watch now

Author Topic: Reasons for breakup  (Read 90151 times)

dumpee.o13

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #180 on: April 09, 2012, 09:05:53 am »
update lang mga sis.kaninang madaling araw tinawagan ako ng asawa ko.nagulat nga ako sabi nya sorry nakipaghiwalay na ko hindi ko kaya eh.tulog ako nung tumawag sya kaya medyo grogy pa ko.ang intindi ko eh di nya kayang makipaghiwalay dun sa babae.sabi ko tuloy baka kaya di mo kaya kasi magkasama kayo dyan tapos ako nandito sa malayo.ibig nya palang sabihin di nya kami kayang iwan.sorry sya ng sorry lalo na sa bunso namin.di na daw nya uulitin.tapos umiiyak pa sya.papalipat na daw sya ng store para mapalayo na sya sa babaeng yun.sabi ko buti naisip mo yun.ang initindi ko lang din eh sya ang nakipaghiwalay pero sa message sakin nung babae sya daw,di ba.it matters pa ba kung sino nga ang nakipaghiwalay sa kanila.
syempre mahal ko asawa ko papatawarin ko sya.pero syempre dapat mangako sya na di n nya uulitin....

^ mabuti naman sis at nagising na ang hubby mo sa ginawa nya. naku, may mga anak na sya at 12 yrs ang relationship nyo. tsktsk' pero sis, mejo mag-ingat ka pa din. i'm not telling you na bantayan mo sya or nag him, siguro minsan pag-usapan nyo rin yung mga bagay na yan. ask mo sya kung bakit nya nagawa yun para atleast you know how to improve yourself & your relationship, sis. :) i hope maging totally okay na kayo, i wish you luck sis! godbless sa fam mo =)
« Last Edit: June 01, 2012, 02:48:55 am by dumpee.o13 »

jenybasti

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #181 on: April 09, 2012, 12:54:32 pm »
^thanks. nakapagchat na kami kanina lang.nagtanong lang ako ng mga ilang bagay.yun inamin na din nyang may nangyari sa kanila pero once lang daw, ayun tumindig ang balahibo ko to think na nasa mid east country sila nagawa pa nila yun.ask ko din gano na sila katagal mga 2 months daw, kamusta naman yun. mag 3 months pa lang kaya ako nanganganak.pero feeling ko hinde lang 2 months yun.malamang buntis pa ko nung naging sila.grabe,ang sakit sobra.sana makalipat na sya ng store para magkalayo na sila.
tungkol naman dun sa fb na ginawa nya na naka name sa kanilang 2.di ko direktang sinabi sa kanya na idelete nya yun.nung nagtxt ako sabi ko sana idelete  nya na yung mga dapat idelete.sana magets nya at sana gawin nya.pag ginawa nya yun mababawasan pag-alala ko.alam ko di pa ko dapat magpaka kampante.napagkasunduan namin na di na namin pag uusapan yung tungkol sa bagay na yun.i hope and pray na sana talaga wag ng maulit yun.sana totohanin nya mga sinabi nya.

dumpee.o13

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #182 on: April 10, 2012, 01:45:18 am »
^ good luck sis! godbless sayo & sa fam mo.. =)
« Last Edit: June 01, 2012, 02:52:16 am by dumpee.o13 »

jenybasti

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #183 on: April 10, 2012, 10:21:47 am »
^ kung titignan parang ok na eh no.pero pag nag chat kami alam kong may mali pa din.kahapon nung nagtxt sya na sorry mahal na mahal ko kayo may iloveyou sa dulo.pero nung nag chat kami di nya ko sinasagot pag sinasabihan ko sya ng iloveyou.dedma lang sya.tapos napaka serious pa ng mukha nya.natatakot ako.baka may feelings pa sya dun sa babae.paulit ulit ko na nga lang binabasa yung text nyang yun para gumaan pakiramdam ko.ang daming pag aalala sa utak ko.lalo na magkasama sila sa work.pano ko malalaman kung anong nangyayari sa kanila dun.grabe,nakakapraning.dasal na lang ako ng dasal.alam ko 6 months pa bago mag endo yung babae.asawa ko naman baka next year pa umuwi.sana nagsasabi sya ng totoo.yun na lang ang pinanghahawakan ko.:(

ettevyvi

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #184 on: April 10, 2012, 10:42:10 am »
^ sis, be wary of his actions, not his words. Its very to easy to say he won't do it, i love you and he'll never do it again. Kailangang ma-work out nyo yung constant communication dahil malayo kayo. He needs to call if possible everyday just to show how sincere he is.

Minsan kasi, pag tinaggap natin ang isang taong nagloko sa atin, tinatanggap natin kung ano sila previously. Iniisip nila na, tinanggap naman nya ako ngayon dati, Im sure kahit gawin ko to, okay lang kasi tatanggapin nya ako ulit.

dumpee.o13

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #185 on: April 11, 2012, 12:36:38 am »
^ sis, be wary of his actions, not his words. Its very to easy to say he won't do it, i love you and he'll never do it again. Kailangang ma-work out nyo yung constant communication dahil malayo kayo. He needs to call if possible everyday just to show how sincere he is.

Minsan kasi, pag tinaggap natin ang isang taong nagloko sa atin, tinatanggap natin kung ano sila previously. Iniisip nila na, tinanggap naman nya ako ngayon dati, Im sure kahit gawin ko to, okay lang kasi tatanggapin nya ako ulit.

^ yeah, i agree w/ you sis. minsan pag may ginawang mali satin yung tao, tinatanggap natin at iniisip nila na okay lang satin yung ginawa nila pero that should not be the case. we should show them what should've been done, na mali yung ginawa nila at di na dapat ulitin pa. we should be firm na dapat magbago sila kasi kung hindi, walang learning sa relationship. pauli-ulit lang na mangyayari yan kaya nga as much as possible, dapat pinag-uusapan ang mga bagay-bagay. mag-set ng expectations sa isa't-isa. kelangan yun para mag-grow tayo as a person and also para maagkaron ng learning sa relationship. sis jenybasti, i really hope the best for you and your family. sana magtino na nga yung hubby mo kasi kawawa naman kids mo. prayers lang talaga yan sis, kaya mo yan. stay strong, godbless =)
« Last Edit: June 01, 2012, 03:30:05 am by dumpee.o13 »

jenybasti

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #186 on: April 11, 2012, 08:10:07 am »
^ ang hirap kasi magkalayo kami.di kami makapag usap ng maayos.mukhang di pa nga sya tumitigil.ewan ko lang yung babae.may ginawa kasi akong fb account pretending to be someone else and naging friend ko na dun yung babae.kanina lang nung chinek ko may comment lang naman yung asawa ko na iloveyou bhe dun sa isa sa mga wall post nung babae.pero wala naman sagot.mga 2 hours ago pa lang yung comment na yun.samantalang di pa sya nagtext sakin.sabi ko sa kanya pagtapos na work nya magtetxt sya.di ko na alam gagawin ko.ayoko muna syang sitahin.ano kaya magandang gawin.hayaan ko na lang muna.kayanin ko na lang muna hanggat makakaya ko.tipong pa martir effect muna.i'm still giving him kasi the benefit of the doubt eh.na kasi nga magkalayo kami.tapos,kasama nya yung babae dun.ang daming gumugulo sa isip ko.tapos dito sa bahay di ko masabi kung ano pinagdadaanan ko.kasi syempre siguradong magagalit sila sa kanya.ayoko namang mangyari yun.kahapon sa anak ko sinabi ko.sabi ko sa kanya wag na lang muna sya maingay.eh parang wala lang sa kanya lalaki kasi di nya pa din masyado nagegets.puro laro nasa isip ng batang yun.basta tinanong ko lang sya na pano pag tinanong ng papa mo kung ok lang na maghihiwalay na kami,ano sasagot mo?sabi nya ayaw daw nya.
ang dami kong iniisip.ang daming WHAT IF sa utak ko.ang daming SANA pag nag pepray ako.naisip ko din na pag nakipaghiwalay sya sakin uli di na ko papayag.sasabihin ko sa kanya na di pwedeng maghihiwalay kami ng di nag uusap ng personal.kung pwede ko lang sya pauwiin ngayon na.o kung pwedeng puntahan ko sya dun agad agad eh ginawa ko na :(

dumpee.o13

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #187 on: April 11, 2012, 09:00:40 am »
^ naku sis, kung may comment pa ngang mga ganun e di pa nga tumitigil yung asawa mo. naku! sorry sis, pero ang iniisip ko baka naman palabas lang nila sayo na hindi na sila para di ka manggulo, di kaya? ang hirap ng situation mo kasi malayo kayo at sila ang magkasama. wala ka talagang magagawa kahit gustuhin mo. pero pwede naman siguro kayong mag-usap sa fone ng seryoso dba? wag lang puro chat & text messages kasi mahirap yun. iniisip ko sis, na kung hahayaan mo sya sa ngayon e pano mo matatama yung mali nya habang maaga pa dba? baka kasi mahuli na ang lahat sis.. :( but i really hope maayos nyo pa yan, clear communication lang talaga. pray lang lagi sis, it helps. i hope everything will be fine sooner. godbless sis!
« Last Edit: June 01, 2012, 03:45:09 am by dumpee.o13 »

jenybasti

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #188 on: April 11, 2012, 09:43:01 am »
^ sobrang hirap talaga.mag iisip muna ko.need ko pa ng madaming madaming advice.ang sakit :( gusto ko lang din talagang mapatunayan kung yung babae tumitigil na talaga.

FOURever

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #189 on: April 11, 2012, 10:03:58 am »
^sis, hindi assurance na yung babae ang umiiwas na. I mean, oo sige. Pero yung asawa mo yung nagpipilit eh.. Hindi naman yung babae yung asawa mo di ba?

Sana magets mo ako. Parang ganito, ano mas gugustuhin mo:

-mister mo nagpipilit sa kanya, iba sinasabi sayo, pero wala ka PANG nakikitang response nung girl, or;
-yung mister mo umiiwas at di pinapansin yung babae na nagpipilit sa kanya?

Kung mapatunayan mo man na umiiwas yung girl sa asawa mo or hindi, ano naman ngayon? Eh yung asawa mo yung may mali. Kung hindi na nagrerespond yung girl sa kanya, sa tingin mo siya lang ba babae sa lugar na yun? Pwede nya rin gawin yan sa iba.

Or baka pwede nga sa messages sila nagsasagutan not sa fb walls.

jenybasti

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #190 on: April 11, 2012, 10:13:21 am »
^ actually naisip ko din yan :( ano kaya magandang gawin?awayin ko asawa ko.honestly.natatakot ako sa mga pwedeng mangyari :(

FOURever

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #191 on: April 11, 2012, 10:17:44 am »
^alam ko mahirap pinagdadaanan mo.. Kung di siya magparamdam sayo, eh di wag mo pansinin. Wag mo awayin. Cold treatment na lang kung tumawag or whatever, siguro naman mapapansin nya yun. Kung hindi, makapal na asawa mo. Pero ikaw bahala sa desisyon mo sis, kung magbubulag bulagan ka dyan.. Kung kakayanin mo at dun ka magkaka-peace of mind eh di go.. Pero ikaw lang masasaktan kung yan ang pipiliin mo, keep that in mind.

ettevyvi

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #192 on: April 11, 2012, 01:01:24 pm »
Unfortunately, he will never change. He's clearly lying. Benefit of the doubt is only applicable to those who are worthy. Obviously, your husband isn't. Either you breakaway from him, or you stay, and just get hurt over and over and over. They always say being miserable is a choice. And I agree with it.

The signs are already there. He doesn't desreve any chance AT ALL. He will not get what you say, dahil nga isa syang... Anyway, if you want him to understand, you SHOW it through ACTIONS, not words. Hinding hindi makikinig yan I'm telling you.

Would you rather be complacent and be hurt? Or be with the comfortable unknown? Its your call. We can say what we want, pero its still up to you.

jenybasti

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #193 on: April 11, 2012, 09:08:01 pm »
^^ siguro nga cold treatment na lang muna.tignan ko lang kung hanggang kelan kami makakatiis.kaya lang iniisip ko,baka mag enjoy ng tuluyan pag di ako nagparamdam :(
hayup na yun.pinapahirapan ako.kung nandito lang sya sinumbong ko na sya sa kuya ko pati sa mga pinsan ko na barkada nya.malamang pagulpi ko sya ng matauhan.
thanks sa mga reply mga sis.kahit papano,naliliwanagan ako...

Serena.

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #194 on: April 30, 2012, 01:11:26 am »
3rd party.

redsh0es

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #195 on: November 16, 2012, 05:37:29 pm »
fall out of love :(

france0220325143

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #196 on: November 16, 2012, 06:39:55 pm »
irreconcilable differences, immaturity

@sis jenybasti, why don't you just give him up? you can live your own life naman siguro and obviously, your husband is not being loyal to you. let him go, sis. advice lang... give yourself a piece of mind and a chance to be happy na rin.. malay mo, hindi talaga kayo... eto po ay opinion ko lang...

tey_roch19

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #197 on: November 17, 2012, 12:28:30 am »
3rd party.

jw.ramos

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #198 on: November 20, 2012, 12:50:20 am »
   hi im new here... gusto ko na topic na ito kase sobrang sad ako about sa hiwalayan namen ng ex bf ko...  :( nangyare to last month.... kase may third party di ko alam kung ako ba yun dahilan or yung gf nya.... ang gulo ko noh mga sis? :{ kase naman yun ex bf ko sabi nya wala na daw sila nung ex nya nung time na kame pa nun.. after 3months dumating na yung ex nya dito sa pilipinas yung girl na yun nag wowork sa ibang bansa kase... wala akong kaalam alam na sila pa pala nung ex nya... at yung girl pa ang tumutulong sa ex ko mag pa aral... lahat sustentado sya....  :P nice noh??? at yun nga pagdating nya dito sa pinas nag text ako sa ex ko umaga un sabi ko "good morning mahal ko" then nag reply yung girl sabi nya "sino ka bat tinawag mong mahal yung bf ko?" ooouuuccchhh talaga....  :( di ko alam gagawin ko nung time na un sobrang nanginginig ako gusto ko sugurin sila alam mo yun feeling na may kasama yung ka relasyon mo sa bahay pa nila natulog yung girl!!!  >:( ayun nagpakilala yung girl na matagal na daw sila ng ex ko almost a year na daw sila... ok na yun sa akin pinabayyan ko na lang sila... at saka di  na rin mag wowork yung rel. namen ng ex ko nung time na yun.... and after breakup mga 2 weeks pa lang, bumalik sa akin yung ex ko pinuntahan nya ako dito sa condo ko... yun nga nag sorry sya ng madami... tinanggap ko naman at gusto nya maging friend pa rin kami... ok naman sa akin, ang nakaka guilt lang kase pumapayag pa ako na makipag sex sa kanya kahit na may gf na sya...  :( ang masakit dun habang nag sesex kami yung name ng girl ang binabanggit nya kaya di natuloy yung sex namen binugbog ko sya talaga... pero in the end ok kami ng girl ng ex ko now.... binabalitaan nya naman ako kung ano nangyayare sa kanila....

piatos

  • Guest
Re: Reasons for breakup
« Reply #199 on: November 22, 2012, 09:48:58 pm »
^ang sakit na iba yung binabanggit ng ex mo..pag ganun gusto ko syang patayin.   

ako naman hindi pa ako nakakapagmove on halos 3 months na..Ang pinagawayan namin yung sa pagiging breadwinner nya at sa plano naming pagpapakasal.  Siya ang nakipagbreak sakin.  Sobrang sakit nun haay tapos nakikipagbalikan sya kaloka!  Hindi ko alam kung ano gagawin pero naisip ko sobrang sakit na yung ginawa baka sa susunod gagawin nya ulit yun.  Tapos, may isang friend nagsabi sakin baka sinusunod mo lang payo namin sayo pero deep inside mahal mo pa rin sya.  Sa totoo lang nainis ako sa friend kong yun kasi tama siya until now mahal ko pa rin sya pero ayaw ko isipin ni ex na mahal ko pa siya.  Dati kasi pag nagkakagalit kami madalas ako unang sumusuyo and sabi ng guy friend ko mali yung ginawa ko kasi pinakita kong mahal na mahal ko si ex kaya lumaki ang ulo.   I think tama siya.  Kahit gustong-gusto ko makipagbalikan kaso natatakot na ako.  Halos 1 month din ako umiiyak nung breakup namin ang tagal na rin namin 5 years na.  Nasa abroad din sya kaya hindi ko matiyak kung sincere ba talaga sya sakin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close