Hi, Misis Maku! 
Tutal wala masyadong ibang nag-popost, tayo na lang muna mag-usap.
Saan mo plan gawin ang reception? May caterer ka na ba? Are you considering Manila based caterers ba? Hope to hear from you and the other girls soon! Take care! 
Haller!
Di ko sure if na-doble reply ko...or namali ako ng pindot... hehe. Anyway, budget wedding kami so, tinanggal ko na sa list ko ang Cabanas, Feliza Jazz, Paradise. So, baka clubhouse na lang kami - La Residencia or sa Malolos Heights. I-check ko pa yung place kapag nagka-time na ako.

at pag may sasama na sa akin maglibot, hindi ko na kase kabisado Malolos... medyo matagal akong nawala sa Pinas,e

So, naka-depend lang ako sa internet sa pagri-research...
Kanina tinawagan ko yung Villa Rosalinda (located in Caingin, Malolos nasa facebook din sila), mukhang okay yung package nila. Ang ni-quote saken nung girl nung tumawag ako is around 52K for 150 persons inclusive - catering, reception arrangement, venue, accommodations, bridal car then may corkage na lang if trip daw namin na mag-add ng lechon tsaka additional fee for electricity din if ever may photo booth (well, wala kaming lechon at photobooth for sure. LOL).
P/V - Partly decided na ako na kuhain ang Sights Photography (
http://www.sightsphotography.com/), schoolmate ko sila nung highschool, hehe... tsaka yung iba kong batchmate na ikinasal sila din ang kinuha and mukhang okay naman, though 5 years pa lang sila nagko-cover ng events. Nagpa-customized ako ng package since di naman namin kailangan ng tarpaulin, thank you cards, etc.
For the invitations, nagdu-doodle pa din ako, hehe... since 50 pcs lang naman kailangang gawin so, handmade ko na lang... yung mga friends ko na hindi ko masesendan ng invites by email na lang, gagawa na lang ako ng graphic illustrations para kahit pano may dating.
Attires sagot lang namin is yung para sa parents and abay na kamag-anak so, trip to Divi na lang for the tela and accessories then tulong na lang kami ng lola ko sa pananahi, since mananahi lola ko and medyo sanay din ako manahi. Hehe... peg namin ay JCrew at Anthropologie kaya casual lang ang dating.
For flowers, Dangwa na lang... may kinuha kami na on-the-day coordinator (friend ng friend ko) sila na bahala, basta bigyan ko na lang sila ng budget since Daisies lang naman flowers namin, e... so, hindi naman mahal ata yun??? hehe

Feeling ko maka-book lang ako ng caterer at venue, makakahinga na ako ng maayos.

HOPEFULLY!
