila. They married really young kaya in short hindi nagsawa sa pagkabinata yung cousin ng hubby ko unlike sa husband ko na naranasan na lahat before we got married. Yung guy din pala na to nakabuntis pa ng ibang babae, nung unang beses nagawa sha patawarin ng wife nya, but his wife doesnt know na naulit pa yun at nakabuntis ulit yung guy ng ibang babae. Ang masakit pa nito alam lahat ng kapatid nung guy and they tolerated it.Anyway for the last half of the year, yung pinsan na to ng husband ko kept calling nangungulit that they go out uminom.. you know guy stuff. And hindi ko naman binabawalan na gawin nya yun but just not with that person because wala ako talaga tiwala dun sa cousin nya. I know na ang magiging issue is lalabas na wala ako tiwala sa spouse ko pero kasi malakas talaga mambuyo ng kasamaan yung pinsan nya. Kahit kailan wala ako pinakita na di maganda sa kahit sinong kamag anak ng husband ko kahit nung mag bf/gf pa lang kami pero dahil sa impluwensya ng pinsan nya since my then bf now my husband started hanging out with him months before we got married nakuha ako lokohin ng bf ko at nambabae. Nagawa nya magsinungaling sa akin na hindi nya ginawa for the past 5 years that we have been together. But despite it all, i chose to forgive my husband kaya nauwi pa din kami sa kasal. Napatawad ko ang asawa ko pero yung pinsan nya na naging daan para makilala ng husband ko noon yung girl ay hindi ko yata kaya patawarin. Besides madami ako kinakainisan sa ugali ng pinsan nya, matutuwa ka ba sa isang tao na kahit pakiharapan mo ng maayos eh in some ways binabastos ka pa din. Noon hindi pa kami kasal ng asawa ko, I once caught a glimpse of their conversation in ym kasi may tinanong ako bigla sa bf ko non, and shempre since kinausap ko bf ko hindi sha agad nakasagot sa chat nila, ang banat ba naman nung cousin nya, o baket may kalaban ba dyan sa likod? I mean who the heck would use those words to address the gf of your cousin na wala naman pinakitang hindi maganda sayo. Minsan din magtetext yun sa bf ng o wala ba padapo dyan? hello may asawa ka na diba panay ang hanap mo ng iba. Tapos everytime he sees me puro pang aalaska na kesyo tumataba ako ganyan ganyan, as if naman yung asawa nya eh saksakan ng ganda eh husband ko ang may sabi mismo na dati kinakantyawan nila yun na mukhang katulong ang asawa nya. Isang incident pa, mga two weeks after my wedding nagtext ba naman tong pinsan ng husband ko saying o ano hindi ka pa ba nalulungkot? kapal ng face diba, hindi marunong rumespeto ng tao at relasyon ng ibang tao. Kung sha hindi masaya dahil hindi sha kuntento sa life nya, I think he is doing the same pang aaalaska to make my husband feel na dapat hindi din sha makuntento sa akin. I dont know if I am reading the situation right because I might be clouded by my anger towards that person. I am an educated , well travelled and a professional person and in fairness I can confidently say hindi rin naman ako panget. I dont want to stoop down to the same level as yung pagka walang modo at kataklesahan ng pinsan ng husband ko pero malapit na ako talaga mapuno. Sobrang lakas nya mang inis pero ang husband ko never sha ininis sa harap ng asawa nya dahil sa dami ng sikreto ng pinsan nya na karamihan husband ko ang may alam. And if ever malaman ng asawa nya pinag gagawa nya mapupunta talaga sa hiwalayan dahil may dati na shang atraso sa asawa nya.Ewan ko I really dont know what to do or handle myself next time. I feel trampled on whenever I let him get to me kasi hindi ko naman pinapatulan eh tinatawanan ko lang. But I dont know how much longer I can keep a straight face na kunyari hindi ako napipikon kapag nakikita ko yung taong yun. There are times naiisip ko na barahin sha in a way na may hint ng mga pinaggagawa nya sa harap ng asawa nya pero ayoko din naman mag cause ng gulo at baka kami naman ng husband ko ang mag away for revealing such secrets. Hay pero on the other hand naaawa din ako dun sa asawa ng pinsan ng husband ko for being in the dark sa kawalang hiyaan at patuloy na ginagawa ng asawa nya. What should I do? Sa totoo lang I want to give that guy a taste of his own medicine but I dont know how. Am I even in the right mind for even contemplating on stooping down to his level just to put him in his place. Haaay Im so confused, ayoko maging masama pero kasi if I let him continue what he is doing, baka kami ng asawa ko ang magkasira. Pero I really want him to leave us be and tantanan nya ang asawa ko ng pangungulit at ayoko mahawa sa kanya ang hubby ko.
e dati, pera niya pera lang niya, pero nung nagka-baby na, hindi na pwede ang ganoong set-up.
True sis! Di ko nga alam kung dapat noong umpisa pa lang ay naghigpit na ako sa pagpapadala ng asawa ko ng pera sa tatay niya. Pero kasi I didn't feel the need for it before, dahil nagpapadala rin naman ako sa mom ko (although kalahati lang ng pinapadala niya). Pero ngayong magkaka-baby na kami, lalo at di na ako working, wala na siyang choice. Inuunti-unti ko na lang siya i-"break in" kasi defensive din siya dahil nga siya na lang ang nagpo-provide para sa tatay niya (at sa pamilyang hilaw hmmp!).