Hay. Ganun talaga. Mas nahihirapan mag-move on yung mga iniwan/na-left out, yun tipong alam mong he's happy na with somebody else or with his life now without you, habang ikaw eto pa rin, picking up the pieces na nawala nung iwan ka nya..
Ako hindi pa. 2weeks palang naman kasi kami break.
Mababaw lang din dahilan ng break up namin. Simpleng awayan lang, pero nadadalas. Ayun, nakita kong umayaw agad sya. Baka nawalan ng amor, baka naisip nyang he don't wanna end up with a bratt girl like me na mahilig mang-away, effortless, not affectionate, not appreciative, and all. In short walang kwenta. LOL. Ewan ko ba, nasa genes ko na yata yon.

Kasalanan din naman nya kasi ini-spoiled nya ko.
I tried to fix it pero he keeps on telling me na he needs time daw. And so I decided to suggest a break up, akala ko pipigilan nya ko, akala ko after ilang days marerealize nya yung kawalan ko, pero hindi pala.
Sabi nya naguguluhan na rin daw sya sa sarili nya, feeling nya daw things wont be the same if ever magkabalikan kame, baka hindi na rin daw kami maging masaya. He said pa na we can still see each other and be best of friends. One of these days daw magkikita pa rin kami at pupuntahan nya ko pag di na sya busy. Sabi ko ayoko ng ganung set up, parang papahirapan nya lang lalo ako. Gusto ko na mag move on.
Although very short lang yung naging realtionship namin (lasted 2mos.) I can say na sya talaga yung minahal ko ng sobra at sobrang naging attached ako sa kanya. Sya lang kasi yung nagparamdam sakin ng ganong klaseng affection/love/effort. Siguro dahil after few bf's, ngayon lang ako naging desidido na maging mature, ngayon ko lang sinabi sa sarili ko na "Yes, it's gonna last..". Ngayon lang ako nagsama at nagpakilala ng bf sa friends ko at sa dad ko. Basta madami akong first time na sa kanya ko lang ginawa mula nung naging bf ko sya. Pero wala pa rin pala eh.

Buti pa nga kayo sisses kino-contact pa kayo ng ex's niyo. Ibig sabihin lang nun their life aren't the same without you. Andun pa rin yung desire nila, hindi man to be with you, eh at least to keep in touch with you. Samantalang ako, ni blankong text wala. Though di na rin naman ako umaasang itetext/pupuntahan nya pa ko. Mukang happy naman na sya eh.
Pero siguro okay na rin yun. Mas madali ako makakamove on pag ganitong wala na kami communication. Pati sa FB binura ko na rin sya, bitter na kung bitter, if that's the only way na makakamove on ako. Besides, I can add him up naman ulit kapag everything's fine na

Ngayon, I have this new guy na nagpapasmile sakin. Although di ko pa rin nakakalimutan si recent ex, I'm looking forward to know this new guy more

Ayoko madaliin. Ayoko rin kasi pumasok dun sa rebound relationship na tinatawag. I've been there and nahirapan lang ako kasi di naman ako naging masaya, tapos nakasakit pa ko.
Minsan di ko maiwasan ma-compare si new guy kay recent ex. Sobrang secured lang kasi ng feeling everytime I'm with my ex, parang everything seems to be perfect. Palagi syang on-the-go, palagi kami nagkakasama, hindi nya pinapalampas yung isang linggo na hindi kami nagkikita. Basta sa kanya ko lang naramdaman yung feeling ng totoong boyfriend. Ewan ko ah, ako kasi yung tipo na immature when it comes to relationships eh. feeling ko ang bata ko pa to enter serious kind of relationships, so pabanjing banjing lang ako, pero real love naman, hindi naman ako nakikipaglokohan. Lahat ng relationships ko tumagal lang 2-3mos. Wala nang hihigit pa dun. Minsan nga iniisip ko may sumpa eh, LOL. Kala ko si recent ex na yung makakapag-break ng spell.

Pero I rly thank the Lord kasi mas gumagaan loob ko dahil alam kong meron kagad na taong handang mag-alaga sakin after the heart break na pinagdaanan ko 2 weeks ago.
I know, there will always be a rainbow after the rain.ΓΌ
GOD BLESS YOU, sisters!
EDIT: Eto na nga ba sinasabi ko. Tinatawagan na nya ko ngayon and telling me na he still love me. Ano gagawin ko sisters? Pano si new guy?
