just came from Acuatico and wow, I loved the place, maliit pero nice nice nice!!!
tapos we went swimming early in the morning para iwas araw, turned out, medyo makulimlim talaga and yet, warm yung tubig kahit yung dagat so saraaaaaap magswimming!!!
malinis yung rooms, maayos, wala ako kalat nakita anywhere, altho yung food, pricey! yung inorder kong pesto seafood pasta, konti lang e 252 inabot, tapos lasa pang carbonarra hindi pesto, di ko na alam tuloy kung ano yung inorder ko
nagcommute kame papunta kase sabi sa nabasa ko sa internet, parang ok lang magcommute, wrong move!
from batangas bus stop sa lipa, going to san juan market, kala namen FX, according sa nabasa ko somewhere sa internet, jeep lang pala available, 54 pesos each! at more than 1 hour travel time. then from san juan market to laiya, jeep nanaman, at grabe, hatid talaga sa kung san bababa yung pasahero, kung may kukunin, as in hihintayin yung pasahero, sa gitna ng maalikabok na daan, tapos mahaba yung jeep na puno ng kargo, mga malalaking supot ng kung ano, parang mga paninda, so kung may bababa, ayun hakot hakot simula dulo ng jeep, then hatid hatid sa maaalikabok na daan. pagdating namen sa acuatico, amoy araw, malagkit at maalikabok at pawis at pagod inabot kaya medyo badtrip ang bf.
good thing, meron pala sila van/car service para maghatid pauwi. 2k to batangas bus stop from acuatico, 4500 sa manila na mismo.
overall, I LOVE ACUATICO!!!