hello. pasali din po.. share ko naman yung akin (and need a little advice na rin)...
it all started february 2010, when I got involved in a controversy sa school namin right before I graduate from college, dagdag pa yung stress sa pag-asikaso ng requirements for graduation.. sa kaka-isip ko sa problem kong iyon, nag-breakdown ako sa kalagitnaan ng OJT ko.. buti walang nakakakita sa akin that time hanggang sa dumating yung kasama ko sa OJT at pinatahan ako.. after that, feeling ko nawalan ako ng gana sa buhay, pati ang kumain, tapos wala na akong paki sa mundo, but then I was functioning well pa naman sa bahay, sa school, pati sa OJT ko.. medyo nahimasmasan lang ako noong nag-heart-to-heart talk kami ng college barkada ko, and from then on things went to normal - nagawa kong i-enjoy ang last moments ko sa college, nagkaroon ako ng work at nakapasok pa ako sa law school...
or so I thought.. kasi mula noon, every so often naiisip ko yung part na iyon sa buhay ko.. naiisip ko, I'll never deserve to be trusted, I'll never deserve to be loved, I'll suffer for as long as I live.. mula noon, I treated my work and school as a punishment sa mga nagawa ko in the past - nagpaka-slave ako sa trabaho at pag-aaral ko..
things became a little okay mula noong sinagot ko yung BF ko today, and I was starting to bond with my new friends in law school.. I was starting to make friends at acquaintances na rin, both sa school and sa workplace ko..
or so I thought again.. naging issue kasi sa parents ko ang mga pasang-awa to bagsak grades ko sa law school, and I have to repeat some subjects.. papaano kasi, sanay sila na mataas lagi ang grades ko mula elementary hanggang college.. I try to explain to them na hindi naman madali ang law school, tapos nagwo-work pa ako, pero hindi talaga sila convinced (they have this mindset na since ginusto ko itong course na ito, pagsikapan ko dapat and that the more na nape-pressure ang isang tao, the more na lumalabas ang galing niya).. so talagang nagsikap ako sa studies ko ngayong sem.. ang problema, mahirap na ang mga subjects ko.. there was one in particular na ang bali-balita sa campus eh isa lang ang pinapasa sa bawat klase.. and true enough, kahit anong sikap ko, mukhang failing grade pa rin ang makukuha ko sa kanya.. then, meron pa akong officemate na hindi ko naman kaaway pero hindi ko rin naman ka-close.. okey lang sana sa akin na ganoon, pero never niya akong pinapansin, and lalapit pa lang ako sa kanya, iiwas na siya.. feeling ko tuloy may nagawa ako sa kanya, kaso ano naman kaya yun? on top of that, nagbabalik na naman yung thoughts ng mga nangyari sa akin noong bago ako mag-graduate sa college..
and just last month, september, nagiging malungkutin ako, I cry kapag may sad thoughts ako (and often petty as my BF puts it), mas naging makulit ako to the point na super insistent ako, at nasasagot ko na nang pabalang yung parents ko.. it got worse noong yesterday, nasigawan ko yung BF ko, tapos biglang hindi na lang ako pinansin hanggang sa makaalis siya ng school.. good thing sinabayan niya ako ng pag-uwi and then sinabing na-offend siya sa nagawa ko.. umiyak na naman ako sa shoulder niya..
later that night, na-realize ko na parang hindi na ako ito.. parang hindi na tama itong nangyayari sa akin.. masyado na akong nabu-burnout, sobrang stressed na ako sa work at especially sa school.. hindi na ako makapag-focus, na kailangang-kailangan ko pa naman ngayon kasi finals week na namin.. apektado na ang mga relationships ko.. ang problema pa, I don't know where to turn to, kasi kung family ko nga hindi naiintindihan ang sitwasyon ko at ang pinagdaraanan ko, sino pa ang malalapitan ko? eh iilan lang naman ang mga friends ko na nakaka-intindi sa situation ko ngayon.. i'm actually considering seeing a psychiatrist, pero ang concern ko is kapag may iprescribe sa akin na gamot, baka maging dependent ako doon..
do i need to see one at this point..? if ever i have to, meron kayang treatment na magagawa kahit hindi na mag-prescribe ng gamot..? TIA... :]