Author Topic: Change of Civil Status  (Read 181205 times)

sildusoleil

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #140 on: July 28, 2015, 07:23:30 am »
Hello,

Paano ba ang process pag mimigrate na? After kasi ng kasal dito sa PH, have to move out with him sa Malaysia, syempre dapat gamitin ko yung surname niya diba kasi baka iba sa bansa nila ang naming convention sabi sakin ni Hubby yung mga babae daw doon (mostly Chinese girls) hindi ginagamit ng surname ng husbands nila kahit kasal na.

1. Pupunta ba kami ng embassy ng Malaysia para iregister ang kasal namin?
2. Magapply ulit ng passport with updated civil status?
3. Magapply sa embassy ng Malaysia para sa "spouse" visa?

All in all need pa ata namin tumira ni hubby ng 1-2 months sa PH after ng kasal para sa mga papeles na ito...?

annasui

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #141 on: July 28, 2015, 05:37:30 pm »
^sis AFAIK company na ang maglalakad nun. in my case, i asked for a form ng update status sa company ko. then fill it up. sila na nag lakad. are you trying to change your status from single to married ba or you're trying to change RDO? Theres a specific form if you are changing RDO ata. Alam dapat yun ng HR nyo. :)

Hay naku sis sa company namen employee ang nag-aayos. Grr! Change name and status na lang muna from single to married. So kung saan ba ako naka-register dun ako pupunta? Thank you! :)

det060403

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #142 on: October 28, 2015, 06:50:41 pm »
Mag 2years na ko married, hindi ko pa din napapachange status lahat ng dapat. Ang natapos ko palang pa palitan ay yung passport, driver's license (temporary pa din nasakin  :( tagal ng lto magrelease), unified id for gsis/sss/philhealth, and voter's. Hindi ko pa nagagawa yung prc license (after ko nalang manganak), bank accounts, paypal account, philhealth, postal, ivt license.

Actually yung philhealth ko hindi ko na hinuhulugan, sabi ng friend ko working sa philhealth wag na daw ako dumoble ng contribution since dependent naman ako ng asawa ko. Is that true? Well, magagamit ko nga naman yung kanya and same lang ng benefits.

Pano yung sa bir? Sa employer nalang ba to?

imprincessfiona

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #143 on: October 29, 2015, 10:00:56 am »
ang napa-change status ko pa lang is yung record ko sa company, company id at sa payroll pero yung bdo,  unified id for gsis/sss/philhealth, voter's, passport and tin hindi pa. ang saklap naman ang dami ko pa hindi na-a-accomplish with regards to change status e 9 months na kaming married. ang alam ko sis kapag TIN ikaw ang magcha-change nun punta ka sa pinakamalapit na bir office kung san ka work. di ko lang alam kung pwede sa satellite office. sa sat sa mall ako magaacomplish ng change status/ name sa unified id for gsis/sss/philhealth and voter's i.d.
« Last Edit: November 02, 2015, 02:16:53 pm by imprincessfiona »

skela96c

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #144 on: October 29, 2015, 09:37:12 pm »
After 5 months napapalitan ko na ang pag ibig, BIR, philhealth, company records/ID, medicard, SSS status ko. Effort. Medyo hinahapit ko lang talaga kasi i'm giving birth December and gusto ko sana maayos ko na lahat. Tomorrow i'm applying for unified SSS ID so i can finally process my MAT 1 (?)  with my married name na.

Passport next year na lang. Yung mga cards etc, i think it can wait. Importante yung docs ko for panganganak ü

det060403

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #145 on: October 30, 2015, 06:21:59 pm »
Kung sa company lang yung bir, then ive done that already. Wala lang kasi ko proof hehe... Same lang tax ko kaya i didnt know what to expect, baka tlagang ganun unless i have children na.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #146 on: November 02, 2015, 02:25:52 pm »
Nag-try ako mag-change name and status sa satellite office ng sss sa robinson's galleria last Sat. Correction lang pala ang ginagawa nila pero yung UMID data capture sa kahit saang SSS office mismo. Akala ko naman pwede dun kumuha ng UMID card hindi pala. Try ko sa Ali Mall Cubao meron yata sila machine for UMID card processing. Ang hirap pala lahat ng identification papalitan ko. Need pa ng marriage contract from NSO yung certified true copy. Next ko asikaso is yung BIR ko naman sa mga susunod na buwan. Hirap lang kasi Sat and Sunday lang ako pwede magprocess nito. Kapag nag-vacation leave ako yan ang isa sa aasikasuhin ko talaga pero baka sa January 2016 pa. Yung voter's id ko hindi ko napa-change status hindi me nakahabol sa last minute registration sa mall hays saklap pagod much :(

mikaelavhan

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #147 on: November 05, 2015, 05:30:23 pm »
Ako din nahihirapan..una kong inaayos yung voters id ko..kaso wala di rin naman pala agad makukuha.
Tapos kanina yung sss ko..eh may umid id na ako noon pa...isusurender pala yung old.(wala na me remembrance noong single ako hehe)
Ayun naayos ko naman, nakapag change status ako at kumuha rin ng umid id..kaya.lang 1-3 months pa marerelease.hays
Pagasa ko lang siguro eh yung drivers license ko.sana wala problema!please lang po!
Next ko postal id naman.1month lang daw makukuha na...hays....ang hirap!

shygirlme

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #148 on: November 05, 2015, 06:37:07 pm »
1st nabago sakin is ID and HMO. Tapos SSS. Akala ko maayos ng hr namin yun sa philhealth at pagibig bago ako nagresign hindi pala ako pa nag ayos. Tapso voters ID pero wala pa to. Sss ID hindi ako makapagrequest kasi need ko ng ID na may new surname. Drivers License ok na pero resibo pa din. Passport 2019 pa mag expire sakin. Kakarenew ko lang last year. Sayang naman mga visa na nakadikit kung papapalitan ko agad hehe

mikaelavhan

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #149 on: November 05, 2015, 06:50:17 pm »
^^sis bakit recibo ang drivers license?kelan makukuha daw un totoo?kinakabahan tuloy ako bukas pagkuha ko..san ka kumuha sis?
About sa sss sis..pinakuha ako kanina kahit wala ako id na surname ng husband ko..nso marriage contract lang pinakita ko at hiningi....

shygirlme

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #150 on: November 05, 2015, 06:53:43 pm »
^naubusan ng papel. July pa ko kumuha di ko pa nafollow up. Iba iba talaga requirements nila ayaw ako pagbigyan kahit may dala ko marriage cert

mikaelavhan

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #151 on: November 05, 2015, 07:03:25 pm »
^^may gosh need na need ko na ng valid id hehe..sana ok bukas.hays
Regarding sa sss,sinabi ko kasi wala pa talaga ako kaya po ako kukuha sana. .(ay may barangay id pala ako sis.naka indicate na yung surname ni hubby.)yun pumayag naman..mabait yung mga staff doon sana sa lahat :)

shygirlme

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #152 on: November 05, 2015, 07:24:29 pm »
^naku yun una ko napagtanungan ok langaa kanya kaso sa iba ako napunta ayaw pumayag kinausap pa supervisor nya

imprincessfiona

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #153 on: November 06, 2015, 09:00:52 am »
^Update: sa Ali Mall Cubao pwede yung UMID data capture from Tuesday to Saturday open sila from 10am to 6pm. Fyi mga sis. You can check this link: http://www.aranetacenter.net/2008/sss.php

mikaelavhan

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #154 on: November 06, 2015, 03:43:35 pm »
finally nkapagchange name at status na ako sa drivers license ko! less than 1 hour nakuha ko na..atleast may isa na akong valid id..habang naghihintay sa ibang ids...
:)

kymmiiee

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #155 on: November 08, 2015, 09:46:15 am »
I only have SSS/UMID with my married name, na-release sakin yung Voter's ID ko a month before ako ikasal. Lol. Kakapalit ko lang ng status ko sa COMELEC last April, another 2 years of waiting na naman for my Voter's ID. I have yet to get a driver's license.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #156 on: November 08, 2015, 11:10:43 am »
^^^yung voters id mo ba dineliver sa house niyo or kinuha mo lang sa post office nga ba yun or postal office? Sabi kasi sa news may 5million  na daw na printed voters id eh june ako kumuha ulit ..meron na kaya?erb hearing ko is october nakalagay sa stub ko...
:)

kymmiiee

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #157 on: November 08, 2015, 07:38:16 pm »
^ I got my Voter's ID directly from the COMELEC office here sa place namin, di ata siya tulad ng UMID na dine-deliver sa house, though sometimes kinukuha ng barangay then sa kanila mo na ike-claim. Minimum na yata ang 2 years bago ma-release ang Voter's ID. Yung sister ko 2012 pa nagpa-rehistro and day apart lang kami till now wala pa rin kanya. Pero you can check naman from the COMELEC website kung ano na status ng ID mo, nakalagay naman dun if available na for release or queueing pa.
« Last Edit: November 08, 2015, 07:41:35 pm by kymmiiee »

simpliezel

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #158 on: November 24, 2015, 04:53:04 pm »
meron ka na ba marriage certificate from nso at isang ID na gamit na ang married name mo? kung meron na, pwede mo na gamitin [textspeak!] married name mo for renewal.

nikki09

  • Guest
Re: Change of Civil Status
« Reply #159 on: December 01, 2015, 04:00:48 am »
1 year mahigit na akong kasal ang yung sa BIR na lang yung hindi pa updated ang status ko. December last year ko inasikaso lahat hindi ko nga lang napa-update yung sa BIR kasi nung nagpunta ako down ang system hanggang January 2015. Company ID and HMO mabilis lang sa company and hindi nila ako siningil for replacement (baka gift na nila sa akin hehe).

Kaso driving licence pa lang valid ID ko na updated na yung name ko, philhealth if that counts (yung lalagyan mo ng picture at ipapalaminate mo pa) at yung sa pagibig na ipapalaminate mo din. May NBI clearance na rin pala ako with my married name.

Sa bank ang medyo matrabaho at hassle kasi palit Debit at Credit Cards talaga at may bayad at sa branch mo ka dapat pumunta. 1 week bago ko nakuha yung debit cards (different banks and location). And yung credit card 3 months (due to poor service pero sabi nila 1 month or less lang daw dapat).

Kukuha pa lang ako ng passport this month since hindi na ako kumuha bago ikasal kasi wala pa naman akong plan mag-travel abroad and since nung single ako meron na akong 2 valid IDs (driving licence and UMID) feel ko sayang din ang gagastusin ko kung kukuha pa ako ng passport tapos hindi na nga magagamit papalitan din after 1 year kasi nga magbabago ako ng name. Isasabay ko na rin yung pagkuha ng UMID since sobrang tagal dumating nung ID hehe :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close