Author Topic: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple  (Read 33184 times)

--tj--

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #20 on: February 03, 2010, 08:01:27 pm »
i will be experiencing this soon... nagbabasa pa lang ako pero para na akong praning. gusto ko na sya tawagan kahit magkasama pa kami ngaun. :) My hubby and son will go back na sa pinas... so ako ang maiiwan dito... parang lalo akong natakot... baka maloka ako nito. hehe...

sweetheart101

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #21 on: February 04, 2010, 10:23:32 am »
mahirap as in grabe :'(...kaya need talaga na everyday communications,,,kami ng hubby ko everyday kmi chat kahit 5mins. lang b4 sya go to work...it helps really, tapos weekend dun kami chat/talk ng long hours... 2years narin kaming ganito...kailangan lang talaga ng TRUST and FAITH on both sides...ang dami kcing temptations,,basta dapat ang LOVE andun parin...hopefully this july susunod na kami ng anak ko dun sa kanya :D

Tigershark09

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #22 on: February 04, 2010, 01:50:08 pm »
i don't think that there is a real advantage in long distance relationships. kasi i believe that if you love someone, you have to be together to make it work. that's the whole idea of a relationship in the first place. di ko naman sinasabi na hindi kayo pwedeng maghiwalay paminsan-minsan kasi you need space too pero yung matagalan na walang physical contact, it takes a lot of trust, love and patience to survive it.

but in life, nothing is perfect and sometimes you have to be apart to survive and to fulfill your dreams. you need to sacrifice. it takes a brave heart to make it happen. kaya saludo ako sa mga couples na nakakatagal sa ganitong setup.


ldrwifey

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #23 on: February 06, 2010, 09:40:48 am »
maraming disadvantages kesa sa advantages.... but eto na situation namin for 5yrs, pauwi uwi lang ako every year, and last year we got married kaya sana in a year or so makasama ko na talaga ang asawa ko.

best thing lang na masasabi ko is proven n talaga na mahal niyo ang isa't isa for this to really work, kasi kung hindi for sure wala pang 1yr may bibigay na dahil sa lungkot.


christine00900

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #24 on: February 08, 2010, 01:05:52 pm »
Advantage of being in an LDR: Mas masaya pag nagkita kayo after months of not being together.  Nung bf/gf pa lang kami ni hubby, everytime we would meet is a grand vacation.  Buti na lang we both like to travel.  So todo bakasyon kami pag nagsasama.  Another nice thing about it din is I get to do a lot of the stuff I want to do without a lot of restrictions.  I'm not saying nanlalalaki ako, pero I can still go out from time to time, take special classess (like crafts, etc) and try to enjoy me time as well without feeling guilty na mag isa si bf sa bahay, etc.

Disadvantage: you get lonely.  Pero you get used to it at some point.  No offense to the rest, pero I don't really understand why some would feel tempted to cheat.  Maybe you need more quality conversations (yung with substance) and hindi lang quantity.  :)

ldrwifey

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #25 on: February 09, 2010, 07:17:12 am »
^ ako din, im wondering bakit ginagawa nilang reason ang pagiging magkalayo at loneliness para magloko... sanayan lang naman talaga ang LDR, malungkot na masaya :-)

isa p palang advantage... we get to know ourself better, and hindi nakukulong s routine ng laging magkasama  ;D

jelly

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #26 on: February 13, 2010, 11:22:14 am »
sheshare ko lang. recently lang ito. gusto ko lang ilabas....

nagkaroon ako ng takot sa LDR ....

yun sis in law ko.. sila ni hubby niya 11 years na mag bfgf...3 years na silang kasal.  pero kung isusummed up, sa 3 years sandali lang sila nagsama kasi nga nagbarko na si mister.

all praises ako dun sa hubby niya ang sweet lalo na before saka ang family ng hubby ko pati si hubby puro papuri ang naririnig ko para kay BIL.

totoo naman kasi malaking tulong nabigay nya sa family ni hubby eh. 

pang 5 sakay na niya umalis siya ng jan 10 yata

pero nung huling uwi niya dito marami ako naoansin na sinabi ko kay hubby.

naging macho, gwapo pero tuliro.  nung andito siya si sis in law tumawag sa akin na may UTI siya.. ako parang..ano uti?? baka may babae si kuya bakit siya magkakaroon nun pero di ko pa din sinabi..kay hubby lang.  nadisturbed din siya pero tinanggal niya sa isip nya kasi isip niya di magagawa ni kuya yun.

hanggang sa tumawag si ate 2 weeks after umalis yun hubby niya inatake siya. may high blood kasi at diabetes kahit payat...

may history rin siya ng stroke.

sinugod namin sa ospital kasi nga parang nastroke na siya

pero ayun naging ok naman. nag usap sila ng hubby niya na aayusin yun problema.

pinatawad nya sinabi ng sil ko na babaguhin niya ang mali nya para magwork yun relationship.

nagalit pa hubby niya kasi nalaman na nakausap yun hubby nung nakaaffair niya. nagemail yun babae sa sil ko kung ano ano pinagsasabi.


pero ganun pa din sabi nya poapatawarin niya saka siya lang papaniwalaan niya.

hanggang last week nakatanggap si ate ng email galing sa kabit na kasama sa barko.

nakadetail lahat ng nangyari sa kanila kung saan sila nagsesex.kung paano ....

kung anong pinagsasabi ni kuya tungkol kay ate na mukha raw siyang pera...pathetic daw siya kung ano ano pa.

di naniwala si SIL sa girl kasi winarningan na siya ng asawa niya na mageemail wag maniwala..

pumunta siya dito sa bahay.

yun email nang asawa niya na secret account nachambahan kong mapasok. di ko sadya. nakita niya ;lahat ng usapan nila. lahat pati pics ng private part ng asawa niya. ng girl na nakahubad and private part din.

napatunayan niya na totoong sinisiraan siya ng asawa niya.
i told her na magpalamig wag gumawa ng move...pero ayun inemail niya sa office nila lahat ng pics. kasama sa thread ng boss nila.

nagdecide na silang maghiwalay na.

ang hirap pala kasi kahit gaano yata kabait masusubok pag nasa gitna ka ng kawalan. mamimiss mo yun may kasama ka natural mafafall ka sa mga malalapit sa inyo. 

marami ako nakitang ganyan kahit nga wala sa barko nasusubok...













harlet

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #27 on: February 13, 2010, 03:40:54 pm »
^what a nice move sis....nakakahiya yung magkabit ngayon.....

nyx_08

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #28 on: February 16, 2010, 12:46:15 pm »
hi mga sis! i dunno if i am posting at the right thread pro i need some advice for these...

I have a tito and tita whom my hubby and i idolize since before pa.. mga 16 years na sila together..since they were in college pa.. married na din for almost 12 years and their eldest is 12 yung youngest is 7. Nagwork sila before here sa pinas until nagtayo ng sariling business and that time yung hubby ko na BF ko pa lang is the one who managed their business... nakita namin ni BF noon na hard working talaga sila pareho.. si tito may eloading and a lot of sidelines like cp housing and acc... si tita naman in charge of the kids and money matters... super galing sila pareho e since magpapakasal na kami ni hubby, binitawan ni hubby yung business nila until wala ng communication kami sa kanila.. we have to earn for our own syempre... anyway...

year 2008 mga june mag abroad si tito (let me describe him muna, sa ugali, wala ka ng hahanapin pa sa lalaki... siya yung tipong UNDER! as in pagnagalit si tita.. tahimik lang siya (witness kami ni hubby dun hindi lang once...),kahit sa harap ng ibang tao(even kamaganak ni tito miso!) sinisigawan siya ni tita pero never nyang pinatulan, siya ang nagpapaligo at nagpapakain sa mga anak nila even sa ibang bahay at may mga party... lahat yan nasaksihan ko at napatunaya ko) (minsan nga sabi ko sa hubby ko, how i wish maraming Tito ****.... hahahaha).. nagabroad na si tito after a year umuwi sya sa HK disneyland sila nagmeet ng tita at mga bata(sarap diba!) un tapos weeks lang vacation ni tito dito sa pinay and have to leave na din for his work nga.. tapos ngayong Feb nagulat ako sa balita ni hubby na he needs help daw kasi si Tito may problema... i thought problemang gusto n niyang umuwi or something pero... nakipaghiwalay na si tita sa kanya and si tita umalis din for training sa US for 1 month,si pinsan ni hubby ang nagbabantay sa mga bata.. ang sabi lang ni hubby, nakipaghiwalay daw si tita because of nakachat daw ni tita yung EX BF nya which is nasa abroad din, we really dont know the true story kasi ayaw din naman magtanong ni hubby kay tito he just wanted lang na may kausap and someone to help him..pro ako, naawa na ko kasi tumawag siya kagabi and asking my hubby kung naging masama ba siyang asawa at ama.. sabi nlng ni hubby sa kanya, lakasan nyo po loob nyo para mga bata... and kahapon nga daw ngpm si tita ng iloveyou and goodbye kay tito.. he is really hopeless... uuwi siya ngaong end of feb kasi ngayong mar 1 ang dating ni tita from her training... ang worry ni hubby at tito if totoo kaya na nasa US si tita and working in 1 call center dito satin.. what advice should we give him and paano namin sya matutulungan.. Hope you can also help me kasi pati si hubby affected na and lagi sila magkausap cause tito keeps on crying.. ano ba maganda naming gawin for him?? another thing, we dont know din pla if sa bahay nila uuwi si tita ngayong march!!

Question din: pwede ko ba iverfiy sa HR ng isang company na nagwowork siya talaga dun and na pinadala siya sa US for training?

dbxbride2011

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #29 on: August 21, 2010, 06:35:19 pm »
hello mag sis LDR din kami ni Hubby..as in LDR!!!! ;D kasi dito ako work Dubai sya naman seaman.  Minsan lang magkasignal tapos nakakapagchat lang kami kapag yung napupuntahan nilang Port eh merong internet or di kaya wifi. Sobrang hirap kasi hindi naman kami sanay na magkahiwalay kasi nagkasama na kami sa Pinas for almost 3 years tapos bigla nalang isang araw merong opportunity for us to work abroad. Di kami nagdalawang isip na tanggapin kasi para sa future namin to,gusto namin ng magandang buhay. TRUST lang at respect ang pinanghahawakan namin ni Hubby..Masakit basahin pero totoo po dito sa Dubai madaming may asawa sa Pilipinas pero single na pag dating dito. Kahit ako mismo nashock sa mga nakikita ko dito. Sabi nga noong isang sis dito kumakapit sa patalim. Pinipilit ko sila intindihin kasi diko alam yung anong mga dahilan nila kung bakit nagagawa nila yung sa asawa nila. Pero meron ako share sa inyo na diko alam kung acceptable ba reason nya. Meron ako room mate na babae tapos meron sya asawa sa Pinas at may 3 sons. Lagi ko silang nakikitang nagchachat so meaning to say na hindi sila ngkukulang sa communication. Pero nagawa noong babae na magkaroon ng bf dito na ibang lahi. Noong una nagoobserve ako hindi ko sya hinusgahan, and nalaman ko na kaya nagawa nya yun kasi everytime na naguusap sila ng asawa nya puro PERA ang pinaguusapan at kulang at kulang parin ang pinapadala noong karoom mate ko na kung iisipin sya yung lalaki na dapat bumuhay sa asawa at anak nya. Ang POV ko lang po hindi sa dalas ng paguusap at pagchachat para maiparamdam ang love natin sa hubby natin. Asa RESPETO at PAGTITIWALA lang po yan. Thanks and Godbless

dvalerio_00

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #30 on: March 12, 2012, 03:49:00 pm »
hello mag sis LDR din kami ni Hubby..as in LDR!!!! ;D kasi dito ako work Dubai sya naman seaman.  Minsan lang magkasignal tapos nakakapagchat lang kami kapag yung napupuntahan nilang Port eh merong internet or di kaya wifi. Sobrang hirap kasi hindi naman kami sanay na magkahiwalay kasi nagkasama na kami sa Pinas for almost 3 years tapos bigla nalang isang araw merong opportunity for us to work abroad. Di kami nagdalawang isip na tanggapin kasi para sa future namin to,gusto namin ng magandang buhay. TRUST lang at respect ang pinanghahawakan namin ni Hubby..Masakit basahin pero totoo po dito sa Dubai madaming may asawa sa Pilipinas pero single na pag dating dito. Kahit ako mismo nashock sa mga nakikita ko dito. Sabi nga noong isang sis dito kumakapit sa patalim. Pinipilit ko sila intindihin kasi diko alam yung anong mga dahilan nila kung bakit nagagawa nila yung sa asawa nila. Pero meron ako share sa inyo na diko alam kung acceptable ba reason nya. Meron ako room mate na babae tapos meron sya asawa sa Pinas at may 3 sons. Lagi ko silang nakikitang nagchachat so meaning to say na hindi sila ngkukulang sa communication. Pero nagawa noong babae na magkaroon ng bf dito na ibang lahi. Noong una nagoobserve ako hindi ko sya hinusgahan, and nalaman ko na kaya nagawa nya yun kasi everytime na naguusap sila ng asawa nya puro PERA ang pinaguusapan at kulang at kulang parin ang pinapadala noong karoom mate ko na kung iisipin sya yung lalaki na dapat bumuhay sa asawa at anak nya. Ang POV ko lang po hindi sa dalas ng paguusap at pagchachat para maiparamdam ang love natin sa hubby natin. Asa RESPETO at PAGTITIWALA lang po yan. Thanks and Godbless
your absolutely right! two thumps up ako dyan!

erza0916

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #31 on: December 27, 2014, 08:09:30 am »
For me walang advantage. I guess financial lang. Yun lang. Bakit ka nga naman makikipagrelasyon sa taong hindi mo naman makakasama? Kaya as much as possible iwas kayo sa Ldr.

 Kami ng hubby ko halos half ng 8 years na bfgf kami LDR and believe me walang magandang dinulot. Hindi naman namin issue yung finances noon kasi nung bfgf pa lang kami hindi naman ako humihingi sa kanya. Kailangan lang talaga nya umalis kasi dun sya nakatira. He's half Japanese kasi. Pero since no choice we had to endure it.

I guess you wouldn't call it an advantage, more like silver lining, pero nung times na yun we learned more about each other. Madaming challenges as in sobra pero it made us stronger. It made us realize how much we love each other. Kaya ngayon we're newly wed mas ready kami as a couple. Better and stronger. Graduate narin sa partying, sa misunderstanding, sa infidelities, sa insecurities. LDR will definitely make OR break you.

Girltalker2

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #32 on: December 27, 2014, 08:49:18 am »
^ ako din, im wondering bakit ginagawa nilang reason ang pagiging magkalayo at loneliness para magloko... sanayan lang naman talaga ang LDR, malungkot na masaya :-)


Kulang sa commitment, kaya nakukuha ng iba mangaliwa. Not everyone is strong. 
Lalo na ang mga lalaki, mas prone sila. Kasi once in a while need talaga nila ng intimacy.  And if wife is not around, tapos maraming babae na "willing" na umaaligid sa kanila, na available, alangan naman humindi pa sila.


Advantage of being in an LDR: Mas masaya pag nagkita kayo after months of not being together.  Nung bf/gf pa lang kami ni hubby, everytime we would meet is a grand vacation. 

Quite scary at times kasi lagi kayong nasa honeymoon stage. Kung baga you have not seen the worst of your partner before marrying him/her. Kaya meron BF/GF LDR, then after getting married, nung magkasama na sila, they realized hindi pala sila compatible.





bratty

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #33 on: December 27, 2014, 10:21:25 am »
For me walang advantage. I guess financial lang. Yun lang.

Kaya as much as possible iwas kayo sa Ldr.

I super agree. :)

yajale_22

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #34 on: December 27, 2014, 07:15:36 pm »
"For me walang advantage. I guess financial lang. Yun lang. Bakit ka nga naman makikipagrelasyon sa taong hindi mo naman makakasama? Kaya as much as possible iwas kayo sa Ldr."

I agree wala talaga advantage...Yung pagka miss nyo sa isa't isa after years of separation hindi ko rin masasabi na advantage eh kase kulang yung panahon tapos babalik din kayo sa dating set up. I'm in LDR for 4 years now and most of the time malungkot talaga. Gusto ko na makipaghiwalay kaso nakiusap sya sakin na antayin ko sya for few more months uuwi na kase sya next year in May. Sabi nya pag nakaipon na din naman sya di na sya magwowork abroad so this is temporary. I don't know, siguro I'm still staying because I love him still despite the distance and inaasahan ko din yung sinabi nya na this is all temporary..and besides, I've waited long enough, few more months won't hurt.

PinKisH_23

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #35 on: January 14, 2015, 07:30:13 am »
Super daming disadvantage.

Hubby was away for less than a year lang, medyo malabo kami nung una kasi hiwalay kami ng first month nya dun, pero nagkabalikan kami.

He invited me over and nareveal lahat ng kalokohan nya dun.

Ang dami ko ring nakita na mag partners dun pero may mga asawa dito sa Pinas.

Mapa babae or lalaki merong kabit.

Even my husband, daming naging kaflirt.

Pinag awayan na namin yun while I was there and guess what, pag uwi ko ng Pinas, wala pang 1 week meron nanaman.

Kaya napilitan syang umuwi, dahil di namin maayos ayos relationship namin.

He said, yung Chinese girl na huli nya nilandi, eh parang nag start sa tuksuhan, kahit na nakilala ko na mga friends nya tinukso parin sya sa Chinese.

Sila sila nagtatakipan.

And he said na hindi na sya mag aabroad unless magkasama kami.

Ganyan din dad ko, well, hindi pa naman nag aabroad yun marami na syang babae. Pero it became worse kasi imbes na ang mom ko ang isama nya dun for vacation, yung kabit pa mismo ang ginastusan nya.

Kaya ako I would never recommend LDR lalo kung meron naman pinagkakakitaan dito. It made me loose my trust, apart from the fact na meron na history husband ko dito palang sa Pinas which I found out later on.


abbmg

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #36 on: January 14, 2015, 12:50:36 pm »
5 years kami LDR ng asawa ko nung mag BF pa kami. mahirap talaga pero it worked out naman. now married na kami for less than a year, pero maghihiwalay na kami. i guess mas nag work out pa samen yung LDR kesa yung magkasama kami sa pinas. aside from financial reasons, priorities are not set. ginagatasan pa rin siya ng pamilya niya kahit may sarili n siyang pamilya.

magno4

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #37 on: January 15, 2015, 03:24:37 pm »
 ;D advantages: kung serious relationships kayo, mas nagiging seryoso kayo sa relasyon tungkol sa mga plano nyo sa buhay pag ibig; na mimiss nyo ang isat isa; mas gusto nyo yung kapag nag kita kayo wala kayo iba gagawin kundi ang mag kasama palagi; mas napa plano nyo maige ang future nyo.
disadvantages: kung wala kayo trust sa isat isa syempre anjan ang tukso, just a tap away; kapag nakaramdam ka ng pag ka horny kayo parehas di nyo magawa gusto nyo; kapag wala kayo better communications dun nag uumpisa ang di pag kaka unawaan. pero para sakin mas gusto kopa din ang long distance relationship kesa yung palagi kayo mag kasama, may tendency mag kakasawaan kayo e.

fionnah325

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #38 on: May 08, 2015, 03:36:37 pm »
mga sis mas okay sa akin ang long distance relationship kasi yong partner ko ganyan kami pero till now okay naman steady pa din kami nasa inyo lang kasi yan basta trust at loyal kayo to each other at sabayan ng prayers na hindi matukso sa iba

princessrio

  • Guest
Re: advantage and disadvantage of long distance relationship for couple
« Reply #39 on: May 08, 2015, 09:35:43 pm »
mahirap ang LDR sa totoo lang. i've encountered 3rd party issues with my hubby during our bf/gf stage. let's just face it. seldom are those na talagang nananatiling matapat sa gf/bf or asawa nila when in abroad. malungkot when your partner is not around. di mo makikilala ng lubusan.

when we got married, hubby insisted na kunin nya ako. he immediately processed our papers. took us 2 years bago kami nakasama sa kanya ng anak namin(with all the papers and requirements needed kaya medyo tumagal). but if we weren't given the chance na makarating dito or if he wasn't eligible, 2 years lang and he'll go back home. so kahit asin kainin namin, uuwi na lang sya.

i've seen the reality dito. may asawa, bf/gf, pamilyado sa pinas.. pagdating dito single. minsan naman, tanggap nila na pareho silang may asawa sa pilipinas pero nagkakaroon pa rin ng relasyon. mahirap meron din naman akong mga kakilala na kaya ang malayo sa pamilya na hindi nagkakasala. so, basically, depende yan talaga sa tao. depende sa paniniwala nya. depende sa tatag ng loob. depende sa takot sa Itaas.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close