watch now

Author Topic: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)  (Read 294524 times)

Anne_Ponce

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #240 on: January 11, 2013, 03:28:04 pm »
Hi mga sis..ask ko lang saan nakakabili ng gastrocare...atake na naman gerd ko..nag cacramps na ang tiyan...back for medication na naman ako for 2 weeks(NEXIUM) tapos gaviscon antacid kasi may cramps na akong nararamdaman...

aninej

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #241 on: January 15, 2013, 05:54:26 pm »
Hi mga sis..ask ko lang saan nakakabili ng gastrocare...atake na naman gerd ko..nag cacramps na ang tiyan...back for medication na naman ako for 2 weeks(NEXIUM) tapos gaviscon antacid kasi may cramps na akong nararamdaman...

sis mercury drug, 18 pesos isang capsule.

aninej

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #242 on: January 16, 2013, 04:16:30 pm »
^sis kahit hindi ka na mag take ng ibang medicine na nabangit mo kasi ito rin lang ang tinake ko nawala na ang madalas na pag burp at pangangasim ng sikmura ko, continuous mo lang i-take for 2weeks at kailangan tama ang pag take.

aceacia

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #243 on: January 24, 2013, 01:57:57 pm »
Mga sis,

Ako naman nakakaranas ng ganito:
-blottedness
-kinakapos sa paghinga
-bongga sa pag burp ng pag burp
-parang may naka dagan sa dibdib ko
-may time pa na pag lulunok ako kahit tubig eh parang may madadaanang nakabara sa dibdib, pero nawawala din naman
-light headedness, ito ang nakaka loka! parang walang balanse ang katawan
-hindi ako nakakatulog sa gabi
-yung mga kamay ko madalas pinagpapawisan na medyo nasusuka na pakiramdam

Sino sa inyo mga sis ang nakakaranas ng mga ganito? kaloka talaga! hindi ko alam kung GERD ito! Ok naman laboratories ko like ECG, urinalysis, lipid profile, CBC w/platelet counts ok din naman... hay nakuuuu grabe na talaga.

beachpatrol

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #244 on: January 25, 2013, 08:16:10 pm »
Ako naman Nov 2011 nang makaranas ng super sakit ng tiyan. I was rushed to the ER and yun nga, acute gastroenteritis. Gumaling ako for awhile tapos bandang December, lagi na nangangasim tiyan ko. Hindi ko talaga malaman kung anong nangyayari sakin. Pag sumusumpong para akong bloated na may cramps na parang napopoop na hindi. Ang weird ng feeling.

So ayun nagpacheck up ako tapos hyperaciditiy nga daw. I was on omeprazole for 2 weeks then upgraded to esomeprazole for a month. Kaso di gumagaling. So nagmedicate ako for almost 6 months. Ang gastos talaga. Ang mahal ng Nexium, 100+ per piece.

Nagstop ako nung September and until now ok ako. No pangangasim. Pero kasama nito yung mega lifestyle change. 1 year na akong di nagsosoftdrinks, coffee, juice, citrus fruits, sinigang... Basta lahat ng maasim at maanghang di ko na kinakain. Mapili na ako sa drinks at food. Mahirap at first pero ok na rin kesa bumalik na naman ang sakit.

abuanddiego

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #245 on: January 26, 2013, 03:28:23 am »
^^Lahat sis ng sinabi mo symptom ng gerd, most of us ganyan ang experience. Akala namin before sa heart yung problem kasi mataba ako pero nung nagpacheck Gerd pala sya. Pacheck ka na sis para mabigyan ka ng meds at advice.

^Totoo yung lifestyle change. ako rin umiiwas na sa maasim, caffeine, alcohol, spicy, canned/instant/ready to eat goods, pero minsan di talaga maiwasan kasi magcacrave ka talaga. There was this instance, after months of not taking coffee and tea, naadik ako jasmine tea kasi super sarap nya. At first wala namang problema, tapos nung malapit na ko magkamens, hala vomit,diarrhea, at sinikmura ako for 2 days. Sobrang panget ng feeling as in di na ako makatayo sa kama, wala na talagang energy. After that sabi ko, magpapakabait na talaga ko.

Mga sis pansin nyo ba pag malapit na mens nyo, biglang bumabalik ang gerd? Ako halos ganyan lagi, tapos pag lumabas na ang period nawawala na sya.

nessy

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #246 on: January 26, 2013, 03:41:08 am »
ako naman i always experince hyperacidity. dumating pa sa point na talagang hindi ko na kaya. yung hapdi from my tumy umaakyat pataas sa lalamunan. grabe. what i did, i took omeprazole as per my mom's and tito's advice and mga 1 year siguro ok ako. ngayon, naguumpisa na naman siya. natatakot ako

abuanddiego

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #247 on: January 26, 2013, 04:39:50 am »
^ang sabi, once magkaron ka nito, forever na syang andyan, mawawala pero babalik din pag natrigger. so maganda na alam natin ang trigger factors like the types of food and stress, sila kasi usually ang nagpapalabas ng acid.

beachpatrol

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #248 on: January 26, 2013, 08:43:45 am »
^true. Ako basta maasim or maanghang di ko na kinakain. Pero pag may craving minsan, tikim lang konti tapos inom ng madaming tubig after. Babaguhin talaga nito ang buhay natin.

aceacia

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #249 on: January 27, 2013, 05:46:41 am »
Salamat sa mga reply mga sis.. Eh yung sumasakit ang bandang tagiliran, nasa middle left side nararanasan din ba ninyo na sumasakit dun?

gumball

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #250 on: January 30, 2013, 08:54:48 am »
Hi mga sis, sino po magaling gastroenterologist marecommend nyo?thanks. :)

stfuuuuu

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #251 on: April 14, 2013, 09:33:49 pm »
Up naten to guys, para makatulong sa ibang may gerd. Tanong ko lang guys, kung anung pagkakaiba ng gerd sa acid reflux? O parehas lang sila?

stfuuuuu

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #252 on: April 15, 2013, 01:15:20 pm »
Snong nakatry ng almod milk, aloecure at apple cider vinegar?? Effective ba guys?

gil12

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #253 on: April 16, 2013, 07:54:38 pm »
last week I was taken to the ER dahil sa sobrang stomach ache and chest pain and back pain, nagsuka pa ko twice sa bahay. pag dating sa emergency room todo suka pa rin ako, nakita ko buo buo pa nga ibang food na sinuka ko. nun pag tagal yung suka ko naging color yellow na lang w/c I read online is a symptom of gastritis.. so tama nga diagnosis sakin na gastritis nga, meds binigay through IV and the doctor prescribed me Nexium every morning before breakfast and motilium 3x a day before meals for 2 weeks. may tums din akong ready and buscopan. ang sakit grabe minsan gusto ko ng umiyak talaga sa hirap.. bat kaya ganun binasa ko itong thread from page 1 sa last wala yata nakaka experience ng backpain? hindi rin ako pala-burp.. nun nagstart ako magmedication saka lang ako nagppass ng gas w/c I like kasi ambigat ng feeling sobrang bloated.. may nabasa rin ako blog kagabi malakas nga maka rebound ang mga PPI kaya after 2 weeks di na ko iinom.. puro lugaw lang kinakain ko ngayon, banana and apple.. hayyy sakitt   :'(

stfuuuuu

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #254 on: April 24, 2013, 02:25:43 pm »
Who try aloecure here?? Daming testimonies about that.

childpatron

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #255 on: April 27, 2013, 02:13:20 am »
May thread pala na ganito and as of this writing, may warm bag sa stomach ko ngayon. I've been suffering from abdominal cramps since last night until this very moment pero na lessen na. Sobrang painful talaga nito, pinagpapawisan and naiiyak ako sa pain.  :'(  This is the second time nag occur ito for this year, last time it occured was around Feb 2013.

Im not sure pero twice pa lang ako nagpa consult before and so far mga diagnosis sa akin is IBS and gastritis and was given buscopan for IBS then losec naman yung nag assume na gastritis.

I feel a sharp pain sa abdomen area and when I move too much, its gets worst.
If I lie down in bed naman tapos naka side...mas sobrang sumasakit! so ended up, sitting
sa recliner at dito ako nagrerecover. Di naman ako constipated kasi twice na ako nag eliminate.
I also feel heavy sa chest din, and fast heart beat kapag nag start ma feel yung rising pain na stabbing tapos medyo shortness din sa breath, burping and flatulence. Ito lang symptoms ko so I wonder ano kaya ito.

Nakakapag type ako since I'm on a recliner and mas comfortable and nawawala ang pain if I'm in a sitting position and no movement, very little lang pwede. I took maalox and kremil S kanina, I will take it every 6 hrs kasi I tried buscopan and losec, no improvement man lang.

I'm thinking Gastritis ito since feeling ko puro gas tiyan ko, when I change position while lying down, nararamdaman and naririnig ko yung air sa loob. Haaay, sana maging OK na ako!

aceacia

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #256 on: May 01, 2013, 02:41:58 am »
Ako naman mga sis, kagabi lang, hindi ako nakakatulog at bakit ganun parang nagliliyab katawan ko. Inner. Naka aircon naman kami. Palagi ko nararamdaman ang bloatedness. Ang sharp pains sa chest area. Nararanasan nyo din ba ito? Tapos pagpapawisan na ng malamig, manlalambot ang buong katawan at kakapusin na sa paghinga. Sino po nakakaranas sa inyo ng ganito? Pa comfort naman po sa mga testimonies nyo.tia.

maogirl

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #257 on: May 03, 2013, 01:00:48 pm »
I have GERD since 2 yrs ago and maintenance ko na ang Motilium tablets 2x a day and Losec capsule at night. Before I was diagnosed with GERD, I would feel burning pain on my tummy going up to my chest and akala ko may heart problem ako.

nikki.sim

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #258 on: May 10, 2013, 09:17:16 pm »
Ako naman mga sis, kagabi lang, hindi ako nakakatulog at bakit ganun parang nagliliyab katawan ko. Inner. Naka aircon naman kami. Palagi ko nararamdaman ang bloatedness. Ang sharp pains sa chest area. Nararanasan nyo din ba ito? Tapos pagpapawisan na ng malamig, manlalambot ang buong katawan at kakapusin na sa paghinga. Sino po nakakaranas sa inyo ng ganito? Pa comfort naman po sa mga testimonies nyo.tia.

Normal na sa aking symptoms yang mga yan, sis. GERD sufferer ako since 2009, tapos nagka-panic attacks. Minsan di ko na ma-distinguish kung alin ang nauunang dumating: GERD ba or panic attacks. Pareho na kasi symptoms sa akin. Dasal lang tayo, sis...

aceacia

  • Guest
Re: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)
« Reply #259 on: May 16, 2013, 09:04:38 pm »
Oo nga sis. Di ko na tuloy din alam kung ano ba talaga. Mahirap talagang maunawaan at unawain ang karamdaman na to. Bigla bigla nalang pagpawisan mga kamay at mga paa. Tapos manlalambot kana. Hay naku. Kayo ba?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close