Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160628 times)

carlijn

  • Guest
What do you guys do kapag yung sobrang inis kayo sa isang kamag anak ng husband nyo to the point na galit na ang nararamdaman nyo towards that person that even the mere hearing of that person's name makes your blood boil.

I’m newly married but my husband and I have been together for almost 6 years.  And meron cousin na guy yung hubby ko na sobrang hate ko kasi walang kwenta talaga, feeling gwapo wala naman trabaho, presko, taklesa, buskador na wala sa lugar, may asawa na pero babaero pa din.. basta he really gets to my nerves. 

At the start of my relationship, alam ni bf na hindi ako comfortable sa guy na yon because he gives me a really bad vibe (have you ever felt that with a person and it turned out to be true?).  Anyway this cousin of his is walang trabaho and yung wife nya ang nagwowork to support their family, even siblings nung guy nakatira sa house nila.  They married really young kaya in short hindi nagsawa sa pagkabinata yung cousin ng hubby ko unlike sa husband ko na naranasan na lahat before we got married.  Yung guy din pala na to nakabuntis pa ng ibang babae, nung unang beses  nagawa sha patawarin ng wife nya, but his wife doesn’t know na naulit pa yun at nakabuntis ulit yung guy ng ibang babae.  Ang masakit pa nito alam lahat ng kapatid nung guy and they tolerated it.
Anyway for the last half of the year, yung pinsan na to ng husband ko kept calling nangungulit that they go out uminom.. you know guy stuff.  And hindi ko naman binabawalan na gawin nya yun but just not with that person because wala ako talaga tiwala dun sa cousin nya.  I know na ang magiging issue is lalabas na wala ako tiwala sa spouse ko pero kasi malakas talaga mambuyo ng kasamaan yung pinsan nya.  Kahit kailan wala ako pinakita na di maganda sa kahit sinong kamag anak ng husband ko kahit nung mag bf/gf pa lang kami pero dahil sa impluwensya ng pinsan nya since my then bf now my husband started hanging out with him months before we got married nakuha ako lokohin ng bf ko at nambabae.  Nagawa nya magsinungaling sa akin na hindi nya ginawa for the past 5 years that we have been together.  But despite it all, i chose to forgive my husband kaya nauwi pa din kami sa kasal.  Napatawad ko ang asawa ko pero yung pinsan nya na naging daan para makilala ng husband ko noon yung girl ay hindi ko yata kaya patawarin.  Besides madami ako kinakainisan sa ugali ng pinsan nya, matutuwa ka ba sa isang tao na kahit pakiharapan mo ng maayos eh in some ways binabastos ka pa din.  Noon hindi pa kami kasal ng asawa ko, I once caught a glimpse of their conversation in ym kasi may tinanong ako bigla sa bf ko non, and shempre since kinausap ko bf ko hindi sha agad nakasagot sa chat nila, ang banat ba naman nung cousin nya, “o baket may kalaban ba dyan sa likod?”  …  I mean who the heck would use those words to address the gf of your cousin na wala naman pinakitang hindi maganda sayo.   Minsan din magtetext yun sa bf ng “ o wala ba padapo dyan?”… hello may asawa ka na diba panay ang hanap mo ng iba.  Tapos everytime he sees me puro pang aalaska na kesyo tumataba ako ganyan ganyan, as if naman yung asawa nya eh saksakan ng ganda eh husband ko ang may sabi mismo na dati kinakantyawan nila yun na mukhang katulong ang asawa nya.  Isang incident pa, mga two weeks after my wedding nagtext ba naman tong pinsan ng husband ko saying “ o ano hindi ka pa ba nalulungkot?”… kapal ng face diba, hindi marunong rumespeto ng tao at relasyon ng ibang tao.  Kung sha hindi masaya dahil hindi sha kuntento sa life nya, I think he is doing the same pang aaalaska to make my husband feel na dapat hindi din sha makuntento sa akin.  I don’t know if I am reading the situation right because I might be clouded by my anger towards that person.  I am an educated , well travelled and a professional person and in fairness I can confidently say hindi rin naman ako panget.  I don’t want to stoop down to the same level as yung pagka walang modo at kataklesahan ng pinsan ng husband ko pero malapit na ako talaga mapuno.  Sobrang lakas nya mang inis pero ang husband ko never sha ininis sa harap ng asawa nya dahil sa dami ng sikreto ng pinsan nya na karamihan husband ko ang may alam.  And if ever malaman ng asawa nya pinag gagawa nya mapupunta talaga sa hiwalayan dahil may dati na shang atraso sa asawa nya.

Ewan ko I really don’t know what to do or handle myself next time.  I feel trampled on whenever I let him get to me kasi hindi ko naman pinapatulan eh tinatawanan  ko lang.  But I don’t know how much longer I can keep a straight face na kunyari hindi ako napipikon kapag nakikita ko yung taong yun.  There are times naiisip ko na barahin sha in a way na may hint ng mga pinaggagawa nya sa harap ng asawa nya pero ayoko din naman mag cause ng gulo at baka kami naman ng husband ko ang mag away for revealing such secrets.  Hay pero on the other hand naaawa din ako dun sa asawa ng pinsan ng husband ko for being in the dark sa kawalang hiyaan at patuloy na ginagawa ng asawa nya. 

What should  I do? Sa totoo lang I want to give that guy a taste of his own medicine but I don’t know how.  Am I even in the right mind for even contemplating on stooping down to his level just to put him in his place.  Haaay I’m so confused, ayoko maging masama pero kasi if I let him continue what he is doing,  baka kami ng asawa ko ang magkasira.  Pero I really want him to leave us be and tantanan nya ang asawa ko ng pangungulit at ayoko mahawa sa kanya ang hubby ko.


Tigershark09

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #1 on: February 07, 2010, 01:10:15 pm »
hehe. natututwa ako sa kwento mo sis. nasa adjustment stage ka pa kasi. ganyan-ganyan yung feeling ko noon noong bago palang kaming kasal ng hubby ko. gaya nga ng sabi nila, malalaman mo lang ang totoong mga ugali ng mga relatives ng hubby mo pag kasal na kayo.

ganyan din dati ang MIL ko at ang SIL, panay pintas na tumataba daw ako, e sila nga etong mga overweight since birth! samantalang ako tumaba lang noong nagasawa ko e big deal sa kanila. wow! sabi ko nga sa hubby ko noon " wala bang salamin sa bahay ninyo? di ata alam ng nanay mo na ang taba-taba din niya?!" hehe.

tapos parang may feeling na hindi ka welcome minsan at parang pinagseselosan ka kasi yung hubby ko only son kaya parang feeling nila inagaw ko si hubby sa kanila. weird! but i managed to ignore them na lang dahil hindi naman ako nakikisama sa kanila sa isang bahay and we live miles apart from each other so i dont see them often. ang attitude ko noon, kung ayaw mo sa akin e di manigas ka diyan.

well, things changed when i had my baby. naging mas warm sila sa akin. but i dont let my guard down. medyo plastik kasi ang in-laws ko at mababaw magisip, i dont fully trust them na ok talaga kami kasi iba kami ng way of thinking. but as the years go by, i managed to go with the flow. basta ako, this is me, take it or leave it. i'll say what's on my mind.

chloe

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #2 on: February 08, 2010, 12:47:07 pm »
at first, my relationship with my husband's family was indeed turbulent. di kami nagkakaintindihan. Marami ding pintas at kung ano anong chismis. I am from Manila and my husband's family is from the province. Iba ang pananaw sa buhay. Conservative ang family ng husband ko while my family is easy going ans very liberated.

Our families are from different worlds and I just had to learn to respect our differences. After all, this sacrifice is for my husband whom I love so much. So I just let them be. I admit it was really very difficult. There are times na muntik na kaming maghiwalay, times that I felt di ako pinagtanggol.

Until, little by little I earned their respect.  Now, I am so grateful I've been through it na.

carlijn

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #3 on: February 09, 2010, 02:08:38 pm »
Hi mga sis,

actually wala ako problema kung sa mother, father, sister and brother in laws lang. dahil wala ako masabi dahil mababait talaga sila.. ang may issue lang ako talaga ay sa pinsan ng hubby ko.  Biruin mo, nagloko dati si hubby ko before we got married and yung babae dati naka add sa fb ng hubby ko... aba inadd din nung pinsan nya, mga kapatid , asawa at pati lahat ng anak... sino ba naman matutuwa.  Eh kung ako kaya i add ko ang mga pictures ng kalokohan nung pinsan ng hubby ko sa fb ko matutuwa sha? Buti na nga lang at binura na nung hubby ko yun sa fb nya kaso naka add pa din sa pinsan nya... haay nangigigil lang ako.  I dont even want to welcome that person in our house.  Sama ko ba... sorry im  just venting.

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #4 on: February 11, 2010, 12:46:11 am »
ako naman konting annoyance lang sa cousin ng husband ko. may problem kasi siya sa office. she needs to pay a certain amount kasi nagkulang sila sa computation and dalawa lang sila ng officemate niya na kailangan maghati. at least 9k yata kailangan niya ishell out. i had a chat with her the other day sa facebook about it kasi sabi niya she texted my husband na uutang siya pero hindi nagrereply. i emailed my husband who was in the office to ask him bakit hindi siya nagtext. sabi niya kasi hindi nga kami puede maglabas ng money at this time kasi i'll give birth in a few days and yung money namin would be enough to cover the hospital bills in case i have to go through CS instead of normal delivery. he went online sa facebook and talked to her. sinabi niya na pasensya na dahil we can't lend her money at this time. we lent her family 10k na last month kasi nagipit sila. tapos kanina, i went online sa facebook and she initiated a chat with me. kachat daw niya husband ko. i found out na nagtry ulit siya mangutang and sabi ng husband ko try niya magpahiram. ang usapan nila his cousin would pay for it pag payday niya. nainis lang ako kasi sabi ng cousin niya sa akin the other day na nahihiya siya sa akin kasi she knows manganganak na ako and all then i'll find out na nagtry pa rin siya for the second time to borrow money from my husband. i know she is desperate kasi di niya puede sabihin sa family niya  na may problem siya sa office nila pero sana maintindihan din niya na hindi kami puede magipit ng husband ko. buti kung hahanapan niya ng way pag nagkulang money namin for hospital bills. baka mamaya kami pa mangutang sa parents namin pag nagipit kami na ayoko mangyari kasi we prepared for it na. nainis naman ako sa husband ko dahil nagbitaw na ng salita without even asking me kung okay lang. siyempre budget namin ang affected dun. hindi lang naman siya magsusuffer. hay naku, kailangan namin mag-usap ng husband ko this weekend dahil wala akong plan magpahiram nanaman ng pera lalo na we need it too. nakakapagod na rin kasi marinig ang mga problems ng relatives niya. tapos sa amin sila lumalapit kasi alam nila na may savings kami ng husband ko because manganganak ako. instead na mahiya sila manghiram sa amin dahil we need the money for something really important, parang nag-eencourage pa yung fact na yun para kami lapitan nila. hindi naman kasi agad mababayaran eh. ilang days na lang binibilang namin before lumabas yung baby. ginawa pa nila last month when they borrowed money from us, sinabi sa mother-in-law ko para siya na lang magsabi sa husband ko. husband ko na nagsabi sa akin and todo assure siya na babayaran naman agad na hindi rin naman nangyari. sabi ko nga kung nanganak pala ako on the said date, kawawa kami dahil kulang pera namin. long story pero may financial problems kasi yung family ng cousin ng husband ko. isa pang kinaiinis ko ay yung maaawa sa kanila yung mother-in-law ko tapos aabutan sila ng pera. dahil magkukulang ang budget nila, sa husband ko lalapit para humingi ng pera para sa needs ng sister niya habang wala pang salary. hindi naman ako selfish pero parang hindi nila naiisip na may pinag-iipunan kami. usually, ang nangyayari kami yung nagtitipid para lang mabili lahat ng kailangan and makapagsave for my delivery. yung iba namang problems nila kagagawan din nila eh. kaya nakakawalang gana tumulong. example na lang dun nabuntis yung cousin ng husband ko ng bf niya na tambay. sabay nawalan ng job yung tita niya so walang pera. tatawag yung tita niya sa mother-in-law ko at iiyak dahil wala daw pambili ng milk ng baby, walang makain etc. ang mother-in-law ko magsasabi sa husband ko na abutan naman ng pera ang relatives nila. hay naku. buti sana kung mayaman kami eh nagwowork din kami to provide for our needs. di ko pa maatim na yung bf ng cousin niya ay hindi man lang nagwowork para sa anak nila. alangan naman eerytime may financial problem sila, kami gagawa ng way para masolve. super rant na talaga ako. mapapaanak ako agad sa mga yun eh.
« Last Edit: February 11, 2010, 01:04:06 am by thebratinella »

carlijn

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #5 on: February 11, 2010, 02:08:09 am »
thebratinella, first of all congratulations dahil magkakababy ka na, Im really happy for you.  I can totally relate to your situation... before kami kinasal ni hubby, takbuhan sha ng pamilya nya noon pa lalo kapag nagkakaron ng problem financially.  And like your MIL ganun din ang MIL ko hindi marunong humindi sa mga gustong lumapit kay hubby to make utang lalo na nung hindi pa kami kasal... minsan nga si hubby na yung naiinis sa MIL ko dahil kahit aware si MIL na yung pera na nilalaan ni hubby for his business and for our future, kukulitin pa din sha na magbigay kahit magkano.  Minsan nga nasabihan nya mom nya na "alam nyo naman na hindi ako pwede maglabas ng pera or wala ako extra pera baket hindi na kayo na mismo ang tumanggi sa kanila".  Buti na nga lang mula ng kinasal kami medyo nagcontrol na talaga si hubby sa pagaabot ng pera sa relatives.  Katwiran nya ngayon, may asawa na sha at ako na ang priority nya.  Besides nagawa na nya ang mga tumulong ng husto sa pamilya nya noong binata sha kaya wala sila masasabi. 

Maybe you just need to talk to him in such a way na hindi magmumukang nagdadamot ka kasi you are entitled naman magkaron ng say sa decision nya to lend money dahil nga kelangan nyo naman talaga ng pera for your baby's delivery.  Good luck sis, sana ma gets ni hubby mo ang point mo.

chai_girl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #6 on: February 16, 2010, 03:48:05 pm »
oh yes nagalit na ako sa pamily ng asawa ko, nung unang years namin sweet pa kami ng mother and sister nya but as time goes by mejo nakikilala ko na mga ka pamily nya which i really hate knowing them kasi nga the more na nakikilala ko the more na nagagalit ako sa kanila.  >:(

gcarrie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #7 on: February 16, 2010, 06:58:24 pm »
hi sis carlijn, re your super nakakainis na cousin, the best thing to do is ignore him. i know easier said than done, but if he's there para mang inis lang, ang katapat lang nun ay dedmahin sya. ang goal ng mga nang iinis ay para mainis ka, so dapat hindi ka mainis para talo sya. dont worry about being rude sa pangdededma kasi mas rude pag hindi mo napigilan ang sarili mo at makapagbitaw ka ng mga salitang hindi maganda.
re sa influence nya sa hubby mo, you should talk this out with your hubby. sya na mismo ang dapat magkusa na magdistance kay cousin sa mere fact na naapektuhan ka na. di mo kasi pwedeng sabihan si cousin na wag lumapit sa hubby mo, but at least si hubby pwede mo irequest sa kanya na wag na magsasama sa cousin nya dahil valid naman mga reasons mo.
if pati si hubby di ka nya maintindihan, then you really have a problem here.

re money matters naman, ang lagi ko sinasabi kay hubby, ok lang tumulong pero bago sya magpautang isipin nya muna kung kami naman ang mangailangan ng tulong, may tutulong ba sa amin sa mga relatives nya? so dapat safekeep na muna ang savings namin bago maglabas ng pera. kung may perang sobra, walang problema. tsaka number 1 rule ko, pag may sumablay sa pagbabayad, NEVER na makakaulit sa kin.

aquacharly

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #8 on: February 16, 2010, 11:46:36 pm »
I mind my manners but keep interaction to the barest minimum, if I cannot avoid interaction.

I have learned that the best way to handle pesky people is to keep your manners intact, but ignore them.   Nothing is more disturbing to a person than being made to feel so unimportant, you are just "dismissed"

It is a skill...  I can beso beso you but make you feel my coldness or assessment of you as a "small badudah".

carlijn

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #9 on: February 17, 2010, 01:17:48 am »
Thank you sa mga payo ninyo. So far since pumasok yung taon hindi ko pa nakikita ulit yung cousin ng husband ko.  I will surely try to keep my cool kapag nakita ko yun... and he'd better stay on my goodside otherwise baka hindi ako makapagpigil at sabihin ko sa wife nya ang sikreto nya kahit pabiro that he still has feelings for his ex after more than a decade of being married oh diba nagfifeeling bagets sha eh dami dami na anak tapos yung ex nya eh nangungulit pa ngayon and yung wife nya alam na sobrang mahal nya yun, and the girl pa moved in the same subdivision recently.. hehe bad ko noh. Any way hindi ko naman gagawin yun eh unless provoked hehe  ;D

laniegege

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #10 on: February 17, 2010, 09:41:16 pm »
ay hindi [textspeak!] isang beses ako nagalit daming beses. super pakelamera sila sa gamit na ayaw na ayaw ko. CHaka un kasal namin sobrang nainis ako sabi ba naman ng tita niya kung di ka pa na buntis di ka pa magpapakasal HALLER sino ba siya para magkaroon ng karapatan na pakilaman kami. super buwisit ko pero di ko na masyado inintindi nun time na un kasi bka maapektuhan baby ko. hay buti na lang dun kami sa bahay ni mama nakatira atleast ok kami dun. yoko talaga maki mingle sa in laws ko iba ugali nila sobra. lahat na [textspeak!] gusto isumbat. hay  >:(

Kady_14

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #11 on: February 18, 2010, 05:55:19 pm »
Oo naman. 80% ng kamag-anak ng husband ko eh me ugaling sorry for the term "Squatter" hahahaha... Even my inlaws naiinis sa kanila, to think na kamag-anak na nila yun ha. hehe. Well, what to do with it, iwasan sila like what aquacharly said. Pero ganun talaga, comes with the package yan eh when you married your husband.

aipaguio

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #12 on: February 18, 2010, 07:44:42 pm »
hay naku! hay naku! at isa pang hay naku! madalas talaga pero deadma na lang kasi baka may masabi pa sila. buti na yung safe!

angeljhoyz

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #13 on: March 09, 2010, 02:41:03 pm »
hay naku galit na nga ako sa family ng husband ko...imagine nyo ha, yong ipon ko para sa birthday ng anak ko, pnabili sakin ni hubby ng cellphone, tapos yong sahod nya, ipapadala lang nya sa family nya sa province, sobrang nakakainis tapos ako hirap na hirap paano ibudget yong tirang pera na sahod ng asawa ko...kaya sa sobrang tipid, kahit gusto kong magmeryenda kahit gutom ako tinitiis ko lang at lalo pang nakakagutom kasi may dumidede sakin, breastfeed ako e..kasi hindi talaga magkasya yong pera namin hanggang sa susunod na sahod..ang nakakainis pa hindi naman emergency yong paggamitan ng pera ng inlaws ko..may baby kaya kami at may mga pangangailangan yong baby namin kaya magastos, hindi man lang naisip nila yon..kahit ni 1 damit wala sila nabigay e, hindi naman ako nghihinge sa kanila pero sana naman matuto silang umintindi may sarili ng pamilya anak nila e..masama rin loob ko sa hubby ko kasi ngdesisyon sya ng di ko alam, sinabi lang nya sakin tapos na sya nakapangako sa kanila...pinipilit pa ko magtrabaho e yong anak ko at ayaw dumide sa bote, tapos sinisi pako di ko daw tinuruan nung bagong panganak palang...para kasing umaasa sila sa mama ko kasi alam nila may pera mama ko, hindi nila alam ubos na..nakikiasa pa sila may mga tinutulungan din naman mama ko..
« Last Edit: March 09, 2010, 02:46:23 pm by angeljhoyz »

kyuting13

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #14 on: March 09, 2010, 07:20:52 pm »
parang money issues ang majority dito  :-\

Will just add to that, nakwento ko na rin to in another thread just so makapaglabas ako ng sama ng loob. The brother of my husband was with us for 6 months, in that time wala syang nahanap na work. He was dependent on hubby na maghanap ng work for him. Si hubby ang bunso and his brother had a wife and kid back home.

I was really upset, kasi wala akong makitang effort from him. Plus alam na nyang diabetic sya, hindi nya pa inaalagaan sarili nya. Yung 5 kilos na sugar  halos maubos in a month. Tapos one time nagreklamo nahihilo, syempre wala syang medical card, nagbayad kami ng check-up at binilhan pa sya ng glucose machine. And wala talaga akong matipid sa sweldo naming 2 ni hubby. Ako nagtitipid, di ako bumibili ng clothes, I defer having meals outside... tapos iniisip ko bakit ko tinitipid sarili ko, ako naman ang nagtratrabaho.

Umuwi siya sa kanila binilhan pa namin ng damit yung anak nya, and even gave 30K para he has some money when he goes back. Sige na isipin ko na lang tumulong kami, pero sabi ko nga hindi naman sasama loob ko kung nakikita ko na nageeffort sa buhay. Yung tipong sulit tulungan.

Now, I heard nagpapatulong dun sa friend ni hubby na makabalik dito and have work. Hindi sinasabi ni hubby sa akin, alam nya I will be upset. Wala namang problema, pero sana naman he works on his own. Imagine laki na ng tulong namin sa kanya for 6 months, I dont want a repeat.

Then just last month yung panganay naman nila nagkasakit sa puso. Tumawag yung asawa humihingi ng tulong, wag daw sasabihin sa kapatid na nanghihiram sya kasi magagalit daw. But still nagpadala kami.  Yung ate nya pinahiram na rin namin dati, dahil lang nagkaproblema sa finances dahil maluho sa buhay.

Hindi naman kami mayaman ni hubby and we've only been married for a year. Ayoko maging selfish, but they are all older than us. Sana maisip naman nila we need to save for ourselves also. Thankful na lang ako na may side of the family hindi ganun pero I feel bad kasi dapat kahit papaano magbigay din ako ng money sa family ko.

Hay... God grant me the patience na lang please.

princessvhie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #15 on: March 17, 2010, 12:03:58 pm »
yes but that was before we get married. ;D, ayaw sa akin ng mga kapatid niya kasi masyado daw akong maarte and our age gap masyado daw akong bata (hubby is 11 years older than me) kaya medyo spoiled ako kay hubby. but now i have a good relationsip na with my in-laws. ;)

gayoners

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #16 on: March 18, 2010, 10:35:48 am »
hi mga sis! nakakatuwa naman mga kwento nyo.  ;D ako naman i have no problems with ALL my in-laws. meron lang akong isang kinaiinisan. yung kapatid nya (brother-in-law ko). here's why:

1. pakialamero ng gamit. AS IN! minsan kasi we visit our mom's house mga 3-5 days kami dun mag stay. taong bahay namin si BIL. alam ko na medyo pakialamero sya kaya yung mga gamit namin is medyo "tinatago" ko. may naiwan ako sa ref namin na chocolate. Unopened. so medyo kampante ako na hindi nya pakikialaman. aba pag balik namin isang katiting na lang natira. Aba! eh nagtira pa sya! it's not the chocolate eh... yung pangyayari. alam mong hindi iyo bakit mo kakainin? at eto ka pa, lahat ng toiletries namin ginamit nya. pati damit ng hubby ko sinusuot nya! grrr!

2. lagi humihiram ng pera sa amin di naman nagbabayad.


hay naku!

lclanzaderas

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #17 on: March 18, 2010, 11:48:14 am »
yes to all three.  >:(
what do i do? wala. nagtitimpi pa. pero malapit na kong sumabog.

GabBeaMariz

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #18 on: March 18, 2010, 12:27:12 pm »
oo super! sila na nga may utang sila pa galit  :o >:(

barbieavril

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #19 on: March 19, 2010, 02:28:00 pm »
oo, kakainis yung tito ni hubby. grrr!!!!

walang sense of responsibility.  may trabaho naman lagi ubos ang pera to think na wala naman sinusuportahan, di nagbibigay sa anak nya (hiwalay sa asawa at anak).  grabe kasi magbisyo.  one time nga nahulog pa sa bintana namin yung foil na ginagamit nila sa pot session nila.  si hubby pa nakakuha.  lagi maingay sa gabi, nakikipag-inuman o sugal sa mga boarders nya.

yung cellphone sinanla, kami tumubos.  tapos nawala daw only to find out na sinanla nya pala ulit, kasi nakita namin ulit ginamit nung natubos na.  tapos nung binentahan kami ng cellphone na bigay sa kanya nung boarder nya grabe makasingil parang ang laki ng utang namin sa kanya eh may pera pa kami sa kanya na galing sa upa ng mga boarders (kasi kami nagpakabit ng meralco line nung naputulan dahil sa di pagbabayad at multa sa paggamit ng jumper, binabayaran sa amin monthly installment).

mahilig mangutang, akala mo may patago pa kung mangutang.  kapal ng mukha talaga. 

mas kinakampihan pa boarders nya kesa kay hubby na pamangkin nya.  tapos kapag may kailangan naman sa amin lumalapit.  minsan nga gusto ko sabihin dun ka sa mga boarders mo mangutang.

nung nagkasagutan sila ni hubby, pinagdiinan pa na sa NANAY daw nya yung bahay at sa KANYA daw mapupunta yung bahay.  Eh buhay pa nga nanay nya di man lang makapag abot ng kita sa renta nung bahay.  di naman namin inaangkin yung bahay, nagbabayad pa nga kami ng upa eh.  To think kami ang dahilan kung bakit nya pinagkakakitaan yung bahay na yun ngayon.  Imagine manganganak ako nun pero pinagsapalaran namin yung pera para makabitan ng kuryente at matirhan ulit yung bahay.  Wala na nga kami napakinabang dun, nagbabayad kami kuryente, tubig at bahay din eh dapat libre na nga.  Tapos yung pera na nagamit namin, kung bumalik sa amin installment pa, minsan delayed pa kung ibigay sa amin.

Hay, naku... kumukulo lang dugo ko lalo... hehe! Kaya talagang ipon kami para makabili kami sariling house at nang di na namin makita ang pagmumukha ng tito nya.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close