watch now

Author Topic: Iglesia Ni Cristo  (Read 170954 times)

chirochan

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #400 on: July 31, 2014, 08:38:40 am »
Sa baesa ka pala sis beng dyan din ako sumasamba :)

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #401 on: July 31, 2014, 09:43:03 am »
oo sis jholan15 minsan nakikita ko si Ka Tunying, minsan naabutan ko nagtuturo sa mga bata. Guro siya sa PNK  ;)

Ang madalas ko makita yung wife niya si Ka Rossel, Pananalapi naman sa lokal.

Hi sis chirochan, taga QC ka lang din pala :)

jholan15

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #402 on: July 31, 2014, 05:18:30 pm »
Ah talaga sis, guro pala sya :) ang ganda ng asawa nya noh :)

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #403 on: July 31, 2014, 05:54:23 pm »
Oo sis maganda siya at matangkad din.

Simple lang din sya pag tumutupad sa pananalapi, walang make up.

Tapos pag aattend ng panata - Pasalamat or Sta. Cena, simple lang din manamit, parang ordinaryong mananamba lang. Mas maporma pa nga yung ibang kapatid sa kanya heheh.

Tapos pag tupad sa Pananalapi ng Pasalamat, Sta. Cena, nagpapakain siya sa Pananalapi. Husband ko kasi Pananalapi sa P-9 kaya minsan nakakasabay niya tumupad :)

jholan15

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #404 on: July 31, 2014, 10:41:46 pm »
Ah talaga sis..ang galing naman..napaka humble nya :) asawa ko din sis sa pananalapi p13 naman :)

bonamil

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #405 on: August 06, 2014, 02:06:01 pm »
Hi po. ask ko lang kung sino po ang mang-aawit dito. kasi naghahanap ako ng lalagyan ng toga. sa mga mang-aawit po san kayo nakabili ng lalagyan ng toga kasi bibili sana ko ireregalo ko sa hubby ko.

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #406 on: August 06, 2014, 02:13:48 pm »
Hi sis meron bilihan, malapit at sa gilid ng front gate New Era University.

Haven yata ang name ng building, basta sa 2nd floor sila, sa INC shop ni ka Maganda.

Marami nabibili doon - lagayan ng toga, barong sa mga ministro/BEM, uniform ng Pananalapi, etc etc. Doon ko nabili yung lagayan ng toga ko-- mang-aawit here ;D

bonamil

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #407 on: August 07, 2014, 11:08:04 am »
NIce. Sakto pala kasi kukuha na din ako ng tungkulin sa pananalapi kaya dun nalang din ako bibili. Naghahanap kasi ako sa sulit wala naman akong makita dun lang pala sa New Era may bilihan. Thank you sis  :)

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #408 on: August 07, 2014, 11:51:35 am »
welcome sis bonamil :)

Yes lahat nag kailangan na related yata sa INC doon mabibili, pati mga pins, clearbook ng mang-aawit, yung uniform ng pananalapi may small/medium/large pero pwede ka rin magpagawa kung gusto mo, at iba pang mga uniforms.
« Last Edit: August 07, 2014, 11:54:03 am by Beng01 »

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #409 on: October 03, 2014, 02:23:46 pm »
Hi mga kapatid I just want to confirm, totoo ba na magkakaron uli ng World Wide Walk II next year?

jholan15

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #410 on: October 03, 2014, 06:04:22 pm »
Totoo po sis! Sinabi na samen ng katiwala namen..sa january naman po next year sya gaganapin..by the way, how's your pregnancy?ako sis,nakitaan ng endometrial polyph,need daw iraspa eh..magpapapahid muna ko ng langis :)

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #411 on: October 06, 2014, 09:12:53 am »
ok sis jholan15 kala ko gawa gawa lang kasi bakit hindi sini-circular sa pagsamba at sa fb ko lang nakita :-)

Maayos naman pregnancy ko sis, kabuwanan ko na :), by Oct 15 naka leave na ko :). Tama yan papahid ka muna ng langis tapos panalangin lang :)

serene329

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #412 on: October 13, 2014, 01:35:28 am »
Good Midnight po. May tanong lang po ako. May friend po kasi ako na INC member na Male. Bale ganito po yun kwento nya 42 y/o na sya ngayon may-asawa na converted INC at dalawang anak. Pero hiwalay na po sila 5 years ago ng asawa nya kasi yung asawa nya naging malikot sa lalake. At nag-asawa din ng koreano at nagkaanak dun tapos naghiwalay din tapos nagboyfriend ulit nagkaanak pa ulit ng isa sa iba nanamang lalake bale naging dalawa ang anak sa labas, ngayon kung sino-sino po ang Boyfriend. To cut the story short basta nanlalake yung Wife at nasawa na din si Husband kasi ilang beses na sya niloko at paulit-ulit nyang pinatawad until 5 years ago nga dahil hindi pa rin tumitigil si Wife sa kalokohan nya kaya they decided to separate. Last year lang po nanalangin daw po sya at hiniling nya na sana ibigay ang katahimikan ng buhay nya tapos may nakilalang Babae yung friend ko sabi nya siguro iyon ang sagot sa panalangin nya dahil nakadama sya ng katahimikan pero Katoliko yung girl naging mag BFGF sila at inaaakay nya sa INC kasi sobrang mahal na mahal nila isa't-isa. Kaso ang problema nga dun kahit maakay nya yung GF nya ngayon eh kasal pa sya sa Asawa nya.

Pero ganito kasi yung kwento ng kasal nila nung asawa nya. Barkada daw po nya yung asawa nya dati at may GF sya that time pero itong barkada nya eh lumayas sa bahay nila at nakituloy sa bahay ng friend ko na yun at hindi na po umuwi sa kanila as in nagstay na dun ayaw ng umalis, nagalit yung GF nya at nakipaghiwalay sa kanya. Walang nagawa yung magulang nya kundi ipakasal sila kasi nagsasama nga sa isang bahay eh katoliko pa yung babae at sa batas dw po ng INC bawal ang magsama ng hindi kasal kaya pinadoktrinahan agad yung babae nung Magulang at kapatid nya para maikasal lang sila that time 16 lang yung babae at 19 yung friend ko pineke nung magulang ni lalake yung age nung babae para makasal lang tapos wala ding consent sa part nung magulang ng babae dahil di na nga umuwi si babae at galit sa kanya magulang nya sa halip humanap sila ng tao na pwede tumayo bilang magulang nung babae. Naikasal naman po sa Kapilya ng ganun ang ginawa.

Ang tanong lang po ano?

Valid dw po ba yung kasal na yun sa Iglesia?

kasi sa Government void po iyon dahil 1991 sila ikinasal at under Family Code.

Sa ngayon kasi nakatagpo sya ng katahimikan sa current GF nya na inaakay na nya sa INC, naaawa lang po kasi ako sa friend ko kasi ang batas ng INC hindi pwedeng paghiwalayin ang pinagbuklod ng Diyos kundi hanggang kamatayan lang.

Ibig sabihin matitiwalag sya?

Pero sabi nya magbabalik loob sya kung sakali kasi mahal nya INC at ang Diyos.

kaso sa ganung ginawa sa kanya ng asawa nya paano na?

Tatanggapin pa kaya sya ng INC kung magbabalik-loob sya dahil sa paglabag ng batas na Hindi pwedeng makipagrelasyon hangga't buhay pa ang asawa nya?

Komplikado kasi. Sabi nya balak nyang humarap sa Diyos na kasama na ang current GF nya at ihihingi nya ng tawad lahat ng nangyari dahil mali ang naging umpisa ng lahat. At kung pagbibigyan sya ay hinding-hindi na sya susuway dahil nakita na daw nya ang taong tama para sa kanya.
« Last Edit: October 13, 2014, 01:41:43 am by serene329 »

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #413 on: October 14, 2014, 02:10:57 pm »
hi sis serene329. Mahirap ang sitwasyon ng friend mo, kasi kinasal sila sa Kapilya, so church wedding siya, so legally, married pa rin ang status niya. Sa tingin ko dapat ihingi ng payo sa ministro kung ano ba ang dapat gawin. Una sa lahat bago tayo bautismuhan, alam natin na ang, " pinagbuklod ng Diyos ay huwag nawang paghiwalayin ng tao". Case to case basis pa rin, kasi kung gusto niyang manatiling hiwalay sa kanyang asawa, ay bawal siyang makipagrelasyon o mag asawa sa iba sapagkat siya'y tali pa sa kautusan ng pag-aasawa.

Sa tingin ko din, kailangan niyang manalangin mabuti. Magpanata lang siya. Kumausap din siya ng ministro o kaya sumulat siya sa Central para malaman ang pasya.

serene329

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #414 on: October 19, 2014, 11:24:16 pm »
hi sis serene329. Mahirap ang sitwasyon ng friend mo, kasi kinasal sila sa Kapilya, so church wedding siya, so legally, married pa rin ang status niya. Sa tingin ko dapat ihingi ng payo sa ministro kung ano ba ang dapat gawin. Una sa lahat bago tayo bautismuhan, alam natin na ang, " pinagbuklod ng Diyos ay huwag nawang paghiwalayin ng tao". Case to case basis pa rin, kasi kung gusto niyang manatiling hiwalay sa kanyang asawa, ay bawal siyang makipagrelasyon o mag asawa sa iba sapagkat siya'y tali pa sa kautusan ng pag-aasawa.

Sa tingin ko din, kailangan niyang manalangin mabuti. Magpanata lang siya. Kumausap din siya ng ministro o kaya sumulat siya sa Central para malaman ang pasya.

Salamat Sis Beng01 for replying. Oo nga eh awang-awa din ako sa kanya kasi ramdam ko yung bigat ng dinadala nya. Para ko na kasi syang tunay na kapatid. Hindi po ako INC, katoliko ako sa papel pero dahil din sa kanya ay natutunan ko at nakilala ko ang INC. Yan nga din po ang sinabi ko sa kanya na ang sabi nya sa akin nuon nung nagsheshare sya sa akin na Ang pinagbuklod nga ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalayin ng tao kundi sa kamatayan lang at pinaalala ko sa kanya iyon nung magkwento sya sa akin ang sagot naman nya sa akin matagal na panahon syang mag-isa at nanalangin sya sa Diyos na pagkalooban sya ng katahimikan at sya naman dw dumating sa buhay nya yung GF nya sa di sinasadyang pagkakataon parang ang pagkakaintindi nya na iyon marahil ang ipinagkaloob na sagot. alam nya daw iyong paguutos na iyon ngunit kung iyon daw ang makakapagbigay sa kanya ng katahimikan at mas matinding  pananampalataya sa Diyos. E habang buhay daw nyang ihihingi ng tawad ang ginawa nyang hakbang kahit daw itiwalag sya patuloy pa rin daw syang mamumuhay bilang INC, sasamba at hihingi ng kapatawaran kasama na yung GF nya na hopefully daw eh maging wife nya. Wala naman akong maitulong sa kanya kundi ang magtanong ng maaari nyang gawin dahil hindi ko alam ang lahat dahil hindi naman ako kaanib at inaakay pa lang nya. I feel so sorry for him. Kasi pag nakikita ko sya at GF nya sobrang saya nila parang ang sakit lang siguro makita na mabigo sila. Hindi ko sya masisisi sobrang bait lang kasi nung GF nya wala akong masabi kaya siguro ayaw na nyang pakawalan.
« Last Edit: October 19, 2014, 11:49:06 pm by serene329 »

peanutbuttercups

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #415 on: November 07, 2014, 11:16:09 am »
Hi girls, also asked this same question to the other INC Wedding thread but baka mas active mga girls dito (received no reply) :(

If the guy's membership to INC get dismissed because of his decision to marry a non-inc member, will the parents of the guy be dismissed also? or si guy lang? thanks in advance!

sweetjaja16

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #416 on: November 07, 2014, 08:00:47 pm »
No, c guy lang pero kung yung parents nya ay my tungkulin apektado un. s kung [textspeak!] father ni guy pangulo ng diakono possible na mababa o matanggal sa tungkulin [textspeak!] father nya.

krissys

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #417 on: January 20, 2015, 02:39:50 pm »
Hi All. I'm sure hindi lang ako nag-iisa na may issue. Well I met a guy. Click kami sobra. Pero Iglesia sya. Ako naman Catholic. Hindi naman ako talagang religious na tao. In fact, parents ko magkaiba ng religion Protestant and Catholic. Hindi naman mahigpit yung dalawang religion na yan so pwede. Ang unfair lang kasi I'm willing na i-overlook yon like my parents pero hindi pwede sa Iglesia. Para kasing hindi ko kaya ma-practice lahat ng teachings ng Iglesia. Baka hindi talaga meant to be.  :(

snowdust

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #418 on: March 02, 2015, 09:11:47 am »
good morning! ask ko lang, if annulled na before nagpa convert sa INC pwede ba sya magasawa ulit? kasi di ba single na sya ng naging INC.. or hinde talaga sya pwede magpakasal.

Beng01

  • Guest
Re: Iglesia Ni Cristo
« Reply #419 on: April 01, 2015, 02:46:09 pm »
hi sis snowdust, I am not sure on this. You may ask any pastor of INC near your place.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close