watch now

Author Topic: Best Location/Place to get a House (within Metro only)  (Read 160001 times)

m_lim

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #280 on: June 23, 2014, 07:06:21 am »
familiar ba kayo sis sa Bonifacio Village? 13t/ sq lang kasi doon. sa loob siya ng mira nila.

2 gates niya. di ko lang alam saan tagusan nung 1. pero yung sa 1, sa mira nila congressional gate ka talaga papasok so mag iiwan ka ng I.D.

ang di ko lang masyado gusto, walang masyadong bahay. gusto ko sana madaming kapitbahay na e.

coldsiren

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #281 on: June 23, 2014, 12:55:04 pm »
^hindi pa ako nakapasok sa bonifacio village pero taga mira nila ako. Once maging resident ka ng bonifacio village, pwede naman kyong kumuha ng car sticker para makadaan sa mira nila na di na nag iiwan ng id sa gate. Sa case namin may car sticker din kami ng tierra pura phase 1 para mabilis kaming makalabas sa tandang sora at maka iwas sa traffic.

Baka yung isang gate ng bonifacio village sa bandang luzon area na malapit.

Sweet Angel, yung citihomes ba nasa gitna ng congressional ave ext at mindanao ave? Yung malapit sa tapat ng robinsons at sm hypermart? Yan ba yun? Di pa ako naka pasok sa citihomes, pero kung yan nga yun ang masasabi ko lang ay matraffic dyan kasi masikip yang part na yan ng tandang sora. Iniiwasan namin dumaan dyan dahil sa traffic. Yung dona faustina ba along tandang sora bago mag congressional ave ext pag galing ng commonwealth?
« Last Edit: June 23, 2014, 12:58:42 pm by coldsiren »

sweet angel

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #282 on: June 23, 2014, 07:41:46 pm »
^yes sis yun nga :)

san pa ba ok, plano kasi namin halos dyan lang...lapit sa manila saka sa north express way. saka syempre me ok na school na malapit :) any idea kug magkano?

bpa

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #283 on: June 23, 2014, 10:09:15 pm »
feedback din please.  binabaha ba sa grand monaco palatiw pasig?
Yup, both during ondoy and habagat.

coldsiren

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #284 on: June 24, 2014, 02:46:16 pm »
^yes sis yun nga :)

san pa ba ok, plano kasi namin halos dyan lang...lapit sa manila saka sa north express way. saka syempre me ok na school na malapit :) any idea kug magkano?

Sorry wala akong idea kung magkano dyan. Pero kung ako ang pipili based lang sa location mas preffered ko yung Dona Faustina. Pero sana yung malayo sa creek yung bahay. Kasi yung creek na nakita ko sa map ay connected sa creek na umaapaw sa Tierra Pura Phase 1 at Dominic 4. Sa pagkakaalam ko umapaw yung creek pero di naman sobrang lamin na lagpas tao. Hindi lang passable sa cars yung lalim ng tubig at yung affected yung mga nasa immediate area lang nung creek, di yung buong subdivision.

Matagal na akong di nakakapasok ng Dona Faustina pero mukanag tahimik naman. Kya ko preffered yung Dona Faustina dahil matraffic masyado yung area ng Citihomes. Tapos feeling ko magulo kasi ang daming sasakyan dun at maliit lang yung Kalye. Yun nga lang pag sa Citihomes kyo mas conveniet kasi parang paglabas ng Citihomes may Sm Hypermart, Robinsons, Tandang Sora Market at may private school na dyan. Pag sa Dona Faustina kyo yung grocery at school pupuntahan nyo pa talaga. Pero madali naman mag commute from Dona Faustina kasi may jeep at tricycle naman sa Tandang Sora. Kung may car ka, wala kang magiging problema sa pag punta sa school at grocery.

 Mas malapit nga sa Mindanao Ave ang Citihomes, pero dahil sa traffic baka pumunta pa din kyo sa Congressional Ave para makarating sa Mindanao Ave para sa NLEX.

In terms of private coed schools, may school sa Visayas Ave, Congressional Ave, Mindanao Ave, Tandang Sora. Pagkakaalam ko may malapit na school sa Citihomes, parang malapit din yung school na yung sa Himlayan (cementeryo). Basta in terms of schools, madaming schools na malapit dito. May schools sa Don Antonio Heights, Commonweath, Katipunan at Teachers/UP Village.

sweet angel

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #285 on: June 24, 2014, 11:36:42 pm »
^ maraming salamat sis.

isa pa... me sinabi din yung pinsan kong binebenta sa royal homes tandang sora, familiar ka ba dun?

coldsiren

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #286 on: June 26, 2014, 12:51:18 am »
^ hindi ko po alam kung saan ang royal homes talaga. Nag google ako may lumabas na Royal Homes, Sapphire St., Gloria IV, Tandang Sora. Yan po ba yun? Based sa location sa map malapit sya sa Himlayan Rd., so malapit yan sa Himlayan Memorial Park kung yan nga yun. Mas malapit sya sa Congressional Ave Ext., compared to Citihomes. Hindi pa po yata ako nakakapunta dyan sa area na yan. Pero malapit lang yan sa amin kasi dikitdikit yung mga subdivision dito at minsan dinig namin ang speakers ng Himlayan pag Undas.
Like Citihomes matraffic dyan. Pero once malaman nyo yung daan kung paano maiwasan yung Tandang Sora na matraffic I guess ok na. Yung Citihomes pala malapit sa Visayas Ave na part ng Tandang Sora, kung matraffic dyan pwede kyong lumabas sa Visayas Ave para pumunta ng Congressional Ave, then mag Mindanao Ave para sa NLEX exit.

sweet angel

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #287 on: July 03, 2014, 12:25:18 am »
^ thank you sis  :)

phexchanger

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #288 on: July 03, 2014, 09:22:51 am »
sis ghye, how much naman per sqm sa AFPHOVAI? ilang sqm ang cut ng lot? thanks.  :)

Walang specific na cut ang lots sa loob mismo ng AFPOVAI pero pag umikot sa loob, may mga paisa isang properties na binebenta. On the way to our house, may mga ginagawa pa lang na townhouses at iyong iba naman, medyo matagal ng gawa but still for sale. Sa mga natanong ko at isinama sa listing, nasa 3M to 6M ang properties. Maganda dito kasi mataas ang location, and there are already private (montessori) schools inside. Banks and fastfood chains are just outside the village, and 1-ride to Market Market or SM Aura or Guadalupe MRT.


m_lim

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #289 on: July 09, 2014, 02:33:07 pm »
5 weeks na kaming umiikot sa congressional / mindanao area. ang hirap maghanap ng lot na pasok sa budget (25k/sq or less)


ang mamahal na pala diyan sa Congressional (town & country, congre village, etc.)

familiar ba kayo mga sis sa Villa Firenze? okay ba doon?

coldsiren

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #290 on: July 11, 2014, 08:13:33 pm »
^ sa loob yan ng Tierra Pura Phase 1. Muka namang tahimik dun everytime na pumupunta kami. I'm not sure if there's another way to enter Villa Firenze. Since sa loob pa ng Tierra Pura yan, kailangan bumili annually ng car sticker ng Tierra Pura para di na mag iwan ng ID. Walang tricycle sa Tierra Pura. may curfew yung pag pasok sa Tierra Pura for non Tierra Pura residents na may car sticker. But if the only way to enter Villa Firenze is thru Tierra Pura malamang di applicable yang rule na yan.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #291 on: July 11, 2014, 09:28:10 pm »
Bf said sa kapitolyo pasig and dun sa qc na puro scouts.

m_lim

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #292 on: July 13, 2014, 09:34:49 pm »
^^thanks sis coldsiren. may nadiscover pa kaming village today. Maries Village sa loob ng Mira nila. mas gusto namin diyan sa maries kesa villa firenze. sana makahanap kami ng lot

coldsiren

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #293 on: July 14, 2014, 11:42:18 pm »
^Malapit lang yan sa bahay namin kya lang never ko pa napasok yan. Tanaw ko lang yung malaking bahay dyan. Daanan ng papuntang Maries yung street namin. Pwede kyo dumaan ng Mira-Nila pagpasok dyan at pwede rin sa Philand-Tandang Sora. Kuha lang kyo ng sticker from Mira-Nila pag lipat nyo dyan para di na kyo mag iwan ng ID sa guard.


m_lim

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #294 on: July 16, 2014, 06:10:18 pm »
^thank you sis! sa Villa Firenze na kami. tahimik at ok ang community. :)

m_lim

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #295 on: July 19, 2014, 08:32:55 am »
so so sad, ready na sana kami mag down for Villa Firenze lot kaso bigla daw nagtaas ng price ang owner. :(

abang abang ulit

phexchanger

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #296 on: July 23, 2014, 10:25:58 am »
^sayang naman sis. Hindi kayo nag inquire sa owner mismo, baka may promo sila or pwede pa kayong i accommodate sa dating price?

juni

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #297 on: August 01, 2014, 07:31:58 am »
If sa Makati ka nagwowork, maganda kumuha ng bahay sa Taguig or Mandaluyong para mas malapit.  Mas prefer ko ang Taguig, madaming dinedevelop dun ng DMCI and Camella and ng iba pang private developers, and relatively tahimik naman dun.  Okay din sa AFPOVAI kasi ang lapit lang sa BGC and Makati, maraming schools din na malapit.  Pili lang kayo ng magandang area, maraming phases kasi ang AFPOVAI, and yung iba dun e madilim and hindi ganun kaganda.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #298 on: August 15, 2014, 10:59:19 pm »
^sis sa AFPOVAI namin plan ng husband ko kumuha ng lot/house and lot. Saang area ang mga ok kaya?

juni

  • Guest
Re: Best Location/Place to get a House (within Metro only)
« Reply #299 on: August 16, 2014, 10:52:36 pm »
^ Naku, sorry sis, di ko na maalala yung ibang phases ng AFPOVAI.  Ang ayaw ko is yung phase na katabi ng TESDA, Phase 3 ata yun, yung lalabas ka pa ng gate ng Phase 2 or 1 ata yun tapos magtatravel ka along an access road sa Skyway para makarating ka sa gate ng phase na yun.  Madilim kasi dun pag gabi, and may area dun na parang squatter yung mga bahay.  Pumunta ako dun one time na gabi siya, tapos may mga lalaking unkempt na nakatambay sa kalsada, umiinom.  E ang dilim pa, nakakatakot.

Yung Phase 2 medyo okay pa, lalo na yung part na mas malapit sa gate and sa main road that runs in the middle of Phase 2.  I suggest sis na you look around during the day, tapos when you've narrowed down your selections e try visiting the areas at night para mas makakakuha ka ng complete picture.  May areas kasi away from the main road na kulang or sira ang streetlights so madilim, and yung ibang roads away from the main route e hindi pa sementado, rough dirt road lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close