watch now

Author Topic: Ulcer (GERD,peptic,gastritis etc)  (Read 294410 times)

silvermica

  • Guest
Re: GERD
« Reply #60 on: May 18, 2010, 02:48:19 pm »
di daw gerd yung sakit ni hubby mataas lang daw cholesterol. pinabili pa mandin kami ng nexium  ::) buti na lang 10 lang binili namin 1 lang tiake ni hubby.... ano kaya gagawin namin dito sa 9...baka may gustong bumili sa inyo nito?

ok lang sis tago mo nalang yan. magandang gamot talaga ang nexium. medrep ako before ng astra zeneca and proud ako talaga sa nexium. even if siya ang pinaka mahal halos sa lahat ng PPI, siya naman ang pinaka effective. =)

rosey

  • Guest
Re: GERD
« Reply #61 on: May 21, 2010, 11:31:13 pm »
^sis magkano ba ang nexium?

silvermica

  • Guest
Re: GERD
« Reply #62 on: May 26, 2010, 07:27:19 am »
Naku hindi ko na alam current price niya, but I think 20mg is around 90++pesos and the 40 mg 100++

Pricey yes, pero cost effective naman. Mas mabilis mag effect at makagamot compared sa mas murang PPI.

mga kapatid, wag niyong hahatiin ang Nexium kasi masisira formulation niya at hindi na siya magwowork. Nexium kasi is made up of tiny pellets. Kung nagtitipid kayo at nagbabalak hatiin ang 40 mg eh wag na.  20 mg nalang inumin niyo. =))
« Last Edit: May 26, 2010, 07:30:27 am by silvermica »

rosey

  • Guest
Re: GERD
« Reply #63 on: May 26, 2010, 12:27:07 pm »
^ay talaga. i was taking pariet (rabeprazole), almost 100 pesos siya. so makakamura pala ako pag nexium. ill ask my internist if it's ok to switch sa nexium. par amakatipid kahit papano ;D

silvermica

  • Guest
Re: GERD
« Reply #64 on: May 26, 2010, 12:41:52 pm »
^ay talaga. i was taking pariet (rabeprazole), almost 100 pesos siya. so makakamura pala ako pag nexium. ill ask my internist if it's ok to switch sa nexium. par amakatipid kahit papano ;D

Almost same price lang sila halos sis, pero, partial talaga ako sa Nexium (Esomeprazole), ito talaga ang pinaka effective na PPI. Kahit ibang mga med rep noon na nagka acid reflux humihingi sa amin ng Nexium. Hands down maganda talaga Nexium.

rosey

  • Guest
Re: GERD
« Reply #65 on: May 28, 2010, 11:06:15 am »
hindi ko pa nattry ang nexium. pero very effective saken ang pariet. namamahalan lang ako talaga. 210pesos gastos ko everyday para lang sa meds ko for my gerd. sis san ba nakakakuha nung mga discount coupons from manufacturers? ;D

silvermica

  • Guest
Re: GERD
« Reply #66 on: May 31, 2010, 09:16:09 am »
sis makakakuha ka ng mga discount card sa mga doctors, or kung may kilala kang medrep, pwede ka rin hingi sa kanila. Ask your doctor kung meron sila (ideally meron). Pag wala, pa request ka sa kanila para yung mga doctor na ang hihingi sa medrep pag nagkita sila  :) Kung okay ka naman sa Pariet pwede ka rin mag stick nalang dun since dun ka na okay.

Baka kasi malakas rep ng pariet sa MD mo hehe, minsan kasi talaga, ganun yun. Kaya todo effort mga medrep sa mga MD para maprescribe gamot nila.  :P

Len143

  • Guest
Re: GERD
« Reply #67 on: June 03, 2010, 12:30:18 am »
Hay,,, kaya tagal kong naghintay ng ganitong topic sa girtalk. hehe..   First time kong maramdaman heartburn ko nung nagbuntis ako hanggang after manganak. PEro di ko pansin. LAst year mga august yata naramdaman kong parang masusuka at di ako makahinga ng maayos at hapdi ng tiyan ko. Sinabi ko na sa hubby ko tungkol dito at inadvise na nga niya na magpatingin na ako sa IM. PRescribed sa akin omprez ata yun tyaka yung domperidone? Yung domperidon may side effect sa akin may lumabas na liquid both breast ko(naku! sobrang takot ko ha kala ko breast cancer na buti nalang kasama ko si hubby nun baka daw sa gamot. Bumalik ako sa IM ko at siinabi ko nga may side effect gamot....  hmm.. parang nagulat pa siya ha wala pa daw siyang narining na ganyan sa mga patients niya first time daw niya marinig sa akin. Pero pinatigil na rin niya.  Prescribed niya ulit sa akin motilium? at omperezole ulitpero feeling ko hindi na ttreat heartburn ko kaya tinigil ko paginom hanggang ngayon. Sabi niya if can afford naman paendoscopyna ako.  20k! daw naku sobrang mahal naman.    :(  Pede  ba philhealht dito?  NAgpatest na din ako ng  h.pylori at negative naman result;.

Di ko pa tapos basahin lahat ng replies basahin ko muna para may makuha akong tips. 

\Salamat sa nagstart ng topic.

Len143

  • Guest
Re: GERD
« Reply #68 on: June 03, 2010, 12:36:02 am »
Pinakaworst na naranasan ko madaling araw nagising ako sa hapdi ng sikmura at parang masusuka at nanghihina ako walang lagnat at headache. Tapos medyo watery ang poop ko. Kinagabihan pumunta na ako sa ER check may ininject silang antacid? Para daw mabawasan yung sakit ng sikmura. Pinatest din poop pero ok  ang result.  4days ko din ata naranasan yun walang kainan.  Kaya within a month 4kg! kaagad binaba ng weight ko. Underweight na nga ko pumayat pa lalo. hmp!    ;D

Len143

  • Guest
Re: GERD
« Reply #69 on: June 03, 2010, 12:39:46 am »
haay sana maging ok na tayo. usually kase gerd is life-long daw. nakakahinayang din kase gumastos for meds.

Yes sis life-long daw. Matitiis ko kahit pagmatagalan pa pero nakakatakot kung nagagasgasan na ng sobra esophagus.  Ok lang ding sanang gumastos ng malaki kung mat-treat talaga heartbun...

Len143

  • Guest
Re: GERD
« Reply #70 on: June 03, 2010, 12:55:22 am »
Do you know the medicine for heartburn? I saw it once sa Tv (commercial) but I wasn't able to remember the name. Hope you could help. Thanks!

Gaviscon ata sis? YUng liquid siya  na peppermint flavor.. Natry ko na yan. Nakakaginhawa at nawawala pagsikip pakiramdam ng chest ko at ilalabas yung burp mo na hindi malabas-labas, Pero hanggang 10mins lang  effect niya. Isa pa nakakasuka pag lagi mong iniinom, parang nakakaumay ba.
« Last Edit: June 09, 2010, 04:13:39 am by Len143 »

Len143

  • Guest
Re: GERD
« Reply #71 on: June 03, 2010, 01:14:10 am »
wow it's already 1:10am natapos ko na din basahin.

Share ko lang kasi minsan nababawasan heartburn ko. 
1)yoga/exercise ako habang ngumingiti-ngiti.  (Pero nagsawa na ako kasi bumabaligtad pa ako minsan. Hehe)
2)  pag masyadong stress try  to relax kahit mahirap
3) kahit na may symptoms wag masyadong isipin na may sakit ka. Mejo mahirap sa una pero parang nakakasanay din minsan.
4) less cola and coffee

MAdalas kong maramdaman:
1) burp ng burp minsan may kasamang maasim na lasang zsuka. PEro never kong naexperince yung mapait
2) parang gusto kong magburp pero hindi lumalabas kaya parang feelinf ko nakastuck ang food sa esophagus. PAg lumabas na burp mejo gumiginhawa naman
3) mejo mahapdi sikmura at  madalas sumakit right side ng ribs.
4) nararamdaman at naririnig kong may  liquid na nahuhulog mula throat ppababa sa tiyan (minsan nga naririnig ng taong natatabi sa akin) hehe.



** Minsan di ko talaga alam kung ano ang dapat at hindi dapat kasi kainin mo man o hindi ang bawal bigla nalang  susumpong ang heartburn.  SO..... forever na talaga....    Oh, my Gulay!
« Last Edit: June 03, 2010, 01:19:29 am by Len143 »

silvermica

  • Guest
Re: GERD
« Reply #72 on: June 03, 2010, 07:12:52 am »
sis ang hirap ng situation mo  :( mahirap talaga ang GERD pero treatable naman yan, or at least dapat macontrol. You need to try all sorts of medications, with the help of your Gastro. Na try mo na ba [textspeak!] Nexium? Esomeprazole. Mahal nga mga gamot sa GERD pero wag ka manghinayang gastusan sarili mo sa gamot. Worried ako dun sa liquid na lumabas sa breast mo kasi napaka unusual na may ganung adverse reaction.

Goodluck sa pag treat ng sakit mo sis ;)

Baby Phan

  • Guest
Re: GERD
« Reply #73 on: September 07, 2010, 04:08:10 pm »
hi! buhayin ko lang ang thread na to...sa mga may symptoms, yung lightheadedness niyo when lying down usually how many minutes/hourrs nawawala? and minsan ba although di ganun kadalas feeling lumulutang din ba ang utak niyo pag nakatayo? kasi in my case, di pa ma rule-out yung mga symptoms ko like lightheadedness, parang hinahapo, minsan may parang kirot sa left chest o minsan naman umaabot hanggang middle of the chest tapos previously para na gugurle heart ko  pero wala burp on my part. Ang pansin ko lang pag drink ako ng mga medicines may nararamdaman ako na parang nandun pa sa lalamunan ko pag lumulunok ako pero nararamdaman ko yun kumakain ako tapos nawawala naman siya, GERD kaya eto? Been gone to cardio na & halos lahat ng result ng lab ko ok naman except sa holter monitoring kasi di ko pa nakukuha & stress test kasi cs operation me. Ang hirap kasi yung symptoms can mimic other diseases & sabi ng IM doc. ko at cardio baka nga daw GERD, e di naman ako burp ng burp & pag kumakain naman ako wala naman feeling na nakabara sa lalamunan ko.

rosey

  • Guest
Re: GERD
« Reply #74 on: September 08, 2010, 09:12:38 am »
^sis nagpatest ka na for hyperthyroidism? isa kase un sa mga tests ko. pero it turned out na gerd nga. pag sumusumpong gerd ko, ganyan din ako parang lumulutang, super pagod ng pakiramdam and nanghihina.

Baby Phan

  • Guest
Re: GERD
« Reply #75 on: September 08, 2010, 06:44:26 pm »
^Sis, if you mean yung ft4 & tsh, yup ok naman result within the normal range..got my ct scan also & ok naman pero ngayon lang araw na eto pinapainom nila ako ng nexium 40mg, 2x a day ko raw iinumin for 2 weeks, so far nandun pa rin ang symptoms ko. Mabilis ba dapat mag take effect ang gamot?

rosey

  • Guest
Re: GERD
« Reply #76 on: September 09, 2010, 12:04:22 pm »
^antaas agad ng dosage mo ng nexium sis. IM ba nagprescribe nyan? or gastro?

curious lang. normally kase, ang starting dose is 20mg once a day lang for 4 weeks. tapos pag hindi pa rin ok, continue for another 4 weeks.

*disclaimer: i'm not a doctor nor a pharmacist. pero I work for a prescription benefit manager sa US. And ganyan yung usual na dosage na naeencounter ko for our patients.

Baby Phan

  • Guest
Re: GERD
« Reply #77 on: September 09, 2010, 04:17:31 pm »
^Sis, IM ang nagbigay sa akin ng dosage na yan. Eto nga inaantok ako ngayon pero di me ka makatulog kasi ganun pa rin medyo lutang na naman ulo ko pag nakahiga no matter if pa side or lying flat ang position ko sa pagtulog at minsan may parang electric shock nalang ako mararamdaman sa katawan ko pagpa slip...actually susunod na pupuntahan ko doc. neuro=psyche baka daw kasi postpartum depression daw eto kasi going to 2 months palang daw ako after manganak

rosey

  • Guest
Re: GERD
« Reply #78 on: September 09, 2010, 07:36:56 pm »
^baka nga sis. wag mo nalang masyado isipin yung nararamdaman mo, minsan kase sa stress din. :) relax and pray lang lagi ;D

margeL

  • Guest
Re: GERD
« Reply #79 on: September 16, 2010, 04:44:01 pm »
me, feeling ko, i had this GERD since birth! :D... joke lang, kase bata pa lang ako, i think i'm already having the symptoms.  it was just when i am already working na nabigyan ng name ang sakit ko.  worse siguro yung experience ko nun kaya i was forced to go to series of tests.  acidic kase stomach ko, tapos nahihirapan akong huminga. parang hihimatayin na talaga ako at kelangan ko talagang humawak sa paligid pag naglalakad ako kase feeling ko babagsak ako anytime.  sabi nga i-burp ko raw, pero hindi ako maka-burp eh. feeling bloated lang at pag nag-burp, kasama ang mga kinain ko! LOL. ayun, so i went to doctorsssss... check up sa puso, sa lungs, blood, sa brains, xray... tapos puro normal. turns out - GERD pala. prescription sa kin - (i forgot the name of the med hehe sorry) water lang ang inumin - bawal cola, coffee, milk, tea. bawal fried food, spicy, salty. parang wala na kong pwedeng kainin eh.

pero what i think best helped me with GERD is yun nga, manage your stress, and lessen vitamin c. dati kase parang 2x ako ngvvit c everyday eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close