Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160616 times)

reddog_lover

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #20 on: March 22, 2010, 02:15:18 am »
napikon ako dati sa ate nya mangutang ba naman tapos wala na dedma lang di na ko binayaran, awa ng diyos mga 3yrs na ang nakakalipas.

FridaGee

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #21 on: April 06, 2010, 10:35:45 am »
oo naman. pero good terms naman kami

mikey_mouse_219

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #22 on: April 06, 2010, 10:49:31 am »
sometimes naiinis ako sa mga kapatid ng asawa ko. porke ba dito kami sa manila nakatira eh marami kaming pera? nangungutang. akala ata nila e para sa kanila rin yun kinikita naming mag-asawa! tapos pag mangungutang pa yan kasi panggatas daw ng pamangkin namen, NAMAN! mag aanak anak sila hindi nila gawan ng paraan para may pambili ng gatas.... HMP! we have our own share of expenses rin naman hindi nila narerealize....

piglet24

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #23 on: April 08, 2010, 10:58:58 am »
recently lang namn kami married ni hubby. and my sil was sort of bonding with me and kinuwento sa akin na piangsabihan dw niya mga anak niya na di na mag hihingi ng kung [textspeak!]-ano sa tito nila kasi may asawa na and mag sstart na ng famiyl...ang question ng mga bata (i.e. bata as in 18 yrs. old, 17 years old, 16 yrs old and 13 yrs old) bakit mommy, madamot ba c *censored* piglet? i mean, that was hurting.  i find that rude. rude ba yung question na yun? hay in laws!

3m3rald

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #24 on: April 09, 2010, 01:34:45 am »
di talaga maiiwasan na mainis minsan sa relatives ni hubby, minsan sa mil ko pa nga. i vent sa hubby ko and lagi naman sya nakikinig  ;)

tres_beau_02

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #25 on: April 15, 2010, 05:45:13 pm »
ako wala naman akong issue about dyan sa mga in-laws..yung mother in law ko mabait sya..alhough minsan nagtatatalak yon okay lang sa akin,normal lang naman yon kapag mainit ulo mo..sya rin ang nagbibigay ng advice sa akin..sya kasi yung tumayong mom ko since ang mama ko is nasa abroad..kaya wala akong masasabi sa kanya.. :)

Mochat

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #26 on: April 15, 2010, 10:48:18 pm »
Yes to all!
Though mababait naman ang in laws ko.  But I think it's normal to sometimes feel negatively about them since we live in the same house.  Sometimes I feel they are too comfortable that they forget there are 'other people' living with them. And if ever may foul silang ginawa, I always let my husband know.   Basta my rule is, I can love them more if I will maintain a distance.

angeljhoyz

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #27 on: April 29, 2010, 02:54:33 pm »
nakapagpost nako dito pero until now kasi sobrang inis talaga ako sa SIL ko. sobra talagang palahingi kahit ngayon na nawalan pa ng work asawa ko, hindi talaga marunong umintindi, gusto pa lagi magpatawag..parang iniisip lagi nila na marami kaming pera, samantalang hirap na hirap nako yong savings ko para sa birthday ng anak ko nagagastos ko na gastosin namin sa bahay..ang hirap pa dun yong asawa ko, hindi pa nagpursige maghanap ng work ngayon, tapos pag sinasabi ko paano na birthday ng baby natin sinasagot lang ako na kung wala talagang pera e wala talaga..hindi man lang sabihin na hanap ng paraan.. pagdating sa pamilya kahit kulang yong sahod niya nagpadala talaga samantalang di naman emergency ang pinagamitan..nakakainis din talaga asawa ko kasi pakiramdam ko mas uunahin pa niya pamilya niya kesa sa anak namin..palibhasa kasi may pera mama ko kaya umaasa sya sa mama ko kasi alam niya di ako pababayaan ng mama ko.. kaya sobra akong naiinis sa SIL ko kasi irresponsable pa yong asawa ko minsan dumadagdag pa sya..
ang problema pa ngayon, pupunta daw dito SIL ko, hay naku, ewan kung kaya ko sya harapin kasi kung wala naman syang gagawing makakatulong samin baka magkasagutan pa kami.. baka perwisyo lang dadalhin nya samin..dati kasi pumunta sya dito tapos ako sinisisi ng asawa ko kasi pinauwi ko daw e samantalang kapatid niya ang gusto umuwi, lagi nagpaparinig na gusto niyang umuwi at namimiss nya barkada sa probinsya..ako pa namemewersyo sa pamasahe tapos ako pa masama...

bethyful

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #28 on: April 29, 2010, 09:14:40 pm »
yes sa MIL dahil ang hilig magparinig... Parang masama ang loob pg nabilhan ako ni hubby ng something expensive na sa tingin niya... Kesyo  si hubby daw e hindi na nagsusuot or gumagamit ng simple lang... E halata namang ako ang tinutukoy... Parang ang dating sa akin dapat kung ano ang meron sila ganun lang din dapat ang meron ako... Hubby is the only son at sya lang ang nakapag-aral sa kanilang magkakapatid... I really hate it pag ginagawa niya un... Siguro kase may konting jealousy din at hindi pa yata tanggap na nag-asawa na ang paborito nyang anak... Mahirap pg ang asawa mo ang paboritong anak kase kelangan i-please si MIL para hindi mapulaan... lalo pa nga at medyo mama's boy si hubby.. But we're in good terms naman, kahit alam ko madami syang comment 'bout me na sinasabi nya sa ibang tao... Deadma na lang...

techgirl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #29 on: April 29, 2010, 10:09:47 pm »
YES! Sa dami ng mga kapatid ng asawa ko, hindi maiiwasan. Minsan kahit ang asawa ko, sumasama rin ang loob sa mga kapatid niya. There was one instance na nagpadala ng package ang brother nila na nasa US. Walang dumating sa amin. Ni hindi man lang kami sinabihan. Nalaman na lang namin after a month nung nag-email sa amin ang kuya nila and he asked us kung natanggap namin yung padala niya. The issue is not the stuff, it's RESPECT. Hind para sa kanila yun, dapat binigay nila. Ang katwiran nila, kaya naman daw naming bumili ng ganun. How sure are they? E wala ngang trabaho ang husband ko since nung na-Ondoy ang office nila! Short na rin kami sa budget and a little help is very much appreciated. At least man lang sana, inform us then let us decide kung kukunin namin or ibibigay na lang namin sa kanila diba?

The same thing happened last December. Nagpadala ulit ng pera ang kuya nila as Christmas gift para sa mga pamangkin. Hindi namin nalaman until we received the email informing us about it. We also learned na natanggap na ng sis nila yung pera 3 days before we read the email pero til that date, wala kaming alam about the money. Ni walang text from his sis! Kung hindi pa kinulit ng asawa ko yung kapatid niya, hindi pa ipapadala sa amin. Pina-LBC nila pero binawa pa sa pera ng mga bata yung charge sa LBC. Grabe diba? Pati yung mga kapatid nila sa province, hindi nalaman yung tungkol sa perang yun until we texted them! At yung kapatid nilang tumanggap ng pera, nagalit pa sa amin! Bakit daw sinabihan pa namin yung ibang kapatid?!  Syempre naman no! Hindi naman pwedeng kami lang ang makikinabang samantalang alam namin na may mga kapatid din silang naghihintay ng kahit konting tulong!

« Last Edit: May 07, 2010, 03:58:09 pm by techgirl »

techgirl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #30 on: April 29, 2010, 11:13:02 pm »
Last month, nagpadala ulit ng package ang kapatid nila. This time, dito na sa amin in-address yung box. Nakuha na ng ibang kapatid nila yung stuff para sa kanila pero yung isang dating pinapadalhan niya, nandito pa rin yung para sa kanya! Hindi pa rin nila kinukuha! Gusto kami pa ang magdala sa kanila. May pasok kaya ang asawa ko! Pagod na nga sa kakaikot sa mga project sites nila, bibiyahe pa papunta sa kanila na totally out of the way. Be considerate naman!

Ang nakakainis pa nung walang trabaho ang asawa ko at ako lang ang kumikita, panay pa ang text ng isang kapatid niya para lang manghingi  ng pambaon ng mga anak at pambayad sa kuryente nila at upa sa bahay. Ni hindi man lang nga kami makumusta, manghihingi pa ng pera! Super kulit pa sa text. As in everyday kung mag-text para lang manghingi! Alam naman nilang walang trabaho ang kapatid nila. And similar to other sisses here, BUNSO ang husband ko! At older siblings pa niya ang nanghihingi sa amin!

Hindi naman ako madamot na tao. Kung may ibibigay, ok lang. Pero kung wala, pasensyahan. Wag mangulit! Besides, bigyan naman kami ng kunswelo. Ang mga kapatid ko pag lumapit at humingi ng tulong, pupunta dito sa bahay para maglaba, mamalantsa or maglinis ng bahay namin. Their way of saying "Thank you Ate!" :) Sana man lang may ganun sa mga in-laws ko kahit yung simple text na thanks lang. kaso wala e! :(

chrlxmyot

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #31 on: April 30, 2010, 12:45:14 pm »
hi!
ako hindi ako nainis or napikon sa mga inlaws ko.. ;D
NAGALIT ako or should i say, GALIT pa din ako kasi hindi ko makalimutan ginawa nila sabwatan ng hubby ko. alam pala nila na may kabit at anak si hubby na halos kaidad na ng bunso namin (2yrs old) imagine ilang years na din nila itinatago sa akin. alam naman ni hubby na galit ako sa parents niya and syempre being a son ipagtatanggol niya pero sabi ko kahit na ano pa sabihin niya ang conclusion pa din is niloko nila ako. sabi ko nga kay hubby pasalamat siya kasi may natitira pa ako na konting respeto sa parents niya pero respeto nalang as an older person hindi as in-laws.

honestly maraming event na hindi ko makakalimutan na nagalit ako sa in-laws ko pero ito na siguro ang pinaka-matindi sa lahat..

carlijn

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #32 on: May 01, 2010, 02:16:06 am »
I again recently found out that my husband's guy cousin (na totally hate ko to d max dahil sobrang bad influence at dahil sa kanya kaya nya nakilala ng husband ko yung babae na naging dahilan ng gulo sa buhay ko now)... anyway i found out that the guy still keeps seeing his ex gf (as in gf before he got married and ex gf na totally pinagseselosan ng wife nya) and the guy keeps going out with this chick together with his barkadas as in parang kala mo buhay binata na nagsisimula na naman gumimik and all. 

Recently din yung cousin ni hubby ay may pinakilala sa wife nya na japayuki girl na balak nya dapat pormahan pero binigay na lang nya sa kabarkada nga because dumating si ex gf.  Ngayon he’s using this japayuki girl as an excuse sa wife nya para makalabas at para magkita sila nung exgf nya so lahat ng kabarkada nya na kapit bahay din nila ay alam lahat ng ginagawa nung cousin ni hubby at sa panloloko nya sa wife nya.  Anyway ang masama pa nito ay yung si cousin ni hubby at totally jobless at yung wife nya ang breadwinner, to make matters worse dun pa sa house nila nakatira yung ibang kapatid ng cousin ng husband ko so madaling salita, yung asawa nya ang bumubuhay sa kanilang lahat at sobrang walang kunsensya talaga yung pinsan ng asawa ko nakukuha pa mambabae wala na nga naitutulong.

Ngayon, baket ako affected? kasi pinagiisipan ko kung ibubuking ko si lalake sa asawa nya because of the following reasons: (1) galit nga ako dun sa cousin dahil sa kanya kaya naging complicated ang relationship namin ngayon ni hubby, (2) hindi ko close yung wife nya pero we are civil naman to each other, and many times they asked for my help….pero may tampo ako sa kanya dahil nagawa rin nya ilihim nung nagloko ang asawa ko… at hello inadd pa nya sa facebook yung naging babae ng asawa ko at hanggang ngayon hindi pa rin nya binubura. 

Minsan kapag medyo nagiging maldita ako magisip, ano rin kaya kung i-add ko sa facebook yung kabit ngayon ng asawa nya ano kaya ang mararamdaman nya.  Sometimes I cant help it dahil sa galit ko sa kanila na hanggang ngayon affected ang relasyon namin ng asawa ko.  Na kung may kunsensya sana sila dapat hindi nila tinolerate or hindi sila yung dapat naging daan para magloko ang asawa ko. 
Siguro hindi rin ako dapat manghimasok dahil hindi naman ako involved pero bilang babae na dumaan na sa ganung kasakit na experience na pinaglilihiman ka at harapan ginagawa kang t**** ng asawa mo gugustuhin mo pa bang maulit sa iba yun.

bytchgoddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #33 on: May 07, 2010, 03:00:43 am »
*The only time you can choose a relative is when you choose a dog*

I dont have anything against my inlaws, as a matter of fact, they adore me and love me.. wala silang masamang masabi about me kasi una pa lang pinaalam ko na sa hubby ko ang ground rules when it comes to family and finances..

sinabi ko agad na priority namin ang family namin... so pagdating sa pera, pag me manghihiram magsasabi sila sa asawa ko pero sasabihin ng asawa ko na itatanong ko muna sa ate nyo kung me ipahihiram kami dahil sha ang humahawak ng pera namin... so dun pa lang alam nila na pag sinabi kong sorry wala kaming pera ngayon di sila nagagalit.. alam naman kasi nila na kung meron lang ako di sila magdadalawang salita.. minsan kami pa ang nagkukusang mag abot sa kanila..

at hindi den sa aken pede yung makikitira.. sinabi ko na ke hubby na magiging magulo ang ganung sitwasyon and he knows it kaya pag me mga kapatid shang gustong makitira sha na mismo ang nagsasabi na hindi makakasundo ng ate nyo ang gf/partner nyo at maarte sa bahay si ate nyo, ayoko lang na magkasamaan kayo ng loob... at alam ng mga kapatid nya na marunong akong makisama pero pag nandito ako sa loob ng bahay ko magagawa ko lahat ng gusto ko...

with regards sa inlaws ko alam nila ang ugali ko.. alam nilang prangka ako at kung ano man ako bago ako nakilala ng asawa ko e hindi ko babaguhin para lang makibagay sa kahit kanino... hehe!

kaya ang problema ko lang e ang mga bilas kong hilaw... galit sila sa akin kahit di nila sinasabi kasi nakikita nila ang difference ng pag asikaso sa aken ng mga inlaws ko.. pagdating ko sa bahay ng inlaws ko ang unang sasabihin ng inlaws ko sa mga kapatid ng asawa ko e ipaghanda nyo ng pagkain ang ate nyo pero pag sila ang dumadating deadma lang ang inlaws ko.. hahaha! ;)

kreez

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #34 on: May 07, 2010, 05:10:29 pm »
I super love my MIL and my siblings in law and they adore me too, pero syempre sometimes hindi maiiwasan

Fendi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #35 on: May 07, 2010, 05:17:28 pm »
Minsan nakakainis kasi feeling ko nakikipag-compete sila eh hindi naman ako nakikipagcompete sa kanila.

liyapot

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #36 on: May 07, 2010, 05:24:55 pm »

before sobrang hirap..kasi we are staying with my in laws..noong kumpleto pa sa bahay silang 3 magkakapatid  kasama ako, tsaka yung family ng brother ni hubby..ang hirap.. hirapa gumamit ng banyo..kasi
si BIL may sariling banyo but he chooses to use the banyo my hubby and i are using..to think na nasa loob na ng room nila yung banyo nila..he still insists in using our banyo na nasa labas.
sa [textspeak!] and MIL, medyo na-o-off-an ako sa attitude nila with the househelp... pero ngayon i learned na dapat nga maging strict sa hh kasi in the end nagiging abusado ang mga help.

lately hinde na masyado..kasi i learned to understand their ugali.

^kaye^

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #37 on: August 13, 2010, 05:43:04 pm »
Oo naman. Baka magkakaiba lang ang kultura namin o magkaiba lang yung nakagawian namin, pero naiirita talaga ako sa mga in-laws ko. Kahit maliit na bagay lang na ginagawa nila naiinis na ako, hay, hindi ko alam, siguro hindi lang talaga ako pasensiyosang tao.

yang

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #38 on: August 13, 2010, 06:14:03 pm »
yes it happens. minsan nga No news is Good news.

fegloria1954

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #39 on: August 17, 2010, 09:59:08 am »
I remember decades ago when my husband had for a close friend his college classmate who was "sugapa" among women.  In retrospect this friend probably was the model my husband emulated, in terms of "what the little woman does not know will not hurt her" etc. etc.

At one of our children's birthday parties we held in our home, this close friend of my husband brought his querida and his son by his querida, instead of his wife and his daughter whom I knew and who was my friend.

You know what I did?  I cornered the guy, told him that by his bringing his querida into my home, he was in effect insulting my family and my marriage to his friend (my husband).  I asked him to find a way to leave our son's  birthday party "gracefully" because there was no way in the world that I would be a gracious party hostess to his querida and his son by that querida after all his wife was my friend, and that next time we invite him to any party in our home, he make sure to bring his wife not his querida - and that to make sure that he does bring his wife, I would from then on be the one calling up his wife to extend the invitation.  Period.  After a couple of minutes, he told my husband that a client of his called and he must go - then he and his querida left the party.

Mommy Fe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close