Nakakaiyak naman ang thread na to
I know it's really hard mawalan ng minamahal sa buhay.. I also have an experience of losing someone.. I know it's very painful

. Lalo na kapag nakikita mong nahihirapan tapos wala kang magagawa.
here's my story:
Manila based po ako because of work, my family was in the province kaya noong mga panahon ng trials na ito wala po ako doon..
It was mid 2008, nang simulang mararamdaman ng brother ko iyong pananakit ng kanang tagiliran niya. At first, sabi niya pasumpong-sumpong lang so binalewala lang niya iyon hanggang sa dumating iyong time na hindi na daw niya halos kaya iyong sakit. So my mom decided to pacheck up him pero laking taka nila kasi wala namang nakitang problem. Binigyan lang kuya ko ng mga pain killer drug baka daw pananakit lang ng tiyan.. Lumipas mga araw, padalas na ng padalas iyong sumpong so pa second opinion ulit sila, ganoon pa din po sabi ng doctor, walang problema. Kahit pa 3rd opinion na, talagang walang nakitang sakit. Kaya they keep on wondering.. anong dahilan?
Eh sa province, uso po iyong mga "evil forces" like enkanto, kulam etc. etc. kahit hindi naman kami talagang naniniwala sa mga ganoon, mapagaling lang ang kuya ko napipilitan ang mom & dad na lumapit sa arbularyo. Effective naman po dahil after mapagamot, gumaling si kuya, naging active siya, back to normal ulit siya. Ang sabi nga parang nakulam daw.. we don't know how true na ganoon nga, my parents agreed na lang kasi at that time, noong pinagamot naman siya ang gusto lang nila o namin, gumaling siya. Mahirap kasi pag nakikita siyang sinusumpong talagang namimilipit daw siya sa sakit according to my mom. So iyon na nga gumaling siya, naging health conscious na din siya..
Late january 2009, eto na, until now pag naiisip ko napapaiyak talaga ako. Nabugbog po ang kuya ko, nakursonadahan daw. ayun.. napuruhan iyong kanang tagiliran niya.
He was admitted at the hospital right away and they all got shocked of what the doctor have to say, my brother was diagnosed by kidney cancer daw. Ang masaklap pa stage 3 na kaagad siya at that time. So of course we are all in tears, we keep on crying crying crying and asking bakit ganoon? Nagtataka na rin bakit noong mga nakalipas na mga check up hindi nadedetect iyong cancer. Bilib lang din ako sa fighting spirit ng kuya ko, sa kondisyon niya na iyon siya pa daw ang may lakas na loob na magpapatawa sa parents ko. Laging nagsasabi na it's not too late pa daw, may paraan pa.. Basta po, siya pa iyong nagcocomfort.
So after he was diagnosed of cancer, the doctor asked him daw if he wanted to undergo chemo therapy, he said, ayaw niya. He was scheduled by operation, ipatanggal na lang daw iyong right kidney niya (w/c was really affected.) Ito lang talaga ang hindi namin maintindihan coz everytime na ooperahan na sana siya, laging may nakikitang complication.
Like Feb. 2, 2009: May fever siya so hindi muna ooperahan antayin daw gumaling. Reschedule ulit.
Feb. 16, 2009: Nagka-diarrhea naman siya.
March 2 2009: Nagkaroon na daw ng tubig iyong lungs.
Hanggang sa hindi na talaga siya naooperahan.
Sabi niya uwi daw muna sa bahay dahil lalo lang siyang manghihina sa ospital. So inuwi.
April 2009: my mom and younger sister told me start na daw ang pagbagsak ng weight ni kuya, we all suggest na paospital ulit namin siya pero ayaw na niya. Mas gusto pa niya sa albularyo, sumisigla daw siya. Kaya ayun, naghahanap ang parents ko ng magaling na albularyo talaga. Naka 5 yata na albularyo, lahat sila iisa lang ang sinasabi hindi iyon cancer, nakulam daw siya. So pinagamot ng pinagamot may times na gumagaling naman.
May 2009: We got the chance na magkita ulit after 1 year and a half. As I was entering his room, that's the first time I saw him cry, that's the first time also mom saw kuya breaks down. na ikinaiyak din ni mommy kasi he knows kuya as fighter daw talaga simula noong magkasakit siya. never daw niyang nakitang umiyak, noong time lang daw na iyon. I also breaks down na din, though I'm crying na at feeling ko di ko kayang tingnan siya(he really changed a lot, super payat and hirap huminga tapos laging dumadaing sa sakit) I'm trying to comfort him pa din, I said, kuya, why so emotional? You should be happy, I'm home. Then he grab my hand and he said, "buti nagkita pa tayo." So ciempre sabi ko naman don't say that, gagaling ka pa. Don't lose hope, everything will be fine... and so on, and so on..
Alam nyo po during my stay there, talagang nagpapasilbi siya sa akin, super touch ako talaga kasi before naman hindi siya ganon kalambing to me, in short hindi kami close. Kahit pagpapaligo niya, gusto niya ako gumagawa, nagpapakain sa kanya basta lahat ng pagsisilbi gusto niya ako gumawa.
Though noong time na iyon ayaw ko mang isipin pero nafefeel ko ng hindi na siya tatagal nakikita ko pa din will power niya na gusto pa talaga niyang mabuhay, gusto talaga niyang gumaling kahit hirap na hirap na siya. Super kawawa nga eh, I remember him saying pa nga "gagaling pa kaya ako" tapos maluha-luha, talagang parang tinutusok din ang puso ko, ang hirap talaga.
Pero fighter talaga siya dahil at that time ayaw ko ng bumalik ng maynila. What I wanted is doon na lang, kasi ayaw ko mamissed every single day.. pero he convinced me na bumalik na lang kasi sayang ang work, wag ko daw siya alalahanin dahil gagaling din siya, he promised me na ok lang daw.. So I packed up my things and bumalik na.
June 2009: Kala ko may improvement though nakahiga pa din siya, dahil nakakapagchat na siya at lagi na din kami nag-uusap unlike dati na hindi daw niya kaya. Lagi siyang may hinihingi sa akin na labis ko namang ipinagtataka dahil iyong mga hiningi niya unusual.. like white shirt puro ganoon, so ako naman, bigay lang din ng bigay.
July 02, 2009: my mom's celebrating her birthday, kuya was the one daw na magpacater, siya daw naglilist ng mga ulam na oorderin, and iyon daw ang pinakahuling nakita ni mom si kuya na masaya kahit nakahiga lang.. Pinabayaan lang daw nila.
Morning of july 03, kuya made lambing to mom and dad daw, he even kissed mom & dad's cheeks.. Then daddy naiyak na daw, sabi daw ni dad "son be strong," kuya answered daw "hindi ko na kaya dad, let me go, isinuko ko na ang lahat sa diyos, hirap na ako so kung anuman ang mangyari then so be it I'll respect his will." Nag-iyakan na naman daw sila then mommy said we're not yet ready, you're too young pa na mawala sa amin, please hold on..(he's only 26 yers old) kaya mo iyan, kaya mo iyan", So nagbiro pa nga daw sabi, hindi pa, prinaktis ko lang kayo"...
Ayon.. UNTIL........
july 03, 2009 at exactly 11:00pm, he passed away na, no joke.! Bumahing lang daw tapos iyon na..
Actually 1 hr before he died, 10:00pm to be exact I had a chance pa to talk to him, pero hindi ko akalain na iyon na pala ang huli naming pag-uusap. pag naalala ko iyong huling bye niya na 3 times pa niya inulit, naiiyak ako actually kahit ngayon habang sinusulat ko to.. I'm crying!
"wherever you are now kuya, hope you may rest in peace na"..

it's painful talaga..
kaya bago maging huli ang lahat iparamdam niyo na sa mga mahal niyo na mahal niyo sila..
Thanks for your time reading this, pasensiya na kung napahaba..
Again, thank you po!