Hi!
May 2016 Bride here. Same with francianne halos wala pa kaming naibobook ni Fiance na suppliers. Pero may mga quotations na ko from different Suppliers. Tight budget namin ni Fiance kaya super canvass talaga ako sa mga suppliers hahaha!
Tom. magfile na kami marriage license. Saturday Mamamanhikan na sila Fiance. Morning siguro ng Saturday baka pabook na namin P&V.
Napasave naman na namin yung date sa Church. Don lang naman sa lugar namin yung church and madalang lang may magpakasal don lately since medyo mahigpit si Father in all terms. Kaya di rin kami ganon kabado na baka di na avail yung preferred date namin. Plus weekday din target date namin. Special day kasi Hahaha!!! And We love the church, kasi maganda din naman plus my parents and the rest of the Family. From my Lolo-Lola, and lahat ng kapatid ni Father don kinasal kaya don na rin kami. 4K ang bayad sa Church and according sa nakausap namin kasama na church decor don. including flowers.
Caterer naman yung Caterer na taga sa amin din balak naming kunin. Affordable kasi and natikman ko na rin food nila masarap naman.
Venue will be Court lang near house namin. Dadaanin na lang sa set up.
magbibigay ako ng pegs ng set up kay Caterer and mag DIY din ako.
Mabait naman may ari nung Catering kaya papatulong ako sa kanila. Plus yung isang waiter don classmate ng kapatid ko during hayskul and kapatid din sya nung classmate naman namin ni Fiance nung H.S. kaya madaling mapapaki usapan Hahaha!!!
Gown Mananahi yung kapit-bahay namin na nagkataon na malayong kamag anak namin. Sabi nya ako na daw bahalang magbigay sa kanya if how much iaabot ko, regalo na daw nya samin yun Hahaha!!! may peg na kong design papakita ko sa kanya. Papasama na lang ako sa kanya pag bibili na ng Tela.
For the Flower planning to DIY it. Familiar naman sa Dangwa since dito kami nagwowork ni Fiance sa Manila
Ring - taga Divi lang kami pag andito kami Manila kaya malapit kami sa Ongpin. Nakapasyal na rin kami don. Planning to buy Rings either sa Mayfair or Ty Po Huat. May rings sila na nagrarange from 3k to 10k and above. depende na sa design, bigat, if may bato or wala. My Sister got their wedding ring (Civil) at Ty Po Huat for 4,500. simple gold ring. Originally it should be 4,800 pero magaling kaming makipag bargain ni Sister kaya natawaran namin hahaha!!!
Cake - naka usap ko via FB Rosemary's Home Made Treats. Affordable quote nya sa peg namin fondant cake. And magaganda naman feedback sa kanya. Planning to order cake sa kanya for Mother's upcoming bday (February) para matry na din.
HMUA- Nabigyan na ko ng quote ng dati kong kasama sa production nung college. And He promise to give me discount if ever sya ang ibook namin. But I'm still waiting for another Friend's quote. Pa VIP kasi ayaw pang sabihin sakin quote nya. Gusto formal meeting pa eh hirap nga ko sa sched because of work. Specially now na nag open na business namin ni Fiance. Di na kami makaka uwi ng weekends kasi mas mabenta pag Weekend kaya puro online, viber, fb, text lang pag iinquire ko sa mga suppliers Hahaha!!!
Invitation - DIY.., Nakagawa na ko ng isa. Nagustuhan naman namin ni Fiance yung outcome. Concern lang sya na baka mapagod ako. Sabi ko naman hindi kasi hilig ko talaga ang mga arts and crafts. Mas nag eenjoy ako sa ganto. Stress reliever na din. Hahaha!! Need na lang plantsahin yung buong entourage list para tuloy-tuloy na pag gawa ko. May list na kami ni fiance kaso baka may mga suggestions pa ang angkan kaya wait na namin matapos pamamanhikan para magawa ko na lahat.
So far kahit wala pang formal na reservation or booking. We have ideas na kung sino-sino kukunin naming supplier. After ng pamamanhikan Hopefully maibook na paisa-isa ang mga yan. Di pa kasi namin mabook kasi mahirap ng may masabi ang matatanda sa amin. Sila Sis kasi pinagalitan nung nag asikaso sila for civil wedding kahit di pa nakapamanhikan sila Bayaw. Hahaha!!! May pagka old style pa rin kasi sila. Mahirap namang di sundin ang mga oldies. Baka magtampo dagdag stress pa. Kaya looking forward na sa sabado para makapag bawas ng alalahanin hahaha!!!
