watch now

Author Topic: SSS Discussions  (Read 269782 times)

shesanmigz

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #500 on: January 08, 2014, 11:22:20 am »
Kaya daw nagtaas ng premium ang SSS dahil sa 90B uncollected premiums from delinquent employers.  May senador nga nagku-question kung bakit umabot sa almost 10M ang bonus ng mga taga-SSS kung kulang pala sila ng funds.  Di ko lang ma-recall kung sinong senador yun.  Tapos sabi naman ng rep ng Bayan Muna partylist, dapat kolektahin muna nila yung 90B na premiums sa delinquent employers.

Di ba sila nahihiya na kumukubra sila ng bonus tapos hindi naman sila nagtatrabaho nang maayos dahil hindi nila kinokolekta yung 90B na na yun?  Tsaka di ba, sa isang company, nagbibigay lang ng bonus sa employees kung maganda ang cash flow ng company.  May target pa nga kung magkano dapat ang sales bago magkaron ng bonus.  E sila, ang laki ng kulang sa pondo dahil hindi sila nangongolekta nang maayos pero may gana pa silang kumuha ng bonus!  Panong hindi mauubusan ng pondo ang SSS nyan?  Kawawa tayo kung pagdating ng retirement age natin, wala na silang pambayad sa pension natin dahil napunta na sa bonus nila.

cruxito

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #501 on: January 08, 2014, 09:11:53 pm »
wag na mag SSS magkanya kanyang hulog na lang... kurap din kasi tong SSS na ito eh

ikaela

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #502 on: January 08, 2014, 10:05:26 pm »
Ilang beses ko na inisip kung mag-pa-voluntary membership ako sa SSS, pero lagi ako nag-ba-back out. Unang-una, as a self-employed person, ang taas ng premiums ko -- P1,560 a month or P18,720 a year. Pangalawa, ang liit-liit ng kikitain ng pera ko over the years (and the most I get when I turn 65 is what, 12k a month? May mabibili pa kaya yung by that time?). Pangatlo, ang daming stories na kinukuha identity mo if you don't take out a loan, at yan na nga, kinukurakot ang dapat maging retirement pay mo. Ngayon, may threat pa na wala nang laman ang kaban ng SSS beyond 2039. For someone like me, it makes more sense na mag-kanya-kanyang hulog na lang.
« Last Edit: January 09, 2014, 11:28:02 am by ikaela »

nataliemadz

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #503 on: January 09, 2014, 02:52:59 am »
Totoong nangyayari yung may naglo-loan sa SSS under other members' accounts.  Nangyari yan sa katrabaho ng nanay ko.  Nalaman lang nya nung nag-check sya ng account nya dahil malapit na syang mag-file ng retirement.  May outstanding loan daw sya na nag-accumulate na to 20k from the original amount na 6k.  Nung tinanong nya kung pano sya nagkaron ng outstanding loan e hindi naman sya naglo-loan.  Ang sabi daw sa kanya ng taga-SSS, pumunta daw sya sa legal department ng sss at mag-file ng reklamo.  Kung magfa-file sya ng reklamo, e magkano naman kaya ang magagastos dun at yung hassle pa na pabalik-balik ka sa SSS para mag-follow up.  May narinig nga akong advice dati na kelangan daw mag-loan tayo every 2 years kahit hindi natin kelangan yung pera or else, may ibang maglo-loan under our name at tayo ang magbabayad.

OFF TOPIC pero mention ko na din.  Sabi ng byenan ko, pati daw sa GSIS nangyayari yan.  May time daw na-entitle yung lugar nila sa calamity loan so lahat ng katrabaho nya nag-file ng calamity loan except for 6 employees daw na mapera.  Akalain mo daw na yung 6 na yun, nagkaron din ng outstanding calamity loan kahit hindi naman sila nag-loan.  Nakakagigil.

Mr.Punch

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #504 on: January 09, 2014, 03:31:17 am »
^Buti kayong self-employed merong ganyang option.  Pero kaming mga empleyado, no choice.  :S

iska-hazel

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #505 on: January 09, 2014, 04:46:01 am »
joining.. sa totoo lang naiinis ako sa pagtaas ng premium... pumaparaan na naman para may pagkunan ng bonuses ng board of directors, mahiya naman sila!!!

ezonme

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #506 on: January 09, 2014, 07:22:27 am »
good morning. I have a question, I have an sss contribution from my first employer mga 1 year din yung contribution that was 2007-2008. Since nag work at home ako as a virtual assistant, hindi na ako nakapag hulog, ipinila ako ng pinsan ko last week para makapag pa ID pero hindi ko alam kung naipa update niya ba na magiging voluntary na lang ako.. nagbayad ako kahapon as voluntary sa banko. I paid 495. I tried registering online, I checked voluntary pero sabi nung error hindi daw match yun sa info that they have. I guess I have to click employed pa din  but then It's asking for the employer ID. Is there a form I need to fill up sa SSS to change from  being employed member to voluntary member?

danda

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #507 on: January 09, 2014, 08:14:10 am »
^wala sis. automatic magpapalit kapag nagbayad ka ng voluntary.

ezonme

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #508 on: January 09, 2014, 08:41:18 am »
oh okay. thank you. i'll wait a few weeks na lang siguro and try to register again online.

gorgeouschef

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #509 on: January 09, 2014, 06:52:25 pm »

sisses, have you tried logging in sa site recently? may problems ba na na-encounter? kasi tama naman yung user name and password ko pero it's not working, mali daw.  >:(

andreil_19

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #510 on: January 11, 2014, 10:58:39 pm »
I am a voluntary member, almost 10 yrs na rin ang contributions ko including my previous employer. I overheard kasi na kapag naka-10 yrs ka na ng contribution okay na daw yun same amount of benefits/pension lang din daw ang matatanggap mo kahit   beyond 10yrs pa ang hulog mo.Is it true? I'm thinking to stop na may contribution what stopping me ay para makapag-avail ng maternity benefit just in case i'll get pregnant again.

ladyisabella

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #511 on: January 14, 2014, 01:25:35 am »
mga sis question:

my dad died jan 5, 2014 age of 59. Good ang SSS record nya,  Before sya mamatay nakafile pa sya ng disability at nakareceive ng (30k for 3 months) disability from SSS.

may matatangap pa kaya pension mother ko as my dad's beneficiary kahit di sya umabot ng 60?

Thanks mga sis!


ikaela

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #512 on: January 14, 2014, 02:19:37 am »
^Yung father-in-law ko sis namatay at 59, and ganyan din, kumpleto SSS payments. Nakatanggap naman yung wife niya at that time. 'Di ko nga lang alam ang full details, if she got monthly pension or received a lump sum. Pero parang lump sum kasi on the papers, mga nasa six figures yung mga amounts na nakalagay.

ladyisabella

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #513 on: January 14, 2014, 03:06:29 am »
^^ Thanks sis! medyo worried lang ako sa mom ko.
Thanks ulet! :)

akohcghie30

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #514 on: January 27, 2014, 11:00:49 pm »
sis pd pasali? gsto ko sana malaman kung totoo ba na kelangan mo mgloan or atleast kunin mo muna [textspeak!] nadistribute mo if in case nka 120 contribution kna? kc im 30 na po so may 20 contribution nko so 100 nlng...in 10 yrs 40 nko so mkaka 120 contribution nko ibg ba sbhn nun kelngn ko muna iwidraw [textspeak!] contribution ko pra d mgmit ng iba...tpos after nun pd ulit me mgtuloy ng hulog...so pd pa till mkareach ako ng 65 pra sa pension ko??
 

binapot

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #515 on: January 28, 2014, 04:31:04 pm »
Hi. Tanung lang po, ano po ba pagkakaiba ng self employed sa voluntary member ng SSS? I'm planning to change my status, ano po ba qualifications ng SE and ng VM? May work po ako dati, gusto po sana i-continue contribution ko. Thanks!
« Last Edit: January 29, 2014, 09:44:43 am by binapot »

angelovepink

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #516 on: February 12, 2014, 10:33:38 pm »
Mga sis, gano katagal bago magreflect yung contributions nyo online? I pay my contributions kasi via SM Payment Center and napansin ko since December last year laging late yung posting nila.

Last year I had to go to their office para maverify yung payments ko for November and December. And now ganun nanaman ata mangyayari sa premium ko for January, sayang sa oras.

Ano bang payment facility yung mabilis magpost/verify ng payments? I'm self-employed btw. Thanks!

heyBree

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #517 on: February 13, 2014, 07:17:28 pm »
Mga sis, gano katagal bago magreflect yung contributions nyo online? I pay my contributions kasi via SM Payment Center and napansin ko since December last year laging late yung posting nila.

Last year I had to go to their office para maverify yung payments ko for November and December. And now ganun nanaman ata mangyayari sa premium ko for January, sayang sa oras.

Ano bang payment facility yung mabilis magpost/verify ng payments? I'm self-employed btw. Thanks!


I pay at SM din and nagrreflect sa online account ko after a month but not more. I tried paying sa Western to check and same case. Mas matagal pa nga ata. I think hindi nakadepende kung san ka nagbabayad, sa system mismo ng SSS.

angelovepink

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #518 on: February 14, 2014, 02:14:20 am »
^ sis, thanks! that's a big relief.. I'll wait nalang din siguro.

Kasi sakin until November last year okay naman yung posting -- within the week credited na sa account ko. Kaso yun nga nung December dun nagstart yung late posting nila sa account ko.

Na-try ko narin pala sa Bayad Center and mas matagal din sa kanila last year, not sure now.

Sana magupgrade din sila ng services/system nila since nagincrease naman na sila ng premiums...  :(

babyboo.0326

  • Guest
Re: SSS Discussions
« Reply #519 on: February 14, 2014, 02:35:53 am »
hmmmm.. so it seems hindi lang pala sa office namin ang may problema sa posting ng payments ng loan sa SSS. so if we want to have it verified, punta nalang ng SSS branch? last payment posted ko was last May pa  ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close