We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Nako sis Filipinasadhart, buti ka nga ipad lang eh. Binigyan ko kaya ng macbook, iphone, 3 camera na high end lahat, aircon na split type dahil ayoko syang mainitan sa pagtulog, microwave at oven toaster yung ex ko. Hindi lang yun dami ko pa binigay pero walang naalala ni isa. Pinagpalit na lang ako bigla ng walang kaabog abog.Mga sisses, maniwala na lang tayo sa karma. Totoo naman kasi. Nasa bible din yan. What you sow is what you reap. Aanihin din ng mga walangya nating exes lahat ng ginawa nila. Isa pa vengeance is mine says the Lord. Kahit hindi tayo maghiganti, patas ang Diyos. Tsaka isipin na lang natin na at least hindi tayo yung nang-argabyado. Kasi mabigat din sa kunsensyayun at mahirap kalaban ang konsensya.
ganong talaga... hindi na tayo marunong magpahalaga sa tao na hindi na rin siguro mahalaga sa atin. bagay lang yung mga yun sisses. kanila na yun... pero bawiin natin ang sarili natin ng buong buo. natutunan ko, forgive, pray na ma forgive mo sila... para rin yun sa pag move on natin.sabi nga its really the best pay back... kasi it makes them wonder.. and it would eat up their conscience pa.
Bago ko natutunan.. never jump into a relationship kung sa umpisa palang mali na..Don't waste time in relationship when you are sure there is no future in it. Kahit na ganu mo pa kamahal kahit ganu kahirap sa umpisa kahit masakit..In the end mas masakit kapag natapos na dahil nasayang na ang panahon, napagod ka pa, nasayang pa ang pagakakaibigan, nawalan pa ang respeto.. so much have been wasted wasted =(
Bago ko natutunan.. never jump into a relationship kung sa umpisa palang mali na..
after the break-up?-stop the contact (stop dapat lahat, wag nang tumawad)
Totoo ang sinabi ni cinnamonroll. Kahit madami ka ng nabigay sa kanya.. hindi ka nya maaalala at ipagpapalit ka din. Ganyan ang ginawa sa akin eh. pati nga taxi nya ako pa. o diba? tapos ako pa mali?
ganong talaga... hindi na tayo marunong magpahalaga sa tao na hindi na rin siguro mahalaga sa atin.
@ cinnamoroll: matindi rin pala yan ex mo Malupet sya. Ano ginawa mo sis? Blotter mo ba sya? Nagtry mo pa ba kunin sa kanya o hindi na? Bakit ba sila ganyan, Minahal mo na nga binigay mo na lahat lahat tapos ganyan pa igaganti sa atin. Sana marunong man lang mahiya db. Malulupet sila sobra. Yeah, i believe in Karma. May nabasa nga ako sa book. Remember: Karma is instant. @ cinnamoroll: Super Agree ako sa mga sinabi mo. Thumbs -up! kaya kalimutan na natin sila. Mga manggagancho lalake yan. One more thing di lang yon ang sakit pa ng nalaman ko kase di lang ako yun niloloko nya pati mga kabarkada namin at kaoffice mate . Alm mo ba nanlalamang sya ng kapwa kaya super dissapointed ako sa nalaman ko. Naging mag-kaibigan kame for almost a year before naging kame kaya i really dont expect na ganon pala yun tunay na pagkatao nya. Ang sakit sakit kase yun tao nirerespecto mo ng sobra tapos in one click ayun na lumabas na yun tunay na baho nya.
Hindi ko na pinablotter Sis. Para san pa?!? Sa kanya na lahat ng yun. After all, wala na din naman siyang makukuha sa kin everrr tsaka at the end of the day eh pera lang yun at material stuff. Kinikita at naluluma. Alam mo count it as a blessing na nalaman mo how horrible a person he is bago pa kayo ikasal. Kung kasal na kayo ang hirap kaya magpa-annul. Tsaka yung kahihiyan nya kahihiyan mo na din. Pasalamat ka na din la pa kayong anak. Maluluma din yung ipad na kinuha niya. Makakabili ka din ng bagong version. Tsaka isipin na lang natin hindi lang sila ang manloloko sa atin in our lifetime. Marami pang iba pero ang importante eh we learn our lessons from these people para next time makaiwas na tayo sa mga manloloko. Lastly, I encourage everyone to be the best you can be. The best revenge, mga sisses is living well. Be successful. Tingnan nyo they'll be sorry for letting us go and by the time na nakapamove on na tayo and mas successful sa kanila, they'll want us back but by then eh it will all be too late. Hindi na natin sila ka-level eh. Hehe.