Me too... I'm single, been to MU-type of relationships but akala ko lang pala MU, yun pala one-way lang

Anyway, I'm already 30 and honestly, nawalan na ako ng gana... Ewan ko ba, siguro sa kakatambay ito dito sa GT *LOL* lalo na sa mga threads na paulit ulit niloloko ng lalake yung babae...
Alam ko nawalan ako ng gana kasi there were two guys (although hindi naman sila sabay) na nanligaw, pogi naman sila pero hindi heartthrob-type, mabait naman... pero wala talaga e.. kasi naman pare-pareho lang ng sinasabi, kaya naaalala ko tuloy yung mga nanloko sa akin dati

or siguro hirap na ako maniwala sa mga sinasabi ng mga lalaki... Kasi dumating ako sa point dati na inis na inis ako sa sarili ko, sinasaktan ko na sarili ko kasi parang napakaloser ko kasi andali kong maniwala noon e, madali akong mafall in love

or siguro kasi kahit yung huling lalaking iisipin kong lolokohin ako ay pinaasa ako... and I even put my life on hold for him, kasi nga hinihintay ko sya only to find out he's getting married na... may usapan kasi kami e... okay lang sana kung ako lang yung nag"assume" na may hinihintay ako.
Meron din isa dati, alam naman nya na madali akong mainlove, alam nya na nainlove ako sa kanya dati, alam nya na kapag nainlove ako hindi nawawala yun. Natatabunan, oo. Pero hindi nawawala... Aba! itong malandi at talagang todo landi samantalang pareho naman naming alam na may babae na nagusto nyang pakasalan... kaya ayun, nagpalit ako ng number, email, FB account

Wow! ngayon ko lang ito nalabas ha... at sa forum pa. hehe... but yeah! I'm single too

am I still hoping to meet my guy? well... siguro andun parin ang hope, but not really really hope.. kung dumating, edi dadating. Kumbaga, hindi na yun priority ko, hindi na part ng dream ko sa buhay.
Pero alam nyo ang sobrang weird, alam ko kasi ikakasal din ako at magkakaroon ako ng mga anak... hindi ko alam paano ko nasabi at hindi ko alam paano mangyayari at hindi ko alam kung kanino, basta nafeel ko lang

uhm, hindi kaya nasisiraan na ako ng ulo? nyahahaha
HAPPY NEW YEAR!