watch now

Author Topic: how to deal with depression  (Read 204404 times)

Acetylcholine

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #740 on: September 16, 2019, 11:49:10 pm »
Ako naman coming from family na may history of depression, anxiety and nervous breakdown nakwento ko na sa isang thread na yung sister ko is bipolar yung dalawa ko na tita depression, yung isa suicide attempt hindi natuloy ang cause is dahil brokenhearted dalawa sa cousin ko nagkanervous breakdown yung isa tumatakbo nakahubad yung isa lahat ng naging trabaho nya iniiwan sa ere and kakaiba na sya magsalita.

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #741 on: September 17, 2019, 06:38:05 am »
Ako di naman ako depress pero malungkot ako. Tumatanda ako wala akong napupundar. Ipon ako ng ipon para sa property na gusto ko pero di ko makuha, wala akong makuha na approval galing sa family ko. Yung mga kapatid ko ok magpundar, suportado pero pag ako di pwede. Mag-ipon pa daw ako. Yun nga e nag-ipon ako, yung ipon ko ipinagamit sa kapatid ko. Next time nalang daw yung gusto ko para sa sarili ko. Yung isa kaaalis lang ako din gumastos. Sa Pinas lang ako nagwowork, sila nakaabroad pero mas may ipon ako kesa sa kanila. Ang hirap ng panganay, dapat ba talaga panganay lagi ang nagbibigay? Sana iconsider din naman nila ako, na nagkakaedad na ako. Nagseselan pa yung isa sa trabaho, palibhasa may masasandalan. Minsan naiisip ko layasan baka magsiikot ang mga pwet.

Acetylcholine

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #742 on: September 17, 2019, 05:33:27 pm »
Wala naman masama sa pagtulong maybe much better wag 100% yung ibigay mo ang hirap ng walang anda pag thunder na.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #743 on: September 19, 2019, 09:59:07 am »
^^Sis, baka you can talk to them. Eldest din ako and minsan ganyan din feeling ko. Nakakaipon naman ako pero konti lang. Hindi ko rin kasi sila matiis. Nabibili ko pa rin naman yung gusto ko pero right now gusto ko mag focus sa long term goals ko kasi tumatanda na rin ako and I have a 3yr old son.. gusto ko mag ipon ng mag ipon for his future. Nababasa ko posts mo dun sa mga travel threads sis, may anak ka rin diba? Kung adults na mga siblings mo, for sure maintindihan naman nila na may iba ka rin responsibilidad.

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #744 on: September 19, 2019, 11:59:05 am »
^Yun nga sis e, di ko matiis. Yes may anak ako and single parent din kya nagiipon din ako. Ayaw ko na dumating yung panahon na aasa ako sa anak ko at maging pabigat lalo na nagiisa lang siya at wala na akong plan na mag-anak pa.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #745 on: September 23, 2019, 03:33:45 pm »
^Yun lang sis, hirap maging mabait kasi. As much as possible siguro try nalang natin ibalance mga bagay bagay, lalo pa kung nakaka affect na sa health natin. You can do it sis. :)

I was very sick last year. I was diagnosed with Henoch Schonlein Purpura in 2017, a type of vasculitis common in children but dangerous sa adults as it usually affects the kidneys and other organs. Very rare sya and because of this, hindi lahat ng doctors maalam tungkol dito. Last year yung pinakamatinding flare up ko. I had the rashes all over my body, konting kibot may lalabas na bago. And each rash indicates an erupted blood vessel. My psych told me may kinalaman din ang vasculitis ko sa panic attacks ko, bottom line is stress. Talagang naniniwala na ako na masama ang stress sa katawan. Feeling ko gusto kong kayanin lahat, patunayan sa lahat lalo sa father ko na kaya ko kahit wala sya. Hanggang sa sobrang busy ko, napabayaan ko na ang sarili ko. March this year nawala ang rashes ko, kasabay ng pagpapacheck up ko sa psych. I make sure I eat healthy, take my vitamins, have enough sleep and unwind once in a while. This year, I was able to travel abroad with friends for the first time. Naenjoy ko kasi sarili ko lang iniisip ko, walang batang inaalagan at walang mga thunders na kailangan i-guide, LOL. Ako kasi lagi navigator sa mga family trips namin. Sana tuloy tuloy na ito at layuan na ako ng tuluyan ng mga sakit na yan.

Kaya natin ito sisses! #loveyourself <3

Jiyongah

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #746 on: September 23, 2019, 05:17:51 pm »
^Haha. Wag ka na manood nun sis, para di ka na atakihin. If I may ask, are you still on meds sis?

If I may, here is my story.. short cut version nalang kasi baka bukas pa ako matapos, lol.

Issue #1: Dad is abroad and recently nalaman ko may ibang family na sya. Alam ng mga relatives but I had to dig every suspicious profile in fb para mahanap ko profile ng kabitch at ng mga anak nila. Yes, I have a step sister and brother. 20 and 13 years old, respectively. I am 36. The kids don't know my dad is married to my mom. The kabitch knew my mom, they met years ago. Mga grade school palang kami. Actually, we met her pala sabi ng mom ko. Imagine, ninakawan nya ng tatay yung 3 batang wala naman kasalanan sa kanya.

Issue #2: My marriage is on the rocks. My husband is short-tempered. Dominante, bawal ako magkamali, bawal ako sumagot sa kanya, bawal ako mamgatwiran kahit sya ang mali. He hit me on the arm and kicked me on the hips 1 month after I gave birth via CS. Yes, hindi masakit but emotionally sobrang sakit. Pinalampas ko pero umulit ng umulit ng umulit. Binabastos ang pamilya ko. Many times kapag nag aaway kami tumatahimik lang ako kasi he threatens me na sasapakin nya ako. But 2 weeks ago we had a big fight dahil sa napakaliit na bagay. That's how he is, pinapalaki pati nga walang kwentang bagay. Since that fight, hindi na ako umuwi sa bahay namin. Civil kami ngayon (cause I have to be, for my baby) and knowing him, hindi papatalo at laging nakasigaw, kala mo lagi naghahanap ng away.

Issue #3: Because of issue #1, I have to support (well, not really but more like back up) kasi kulang ang padala ng dad ko most of the time. I feel like his responsibility was passed on to me  in a way. Ok lang naman, I have a stable job but sometimes I feel pressured because I want to give my family the best that I can and I don't think it is not enough. Nakukulangan ako. I am always in search of ways to improve our lives, financially ito.

In fairness, dati kapag kinukwento ko mga issues ko sa buhay, naiiyak ako. Hindi ako naiyak ngayon, yehey! #improving 😂

Sana tuloy tuloy lang ito. I always pray for guidance and focus.

Actually sis, hindi pa ako nag papa check talaga.  Pero the signs are really there!

I am so proud of you sis at nakakaya mo! may nakakausap ka naman?

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #747 on: September 23, 2019, 05:28:28 pm »
unwind once in a while. This year, I was able to travel abroad with friends for the first time.
Yan din ginagawa ko at halos ayaw ko ng umuwi kapag nagbabakasyon.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #748 on: September 24, 2019, 07:49:11 am »
^^Sis Jiyongah, kala ko hindi ko kakayanin. Nung first few weeks kasi ng malaman ko about my dad, hindi ko magawa even the basic things. Ayoko na magising sa umaga. Pero kailangan ko kumilos at magpatuloy kasi may anak ako. Andyan din mga kapatid ko and syempre my mom. Naisip ko, kami-kami na nga lang, magpapakasira pa ba ako? Lahat naman ng tao may problema, iba iba lang ng struggle. Unti-unti sis I started opening up sa close friends, mga 6 na yung nakakaalam. Nakakatulong din ang forums sa akin. I see, hindi pa pala nadiagnose yung sayo sis. Pacheck mo pag may time ka sis. Nakaka encourage din kasi yung words ng psych, based on my experience. Kaya pala ang mahal ng PF nila, LOL.

^Sis mysterioza_me, oo nga sarap kasi mag bakasyon no. Active ka nga dun sis sa travel threads - iirc, nabasa ko posts mo sa korea, hk, cebpac.

CARRY ON SISSES, YOU ARE NOT ALONE <3

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #749 on: September 25, 2019, 10:42:47 am »
^Yes sis. From June-Sept nagttravel ako. Masakit kasi sa ulo mga kapatid ko nitong mga nakaraang buwan.
Mababaliw ako if walang ibang outlet. Nakakalibang kasi na magplan ng itinerary. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas para mag-inom or samgyupsal. Yung iba kasi kain at inom ang outlet. Wala naman ako tyaga na magcross-stitch or kung anumang artworks.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #750 on: September 26, 2019, 12:21:27 pm »
^Agree. Iba rin nagagawa sa akin ng travel. Hindi rin ako mahilig mag samgyupsal at inom, pareho akong umiiwas sa alak at pork. Korean dramas nakakanood ako minsan, pag gusto ko maging calm at walang oras mag korean drama or wala pang budget pang travel, spotify lang ako, solb na.

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #751 on: September 27, 2019, 06:18:53 am »
^Kdrama nanonood din ako. Kaso di ako mahilig sa mga lovestory lalo na gawa ng Korean, ang cheesy masyado para sa akin haha. Mga detective kdramas ang madalas na pinanonood ko, mas nakakalibang. I also watch The Superman Kids, lakas din maka-goodvibes ng mga kids dun.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #752 on: September 30, 2019, 01:16:21 pm »
^I like the return of superman, too. :) Naaaliw din ako sa way ng pag discipline nila, Sayang wala na yung Song triplets, malalaki na rin kasi sila.

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #753 on: September 30, 2019, 01:27:52 pm »
^Oo napanood ko din yung Song Triplets. Ang galing ng father nila magdiscipline sa kanila. Ngayon si Aciel ang inaabangan ko sa show na yun. Nakakatuwa mga facial expressions niya.

May nasalihan ako na group sa Facebook. All about skincare and vanity group siya. Andaming teens and adults dun na nagsasabi na depressed or low ang self-esteem nila due to bad skin kaya ayaw lumabas or makihalubilo sa iba. Nakaka-sad na minsan ang liit na bagay lang for us pero ang laki pala ng impact sa iba.

blushberry

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #754 on: October 25, 2019, 09:00:59 pm »
Depression is rampant and one way or another, someone will feel anxious or depress.  It can come from so many things like wanting things you can't have, feeling victimized, feeling overworked, so on and so forth.

Sana lang, people who really believe they are depressed will seek professional help.  Not just for themselves but the people around them. Family, friends and co-workers get affected then everyone feels negative and agitated.  I know because I was once always depressed and the only time i was able to control it was when i was really intentional in getting better.  Yes, there are still times na i get anxious or depress but i try to control it.  Let's all be intentional.

kvandenhaak

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #755 on: October 30, 2019, 01:25:24 am »
Last week the daughter of a relative hanged herself. She's still very young, di pa naka-graduate ng high school. And I just found out na isa pa kong kakilala from the same neighborhood did the same about two years ago. But this guy is older than me. I am just wondering kung ano ba talaga ang tipping point where a person had the courage to act on ending your life. Nakakalungkot isipin na ang daming tao suffering.

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #756 on: October 30, 2019, 01:13:23 pm »
^Ewan ko ba sis. Sa panahon na ito parang nakakapagod mabuhay. Ang taas ng expectations and demands ng buhay. Wala kang mapuntahan na mapapahinga ang isip mo, office man o bahay parehong nakakapagod at stressful.

kvandenhaak

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #757 on: October 30, 2019, 09:54:00 pm »
^Oh I see. I can understand work can be stressful pero mahirap nga pag pati personal na buhay we can't even get a relief.

sweetchili666

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #758 on: October 30, 2019, 11:23:10 pm »
Grabe sis. Relate na relate ako sa nafifeel mo ngayon. Galit na din ako sa Dyos. Yung kapatid ko pinapagalitan ko pag sinasabi nya na wala ka kasing faith kay Lord, yung feeling na gustong gusto ko syang murahin at sabihin na asan ba yung diyos nyo. Bat kahit kelan hindi ko sya naramdaman. Bakit ganto padin ako ngyon. kahit anong dasal ko walang nagbabago. naging Atheist na ko. Naiinis ako pag nakakita ako ng bible Verses at mga religious quotes. Pati yung sa pagsusuicide. yung insurance ko na lang din talaga nagpipigil sakin, para sa anak ko din kaya ko kinuha Yun. Magaapply ako ng work after ilang mos magreresign na dahil nawawalan na uli ng drive at tinatamad na, paulit ulit lang. ayoko din yung nakakahalubilo sa tao, ambilis ko mapagod mas gusto ko magkulong sa kwarto at matulog. Basta nawalan na ko ng gana sa buhay. Simula bata din kasi ako never ako nakafeel ng love. Yung nanay ko parang sinumpa ata ako, bata pa lang ako favorite na ko gulpihin. Siguro nasa upbringing din talaga yung magiging resulta ng future natin. O pwedeng hereditary. Pansin ko ako lang ganto saming magkakapatid. Well malas ko.  Nakailang psychiatrist nadin ako. Di ko na din alam ilang klase na ng gamot ang nainom ko. Pero wa epek. Yung withdrawal nya,  mas lumala anxiety ko. At nagkainsomnia. Kaya I stopped taking meds. It didnt help at all.
« Last Edit: October 30, 2019, 11:40:21 pm by sweetchili666 »

Acetylcholine

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #759 on: October 31, 2019, 01:42:22 am »
Nakakalungkot naman mahirap pag teenager din I mean yes, mahirap kahit anong phase pero pag teenage years andyan yung lito ka pa talaga kaya importante yung support system tapos hindi pa mawala wala yung bullying kahit sa online mas rampant for example na lang kay Michelle Dy hindi naman nya ako fan pero grabe mga words doon sa twitter tapos nag article pa si Rappler na ang bully ng dating may pa-emoji. hindi ko gets yung intention bakit kailangan nya maglagay ng sarcastic gif sa comment.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close