watch now

Author Topic: Jewelry Investment  (Read 493864 times)

casmi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #120 on: December 29, 2011, 07:45:29 pm »
pajoin! :) magkano usually ang white gold necklace sa binondo? yung di macyadong maiksi? and pendant na jade yung tama lang ang size? :D

snowyice

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #121 on: December 30, 2011, 01:23:55 pm »
white gold nasa 1800 per gram if I remember it correctly depende sa bigat about the jade pendant no idea depende sa laki at klase ng jade. Ang alam ko kapag ganyan mas mura sa Thailand just in case may kilala kang pupunta mas makakamura ka.  Yung friend ko bumili ng necklace with blue sapphire pendant sa thailand 2k lang pag uwi niya pinaappraise niya 10k daw!  ;D

casmi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #122 on: December 31, 2011, 01:35:20 pm »
^ sis any basic tips kung paano mo makikita kung tunay yung alahas? gusto ko rin sana mag start kahit pa konti konti mag invest sa alahas... ask ko lang din kung nakapagtry ka na bumili sa ongpin? :))

hanson15

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #123 on: April 09, 2012, 10:21:34 pm »
Sis san pwede magbenta ng gold aside from pawnshop ang baba kasi ng selling price 30% lang. Tia! Gold jewelry yung binebenta ko and mga stones san pwede kaya ibenta?

Frixxie

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #124 on: July 16, 2012, 01:30:33 pm »
im wondering lang magkanu ang initial investment sa jewelry? parang gusto ko din tong business....

@Snowy, saan banda sa Thailand? kase sabi sakin ng friend kong alahera ang gold daw nila mga galing ng HK naman... kaya Im wondering san mas mura....

nakabili ako ng gold sa HK ok naman siya... pero mas gusto ko pa din ang mga Saudi Gold for personal use....

taleebin

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #125 on: July 16, 2012, 05:34:53 pm »
^Iisa lang naman ang klase ng ginto. Wala naman saudi gold, japan gold, chinese, italy etc. Yung country pf origin lang yan at yung make. Pag saudi kasi mataas ang kilatis ng ginto kasi mostly yan 21k -24k. Yung jewelries nila like earrings di ko masyado trip, ive seen 14k-18k ok naman pero design wise hindi ko talaga trip. Now for italy na sinasabi automatic yan 14k. Mostly white gold and may tatak mismo na 585 italy. Japan mostly 18k and strict ang quality control ng kanila. Design ok din. Minsan sa jewelries sa japan may halong platinum.

For this kind of this of business, maganda sya kung maganda but you really have to be careful kasi ngayon maraming nagsisilabasang fake. At doble lulugihin mo kung sakali.

@hanson pawnshop mostly appraise the volume of gold. Hindi kasama dun ang mga stone. Kahit ano pang klaseng stone yan, bihira magbigay ng appraise value. Hindi rin ideal mag benta sa pawnshop kasi nasa batas yan na binibigay ng central bank. If ever mahuli ma aanti fencing law ang pawnshop. Isa pa talo ang pawnshop sa tax na binibigay ngayon ng CB.


Hope this helps

prettyarcher

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #126 on: July 17, 2012, 10:17:59 pm »
Hi sisses, would like to share with you my dilemma about jewelry. I have several 14k tri-color italian pcs, kaso I used them nung mga high school to college pa ako, now kung titignan mo sila hindi na sila bagay for me kasi parang pang teen-ager ang style.

Isip ko ano maganda way para dispose ko sila. Wala ako kilala na nag buy and sell ng jelwery so naisip ko sangla ko nalang sa pawnshop, nag increase na yung value nila, halos 10,000 pesos per piece.

Yung oney sana makukuha ko, gusto ko i-add nalang sa SDA ko sa bpi at least kikita pa ako.

btw, boy din ang baby ko so wala na talaga gagamit, what do you think sises? ok kaya kung ganyan nalang gawin ko?

Thanks in advance sa mga mag re-reply.  ;)

Frixxie

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #127 on: July 18, 2012, 06:59:38 am »
^Iisa lang naman ang klase ng ginto. Wala naman saudi gold, japan gold, chinese, italy etc. Yung country pf origin lang yan at yung make. Pag saudi kasi mataas ang kilatis ng ginto kasi mostly yan 21k -24k. Yung jewelries nila like earrings di ko masyado trip, ive seen 14k-18k ok naman pero design wise hindi ko talaga trip. Now for italy na sinasabi automatic yan 14k. Mostly white gold and may tatak mismo na 585 italy. Japan mostly 18k and strict ang quality control ng kanila. Design ok din. Minsan sa jewelries sa japan may halong platinum.

For this kind of this of business, maganda sya kung maganda but you really have to be careful kasi ngayon maraming nagsisilabasang fake. At doble lulugihin mo kung sakali.

@hanson pawnshop mostly appraise the volume of gold. Hindi kasama dun ang mga stone. Kahit ano pang klaseng stone yan, bihira magbigay ng appraise value. Hindi rin ideal mag benta sa pawnshop kasi nasa batas yan na binibigay ng central bank. If ever mahuli ma aanti fencing law ang pawnshop. Isa pa talo ang pawnshop sa tax na binibigay ngayon ng CB.


Hope this helps

okay... ganun pala yun... yung mga nabili kase namin dati suadi gold gustong gusto ko yung color ng pagka-gold compare yung nabili ko sa HK na chinese gold nga...

Yung Japan gold pala ang pinaka maganda....

sis baka may tips ka naman diyan where to buy gold? naghahanap kase ko ng magandang necklace... nakakita ako sa mall cost 37k discounted na yun pero they dont know yung timbang kaya naghesitant ako bumili...sabi sa pawnshop ko daw ipatingin! hanuba! haha

laviere

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #128 on: July 19, 2012, 05:41:36 pm »
i was browsing at several jewelry shops, ang mahal ng benta nila ng italian gold. there were these really, really nice earrings that i wanted to buuy, pero 11k na for around 2.5 grams! the saleslady said ang binibili DAW kasi sa italian gold jewelry is the craftmanship, rather than the weight. you buy it not for the investment, but for actual use.

chengsi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #129 on: July 23, 2012, 04:23:08 pm »
^^ sis san ka nagtanong? sa mall ba?

kase parang ang mahal mahal nga sa mall...

taleebin

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #130 on: July 23, 2012, 04:38:04 pm »
Mahal talaga sa mall dahil ang alam ko pumoposyento din sila [mall] sa mga stores. At please be reminded of tax and rent kaya ganun nalang patong nila.

chengsi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #131 on: July 23, 2012, 04:49:28 pm »
sa m.lhullier store kaya okay yung mga price nila compare sa ongpin?

advice naman mga sissessss... :D

taleebin

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #132 on: July 23, 2012, 06:11:26 pm »
^ sa price syempre hindi. Mas mahal dun compare sa ongpin.

chefron

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #133 on: July 23, 2012, 06:39:47 pm »
Hi sisses, would like to share with you my dilemma about jewelry. I have several 14k tri-color italian pcs, kaso I used them nung mga high school to college pa ako, now kung titignan mo sila hindi na sila bagay for me kasi parang pang teen-ager ang style.

Isip ko ano maganda way para dispose ko sila. Wala ako kilala na nag buy and sell ng jelwery so naisip ko sangla ko nalang sa pawnshop, nag increase na yung value nila, halos 10,000 pesos per piece.

Yung oney sana makukuha ko, gusto ko i-add nalang sa SDA ko sa bpi at least kikita pa ako.

btw, boy din ang baby ko so wala na talaga gagamit, what do you think sises? ok kaya kung ganyan nalang gawin ko?

Thanks in advance sa mga mag re-reply.  ;)

Theres an add in teh newspaper that they want to buy gold jewelries, sa makati shangrila. Starts tomorrow and ends on saturday. 11am to 5pm.

chengsi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #134 on: July 24, 2012, 12:09:06 pm »
^ sa price syempre hindi. Mas mahal dun compare sa ongpin.

how about sa quality? i mean yung pagka-gold? cos di pa ko masyado marunong tumingin... pero i want yung parang suadi gold nga ang color niya... ayaw ko ng super tingkad na gold what i have now...:(

gusto ko malaman sana yung sa weight nung gold tama ba dun sa price niya? panu ba yun?

queendi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #135 on: July 24, 2012, 12:48:19 pm »
Balak ko mag ipon ng gold. We discovered kasi just last month na ang bilis ng pagtaas ng value.

Ganto kasi, around 2008-2009, I gave my dad a gold ring (yung pang tatay talaga na medyo malalaki). Bili ko lang dun nung 2008 is more or less 6k dito sa ME. Last month, without my knowledge, isinangla nya(nagalit pa nga ako), pero tuwang tuwa pa syang ikinuwento sa akin na ang mahal na daw pala. 8k daw binibigay sa kanya sa sanglaan pa lang. so kung tutuusin, kumita pa pala kahit sa sangla lang.

Kaya ngayon, iniisip ko mag invest kasi mabilis tumaas ang value ng gold. Pero kung magbebenta, parang hirap ako isipin paano mabebenta kasi most of the people ngayon eh mas gusto mga latest gadgets.

30% nga lang ba ang value sa sanglaan?

taleebin

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #136 on: July 24, 2012, 10:31:28 pm »
^ Required appraise value for each pawnshop should not less than 30%. However, it depends on the appraiser how would s/he appraise it. Totoo na maganda mag invest. Pero with how the competition goes (pawnshop) para mo na din ibinenta ang alahas mo sa presyo tapos buwanan ka mag iinterest.


@chengsi

Personally, i havent tried buying from ongpin and i dun think i will ever be. And re on how would you like the appearance of your gold,  may mga alahas na nilalaminate o "tubog" kung tawagin. Like if its too yellow for you, you can tone it down without downgrading the value.

There's a proper computation for that. Basic, divide the amt of gold to its weight then thats the price per volume.

chengsi

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #137 on: July 25, 2012, 09:02:18 am »
^^ hi sis, i think yung mga nasa onpin sa HK kinukuha... but im not sure....

so do you advise sa mall na lang kumuha or sa alahera(as in tao)

jessiej199091

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #138 on: July 25, 2012, 11:02:26 am »
hi mga sis.. ingat lang sa mga bumibili sa ongpin dahil may mga stores dun na fake ang binebenta nila as experienced by my office mate. good for me naman, may store ako dun na mga 4 times ko na nabilhan ng jewelry. and so far, puro tunay naman nabibili ko.. tipid mode kasi ko kaya sa ongpin lang.

quesion pala mga sis.. ok ba bumili ng philippe charriol na bracelet? nagaappreciate ba sya ng value? thanks po...

taleebin

  • Guest
Re: Jewelry Investment
« Reply #139 on: July 25, 2012, 11:23:48 am »
^ what kind of PC  bracelet? Yung cables kasi nun hindi ginto. Depende sa design, di ko kasi mapaliwanag pero hindi naman bumababa pero di mo lang sya mabebenta ng mataas gaya ng gusto mong price. Lets say 30k si bracelet, 25k-28k mo yan mabebenta sa 'tao'.

@ chengsi sa tao nalang siguro. Gaya nga ng sabi ko mas mataas sa mall so kung ibebenta mo, hindi ka rin kikita.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close